Descargar la aplicación
38.27% THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 31: CHAPTER THIRTY

Capítulo 31: CHAPTER THIRTY

(School Cafeteria, Lunch break)

(Gianna's POV)

SAKTONG PATAPOS na akong mag-order ng pagkain sa counter. Dadalhin ko na sana yung pagkain ko sa bakanteng mesa na uupuan ko kaya lang may nakabanggaan akong babae, dahilan para biglang matapon ang tray na dala ko sa damit niya.

"Hey bitch, hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo ha?!" galit na sabi nung babae sa akin.

"S-sorry...p-pasensya na...h-hindi ko sinasadya." ang sabi ko sa kanya pero nagulat ako nang bigla niya akong itulak, dahilan para bigla akong mapasubsob sa sahig. Dahil maiksi lang ang pasensya ko sa babaing ito ay pagalit akong tumayo sa pagkakasubsob ko sabay tulak ko din sa kanya.

"Sino ka ba sa akala mo ha?! Aaminin ko namang kasalanan ko na natabig ko yung tray sa damit mo! Pero yung itulak mo ako nga basta-basta, aba, hindi ko na matatanggap yun!" galit kong sabi sa kanya.

"Wow! Bagong salta ka lang ditong babae ka pero kung makasagot ka, akala mo na kung sino kang reyna! Hindi mo ba ako kilala?!" ganting pagtataray nung babae.

"And why would I waste my time on knowing some kind of cheap unknown specie like you?!" pagtataray ko na rin.

Napanganga yung babae sa sobrang gulat, to the point na pwede nang malaglag ang panga niya sa mga sinabi ko.

"Grr! Sino ka ba para pagsalitaan mo ako ng ganyan?! Who the fvck are you?!" at akmang sasampalin na sana ako nung babaing yun nang biglang may nambuhos ng juice sa ulo niya.

"Sinong nambuhos sa--P-Princess K-Kath R-Rence?!" at biglang nanginig sa takot yung babaing nang-aaway sa akin.

Kath Rence...?

Parang narinig ko na yung pangalang yun ah, kung hindi ako nagkakamali ay nabanggit siya sa akin ni Tita Jane.

Oo! Tama nga! Siya nga yun! Siya yung magiging amo ko sa part time job ko!

"Sino ka Floral para pagsalitaan ang P.A ko ng ganyan?" ang sarkastikong tanong nung Kath Rence sa kanya.

Hindi nakasagot yung palaaway na babaing yun na Floral ang pangalan.

"Sagot!" at isa na namang juice ang ibinuhos ni Kath Rence sa ulo niya. Umiiyak na yung Floral dahil sa kahihiyang inaabot niya ngayon. Habang ang mga estudyanteng nakikiusyoso ay biglang nakaramdam ng takot, bagay na labis kong ipinagtaka.

Bakit kaya ganun na lang sila kung makapag-react?

"Subukan mo lang pakialaman ulit ang P.A ko at higit pa sa kahihiyang yan ang matitikman mo. Nakakatakot pa naman akong magalit tulad ng alam mo. Understand?!"

Nanginginig na tumangu-tango si Floral.

"Mabuti. Ngayon, layas!" sabay turo ni Kath Rence sa pinto ng cafeteria. Takut na takot na tumakbo palayo si Floral.

Nung wala na si Floral ay back to normal na ang sitwasyon sa cafeteria. Agad nilinis ng janitor yung nagkalat na pagkain at likido sa sahig. Aalis na sana ako nang bigla niyang hilahin ang kamay ko.

"B-bakit? M-may problema ba?" uutal-utal sa takot kong tanong sa kanya.

"Wala naman." at ngumiti siya sa akin. "So you're Gianna Angela Cabrera, right?"

"O-oo. Ako si Gianna. Bakit?"

"Ikaw nga! Ikaw nga yung magiging P.A ko. It's nice to meet you Gia!" at kinamayan ako ni Kath Rence.

"Nice to meet you din po, Miss Kath Rence." sabay shake hands ko din sa kanila. Wow. Ang lambot naman ng kamay niya at ang kinis pa. Tapos idagdag pang napakaganda niya. Tama nga si Tita Jane, she's a nice person pero hindi sa lahat ng tao.

"So far, how's you're first stay here? Nag-e-enjoy ka naman ba?" magiliw na tanong niya sa akin.

"M-medyo." nahihiya kong sabi.

"Kung iniisip mo na may mang-aapi sayo dito, don't you worry dahil ako ang bahala sayo. Walang sinumang estudyante ang may karapatang manakit sayo dito." sabi niya sabay akbay niya sa akin. "C'mon, sabay na tayong mag-lunch. Nasa gym pa kasi yung boyfriend ko eh. Hindi ko na rin siya mahintay kaya nagpaalam na ako sa kanya. Okay lang ba sayo?"

"Sige po. Wala pong problema." sabi ko naman.

"Thank you. Friends na tayo from now on ha!" and she hugged me.

"S-sige po. Friends na po tayo." ang nakangiti kong sabi sa kanya.

In fairness, talagang may soft side siya. Pero sa mga taong gusto lang niya.

"Upo ka na dyan. Ako na ang bahala sa snacks nating dalawa." at pumunta siya sa counter para um-order ng pagkain naming dalawa. Habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Bigla lang akong na-curious, sino kaya ang boyfriend niya? Siguro, napakaguwapo ng lalaking yun at mukhang mahal na mahal siya. Ang swerte naman niya.

Eh ako kaya...kailan kaya ako suswertehing maging masayang muli? Mahanap ko pa kaya ang sagot sa tunay kong pagkatao?

Sana naman ay masagot na ang mga agam-agam at misteryo tungkol sa sarili ko nang maging mapayapa na ang kalooban ko.

(Rome, Italy)

(Flashback....12 years later)

"ALBERT, parang awa mo na! Wag mong kukunin sakin si Chelsie! Please! Wag mo siyang kunin sakin!"

"Sa ayaw mo't sa gusto mo, sa akin lang si Chelsie! Naiintindihan mo!" at tuluyan nang lumabas si Albert sa pinto ng bahay.

"Albert! Ibalik mo sa akin si Chelsie! Ibalik mo siya sa akin! Ibalik mo ang anak ko! Albert!" at tuluyan na akong napasubsob sa sahig habang umiiyak.

(End of Flashback)

KASABAY ng pagbabalik sa gunita ko ng alaala ng yumao kong anak na si Chelsie ay namalayan ko na lang ang pagpatak ng mga luha sa mata ko. Dahan-dahan ko itong pinunasan gamit ang panyo sa bulsa ng bag ko.

"Chelsie, anak...kamusta ka na dyan sa langit? Masaya ka ba dyan?" at niyakap ko ang litrato ni Chelsie na kuha ko sa kanya noong 4 years old pa lang siya. Naisip ko, kung hindi sana siya namatay ay baka dalagita na siya ngayon at kasing-edad na niya ang kuya niya na si Satchel.

Agad kong iniligpit ang litrato sa bag ko nang may babaing pumasok sa opisina ko, si Estrellia, ang Pilipinang personal secretary ko.

"Madam, handa na po ang passport at visa ninyo. Pati na rin ang schedule ng pag-alis ninyo ay nakalista na rin dyan. Wala na po ba kayong ipag-uutos?"

"Wala na. Thank you Estrellia." sabi ko sa kanya.

Agad namang umalis ang secretary ko.

Napatingin ako sa kopita ng wine na iniinom ko at hinawakan ko iyon kasabay ng paglalaro ng mapanuksong ngiti sa mga labi ko.

Sa wakas ay makakauwi na ako sa Pilipinas.

Mababawi ko na si Satchel.

At mapapabagsak ko na rin sina Albert at Vivian.

So get ready Albert...

BECAUSE ESPRIT ROSWELL DE VEGA IS COMING BACK...

TO PUT YOU ALL IN HELL.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C31
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión