Descargar la aplicación
51.61% The Dieties Heiress / Chapter 16: Chapter 16: Change

Capítulo 16: Chapter 16: Change

Martha's POV

Ngayon ay inaantay ko si Mizore at Maverick palabas ng isang silid ng eskwelahan dito sa mundo ng mga tao.

Maya maya pa ay lumabas narin ang mga ito galing sa loob.

"Ano ba ang ginawa niyo roon?" tanong ko sa mga ito. Ngumisi naman si Mizore saakin.

"Mag aaral tayo dito gaya ng mga pangkaraniwang mga tao." wika nito saakin. Napakunot noo naman ako sa sinabi nito. Mag aaral? Seryoso ba siya sa kaniyang winika? Pwede naman naming agad kunin yung babaeng yaon ng sapilitan. Bakit kailangan pa naming magsayang ng oras?

"Para mapalapit tayo sa kanya, kailangan kunin natin ang loob nito."wika ni Maverick. Ang isang ito ay isang malaking epal sa buhay ko. Hindi na ako nagtataka kong bakit hindi nagdalawang isip si Ina na paslangin ito noon.

Ngumiti si Mizore saakin.

"Mabuti pa ang iyong kapatid at marunong mag isip."wika nito. Sa pagkakaalam ko, ako ang prinsesa dito. Eh, bakit mukha atang hindi ito panig saakin.

"So anong nais mong sabihin, Mizore?"pagtataray ko sakanya. Nararapat bang ganito ako itrato ng nilalang na ito.

Nilapit nito ang mukha nito saakin. Pansin ko rin naman ang lalong pag ganda nito habang tumatagal dito sa mundo ng mga tao.

"Nais kong iparating saiyo na dapat mag isip ka bilang isang ganap na Prinsesa at hindi isang inutil, mahal na Prinsesa. Ganiyan ka ba talaga pinalaki ni Reyna Fleariza?"pang iinsulto nitong sabi saakin. Natahimik na lamang ako sa sinabi nito at nagkatitigan na lamang kaming dalawa.

Hindi pa tapos ang aking misyon kaya hindi ko muna siya papaslangin. Kailangan ko pa si Mizore sa mga plano ko. Isang inutil? Pagsisisihan mong sinabi mo iyan saakin, Mizore.

Inilayo nito ang mukha nito saakin at ibinaling ang tingin kay Maverick.

"Ihanda mo lahat ng gagamitin natin, Maverick."ani nito sa kapatid ko.

"Masusunod, Mizore."wika nito bago ito tumalikod at naglakad papalayo. Malamang sa malamang ay kikilos na ito upang ayusin ang lahat.

Pagkatapos nun ay inihawi ni Mizore ang kaniyang kanang kamay sa hangin at isang bolang apoy na kulay lila ang lumabas at muling inihawi ito sa gilid ng kanyang katawan.

Ibinaling agad nito ang kaniyang tingin saakin pagkatapos nitong gawin ang pagpapalit anyo.

Nagaya nito ang mukha ng babaeng iyon.

"How was it, Princess?" sabi nito saakin. Kaya niya palang gayahin ang mukha ng taong yaon. Pero ginagawa niyang kumplekado ang lahat ng bagay sa mundo ito.

Maaari naman naming pagtulungang kunin ang babaeng yun at gamitin ang aming kapangyarihan upang tuluyan naming makuha ang kapangyarihan nito. Pero bakit? Anong dahilan?

Hindi ko na napigilan ang aking sarili na hindi tanungin ang bagay na iyon.

"Ano ba talagang plano mo? Kung tutuusin, kaya nating tatlo ni Maverick kunin ang kapangyarihan niya ng sapilitan pero bakit kailangan pa natin itong ganitong mga bagay bagay?"tanong ko dito. Napatingin naman ito saakin.

"Gaya ng sinambit ko kanina. Think like a Princess not a stupid." sabi nito saakin saka ako nilapitan at saka hinaplos ang buhok ko.

"Sa tingin mo ba kapag ginawa natin iyang sapilitang pagkuha sa kapangyarihan niya ay walang hahadlang saatin?"tanong nito saakin. habang nakatitig lamang ako sakanya.

"Malakas ang pakiramdam ko na ang kapangyarihan ng kaniyang Ina ay nakapaligid lamang sakanya maging ang kapangyarihan ni Morioka ay nariyan din. Kapag ginawa natin ang bagay na iyon natitiyak kong tayo ang magagapi sa huli kaya mag isip isip ka." wika nito saakin saka nito itinuro ang aking noo gamit ang kaniyang hintuturo atsaka nito itinulak ng may kakaunting pwersa.

"Inuulit ko mahal na Prinsesa, huwag maging stupida." wika ulit nito saakin. Nakakainsulto ang kaniyang sinabi ngunit hinayaan ko na lamang. May punto naman siya sa nais niyang mangyari.

Inihawi nito muli ang kaniyang kamay at tulad ng ginawa niya kanina ay pinalitan nito ang kanyang mukha.

"How was it, Princess?"tanong nito saakin. Maging ang tono ng pagsasalita nito ay naiba rin ng dahil sa ginawa niya.

"Paano mo nagagawa iyan?"tanong ko dito. Ngumisi naman ito saakin saka inihawi muli sa hangin ang kamay nito at sa pagkakataong ito saakin niya naman ginawa ang kanina nitong ginawa sa kaniyang sarili.

Pagkatapos nun ay naghulma iti sa hangin ng isang salamin atsaka nito ipinakita saakin ang aking itsura.

"Did you like it?"tanong nito saakin. Naiba ang itsura ko maging ang tono ng pananalita ko.

Maganda nga itong plano niya. Kaibiganin ang babaeng yun at unti untiing kunin ang loob nito ng sa gayun ay kusa nitong ibigay ang kapangyarihan nito.

Ngumiti ako kay Mizore.

"Salamat. Napakaganda ng mukhang ito."wika ko dito kahit na alam kong may kaunting pagkiling ito. Mas maganda parin ang mukha nito kumpara sa taglay ko ngayon.

"Walang anuman." ani nito saakin at ngumiti. Maya maya pa ay inaya na ako nito na sundan si Maverick sa kung saan ito nagtungo.

"Maverick!"tawag ni Mizore sa kapatid ko ng matunton namin ito sa isang silid. Lumingon ito sa direksiyon kong saan kami naroon at saka nanlaki ang mga mata nito.

Laking gulat naman nito ng makita niya kaming dalawa.

"Nakakabighani ang taglay niyong kagandahan, Mizore lalo na ikaw."wika nito. Hindi ako makapaniwalang sa pagkakataong ito ay hindi na ako ang sinasabihan ng mahal kong kapatid ng ganiyan.

Batid kong nagbago na ito mula ng iligtas ito ni Mizore ngunit sana man lang ay hindi nabura ang alaala nito.

Malapit kami ni Maverick sa isa't isa noong kami'y mga bata pa.

*Flashback*

Asa kakahuyan kami noon, naglalaro kami ng tagu-taguan ng bigla na lamang akong madapa.

"Kuya!"tawag ko sakanya habang umiiyak ako ng malakas na tila ba isang batang inagawan ng pag mamay ari niya.

Lumapit saakin ang nakatatanda kong kapatid at binalutan ng tali ang binti kong nagdugo dahil sa aking pagkadapa.

"Kuya pangit na ako."wika ko dito. Laging sinasabi ni Ina saakin na huwag akong iiyak kahit anong mangyari dahil papangit ako ngunit sa pagkakataong ito ay umiyak ako dahil sa sakit at hapdi na aking nararamdaman mula sa aking sugat.

"Lahat ng bagay sa iyo ay maganda, Martha." wika nito saakin saka nito pinunasan ang luha saaking pisngi.

*End of Flashback*

Napakasaya namin noon.

Ngunit hindi ko man lang nagawang ipagtanggol at iligtas ang aking kuya mula saaking Ina.

"Prinsesa, nakikinig ka ba?" tanong ni Mizore saakin na nakapagpabalik naman saakin sa realidad.

Tumango tango naman ako sakanya na may halong ngiti saaking mga labi.

"Kung gayun ay umpisahan na natin ang ating misyon dito sa lupa."wika ni Mizore saaming dalawa ni Maverick.

"Let's go!"paghihikayat pa nito saaming dalawa na naging dahilan ng aming pag ngiti.

A/N: Hello sa lahat! Kamusta? This is the sequel. Sana ay magustuhan ninyo 💜


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C16
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión