Descargar la aplicación
35.48% The Dieties Heiress / Chapter 11: Chapter 11: Meeting you

Capítulo 11: Chapter 11: Meeting you

Martha's POV

"Nagawa mo na ba ang aking ipinagagawa?"tanong ko dito habang sinusuklayan ako nito.

Natigil naman ito sa pagsusuklay saakin ng marinig nito ang tanong ko.

Hinawakan ako nito sa balikat atsaka nito ipinantay ang mukha nito sa mukha ko at ngayo'y naging dahilan upang parehas na kaming nakatingin sa salamin.

"Oo, mahal na Prinsesa."wika nito na naging dahilan ng pag ngisi ko.

"Mabuti."sagot ko dito. Hindi na ako hahanapin ng aking ina. Maisasakatuparan ko na ang mga plano ko.

Susuluhin ko ang kapangyarihang makukuha ko para makuha ko ang gusto ko. Ayaw ko ng sumunod sa mga nais nito. Malaki na ako at alam ko ng magdesisyon para sa sarili ko.

"Anong susunod mong plano?"tanong nito saakin. Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa kama ko at naupo doon.

"Kailangan ko ng tulong mo, Mizore."ani ko dito. Matapos kong madiskubre kung nasaan ang kakambal ni Morioka.

Nais ko itong sundan sa mundo nila. Si Mizore ang nagligtas kay Maverick mula saaming Ina kaya naman pinagkakatiwalaan ko ito.

Ito rin ang nagbabantay at gumagaya sa mukha ng kakambal ni Morioka at bilang babala dito ay pumapatay si Mizore ng malalapit sa kakambal nito.

"Kailangan kong pumunta sa mundo nila."wika ko dito. Napangisi naman ito sa sinabi ko.

"Masusunod ngunit kailangan natin ng kasunduan."ani nito saka inilahad ang palad nito at pinalabas ang isang papel.

"Kailangan ko ng iyong dugo bilang patunay na susunod ka sa kasunduan natin."ani nito saakin.

Talaga nga namang totoo ang usap usapan kay Mizore. Naniniguro sa lahat ng bagay. Hindi naman ako nagsisising sumama ako dito.

*FLASHBACK*

Pumunta ako sa madilim na sulok ng Damnivia upang hanapin ang pinakamasamang nilalang sa ilalim ng lupa na kayang kuntrahin ang kapangyarihan ng lahat ng asa Damnivia maliban sa kapangyarihan sa nilalang na iyon. Nilalang na kinatatakutan ng lahat dahil sa kapangyarihan nito.

"Asaan ka?!"sigaw ko sa madilim na lugar na ito.

Gumagalaw ang mga puno at lumabas ang isang dragon.

"Ako ang Prinsesa ng Lavreska kung saan pinamumunuan din ng aming kaharian ang buong Damnivia!"sigaw ko dito atsaka lumakas ang ihip ng hangin.

Nagbuga ng kulay lilang apoy ang dragon at ipinalibot nito saakin. Anong klaseng nilalang ba ang hinahanap ko?

Talaga nga bang nakakatakot ito?

"Sinungaling! Hindi ikaw ang Prinsesa."ani nito. Inilibot ko ang aking mata sa buong paligid upang hanapin ito.

Tinignan ko ang dragon na kanina pa umiikot ikot sa paligid ko. Maya maya pa ay nagpakita ito.

Naglalakad ito mula sa dilim.

"Mahina ang kapangyarihang nararamdaman ko saiyo."ani nito saakin.

Lumabas ito at nakita ko kung gaano kaganda ang mukha nito.

Kulay lilang buhok, mahahabang pilik mata, malarosas na pisngi at labi.

Hindi mo makikita ang kasamaan nito. Biglang lumiyab ang buong katawan nito.

"Hindi ikaw ang Prinsesang kinatatakutan ng lahat."ani nito na naging dahilan ng lalong pagliyab ng apoy.

Lumusot naman ito sa apoy na pumapalibot saakin at saka lumapit saakin.

"Inuulit ko. Ako ang Prinsesa na mula sa Lavreska na pinamumunuan din ng Damnivia." pagmamataas kong sabi dito.

Inilapat naman nito saakin ang daliri nito saaking mukha.

"Ikaw ang Prinsesa ngunit hindi ikaw ang tunay."ani nito saakin habang pinagmamasdan ako nito ng pababa at pataas.

"Gagawin ko ang lahat upang maging sapat ako sa mga mata mo."ani ko dito.

Lumuhod ako sa harap nito dahilan upang mapangisi ito at saka humalakhak.

"Hindi ka nga tunay na Prinsesa. Asal mo pa lang."pang iinsulto nito saakin.

"Tulungan mo ako."ani ko dito. Ibinaba nito ang kaniyang sarili.

"Tutulungan kita ngunit kailangan ko ang iyong dugo bilang katibayan na tayo ay nagkaroon ng isang kasunduan."wika nito saakin. Tumango naman ako bilang senyales na pumapayag ako sa nais nito.

Sinugat ko ang kamay ko at ipinatak sa isang mahiwagang papel ang dugo ko. Agad namang naghilom ang sugat ko dahil sa kapangyarihan ng bampira na aking taglay.

Ngumiti ito saakin. Bakas sa mukha nito ang saya na nararamdaman nito.

"Pumapayag na ako sa nais mo. Tutulungan kita."wika nito saakin.

*End of Flashback*

Mula noon hanggang ngayon nais talaga nito ang dugo ang siyang maging katibayan ng lahat.

"Matulog ka na. Ipadadala kita sa mga dragon ko sa mundo ng mga tao sa tamang panahon." wika nito saakin habang inaayos nito ang mga damit ko.

"Mizore, bakit mo ako tinutulungan?"tanong ko dito. Napatigil ito sa pag aayos ng mga damit ko.

Ngumiti ito saakin na lalong nagpahanga saakin dito. Sa tuwing ngumingiti ito lalo itong gumaganda kaya naman hindi ko talaga maisip kung bakit isa ito sa kinatatakutan ng iba pang nilalang sa Damnivia.

"Dahil may kasunduan tayo."sabi nito saakin.

Humiga ako sa aking kama at napaisip.

Talaga nga bang dahil lamang sa kasunduan kaya ako nito tinutulungan o may iba pang dahilan.

Lumapit ito saakin at naupo sa tabi ko kasabay nito ang paghaplos nito sa buhok ko.

"Huwag ka ng mag isip ng kung ano ano pa, Prinsesa." ani nito saakin.

"Paanong hindi ako mag iisip ng kung anu ano. Hindi ko mabatid ang tunay na dahilan kung bakit mo ako tinutulungan."pangangatwiran ko dito.

"Martha, tapat ako sa kung kanino ako nakipagkasundo. Palagi mo sana iyang tatandaan."ani nito saakin habang patuloy parin ang paghaplos nito sa aking buhok.

Tinitigan ko ito.

Nakakabighani talaga ang kagandahan nito.

"Naniniwala na ako."sagot ko dito saka ako pumikit. Maya maya pa ay hindi ko na namalayang nilamon na ako ng kadiliman at tuluyan naring nagdikit ang talukap ng aking mga mata.

Mizore's POV

Matapos kong maiayos ang mga gamit nito ay muli ko itong nilapitan.

Isa ka talagang hangal.

Asa dugo mo parin ang pagiging hangal.

Dahil sa dugo mo at sa mga kasunduan natin lalo akong gumaganda at lalo akong lumalakas.

Gaya ng iyong Ina, maglalaho ka rin sa takdang panahon.

Hinalikan ko ito sa noo.

Hihigupin ko ang lakas ng lahat ng nakikipagkasundo saakin.

At gagamitin ko ito upang matulo ang kapangyarihan ng mga lumikha.

Hindi nila ibinigay saakin ang nararapat na kapangyarihang taglay ko dapat pero ibinigay ito sa isang hampas lupang anak ng kapatid kong si Zerxes, lalong hindi ako makakapayag doon.

Akin ang kapangyarihan na iyon.

Akin iyon!

Ako si Mizore at kapatid ako ni Zerxes kaya ako dapat ang may taglay ng ganung kapangyarihan.

Sa kahit anong paraan kukunin ko ang kapangyarihan na iyon, sa tulong ng Prinsesang ito.

"Matulog ka ng mahimbing, Prinsesa."bulong ko dito saka ako tumayo at naglakad papalabas sa silid nito.

A/N: Feeling ko pumapangit yung flow pero go with the flow parin tayo. Aja! Pagandahin natin siya. Appreciate it 💜 Please do vote and comment, thank you!


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C11
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión