(UESC Condominium Lobby)
(Third Person's POV)
PAGDATING ni Charlize sa lobby ng condominium ay nakita niya si Timothy na susuray-suray at halos hindi na makatayo ng maayos sa sobrang kalasingan.
"Timothy! What the hell are you doing here?! Tsaka ba't ganyan ang itsura mo?! Nakainom ka ba?! Pumunta ka na sa unit mo bago ka pa maabutan ni Miss Irene dito!" sabi ni Charlize pero napatili siya nang hawakan ni Timothy ang magkabilang braso niya.
"W-wala akong pakialam kung m-maabutan ako ng Irene na yun dito. I-I just want to say s-sorry. C-Charlize.....I-I still love you. P-please...c-come back to me. C-come back to me. P-pangako...m-magbabago ako. Para sayo. P-please..." nauutal na sabi ni Timothy pero itinulak siya ng malakas ni Charlize, dahilan para muntik na itong tumilapon pasubsob sa sahig.
"Pwede ba, Timothy, tama na! Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat?! Hindi na pwedeng maging tayo ulit kasi may boyfriend na ako!" singhal ng dalaga sa kanya pero hindi pa rin ito nagpaawat. Tumayo ito at akmang yayakapin na sana siya nang sinampal niya ito ng napakalakas sa magkabilang pisngi. Gulat na gulat si Timothy sa ginawa ng dating kasintahan.
"C-Charlize....." tila maiiyak nang sabi ni Timothy. "B-bakit mo ba ginagawa sa akin 'to? H-hindi mo na ba ako m-mahal?"
"Oo. Hindi na kita mahal. Simula nung niloko mo ako at ipinagpalit sa iba." mariing sabi ko sa kanya. "Get out of my sight." at akmang babalik na sana si Charlize sa elevator nang bigla siyang sunggaban ng yakap ni Timothy. Pinilit niyang magpumiglas pero mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
"Bitawan mo ako, Timothy! Let me go! Ano ba?! Bitawan mo ako sabi eh!" sigaw ng dalaga sa kanya pero tila bingi ito sa mga pakiusap niya.
"Fvck! I said, let me go! Tatawag ako ng pulis!" pagbabanta ni Charlize sa kanya pero hindi ito nakinig.
"Bibitawan lang kita kung babawiin mo ang mga sinabi mo sa akin." mahina pero garalgal na sabi ni Timothy habang nakayakap ito sa kanya. "Charlize, alam kong mahal mo pa rin ako. Please...sabihin mong mahal mo pa rin ako."
"ANG KULIT MO RIN ANO?! HINDI NA KITA MAHAL! PINAGSISISIHAN KONG PUMATOL AKO SA ISANG WALANG KWENTANG TULAD MO!" sabay tulak ni Charlize kay Timothy ng malakas. Napasubsob ang binata sa sahig sa lakas ng pagkakatulak sa kanya.
"Y-you really hate me that...m-much?" uutal-utal na sabi ni Timothy.
"Yes." diretsahang sabi ko sa kanya. "I hate you so much."
Napayuko si Timothy sa mga sinabi ni Charlize.
"TIMOTHY!"
Napalingon silang dalawa at nakita nila si Kyle kasama sina Courtney at Wade. Agad siyang hinila ni Wade at inakbayan ng mabuti.
"Anong ginagawa mo kay Charlize?! Hina-harass mo na naman ba siya?!" nagngingitngit na tanong ni Kyle kay Timothy.
"K-Kyle....." ang nanginginig sa takot na sabi ni Daniel. "I'm not harassing Char--"
"Anong hindi?! Eh kitang-kita nga namin ang ginagawa mo sa kanya!" sabad ni Courtney, dahilan para mas lalong manginig sa galit si Kyle. Akmang aambahan na sana niya ng suntok si Timothy pero maagap siyang napigilan ng isa sa mga butler na nasa lobby.
"Hayup ka talagang lalaki ka! Wala ka nang ibang idinulot sa kaibigan ko kundi disgrasya! Disgrasya! Puro na lang disgrasya! Kailan mo ba tatantanan si Charlize, ha?!" sabay tulak ni Kyle kay Timothy.
"Enough, Kuya Kyle." kalmadong pag-awat ni Charlize sa kanya.
"Wag kang mag-alala, Kyle, dahil hinding-hindi ko na guguluhin pa si Charlize." at napatingin si Timothy sa dating kasintahan. "Kahit kailan."
"Ganun naman pala eh. THEN GET OUT OF HERE! AND DON'T YOU DARE TO SHOW YOUR FILTHY FACE AGAIN!" sabay turo ni Kyle sa glass door ng condominium. Tahimik na lumabas si Timothy.
Nung wala na si Timothy ay agad na niyakap ni Kyle si Charlize.
"Charlize, okay ka lang ba? Sinaktan ka ba ng hayup na yun? Tell me." ang nag-aalalang tanong nito sa kanya.
"Okay lang ako, Kuya." sagot ni Charlize.
"Sa susunod kasi, wag na wag mo na siyang lalapitan. Alam mo namang wala akong tiwala sa hoodlum na yun. Naiintindihan mo ba?" kalmado pero mariing sabi ni Kyle.
"Yes, Kuya." ani Charlize.
"Sige na. Bumalik na kayo sa unit nyo." utos ni Kyle kina Charlize at Wade na kaagad nilang sinunod. Agad na bumalik ang dalawa sa elevator patungo sa mga unit nila.
(Lobby/Unit 307, UESC Condominium)
(Timothy's POV)
TULALA akong nakasandal sa glass door ng lobby nang bumulaga sa akin ang mukha ni Miss Irene. As usual, she's angry at me. Tss. Ano pa bang bago?
Pupunta na sana ako sa elevator nang pigilan niya ako.
"Saan ka galing, Young Master Timothy?" maawtoridad na tanong sa akin ni Miss Irene.
"Wala ka na dun." mabalasik na sagot ko sa kanya.
"It's that the way on how you talk to me? Hindi ka na talaga natuto kahit kailan." sabi pa niya.
"Nandito na ako. Ano pang ipinuputok ng butsi mo dyan?" sarkastikong tanong ko sa kanya.
"Hindi mo na ako sinusunod, Young Master." sabi pa niya pero mabilis ko siyang tinalikuran. Agad akong dumiretso sa unit ko. Isinara ko ang pinto ng unit at naupo ako sa sala. Ipinikit ko ang dalawang mata ko at sumandal sa pader.
Muli'y naalala ko na naman...
Naalala ko na naman ang mga pangyayaring pinipilit ko nang kalimutan.
Ang mga pangyayaring naging dahilan kung bakit kami nagkahiwalay.
Napatingin ako sa side table ng kama ko at nakita ko ang picture naming dalawa ni Charlize. Kinuha ko ito at niyakap ng napakahigpit.
"I love you. I still love you, Charlize." mahinang bulong ko habang nakatitig ako sa picture niya.
Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko pa rin maalis-alis si Charlize sa isipan ko. Hindi ko pa rin magawang kalimutan ang mga masasayang pinagsamahan namin noon. Siya lang ang kaisa-isang babaing minahal ko. She's my everything. Sobra-sobra ang pagmamahal ko sa kanya kaya hindi ko akalaing masisira ko ang relasyon namin nang dahil sa isang babae na naging dahilan upang mangyari iyon.
Hindi ko nga lubos maisip kung bakit ko nagawang lokohin ang babaing mahal ko. Basta't sapat na sa akin na ma-realize ko na nasaktan ko siya. Hindi ko siya masisisi kung bakit ayaw na niya sa akin. Kasalanan ko naman kasi sa umpisa dahil nagpadala ako sa tukso at hindi ko naisip na mangyayari pala ang mga bagay na ito.
Ngunit kahit ganun ang nangyari sa amin ay hindi ko pa rin maitatanggi sa sarili ko na mahal ko pa rin siya. Kaya gagawin ko ang lahat para lang maibalik ko ang lahat sa dati. Yung dati na pareho kaming masaya sa piling ng isa't isa.
"I'm sorry if I hurt you. I still love you. I hope, someday.....you'll forgive me." at tuluyan ko nang itinago ang picture niya sa drawer ng side table ko.