Descargar la aplicación
54.54% When He Falls (Tagalog) / Chapter 18: Chapter 18

Capítulo 18: Chapter 18

Matapos ang higit tatlong araw na pananatili ni Margareth sa ospital ni isang salita wala ng lumalabas sa bibig nya. Tulala lang syang nakatingin minsan sa bintana at kapag kinakausap sya tanging tango lang ang ginagawa nya. She wants to speak pero baka mabasag lang ang boses nya at mauwi sa pag iyak at iyon ang ayaw nyang makita ng mga tao sa paligid nya. Na mahina sya. She walk outside the room kung saan sya namalagi ng tatlong araw at sa mismong paglabas nya ay sumalubong sakanya ang walang kagana-ganang mukha ni Norbert.

Unshaved mustache and beard. Mga mata nyang halos hindi na ata natutulog. Pati ang buhok nyang dati ay ayos na ayos noon, ngayon, gulo-gulo. Halata ring nakainom ito base na rin sa pagewang gewang nyang paglalakad papunta kay Margareth.

Margareth didn't bother to walk at lapitan si Norbert. Nanatili syang nakatayo habang matalim nyang tinitigan ang meserableng si Norbert. She bite her lips ng niyakap syang mahigpit ni Norbert. Tears start to fall pero pinunasan nya lang ang mga iyon at malakas na itinulak si Norbert palayo sakanya.

"Leave." She said. Nanlilisik ang mata nyang nakatingin sa pagod na pagod na mata ni Norbert. Naglakad muli ito para yakapin sya pero isang malakas at malutong na sampal ang ibinigay nya.

"I said leave!" she said again pero hindi nakinig si Norbert. Nagpatuloy sya sa paglapit para mayakap nya si Margareth isang malutong muli na sampal ang natanggap nya hanggang sa paulit-ulit na lang, hanggang nayakap nya ng mahigpit ang babaeng mahal nya.

Nanlaban si Margareth na pilit kumawala sa yakap ni Norbert. Napaiyak na sya at hindi na mapigilang humagulhol dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman nya. Basag na basag na sya at ang gusto na lang nya ay lumayo at huwag ng magpapakita pa.

"You said you love me pero anong ginawa mo?! You said you've change pero hindi pa pala. Umasa lang ako. Pinaasa mo lang ako!" Sambit ni Margareth sa gitna ng kanyang pag-iyak. Pagod na syang manlaban at gusting kumawala. Pati ang tuhod nya ay bumibigay na rin at gusto ng umupo sa sahig.

"Ako lang ba ang mahal mo?! Ako lang ba? Dahil kung ako lang bakit kailangan mo pang maghanap ng iba?!" Itinulak ni Margareth si Norbert pero hindi sya makawala. Naalala na naman nya ang lahat ng mga pangyayari na nakita nya. Masakit at lalo nyang nararamdaman ang hapdi dahil sa lalaking nakayakap sakanya.

Pilit na tinutulak ni Margaret hang matigas na katawan ni Norbert pero hindi iyon natinag para matanggal ang pagkakayakap nito sakanya.

"Hindi ako naghanap ng iba. Ikaw ang mahal. Ikaw." Iniharap ni Norbert ang mukha ni Margareth. Hawak nito ang magkabilaang psingi nya gamit ang dalawang palad. Mainit iyon at ramdam na ramdam ni Margareth ang panginginig ng palad nito.

"Hindi ko na alam. Hindi ko na maintindihan." Napaluha si Margareth.

"Bitawan mo na ako." Mahinang sambit niya.

Unti-unting bumitiw ang dalawang palad ni Norbert na nakahawak sa pisngi ni Margareth. Pareho silang napayuko. Luhaan. Basag ang parehong puso. Hindi alam kung papaano aayusin at kung papaano magsisimula. Magulo. Ang gulo ng lahat. Ang puso nila at ang isip.

Nagsimulang maglakad si Margareth. Humihikbi sya kasabay ng unti-unti nyang paglayo ay ang unti-unting pagkahulog ng mga pira-piraso nyang puso. Mas lalong nagsihulog ang luha sa mata nya. Hindi na nya mapigilan. Napahawak na sya sa bibig nya dahil sa unti-unting paglakas ng hikbi nya at ayaw nyang makaistorbo sa mga ibang taong nasa ospital.

"I don't understand. I've tried my very best but it's not enough for you. It's hard to believe na ako lang ba ang mahal mo. I tried to give the best for you pero ang sakit makitang may kasamang ibang lalaki ang babaeng mahal mo." Natigilan si Margareth sa paglalakad.

Nabasag ng tuluyan ang puso nya dahil sa narinig nya. Halos hindi na sya makahinga dahil sa mga salitang binitawan ni Norbert. Bakit nangyayari ito sakanya? Bakit parang bumabaligtad ang sitwasyon.

"I'm sorry if I'm not there to rescue you ng mabilis. I'm not there to help you sa lalaking yun. I have a surprise for you pero parang ako ata ang nasurprise sa nakita ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil hinayaan kita. Hinayaan kitang maghirap sa kamay ng lalaking yun." Unti-unting nahulog ang luha sa mata ni Norbert. Hindi na nya kilala ang lalaking minahal nya noon. Hindi nya nakikita ang mayabang, at malakas na Norbert sa katauhan ng lalaking yakap-yakap nya ngayon.

"I know I'm not worth it. I know you have still doubt about my love for you. I know you still love him. I'm sorry." Basag na basag na ang puso nya.

"Gusto kong bumitiw pero mas gusto kong humawak pa pero ikaw ang kusang nagtatanggal sa kamay kong mahigpit na nakahawak sayo. Masakit pero tatanggapin ko. Mahal kita. Sobra." Hindi na kayang marinig ni Margareth lahat ng sasabihin ni Norbert kaya napatakbo sya palayo. Mas mabuti ng ganito ang nangyari dahil hindi nya kayang mabuhay sa mundong madaming problema. Hindi kayang itaya ni Margareth ang buhay ng anak nya sa buhay na puno ng problema.

Napaupo sya sa isang bench malapit sa garden ng ospital at duon inilabas ang lahat ng hinanakit nya. Mas mabuti na ang ganitong desisyon. Ang umalis at tumakas sa problemang ito.

Naipakulong na ng daddy nya si Luke at wala na syang balita pa dito. Ang alam na lang nya ay ginagawa lahat ng daddy nya ang lahat ng makakaya para huwag na itong makalabas sa kulungan. Alam ni Margareth na iba ang pagkakaintindi ni Norbert sa nakita nya. Alam nyang iniisip nitong mahal pa nya si Luke pero nagkakamali ito sya ang mahal ni Margareth pero nasaktan sya dahil sa nasaksihan nya. Nasaktan sya dahil sa higit na pagmamahal at pagtitiwala nito sakanya na sya lang at wala ng iba.

Umasa lang pala sya sa mga pangako nitong sya lang ang babaeng mamahalin. Kitang-kita ng dalawang mata nya ang lahat. Mula sa halinghing ni Megan hanggang sa paghalik nito sa labi ng babae, sa leeg at ang pagsasabi ni Norbert na mahal na mahal nya si Megan na dahilan ng labis na galit nya at labis na pagkadurog ng puso nya.

Umuwi sya ng mansion at nag-umpisang ilagay sa maleta ang mga damit. Wala pa ang daddy nya at ang tanging nag-asikaso sakanya kanina sa ospital ay mga katulong nila at dalawang body guard ng daddy nya. Abala siguro ito sa kumpanya.

Inilagay nya sa isang malaking maleta ang mga importanteng gamit na dadalhin nya sa pag-alis pero hindi nya alam kung saan pupunta. Hindi nya alam kung saan sya magtatago para hindi na makita. Alam naman nyang kaya ng daddy nyang mahanap sya pero sana huwag dahil ang gusto nya lang ngayon ay lumayo at makapag-isip. Gusto nyang ilayo ang batang nasa sinapupunan nya. Gusto niyang lumaki itong walang kinikilalang ama dahil masasaktan lang ito kapag nalaman ang katotohanang anak lang sa labas.

Napaluha si Margareth dahil sa mga iniisip nyang mangyayari. Mabubuhay na syang mag-isa kasama ang bata sa sinapupunan nya. Binuhat na nya ang maleta palabas ng kwarto nya. Dala nya ang mga damit at iba pang bagay na magagamit nya. May sapat rin syang perang naipon. Iniwan nya rin ang cellphone. Pinunasan nya ang luhang lumandas sa pisngi nya bago tumingala para tignan ang kabuuan ng mansion kung saan sya lumaki at nagka-isip.

Aalis sya para sa bata para sa kapakanan nito. Aalis sya pero babalik din kapag handa na sya. Babalik sya. Sisiguraduhin nya iyon.

Higit tatlong lingo na si Margareth sa inuupahang bahay sa Penablanca. Nung araw na umalis sya ay hindi nya alam kung saan sya pupunta basta sumakay na lang sya sa bus papuntang Isabela (Northern part of Luzon). Walang internet o cellphone na magagamit nya para kontakin ang sinuman sa maynila. Tama na rin siguro ang ginawa nya para walang makahanap sakanya. She wants to live on her own kasama ang bata sa sinapupunan nya. Magiging mahirap man sakanya ay makakaya nya.

Ang Penablanca ay isang maliit na munisipalidad pero kahit na ganun ay mayroon pa ring naglalakihan mga bahay na makikita. Sakatunayan nga ay may isang malaking Hacienda malapit lang sa bahay na inuupahan nya ngayon. At sa paglilibot nya ay napag-alaman nyang may kolehiyo rin palang nakatayo roon. Napangiti na lang sya habang nakaupo sa upuaang kahoy sa labas ng bahay habang pinapanuod ang mga batang naglalaro malapit sa basketball court.

Maliit lang ang bahay na inuupahan nya pero sakto na rin sakanya iyon dahil sya lang naman ang nakatira. May maliit itong kusina at palikuran. Bumili rin sya ng foam para pagtulugan nya dahil sa masakit ang katawan nya sa higaang kahoy.

Napagpasyahan nyang maglakad papunta tabing dagat habang hindi pa tirik ang araw. Paborito nyang puntahan iyon dahil sa ganda ng tanawin at doon nya ibinubuhos ang mga hinanakit nya. Sa tatlong linggo nyang pananatili sa Penablanca ay doon nya lang napagtanto na kaya nyang mabuhay ng mag-isa na hindi umaasa sa iba. Na kaya nya, dahil malakas sya.

At sa tatlong linggo nya ring pananatili roon ay madami na syang kakilala at lahat naman ay mababait. Mayroon ring mga binatang gusto syang ligawan pero umaayaw sya dahil na rin sa nangyari. Atsaka isa pa magiging nanay na sya. Nakilala nya ang grupo ni Carla na noon ay abala sa pagtatani ng palay. Natutuwa sya dahil may mga babaeng masisipag na nagtatanim ng palay kahit sa matinding sikat ng araw atsaka isa pa ay ginagawa nila iyon para sa pag-aaral nila. Naging kaibigan nya si Olivia na pamangkin pala ng matandang nagmamay-ari ng bahay na inuupahan nya, Si Ysabell na pinsan naman ni Olivia. Carla na anak ni Manang Carmelita na syang tumulong sakanya noon sa paghahanap ng matutuluyan. At si Lorie na anak naman ni Mang Gusting, ulila na ito sa ina kaya sya nagsisipag sa pagbubukid upang matulungan ang bulag na ama.

Minsan, naiisipan nilang maligo sa dagat kung wala silang ginagawa. Ngayon nga'y natatanaw na naman ni Margareth ang apat na nagtatampisaw sa tabing dagat. Napatakbo sya dahil sa pagkasabik nya na makasama at makakulitan ang apat.

"Oh, akala ko masakit ang ulo mo?" Sambit ni Olivia pagkarating nya. Natigilan ang tatlo sa pagbabasaan dahil sa pagdating nya. Umiling na lang sya bilang sagot.

"Maliligo ka din?" si Ysabell na may maluwang na ngiti sa labi. Ito ang pinakapilya sa apat at pinakamadaldal pero kahit ganoon ay nakasanayan na rin nya. Namimis na nya tuloy ang bestfriend nyang si Claire.

"Wala akong dalang damit na ipampapalit, eh." Ngumiwi sya pero dahil sa kakulitan ng mg kaibigan nya binasa sya ng mga ito kaya wala syang nagawa kundi maghubad ng t-shirt kasama ang pang-ibabang shorts nya saka nagtampisaw. Natigilan ang apat dahil sa ginawa nya.

"What?" Natigilan din sya dahil sa titig na ibinibigay ng mga kaibigan nya sakanya. Gulat ang mga ito na parang ngayon lang nakakita ng babaeng nakabra lang at undies habang naliligo sa dagat.

"Ang sexy mo. Nakakaingit!" Lumawak ang ngiti ng apat saka muling nagkulitan. Margareth really likes having fun with her four friends kasi kahit kaonting oras lang ay naiibsan ang sakit na nararamdaman nya at nakakalimutan ang nangyari.

Higit isang oras din silang nagtampisaw sa dagat. Puro tawanan ang maririnig mula sakanila dahil na rin siguro sa pagod ay napagpasyahan nilang sumilong muna sa maliit na kubo. Pero tila maling desisyon ata ang nagawa ni Margareth. Nanlaki ang mata nya pati na rin ang lalaking nakatingin sakanya ngayon. Pero ibinaling na lang ni Margaret hang tingin sa mga kaibigan.

"Bakit andito ka?" Naiiritang sambit ni Carla sa lalaking prenteng nakaupo sa upuang kahoy habang nakapamusal ito. Nanliit ang mata nitong tinignan si Margareth kaya muling ibinaling nya ang tingin sa ibang direksyon.

"This is ours kaya andito ako." Mayabang nitong sagot pero naroon pa rin ang tingin nitong may pagtataka. This is not good for Margareth. For pete sake! Ilang linggo lang sya nagtatago pero agad agad ng may nakatuton sakanya. Napabuntong hininga na lang si Margareth.

"So? Can you leave this place?" Malditang sambit ni Carla. Nag-igting ang panga ng lalaki.

"Okay." Maikli nitong sambit saka naglakad pero bago iyon ay pinasadahan muna nito ng tingin si Margareth saka ngumiti ng malawak.

Hindi alam ni Margareth kung para saan ang ngiting iyon. Alam nyang kaibigan iyon ni Norbert. Kailangan nya itong makausap baka sabihin pa nito kung asan sya. At siguradong mahihirapan na syang makaalis pa at magpakalayo layo. Agad syang tumakbo papunta sa lalaki saka niya hinawakan ang braso nito dahilan kaya ito napahinto sa paglalakad.

"What?" Seryoso nitong tanong habang nakatitig sakanya.

"Gusto kong humingi ng isang pabor." Napayuko si Margareth dahil sa sinabi nya. Lulunukin nya ang pride nya ngayon para sa sarili at para sa bata.

"What favor? For what?" He said in a jolly tone. Mukhang nag eenjoy ito dahil sa mga nangyayari.

"Gusto ko na huwag mong sabihin kay Norbert na nandito ako o kahit na sino sakanila." Nanlumo si Margareth. Hindi nya alam kung bakit naiiyak sya dahil sa sinabi. Alam nyang namimis na nya ang mga kaibigan at kapamilya nyang nasa maynila pero hindi sya pwedeng bumalik doon na parang walang nangyari.

"Of course. You're secret safe with me. Anyways, This land is ours maybe I should suggest to my dad na doon kana lang sa isang cottage tumira malapit sa beach na ito." He said saka lumayo na sakanya. Nabunutan ng hininga si Margareth. Pabalik na sana sya sa kubo pero ang mga kaibigan nya ang lumapit sakanya at agad na nag usisa.

She tells everything about what happened to her. Sinabi nya rin na buntis sya at ang lalaking iyon ay kaibigan ng magiging tatay ng anak nya. Gulat ang mga kaibigan nya. What do you expect diba? At her young age mabubuntis and besides she's alone her without nothing kundi sya at ang bata sa tyan nya. But at the end, her friends supports her at niyakap sya ng mahigpit dahilan kaya sya napaiyak. Lahat pala ng masasakit na nangyari ay may kapalit na ligaya at iyon ay nararamdaman nya ngayon sa bagong mga kaibigan nya.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C18
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión