Lumabas ng staff house si Oshema at nagtungo sa kweba. One week ng absent si Joul. Hindi na rin ito sumisipot sa practice. Si Venessa ay pumupunta sa kanya at walang ginagawa kundi umiyak. Hindi na rin niya mapigilan ang mag-alala sa binata. Walang makapagsabi sa kanila kung anong nangyari rito. Ang mga kasama nito sa dorm ay wala ding alam. May haka-haka ang ibang mga guro na baka umalis ito ng Martirez dahil nasangkot sa away. Ayaw niyang mag-isip ng masama pero kumakabog ang puso niya tuwing naiisip ang posibilidad na iyon.
Napasinghap siya nang sumalubong ang kadiliman sa loob ng kweba. Kinapa niya sa bulsa ang dalang lighter at pinailaw. Nilapitan niya ang unang sulo para sindihan pero nahinto siya at tumalon ang puso nang mahagip ng tingin si Joul sa isang sulok. Nakasandal ito sa malaking bato habang nasa kandungan nito at natutulog ang dalawang kuneho. Nagkatitigan sila. Una itong bumawi. Agad nahulog ang mga mata niya sa pasa nito sa gilid ng labi at sa nakabendang mga kamay. Sinindihan niya ang mga sulo. Nagising ang mga kuneho at nakiramdam. Nang makita ng mga itong siya lang ang nandoon ay bumalik na ang dalawa sa pagtulog. Ibinalik niya sa bulsa ang lighter at lumapit siya kay Joul. Ang malamlam nitong mga mata ay nakapako ulit sa kanya.
"Anong nangyari?" Tanong niyang naniningkit ang mga mata. " What are those bruises in your face? Nakipag-away ka ba?"
Umiwas ito ng tingin. "Wala 'to." Malamig nitong sagot at itinago ang mga kamay sa bulsa ng pantalon.
"Walang nangyari pero absent ka ng isang linggo?" Napansin niyang namumula ang mga mata nito at nararamdaman niya ang mainit na singaw mula sa katawan nito. He's having a fever. Sigurado siya roon. "Hintayin mo ako, kukuha lang ako ng gamot." Akmang aalis siya pero hinawakan nito ang kanyang kamay.
"Okay lang ako." He said in a husky voice.
"May lagnat ka." Angal niya na pilit binabawi ang kamay mula sa pagkakahawak nito pero ayaw siya nitong bitiwan.
"Stay, please. I'm fine." Natameme na lamang siya habang nakatunghay sa nagsusumamo nitong mga mata.
"Sinong nakaaway mo?" Tanong niya at naupo na lamang sa tapat nito. Itiniklop niya ang mga binti.
"Taga-ibang school." Tipid nitong sagot.
"Bakit ka nakipag-away?" Natutukso na siyang abutin ang kamay nitong may benda para tingnan kung malubha ang sugat na naroon. Tingin niya ay namamaga na iyon. Hindi siguro nito ginamot ng maayos.
"They bullied some of our freshmen."
They, so hindi lang iisa ang nakaaway nito. Did he take them on alone? Nanalo kaya ito sa suntukan? Probably. Kahit kunti pa lamang ang alam niya sa pagkatao nito, tiyak niyang ito ang uri ng lalaking hindi basta-basta nagpapatalo. God, why is she thinking like this anyway? Parang gusto pa tuloy niyang suportahan ito sa pakikipagbasag-ulo nito. Kahit pa may maganda itong intensiyon mali pa rin ang paraan nito sa paghahabol ng katarungan para sa mga kaeskwelang naagrabyado.
Huminga siya ng malalim. "Bakit ka umabsent?"
"Hindi ako pwedeng sumipot sa klase na ganito ang hitsura ko." Katwiran nito. Tama naman. Siguradong magiging tampulan ito ng panghuhusga ng mga guro. Pero may pakialam ba ito sa iniisip ng ibang tao? Parang wala naman.
"Dapat sinabi mo sa akin." Hirit pa rin niya.
"Ayaw kitang umiyak na naman." Mahina nitong sagot.
"Bakit naman ako iiyak?"
"Di ba sabi mo pinaiiyak kita?"
Umikot ang bola ng mga mata niya. He's literally misinterpreted what she said. Pero hindi na niya ipaliliwanag iyon at baka magkamali na naman ito ng pagkakaintindi. Dumaan ang saglit a katahimikan. Dinig niya ang bawat mabigat na paghinga nito. Umusod siya at dinama ang noo nito. Bahagya pa itong nagulat nang dumapo ang palad niya roon.
"Masyado kang mainit. Di ka ba uminom ng gamot?" Hindi niya maitago ang pag-aalala sa tono.
"Okay lang ako." Sabi nitong naglalaro sa sulok ng mga labi ang bahagyang ngiti.
Umirap siya. Binawi ang kamay at ibinalik sa kanyang kandungan. Umayos na rin siya ng upo. Ano kayang nakakatuwa sa sitwasyon nito ngayon at nagawa pa nitong ngumiti-ngiti? Ang sarap lang kutusan.
"Nakausap mo na ba si Vanessa? Sobrang nag-alala iyon sa iyo." Nakokonsensya siya nang maalala ang pamangkin.
"Hindi pa." Sagot nitong hinahaplos ang tulog na mga kuneho. "Sasabihin mo ba sa kanya na nag-usap tayo?" Ganti nito.
Umiling siya. Ayaw niyang gumawa ng dahilan na maglilikha ng pagdududa sa isip ni Vanessa.
"Uuwi na ako. Umuwi ka na rin para makapagpahinga ka. It's getting late." Tumayo na siya at pinagpag ang lupa na dumikit sa suot na tight jeans. Ikiniskis din niya sa isa't isa ang mga palad para maalis ang alikabok. " At uminom ka ng medicine pagdating mo sa dorm." Paalala niya habang naglalakad patungo sa bukana ng yungib.
Tinapunan niya ng sulyap ang lagusan ng yungib bago nagpatuloy pauwi sa staff house. Pagdating sa bahay ay ni-lock niya ang mga pintuan at niligpit ang lighter sa kusina saka siya umakyat sa kanyang kwarto. Naligo muna siya at pagkatapos ay nagbihis ng itim na board shorts at spaghetti strapped na blouse para sa pantulog. Pero tinupi muna niya ang mga damit na kinuha niya sa sampayan kanina. Hindi pa siya inantok kaya nagbasa muna siya ng libro pagkatapos niyang magtupi. Nakailang pahina na siya pero walang pumapasok sa ulo niya. Ibinaba niya ang aklat sa kanyang tabi at nahiga. Umuwi na kaya si Joul? Naiinis siya sa sarili niya. Bakit di matanggal sa isip niya ang lalaking iyon? Nag-aalala talaga siya. Parang gusto niyang bumalik doon sa yungib para tingnan kung umuwi na ito.
"Tumigil ka, Oshema. Nababaliw ka na." Kastigo niya sa sarili.
Isinubsob niya ang mukha sa unan. Nasa ganoon siyang ayos nang marinig niya ang kaluskos mula sa may terrace ng kanyang kwarto. Napabangon siyang bigla. Ano kaya iyon? Baka pusa lang. Napapitlag siya nang umalingawngaw ang malakas na kalabog. God! Di kaya akyat-bahay? Wala pa namang ilaw doon sa terrace. Sinipat niya ang cellphone. Sinong itetext niya para humingi ng tulong? Hindi niya alam ang emergency hot line ng police station ng Martirez. Dali-dali siyang bumaba ng kama at naghanap ng pwede niyang ipalo sa magnanakaw na nangahas na umakyat sa kwarto niya. May nakita siyang dos por dos na mga isang dipa yata ang haba sa likod ng book case. Ginamit niyang pantukod iyon sa steel bar na sabitan ng mga hanger. Di kasi magpantay ang mga paa. Bitbit ang pamalo, lumapit siya sa nakasaradong pinto ng terrace at dahan-dahang pinihit ang doorknob. Nahagip ng tingin niya ang aninong bumungad sa awang ng pintuan. Hindi na siya nag-isip pa at inangat ang dos por dos para ihampas sa taong papasok. Pero bago pa tumama iyon dito ay bumalandra sa kanya ang mukha nito. Nalaglag ang panga niya.
"Joul?" Nabitiwan niya ang pamalo at muntik ng tumama iyon sa kanyang paa mabuti na lang at mabilis na natabig iyon ni Joul.
"Fuck!" Mura nito na sinundan ng tingin ang dos por dos na humampas sa dingding at lumikha ng ingay na halos nagpatalon sa kanya.
"You're crazy! Why are you here?" Sabi niyang di malaman kung magagalit o matatakot.
"Because i'm crazy, kasasabi mo lang." Pabalang nitong sagot. Hinawakan ang seradora at isinara ang pinto. Ni-lock. "Tsk, napakaburara mo. Di ka marunong mag-lock ng pinto. At bakit walang ilaw ang terrace?"
Hindi siya makapagsalita. Hindi ma-proseso ng maayos ng utak niya ang nangyari. Blankong napasunod na lang ang tingin niya rito habang tinutungo nito ang nag-iisang sofa sa kanyang silid at kampanteng humilata roon. Ginawang unan ang isang kamay. Napasubsob siya sa mga palad. Oh my God, what is he doing here? What is happening?
Nanghihina ang mga tuhod na humakbang siya at napaupo sa gilid ng kama. Gusto niyang sumigaw pero di niya alam kung saan napunta ang kanyang boses. Binalot sila ng nakabibinging katahimikan na binasag ng mahinang pag-ubo nito.
"Nagugutom ako, may pagkain ka ba?" Hinahaplos nito ang tiyan habang nagtatanong.
She closed her eyes trying her hardest to keep herself together Kailangan niyang kumalma. Walang mangyayari kung magpapanic siya. Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Bumaba siya sa kusina para kumuha ng pagkain. Mabuti na lang at may natira pa sa niluto niyang sweet and sour na isda at tinulang hipon. Naglagay siya ng kanin sa isang plato at nilipat niya sa soup bowl ang tinula at sa china plate ang sweet and sour.Kumuha siya ng kutsara at tinidor. Nilagay niya ang mga iyon sa food tray at binitbit. Papaakyat ng hagdan ay natanaw niya si Yzack na bumababa para salubungin siya. Kinuha nito mula sa kanya ang tray.
"Sana sinabi mo para nasamahan kita. Akala ko bumaba ka para tumawag ng police, eh." Nangingiti nitong sabi.
Inirapan niya lang ito. " Kukuha lang ako ng tubig." Bumaba siya muli sa kusina at kumuha ng tubig sa ref. Sinamahan na rin niya ng saging. Kumakain na ang binata nang abutan niya sa loob ng kwarto. Nilapag niya sa mesita ang dalang pitsel at ang dalawang pirasong saging. Saglit lamang siyang sinulyapan nito habang seryosong kumakain. Naiiling na tinungo niya ang side table at binuksan ang drawer. Kumuha siya ng gamot sa lagnat at ubo at dinala rito.
"Pagkatapos mong kumain umuwi ka na." Sabi niyang nilapag sa tabi ng tubig ang gamot.
"Dito ako matutulog." Walang gatol nitong sagot matapos lunukin ang nginunguyang pagkain.
"Wag mo akong daanin sa kalokohan mo?" Nagbabanta niyang pakli.
"Sinong nagloloko? Lampas na ako sa curfew ng dorm. Di na ako papapasukin doon." Nagsalin ito ng tubig sa baso at uminom.
"Hindi ka pwedeng matulog rito." Matigas niyang ungot. "At anong pumasok sa utak mo? Bakit umakyat ka doon sa terrace? Paano na lang kung nahulog ka?" Ramdam na ramdam niya ang pagsabog ng inis sa tuktok ng kanyang ulo. Umuusok na siguro ang bumbunan niya.
"Kung sa harap ba ako dumaan pagbubuksan mo ako?" Dinampot nito ang saging at binalatan saka kumagat ng malaki. Doon lang niya napansin na nasimot na nito ang pagkain.
" Paano na lang kung may nakakita sa iyo na pumunta rito?" Di niya ma-imagine ang gulong kasasadlakan kung may nakakita rito na umakyat doon sa terrace. Baka maging mitsa pa iyon na mabunyag ang sekretong iniingatan niya.
"Tulog na ang mga tao. At siniguro ko naman na walang makakakita sa akin." Niligpit na nito ang pinagkainan at binitbit ang tray.
Nakabuntot siya rito habang palabas ng kwarto. "Please, Joul. You can't sleep here." Pagmamakaawa niya.
" I won't do anything bad, Oshema, so quit it." Kinilabutan siya sa paraan kung paano nito bigkasin ang kanyang pangalan na para bang nasa ilalim siya ng isang spell na kagagawan nito at hindi siya makawala.
He washed the dishes habang siya ay nanonood lang. Nilinis din nito ang sink matapos patuyuin ang mga hinugasan at ibalik sa kinalalagyan. Gusto niya pa rin itong kumbinsihin na umalis pero sa tingin niya ay hindi niya talaga ito mapipilit.
"Pwede ako matulog dito sa ibaba. Diyan sa sofa." Itinuro nito ang mahabang sofa sa sala. "Pahingi na lang ng unan at saka kumot na rin. Giniginaw kasi ako." Humakbang na ito patungo roon.
"Doon ka na sa kwarto matulog." Pahayag niya at tumalikod paakyat ng hagdan. Pwede naman ito sa sala pero baka dumating si Vanessa.
Pagdating nila sa loob ng kwarto ay kumuha siya ng extra kumot sa cabinet at ibinigay niya rito ang isa sa mga unan na nasa kama.
" Diyan ka sa sofa."
Tumango ito. " May extra toothbrush ka ba?"
"Nandoon sa loob ng banyo. The green one." Naupo siya sa kama at inayos ang unan niya. Pumasok ito sa banyo. Napahawak siya sa dibdib at pinakiramdaman ang mabilis na pagtambol ng kanyang puso. Hinding-hindi siya masasanay sa presensya ni Joul. Whenever he's around, her heart loses its beat and rhythm. Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya. All of this is so new to her. Parang mali na sa halip galit ang madama niya ay ganito. Nakahiga na siya nang lumabas ng banyo ang lalaki. Dumeretso ito sa sofa at nahiga na rin.
"Goodnight, Oshema." Sabi nito.
"Goodnight," mahina niyang sagot at itinago ang mukha sa kumot.
Maagang nagising kinabukasan si Oshema kahit walang pasok. Bumangon siya at dumeretso sa banyo para maligo at magtoothbrush. Doon na rin siya nagbihis. Blue jeans na hapit at puting hanging blouse. Pagkalabas niya ay saglit niyang sinilip si Joul na mahimbing pa rin ang tulog. Nakataob ito sa sofa at nakatago sa ilalim ng unan ang mga kamay. Sinalat niya ang noo nito. Ingat na ingat para wag ito magising. Bumaba na ang lagnat nito. Napako ang mga mata niya sa pasa sa gilid ng labi nito. Natutukso siyang haplusin iyon pero pinigilan niya ang sarili. Mabilis siyang umatras nang makitang gumalaw ang mahahaba nitong mga pilik-mata. Magigising na yata ito. Agad siyang lumayo at nagtungo sa pintuan. Nag-iwan siya ng sulyap rito bago lumabas at bumaba ng kusina para maghanda ng agahan.
Kanin, pritong dilis, egg sunny-side up at chocolate pumpkin oatmeal ang niluto niya. Kasalukuyan siyang naghahain sa naroong mesa na bilugan nang dumating si Vanessa. Halos tawagin na niya lahat ng santo dahil sa nararamdamang pagkabahala. Gayunman, nagtagumpay pa rin siyang harapin ang pamangkin ng kalmante at nakangiti.
"Tamang-tama, kakain na ako ng almusal. Sabayan mo ako." Yaya niya rito sa masiglang tono.
" Mamaya na ako, ate. Di pa ako nagugutom." Matamlay nitong sagot. Banaag sa mukha nito ang pagod at kawalan ng tulog. Nangingitim ang paligid ng mga mata nito. Kinain siya ng kanyang konsensya habang pinagmamasdan ito.
"Pupunta ako mamaya sa palengke, gusto mong sumama?" Tumalikod siya at mariing kinagat ang labi. Naiinis siya sa sarili niya. Pero walang magandang idudulot kung malalaman ni Vanessa na nandoon si Joul.
"Sorry, ate, pero pupunta ako sa dorm ni Joul ngayon. Hihintayin ko siya. May nakakita kasi sa kanya kahapon."
Parang may humila sa kanyang sikmura at piniga ang kanyang laman. "Saan daw siya nakita?" Nagkunwari siyang inaayos ang mga nakahaing pagkain kahit na maayos naman ang mga iyon.
"Doon daw sa may ilog. Baka uuwi siya ng dorm ngayon."
"Mabuti naman." She could hear the hollow on her own voice. Muli niyang hinarap ang pamangkin. Pero wala na ito sa kinatatayuan kanina at sa halip ay naglakad papuntang hagdan. Alam na niya kung saan ang destinasyon nito. Ang kwarto niya sa itaas. Nanlamig siya at napako ang mga paa sa sahig. She is dead. Pabagsak siyang naupo sa pinakamalapit na silya at isinubsob ang mukha sa mga palad. Gusto na niyang maiyak sa disperasyon. Bakit kailangan niyang masadlak sa ganito? Hindi siya ganito! Ayaw niyang maging ganito.
Tumayo si Oshema at naglakad papuntang sala. Kailangan niyang harapin ito. Hindi siya dapat maduduwag at tanggapin kung anong magiging opinyon ni Vanessa matapos niyang ipaliliwanag lahat. Naupo siya sa sofa at hinintay na bumaba ang dalaga para komprontahin siya. Nakaabang ang mga mata niya sa hagdanan. Pero laking pagtataka niya nang makitang si Joul ang nagmamadaling bumaba. Hinintay niyang susulpot mula sa likod nito si Vanessa pero wala hanggang sa tuluyang nakalapit sa kanya ang binata ay wala ang dalaga. Tinapunan niya muli ng sulyap ang tuktok ng hagdan.
"Anong ginagawa ni Vanessa rito?" Tanong ni Joul na kontrolado ang lakas ng boses.
"Nasaan siya? Di ka ba niya nakita?" Sunod-sunod niyang tanong na halos pabulong na lang din.
"Pababa na ako nang makita ko siya rito sa sala. Bumalik ako doon sa kwarto at nagtago ako sa terrace. Nong pumasok siya ng banyo saka ako lumabas." Paliwanag ng lalaki. Pareho silang patingin-tingin sa itaas ng hagdan at tila parehas din silang kabado.
"Please, Joul, I don't want to be rude pero kailangan mo ng umalis." Pakiusap niya rito.
Mukhang naintindihan naman nito ang pagkabahala niya. Tumango ito at nagtapon ulit ng sulyap sa may hagdan bago humakbang patungong pintuan. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib pagkaalis ni Yzack.