Descargar la aplicación
17.74% 3:02 Times Up / Chapter 11: 10

Capítulo 11: 10

Boo!

Lary

Nagising sa isang katok batid kong si Manang delia iyon at pinababa na ako tiningnan ko ang wall clock ko sa dingding

Alas-sais na pala ang ang pasok ko ay 7:30

Tumayo na ako at mabilis na pumunta ng cr para maligo.Habang nasa shower ako naiisip ko pa rin siya yung babaeng minahal ko at ang nagwasak ng puso ko

Dinama ko ang bawat pagpagak ng tubig sa aking mukha naalala ko pa kung paano ko siya yakapin sa likod,kung paano ko siya alagaan,kung paano kung siya patahanin kapag umiiyak siya dahil sa period niya at kung paano ko siya pakiligin,at kung paano ko rin siya pakiligin

Hinihingal kong buksan ang ang aking mata.Nung matapos na ako sa aking pagligo ay tumingin ako sa aking salamin.

Ilang years na pero siya pa rin

Third

Nagising ng maaga si Aling Lourdes at inahanda niya ang kanilang umagahan mag-anak.Habang inihahanda niya ang mga lulutuin ay napatingin siya sa likod at nakita niya ang kanyang anak na si chichay

"Ang aga mo naman nagising chichay?"tanong nito at kinuha ang kutsilyo para hiwaan ang sibuyas at bawang at muling tuningnan ang bata

"Nay wala lang pag nagising ba ng maaga bawal na?"ngumiti na lamang si Lourdes at pinagpatuloy ang kanyang paghihiwa muli nitong sinulyapan ang bata at nakatingin ito sa labas

"Nay kamusta na kaya si ate riri?"tanong nito na siyang kinatigil niya bumuntong hininga ito bago sumagot

"Ano ka ba maayos lang ang ate riri mo!Tiyak na nakakapasok na yun ngayon."masayang saad nito at inalagay na ang bawang at sibuyas sa kawali at ginisa

"Nay maligo lang po ako ah!"paalan nito at umakyat na habang si loudes naman ay tumingin sa taas kung nasaan ang kwarto ni riri

Ilang oras lang ay natapos na ang pagluluto ni Lourdes at inihanda na ang mga kubyertos at mga plato.Habang bumaba na ang kanyang mga anak at ang kanyang ama at ina

Habang kumakain sila ay nakarinig sila ng isang tunog ng sasakyan lumabas ang ama na si Lito ganun din si Loudes at nakita nila ang isang magarang sasakyan at lumabas dito ang isang mayamang lalake sa kanilang bayan

Walang iba kundi si Don Miguel!

Agad lumapit ang mag-asawa ang binati nila ito ng magandang umaga tumango ito sa kanila

"Ano pong mapaglilingkod namin sa inyo Don Miguel?"tanong ni Lourdes at nakangiti ito sa kanya

"Maari ba tayong mag-usap sa may bukiran?"tanong nito at nagkatinginan ang mag-asawa ngunit di na rin sila nag-dalawang isip pang pumayag dito

Habang naglalakad ay tumikhim si Don Miguel.Bakas ang takot sa mata ni Lourdes at hinawakan lamang ni Lito ang kamay nito para maibsan ang takot na nararamdaman

Nang makarating sila ay agad na hinubad ni Don Miguel ang kanyang sumbrero at humarap sa mag-asawa

"Nasaan siya?"tanong nito at sa malumanay na boses ang tono nito samantalang si lourdes ay napapikit

"Wala po siya rito Don Miguel."matipid na sagot ni Lito at nakayuko

"Mabuti."gulat ang reaksyon ng dalawa sa narinig nila dahil batid nila ang pakay ng matanda sa kanila

"Ho!?Bakit po mabuti?"tanong ni Lourdes ang kita sa mukha nito ang pagtataka at gulat sa narinig sa matanda

"Pinaghahanap siya ngayon ng taong gusto pumatay sa kanya.Mabuti na rin na wala siya dito di siya agad matuntun."mas nagulat ang mag-asawa at naiiyak na si Lourdes sa mga naririnig mula sa matanda

Nag-aalala si Lourdes sa kanyang anak ngayon na naririnig niya ang masamang balita

"Don Miguel bakit po siya pinaghahanap eh diba ang alam nila ay patay na ito?"tanong ni Lourdes at napalunok

"Nakahanap sila ng source na kung saan ay nalaman nilang buhay pa nga ito."saad nito at inilagay na ang kanyang sumbrero sa kanyang ulo at nagpaalam na

Umiiyak naman si Lourdes lalo pa't sobra sobra ang pag-aalala nito sa mga kanyang anak na nasa Maynila.

"Paano Lito kung matuntun nila ang mga anak natin?"tanong nito at pilit pinatatahan ni Lito ang asawa sa kabila ng pag-aalala at takot nito

Rosie

Gumising ako ng maaga dahil kinakailangan ko pang pumunta sa Library kailangan kong kumuha ng detail dduon sa libro na yun

Lintik na professor ang aga magbigay ng assignment buti na lang at picture lang okay na daw basta meron.Natapos ako sa pag-aayos pero yung tatlo ayun tulog pa tiningnan ko sila isa-isa bago ako umalis

Nang makarating na ako sa Campus ay agad akong tumakbo papuntang Library di ko na naisip yung mga tao sa daan nagmamadali rin ako eh.Maaga pa naman dumating yung professor na yun

Hanggang sa may nakabungo saakin at nakapatong pa ako sa kanya gosh!!!

Tiningnan ko yung lalake at gulat na gulat ako kung sino siya dyosko bat sa lahat siya pa ha!?Agad akong tumayo at nag-sorry sa kanya at tumakbo papalayo

Nang makarating na ako sa Library ay hinihingal ako shet!Pero mas kailangan kong pagtuunan ng pansin yung Assignment ko

Nung mahanap ko yung linro na sinasabi ni Professor Lea ay agad ko itong pincturan at di ko pa napipicturan yung last may kumuha na

'Aba't bastos yun ah?'

Tiningnan ko yung lalakeng yun at sa itsura pa lang nito mukhang maangas na ang datingan ah?

"Miss tapos ka na ba?Kung oo sige mauna na ako!"di pa ako nakaka-oo tinakas bwesit yun sana pwedeng sumigaw dito ayshhh anong oras na ba?

May 10 minutes pa ako

Hinanap ko kung nasaan yung lalake at nandun siya likod at kung hinablot ang libro at pinicturan ang dulong page na pinapicturan ni Prof.Lea

"Thanks!"kita ko sa kanya ang pagkagulat at nginitian ko lang siya ng pang mataray lechugas na lalaki yun

Habang naglalakad ako sa Hallway pero napaisip ako sa lalakeng yun kasi kinuha niya yung libro na hawak ko it means parehas kami ng prof at may tyansa na baka magkaklase kami pero di siya familliar saakin

Baka naman taga ibang section naman yun pero same ng prof?

Ayshhhh....

Tumakbo na ako ng makita kong may 3 mins na lang ako tapos 5th floor pa ako lalakarin ko pa yun.Nang makarating ako sa classroom ay wala pa duon si Professor Lea at nandito na rin ang iba ko pang classmate

Umupo na ako at himarap sa blackboard nasa bandang likod ako.Di pa rin ito ang aming official seat aayusin daw kami ngayon kasi naman may mga by-paryners na pagawa si Prof. Lea

Napukaw ang atensyon ko sa isang lalakeng pumasok at ito yung lalake kanina

"Magkaklase kami?"

"Oyy rosie okay ka lang nakanganga ka eh."ani ni Yra saakin at tumingin sa tiningnan ko

"Ay si POGI!"ang baduy naman ng pangalan mukha siya bata sa pangalan nito

Ilang minuto lang din ay dumating na rin si Professor Lea at nag-greet kami sa kanya

"Class kahapon nagpakilala na tayo sa isa't isa right?"tumango naman kaming lahat."He is transferee to our school ikaw pakilala mo yung sarili mo now na."ani ni Professor Lea minsan masungit tung babaeng to may dalawa siguro toh

Inilibot nung lalake yung kanyang mata hanggang sa nakita niya ako at nagtama ang mata namin

"Hi everyone especially to the girl i've seen before.I am Slate Williams i hope maging friends tayo lahat."ani nito at yumuko pinalakpakan namin siya at pinaupo naman ito sa may likod ko

"Ang malas ko naman."bulong ko at mukhang narinig niya dahil narinig kong tumawa ito ng mahina

Kasalukuyang inaayos ni Professor Lea ang upuan namin by number ang ginawa ni maam para maiba dahil puro na lang alphabetical

Nung nakabunot ako number 34 ako ayshh sana talaga hindi siya ang 35 kundi ayshhh hay nako 35 lahat kaming styudante swerte ako kung babae pa ang katabi ko

Yung iba kasi ay babae at ang iba ay lalake sana talaga dyosko papakain ako sa lupa kung siya ang makatabi ko!!!!

"No.32 and 33 here."

Napatingin ako sa latabi ko si Yra at yung lalakeng nerd yung magkatabi means

'KAMI NA LANG DALAWA!KAMI ANG MAGKATABI!!!!'

"No.34 and 35 here ahmm Ms.Santiago duon ka sa bintana."pagkatapos nito sabihin ay bumalik na siya sa kanyang desk at nagsimula ng magturo ito

Dyosko ay nako kainan na sana ako ng lupa

"Hi Ms.Santiago."tumingin ako sa isang Slate nato at ngitian niya ako ng nakakaloko aba't ang isang toh sarap kutusan ah?

"Wag mo nga akong tawagin kung wala kang sasabihin na maganda."ani ko at inirapan siya at tumingin sa blackboard

Mabilis na natapos ang klase ko sa biology at habang naglalakad ako ay napaisip ako kung paano nalaman ng Slate na yun ang assignment?

Di kaya nasabihan na siya?Imposible naman yun?O di kaya manghuhula siya?

"Boo!"napatili ako at napatingin ako sa paligid at nakatingin sila saakin tumingin ako sa likod ko at nakita kong kumaripas ng takbo yung lalake mukhang kilala ko kung sino siya

"Slate Williams sinusumpa na talaga kita!"


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C11
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión