Descargar la aplicación
57.4% HOT vs COLD / Chapter 30: Chapter 30

Capítulo 30: Chapter 30

CHAPTER 30

--JACOB:

Paggising k0 ng umaga, bumaba agad ako sa kusina para magluto ng breakfast namin ni Alexa.

These past few days, naweweirduhan ako sa sarili ko kasi gusto ko na lagi siyang pagsilbihan eh ang usapan lang naman namin ni Buzzer ay samahan at bantayan ko lang naman si Alexa.

Magmula nung dumating kami dito sa Pangasinan ay nagbago na ang pakikitungo ko sa kanya. Kung dati ay gusto ko lagi siyang naiinis kasi natutuwa ako kapag gano'n siya. Pero ngayon, gusto ko siyang mainis hindi dahil gusto ko lang, kasi ang cute niya kapag naiinis siya. Yun bang gusto kong pisilin ang cheeks niya kapag naiinis siya. Lalo na kapag umiirap siya sa akin, nagpipigil lang talaga ako na pisilin ang mukha niya kasi baka mabatukan pa niya ako. Masakit pa naman siya mambatok, yun bang feeling ko maaalis ang ulo ko kapag babatukan niya ako. Tapos kapag sinasapak niya ako, minsan nagkakapasa ako, pero in the end makokosensya siya at gagamutin niya ako.

Nakakatuwa na nga ang tratuhan namin ngayon sa isa't-isa, yun bang nagiging komportable na kami sa isat-isa. Nakikita ko na rin ang side niya na talagang gusto ng lahat sa kanya.

Sabi ko dati sa sarili ko, ano'ng nagustuhan nila sa babaeng yun eh, napaka-cold niya tsaka wala siyang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanya. Pero ngayon alam ko na kung bakit kahit gano'n ang pinapakita niyang ugali ay marami paring nagkakagusto sa kanya kasi talagang mabait siya. Kahit na gano'n ang pinapakita niyang ugali, deep inside may pakialam pala siya sa iba, natatakot lang siyang ipakita ito sa mga taong hindi niya ka-close.

Masasabi kong close na kami, kasi komportable na siya sa akin. Nakakatawa na siya kapag magkasama kami. At nakikita ko na rin ang kabaitan na sinasabi ng iba.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Siguro napapalapit na siya sa akin kaya maituturing ko na siyang kaibigan.

But the thing is, kapag nakikita ko siya, laging bumibilis ang tibok ng puso ko. Lalo na kapag nakikita ko siyang tumatawa at ngumingiti kapag kasama ako.

Yun bang halos magtalon ako sa tuwa kapag napapasaya ko siya. Ngitian niya lang ako, feeling ko kumpleto na ang araw ko. Hindi ko naman ito nafifeel sa ibang mag kaibigan kong babae.

Sht! Don't tell me nagkakagusto na ako sa kanya?! This can't be happening dude. Yeah right, gusto ko siya bilang kaibigan.

Pagkatapos kong magluto ng almusal, kinatok ko na si Alexa sa kwarto niya.

Pero ilang beses na akong nagpabalik-balik sa pintuan niya pero wala pa ring sumasagot. Kadalasan kasi isang beses lang ako kakatok, lalabas na siya agad ng pintuan. Siguro pagod siya.

Tanghali na pero hindi pa rin siya lumalabas ng kwarto niya. Nag-aalala na ako. Kaya naman agad-agad kong kinuha ang duplicate key ng kwarto niya. Agad ko naman itong binuksan.

Pagkabukas ko ng kwarto niya, nakita ko si Alexa na nakadapa habang nakahiga. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ang mukha niya. Napansin kong medyo nakakunot ang noo niya.

May nakita akong butil ng pawis na tumulo mula sa noo niya. Teka, naka-switch naman ang aircon ha, ba't siya nagpapawis?

Nang kinapa ko ang noo niya, sht! Ang init niya. Wtf! What to do? Sht, natataranta na ako 'di ko alam ang gagawin ko.

"Hey, Alexa, wake up!" Natatarantang sabi ko sa kanya habang tinatapik ang pisngi niya .

Tinanggal ko naman ang kumot na nakatakip sa kanya kasi baka naiinitan siya. Pero nagulat na lang ako nang may nakita akong dugo! Wtf?! Ba't may dugo siya?! Kaya mas lalo akong nataranta at nagsisisigaw ng pangalan niya.

"Hey, Alexa wake up!" Sigaw ko sa mukha niya.

Nagulat naman ako nang bigla niya akong sampalin sabay mulat niya ng mata niya.

"Hindi ako binge." Cold niyang sabi kaya naman napatayo ako agad.

"Y-you're hot." Nauutal na sabi ko sa kanya.

"Yeah, I know right." Sabay irap niya sa akin habang nakahiga pa rin.

"And you're bleeding also."

"Huh?" Takang tanong niya.

"Look at your bedsheet." Sabay tingin naman niya sa kama niya.

"fcksht!" Malutong na mura niya, halata sa kanya ang gulat kasi nakita kong nanlaki ang mata niya nang makita ang kama niya.

Nang makita niyang nkatingin din ako sa kama niya, agad siyang tumakbo papuntang cr at nakita kong may dugo sa pwet niya.

"Hey, are you okay!" Tanong ko sa kanya sa labas ng cr. Sht, nag-aalala na talaga ako sa kanya.

"GET OUT!" rinig ko sigaw niya sa loob. Kaya kahit nag-aalala ako sa kanya, lumabas na lang ako ng kwarto niya.

Pero paglabas ko pa lang ng pinto niya, agad ko namang narinig na tinawag niya ang pangalan ko.

"Vince!" Sounds good ang pagkakasabi niya ng pangalan ko, bigla nanamang bumilis ang takbo ng puso ko. Pero hindi dapat iyon ang iniisip ko kasi may lagnat siya ngayon at dinudugo siya!

Agad-agad naman akong bumalik sa loob ng kwarto niya at pumunta sa labas ng cr niya.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

"Uhm, bilhan mo nga ako ng napkin." Nahihiyang sabi niya sa akin habang nasa loob pa rin siya ng cr.

"Ilan?"

"Isang pack lang." Sagot niya.

"Sige, saan ba makakabili no'n?"

"Sa supermarket."

"Sige, antayin mo lang ako ha, bibili lang ako."

"Geh thanks."

Agad naman akong pumunta sa garahe at kinuha ang bike ko at nagpunta sa mini supermarket na nasa loob ng subdivision namin. Walking distamce lang ito mula sa amin kung tutuusin pero mas mabuting magbike na lang ako para mas mabilis.

Pagkadating ko ng supermarket, agad akong kumuha ng napkin at binayaran ito sa cashier at nagmadaling bumalik ng bahay. Nakakunot pa nga yung cashier kanina nung bumili ako ng napkin, pero hindi ko na lang pinansin.

Pagkarating ko ng bahay, dali-dali akong pumunta ng kwarto niya. Halos madapa na ako sa hagdan dahil sa pagmamadali.

"Alexa, eto na yung napkin mo oh." Sabay katok ko sa pituan ng cr niya. Agad niya rin namang binuksan ang pintuan ng cr at inilabas ang kamay niya para abutin ang napkin na dala ko

Nabigla naman ako ng itapon niya pabalik ang napkin na binili ko para sa kanya sabay sigaw ng...

"SABI KO NAPKIN, HINDI DIAPER!!!"


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C30
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión