CHAPTER 41
CONTINUATION: FLASHBACK
"Tara Shane, punta muna tayo ng kusina, magmerienda tayo." Pag-aaya ni Maureen sa kanila na siya namang sinang-ayunan nila.
Pagdating sa kusina, agad silang nagmeryenda, maliban kay Shane na pinapanuod lamang na kumakain ang lalaking nambato sa kaniya ng dagger.
"Oh, oo nga pala Shane, sila pala ang mga kaibigan ko, Si Anthony at siya naman si Beans na nambato sayo ng dagger kanina. Anthony, beans, this is Shane, kaibigan ko rin kagaya niyo." Pagpapakilala ni Maureen sa isat-isa.
Hinggil sa kaalaman ni Shane ay matagal ng magkaibigan si Maureen at Anthony, maliliit lamang sila ay magkakilala na silang dalawa bagama't matalik rin na magkaibigan ang kanilang mga ina kung kaya't lagi silang pinagsasamang dalawa. Samantalang si Beans ay kakakilala lamang nila. Pinag-sasama-sama silang talo ng kanilang mga magulang upang mag-ensayo kung paano makipag-laban.
Miyembro ng isang kilalang gang ang mga magulang nilang tatlo kung kaya't pinagsasanay sila dahil sila ang susunod sa mga yapak nila.
"Hello Shane, nice meeting you." Nakangiting bati ni Anthony at nagkamayan sila.
"Hi there, nice meeting you Shane." Medyo nahihiyang sabi ni Beans.
"A-ah hello din sa inyo." Nakangiting tugon rin ni Shane.
Matapos mag-meryenda ay dumeretso sila sa sa bakuran upang mag-ensayo ulit.
"Shane pwede bang medyo lumayo ka ng kaunti kasi baka masaktan ka." Sabi ni Maureen.
"Ah sige okay lang." Saka siya dumistansya ng kaunti gaya ng sinabi ni Maureen sa kaniya.
Napaisip si Shane, kaya siguro ay hindi na siya nakakasama si Maureen dahil sa mga kaibigan niya. Medyo nakaramdam siya ng lungkot nang maisip ang bagay na iyon. Pero pilit niyang iwinaksi sa isipan ang ideyang iiwan din siya ni Maureen balang araw.
Dahil sa pagkamangha na nararamdaman ni Shane habang nag-eensayo ang tatlo ay nilapitan niya ang mga ito.
"Ahh ate Mau, pwede ko rin bang subukan ang ginagawa niyo." Nagulat si Maureen sa sinabi ni Shane kaya inaya niya itong umupo muna.
"Pasensya na Shane, pero hindi ka maaaring sumali sa amin at gawin ang mga ginagawa namin." Sabi ni Maureen sa mahinahon na tono.
"Bakit naman?"
"Ano kasi, mahina resistensya mo.
at dahil para na rin kitang kapatid, ayaw kitang nakikitang masaktan at magkasakit. Napaka-delikado ng ginagawa namin kaya mas mabuti kung hindi ka gagaya sa amin, for your safety din." Hangga't maaari ay nag-iingat si Maureen sa mga sinasabi niya dahil ayaw niyang masaktan ang kalooban ni Shane.
Nakaramdam ng kaunting sakit sa damdamin si Shane at tampo kay Maureen. Pero pilit niya ding iwinawaksi ang ideyang ito sapagkat tama ang kaniyang ate Maureen, mahina ang resistensya niya. Mahal siya ni Maureen kaya ayaw niya itong masaktan. Nakaramdama din siya ng inggit sapagkat kung hindi lang siguro siya sakitin ay maaari siyang sumali sa kanila.
"Ahh gano'n ba ate Mau, sige manunuod na lang ako sa inyo." May halong kalabagan sa kalooban na sabi ni Shane.
"Hmm, sige, kung may kailangan ka huwag kang mahihiyang sabihin ha." Ani Maureen at tinap ang ulo ni Shane at saka na bumalik sa ensayo.
Dumaan ang mga araw at ganoon ang naging daily routine nila. Lagi na silang magkakasamang apat. Kapag uwian galing sa eskwelahan ay pinapanuod ni Shane sila Maureen habang nag-eensayo at kapag weekends naman ay pumupunta sila sa parke upang maglaro kasama si Shane.
Lumipas din ang mga araw ay mas lalong lumalim ang nararamdaman ni Shane kay Beans. Kaya napag-desisyunan niyang sabihin ito kay Beans. Bata pa lamang siya kung kaya'y hindi siya nahihiyang sabihin ang nararamdaman niya.
Matapos ang ensayo nila ay nilapitan ni Beans si Shane habang umiinom ng tubig. Andiyan nanaman ang nararamdaman na kaba kada lumalapit sa kaniya si Beans ngunit pinigilan niya ito. Dahil sa pagkakataong ito ay aaminin niya ang nararamdaman niya para kay Bins.
"Shane" "Bins" Sabay na sabi nilang dalawa.
"Ikaw na mauna." "Ikaw na mauna" sabay ulit nilang sabi at siyang ikinatawa nila.
"Sige ako na lang mauna." Sabi ni Bins.
"Ahh may sasabihin ka ba?" Tanong ni Shane.
"May sasabihin kasi akong sikreto sa'yo, pero huwag mong ipagsasabi ha."
"Sige ano ba 'yon?"
"Ano kasi, crush ko si Mau." tila nabuhusan ng malamig na tubig si Shane sa nalaman.
"Ahh." tanging nasabi niya.
"Pero huwag mong ipagsasabi kahit kanino ha, sa'yo ko lang ito sinabi kapa kapag sasabihin ko kay Anthony baka ipagkalat niya haha."
"Ahh oo n-naman." Saka siya ngumiti pero hindi umabot ang ngiting iyon sa mga mata niya.
"Ano pala 'yung sasabihin mo Shane?" Tanong ni Beans.
"Ahh, itatanong ko kang sana kung paano kayo nagkakilala nila Ate Mau at Anthony." Tanong ni Shane. Ngunit hindi naman iyon ang gusto niyang sabihin. Isinantabi na lang niya sasabihin niya dahil sa nalaman niya. Iniisip niya na mas mabuti kung hindi na malalaman ni Beans ang nararamdaman niya.
"Matagal ng magkakilala si Anthony at Mau, samantalang kakakilala ko pa lang sa kanila."
"What do you mean?"
"Magkaibigan ng matagal ang parents ni Mau at Anthony, kaya since birth, lagi na silang magkasama. Samantalang ako, mag-business partner rin ang parents naming tatlo. Sa States na din kasi ako pinanganak at kakauwi lang namin dito. May mga kaibigan din ako sa school pero pinilit ako ng parents ko na makisama sa kanilang dalawa. Akala ko noon boring silang kasama, pero I realized na hindi naman pala sila ganoon ka-boring kasama. In fact, nakaka-enjoy silang kasama at maging kaibigan. Mas sumaya pa noong pinag-training nila kami." Mahabang paliwanang ni Beans.
"Bakit pala kayo nag-ttraining?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Shane.
"Ahh, about diyan, hindi ko na pwedeng sabihin sa'yo."
"Bakit naman?"
"Hindi ko rin alam. Basta sabi ng parents namin hindi daw pwedeng ipagsabi sa iba eh."
Hinggil sa kaalaman ni Shane na hindi nagsasabi ng totoo si Beans. Matalino siyang bata kung kaya ay hindi siya ganoon nag-oopen up sa iba. Dahil sa murang edad at alam na niya ang responsibilidad niya sa Mafia. Alam niya ang dahilan kung bakit sila pinag-eensayo ng kanilang mga magulang.
Sa loob ni Shane ay nakaramdam siya ng kaunting sakit. Akala niya kasi kilala na niya ang ate Mau niya, pero hindi pa pala. Marami pa siyang hindi nalalaman sa buhay ng kaniyang ate Mau.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.