Descargar la aplicación
20% Oh My Vampire's Home / Chapter 3: 2

Capítulo 3: 2

© xiarls

All rights reserved

**

2 weeks ago, I meet that guy. I was so freaked out because of his condition like it's my first time to encounter.

Duguan siya at hindi ako makapaniwalang buhay pa siya sa sa gabing 'yon. Ilang minuto pa ang hinintay namin bago makarating ang ambulansya. Ni ayaw pa sana ng mga tao akong tulungan kasi parang may takot sila sa taong walang malay. Sinigawan ko sila at saka nila tinulungan ang lalaki.

Sumunod na rin ako sa ospital. Nakalimutan ko nang umuwi dahil sa nangyari. Hindi naman basta-basta makauwi kasi ako ang witness. Marami pang pasikot-sikot na tanong ang mga pulis kaya umaga na ako nakauwi.

Matapos ang pangyayaring iyon, hindi ko na siya nakita. Nawala nalang siyang parang bula sa ospital. Ni hindi alam ng mga nurse kung saan siya nagpunta. Hindi na rin ako nag-abala na hanapin siya dahil baka umuwi na siya sa kanila.

--

"Bakit siya?" Tanong ko kay Prof. Magkasalubong na ang kilay ko. Sesh, imbyerna.

"Bakit hindi?" Pabalik na tanong niya sakin. Tinignan ko ang buong klase. Palipat-lipat sila ng tingin sa akin pati sa katabi ni Prof. ngumisi siya at lumapit sa akin. Binaba niya ang tingin sa akin at bumulong. "Long time no see, Miss Rena."

Napasinghap naman ang mga best friends ko. Mas lalo akong nairita sa lalaking ito.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Abby. "Paanong alam niya ang pangalan mo, Rena?"

Hindi ako makasagot. Ngumisi si kumag at siya na ang sumagot sa tanong ni Abby.

"Yes, I know her." Sabi niya at saka ako inakbayan. I rolled my eyes at pati ako nasaktan sa ginawa ko. Kinuha ko ang braso niyang nakaakbay sa akin. Kahit payat ang lalaking 'to, aminado naman akong nag-e-exercise siya araw-araw. Ang tigas kasi ng braso niya.

"Kanina lang sa jeep." Patuloy niya. "But I know her very well." Sabi niya at umupo.

"Bitaw nga!" Sigaw ko. Nangangalay na rin ang balikat ko sa bigat ng braso niya at sa bag kong maraming dala. Naupo na ako at binagsak ang gamit ko sa likod. Medyo naingayan sila pero ano naman pakialam ko?

Nag-discuss na lang si Sir tungkol sa curriculum ng History at after 30 minutes dinismiss na kami. Ang saya lang na walang masyadong pasok sa first day.

Maingay sa university. Pumunta akong students park para magpahangin at kumain. May mga first year na nakikipag bonding na rin sa mga bagong kaklase nila. Ako naman, mag-isa lang. hindi ko alam kung saan pumunta sina Rhea. Nauna akong lumabas sa room kanina dahil ayokong may nakabuntot na lalaki sa akin.

Nilabas ko ang librong 2 weeks ko na hindi binabasa. Nang dahil sa busy ako sa café, hindi ko na naisipang basahin ulit ito. Nasa gitna ako ng pagbabasa nang ginulat ako ng boys. Classmates ko sila sa lahat ng subjects since first year kami.

"Bakit mag-isa ka?" Malokong tanong ni Jason. Ang gugulo! Pero mababait at matulungin mga 'to.

"Nasa'n si Vien?" Singit naman ni Stephen.

"Tse! 'Wag niyo akong guluhin! At mas lalong 'wag niyo akong hanapan ng taong nawawala!" Mga kapal ng mukha nila! "Hindi po ako lost and found staff." Ngiting plastic ko sa kanila.

Naupo na rin sila sa harap ko at natatawa dahil sa pagsagot ko. Tumabi naman si Mark at nakibasa sa libro ko.

"Sama ka, Ren? Magla-lunch kami." Tanong ni Jason.

"Sige, tapos na ko. Kayo na lang." Tumayo silang tatlo.

"Okay." Sabi nila at naglakad papuntang canteen sa kabilang dulo ng uni.

Bumalik ako sa pagbabasa habang kumakain ng piyaya. Natatawa na rin ako sa story.

"Hey," I looked at him. "Can I join you?" Sabi ng marine student.

"Sure." Hindi ko naman pagmamay-ari ang bench na 'to. Binalik ko ang tingin sa libro. Biglang tumunog ang phone ko sa bag. Si Rhea tumatawag.

"Oh Rheng, why?" kunot-noong tanong ko. Maingay na rin sa kabilang linya.

['Miss, we still have class.']

Shemay! Malapit na pala mag 1 PM!

['Hurry up! Nandito na kami sa room!']

Tumayo na ako at sinukbit ang bag ko. Patakbo ako papuntang classroom!

"Miss!" habol nung marine sa akin. "Libro mo, naiwan." Sabay abot ng libro ko. Ngumiti pa siya habang inaabot iyon. Buti naman at hinabol niya ako.

"Thanks, kuya!" sigaw ko at tumakbo ulit. Nakabungguan ko pa si Vien na tumatkbo rin. Hinigit niya ang kamay ko at sabay kaming tumakbo! Nasa 4th floor pa naman ang room!

Nasa kalahating baiting na kami ng hagdan sa 2nd floor at tumigil ako para huminga.

"Teka, sandali!" hinigit ko ang kamay kong hawak niya. "Bakit k aba biglang nanghihigit ng braso at hinila mo pa para tumakbo?" Hinihingal na tanong ko sa kanya. Napayuko ako at hinawakan ang tuhod ko.

"Teka, saan na 'yung libro ko?" Hala! Eh hawak ko pa iyon habang tinatahak namin ang building na 'to!

"Eto oh," hawak niya pala. "Tara na! Male-late na tayo!" inakbayan niya ako at giniya paakyat sa hagdan. Kinukuha ko pero hindi niya ako binibitawan. Ano na naman ang trip nitong kumag na 'to? Kanina lang kami nagkakilala pero bakit parang matagal na siyang kilala ng utak, mata, at puso ko?

Pagdating sa room, maingay pa rin. Nag-uusap, naglalaro, nagsusulat. Ang iba tahimik lang.

Binitawan na ako ni Vien at naupo na ako sa pwesto ko sa may pinto sa unahan. Katabi ko pa rin siya.

Dumating na si Sir, ang teacher namin sa Database Management System (DBMS). Puro codes at type sa keyboard ang gawa namin. Dahil 'yong iba sa klase walang laptop, nasa computer room kaming lahat.

Bakit ko pa ba piniling mag IT student? Ang hirap ng mga assignments and projects. Sana tinanggap ko na lang yung dating course na inaalok ni Tito after kong gumraduate sa high school at bago siyang bumalik sa China. Pero hindi ko pa alam kung ano talaga ang dapat noong time na yun. Napilitan ko lang ang sarili ko sa IT. Ginawa ko ang nakapaggulo sa future ko. Pero ito na, wala na akong magwa. Walang patutunguhan kapag inaayawan.

Habang busy kaming lahat kaka-type ng codes, siniko ako ni Vien.

"Problema mo?" tanong ko. Maingay na rin kasi ang iba.

"Sabay tayong uuwi mamaya." Sabi niya habang nakatutok pa rin sa screen ang mga mata. "Delikado na mamaya. 7 pm dismissal natin." Tumingin siya sa akin ng seryoso.

Tumaas naman ang kilay ko. "Kaya kong umuwing mag-isa." Sabi ko at tumayo na. Tapos na ang klase naming. Nagsilabas naman ang iba at pumunta kung saan man.

"Punta na tayong gym!" Sigaw ng boys. Napatigil naman ako sandal.

"Oh shez! Hindi tayo naka PE uniform!" sigaw ko sa kanila. Tumawa lang sila mga langya.

"First day pa lang naman." Sabi ni Abby sa tabi ko at niyaya ulit akong maglakad.

"Kahit na!" sigaw ko ulit pero tinakpan ni Vien ang bibig ko. Kinuha ko 'yon at sinamaan siya ng tingin. "Bakit ka ba sunod ng sunod?"

"Alangan naman hindi? Magkatulad tayo ng schedule!" Sabi niya at naunang maglakad kasama ang ibang boys sa unahan. Nanlumo na lang ako sa sinabi niya.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C3
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión