Descargar la aplicación
51.51% When He Falls (Tagalog) / Chapter 17: Chapter 17

Capítulo 17: Chapter 17

Masakit isiping lahat ng pinagsamahan, pinagsaluhang kasiyahan at kalungkutan na pareho nyong sinuong pati problema ay bigla na lang mawawala. Mahirap isiping sa isang pagkakamali ay mababago ang kinasanayan mong buhay, ang pinaniniwalaan mong pag-ibig at ang tiwala mong ibinigay ay mawawasak na lang na parang isang salamin na kalianman ay hindi na babalik pa sa dati.

Margareth just sitting there at tila wala ng katapusan ang luhang lumalabas sa mata nya. Masakit. Iyon ang tanging lumalabas sa isip ni Margareth. Akala nya, hindi na mawawala ang kasiyahan sa kanya pero hindi pala.

Tumingala sya ng maramdaman nyang may tao sa likod nya. It's Luke na may bahid sa mukha ng awa at pagtataka. Umiwas sya ng tingin dahil ayaw nyang makakita ng taong naawa sakanya. Ayaw nya ng awa dahil ipinapamukha lang nitong mahina sya.

Tumabi ito sakanya pero hindi gaanong dikit. Gustong lumayo ni Margareth pero hindi nya magawa dahil nanghihina sya. Wala syang lakas para maglakad dahil baka bumagsak lang sya.

Hindi nagsalita si Luke. Nakatingala lang ito sa langit gaya nya habang bumubuhos pa rin ang luha nya. It's very painfull to think na ang taong pinahalagahan at minahal mo ay lolokohin ka lang na parang isang bata. Gustong-gusto nyang manakit pero paano? Sino? Gusto nyang ilabas lahat ng galit at sakit sa puso niya pero hindi nya kaya. Masyado syang nasasaktan para alalahanin ang nangyari.

"Ganun ba talaga kapag nagmahal ka?" she said without looking at Luke. Hindi nya maramdaman ang salitang awkward sa pagitan nilang dalawa. This pain she felt now ay parang noong iniwan rin sya ni Luke pero hindi, mas masakit ngayon dahil mahal na mahal nya si Norbert.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko." Luke said. Hindi ito makatingin sakanya siguro dahil sa hiya o dahil wala talaga itong masabi sakanya.

"Bakit ganyan kayong mga lalaki? Kung kalian nakuha nyo na ang gusto nyo sa isang babae, iniiwan nyo na? Niloloko at sinasaktan? Bakit ganyan kayo kalupit?" dire-diretsong sambit ni Margareth kahit na napapaos na ang boses nya kakaiyak.

"Hindi kita niloko." Luke answered. Gustong magsalita ni Margareth pero hindi nya magawa. Hindi nya magawa dahil ang mga salitang binitawan ni Luke ay ang salitang gusto nyang marinig ngayon kay Norbert.

Sana ang salitang yun ay sabihin ni Norbert sakanya ng harap-harapan pero matatanggap ba nya? Kitang-kita ng dalawang mata nya ang pagtataksil na ginagawa ni Norbert. Kitang-kita ng dalawang mata nya at ang puso nya, nabasag na parang isang salamin.

"Hindi kita niloko. Hindi kita ginamit. Iniwan kita dahil may rason iyon. Iniwan kita kasi mahal na mahal kita. Gusto kong saktan ang sarili ko sa pag-iwan ko noon sayo pero huli na ang lahat dahil ikaw yung nasaktan ng sobra na imbes ako. Patawarin mo sana ako."

"Enough! Sinaktan mo pa din ako! Pare-pareho kayong manloloko!" sambit ni Margareth sabay tayo ngunit pinigilan sya ni Luke upang hindi sya makaalis.

"Sana patawarin mo ako. Bumalik kana sa akin. Ako na lang ulit ang mahalin mo, Margareth." Nanlalambot ang tuhod ni Margareth pero hindi nya kaya. Ayaw nyang lumalala ang sitwasyon.

Ayaw nyang tumanggap ng kahit na sino sa puso nya ngayon dahil nasasaktan pa sya.

"Napatawad na kita noon pa." pinunasan ni Margaret hang lumandas na luha sa pisngi nya. Hinila nya ang kamay nyang hawak ni Luke pero hindi nya iyon magawa dahil sa higpit ng pagkakahawak nito.

"Luke, bitawan mo ang kamay ko." She said in a calmed voice. Hindi iyon pinakinggan ni Luke. Tumayo ito at agad syang niyakap. Nanlaban si Margareth pero masyadong malakas si Luke at hindi nya ito magawang maihawalay sakanya.

"Bitawan mo ako!" sigaw nya. Hindi pa rin bumibitiw sa pagkakayakap si Luke. Hanggang sa maramdadaman nya ang labi nitong hinahalikan ang leeg nya.

"Luke! Bitawan mo ako. Please?!" napaluha si Margareth. Hindi nya alam na ganito ang mangyayari sakanya.

"Bitawan mo ako please?" hindi pinakinggang ni Luke ang sinasabi nya. Hinahalikan nito ang leeg nya hanggang sa ang pisngi na nya at ang labi nya. Nanlalaban sya pero hindi nya kaya. Napaluha sya. Gusto nyang tumakbo pero hindi sya makawala.

"Luke please? Bitawan mo ako." Nagsusumamong sambit nya.

Binuhat sya bigla ni Luke at agad na ipinahiga sa damuhan. Nanlalaban sya ng husto pero wala syang lakas. Wala syang laban. Pinagpapalo na nya ang dibdib ni Luke pero malakas pa rin ito. Patuloy pa rin sya nitong hinahalikan sa leeg. Dinaganan sya nito. Hinawakan ang damit nya saka nito hinila at napunit. Lumantad ang bra nya na agad nyang tinakpan.

Umiiyak sya at pilit na pinapalabas ang bawat salita sa bibig nya pero walang lumalabas kundi mga hikbi lang. Gusto nyang humingi ng tulong. Gusto nyang sumigaw para may makarinig sakanya pero tinakpan lang ni Luke ang bibig nya.

"Luke maawa ka." Iyak na sya ng iyak. Hindi nya lubos maisip na magagawa ni Luke sakanya ito.

"Luke. Bitawan mo ako." Hinawakan ni Luke ang bra nya sakanito hinila kaya natanggal. Napasigaw si Margareth dahil doon. Mas lalong bumuhos ang mga luha sa mata nya.

"Luke." Sambit nya sa gitna ng bawat hikbi. Hinalikan ni Luke ang dibdib nya. Sinasabunutan nya ito para mapigilan at sinasampal ngunit hinawakan lang nito ang kamay nya ng walang kahirap hirap.

Tinanggal ni Luke ang suot nyang damit at sinumulang halikan muli ang bahagi ng katawan ni Margareth. Patuloy lang sa pagtulak si Margareth at pagsigaw pero hindi sya naririnig ni Luke. Parang sinaniban ito ng masamang espiritu kaya nagawa nito ang kababuyan kay Margareth. Nakahanap ng tyempo si Margareth at agad nyang tinadyakan ang maselang bahagi ng katawan ni Luke.

Napahiwalay si Luke sakanya dahil sa lakas ng pagkakatadyak nya. Maluha-luha syang bumangon at napaupo. Sira-sira ang damit nya. Agad nyang pinulot ang bra nya habang napipilipit sa sakit si Luke. Tumayo syang nanghihina at nagsimulang maglakad ng pasuray-suray. Natumba sya pero tumayo ulit hanggang sa may humawak sa balikat nya saka sya nito sinabunutan.

"Hindi ka makakaalis dito hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko. Makukuha din kita, Margareth." May bahid ng galit ang boses ni Luke. Marahas sya nitong sinabunutan at napasigaw si Margareth dahil sa matinding sakit. Napahiga sya sa damuhan at agad na dinaganan muli ni Luke.

"Walang hiya ka! Walang hiya ka!" sambit ni Margareth. Naroon ang takot at galit sa bawat letra. Galit at pagkamuhi kay Luke. Tanging nasa isip na lang ni Margareth ay kung papaano sya makakawala at kung paano sya makakahingi ng tulong.

Hinila muli ni Luke ang sira-sirang damit na nakatakip sa katawan ni Margareth. Pinagsusuntok ni Margareth ang katawan ni Luke pero walang epekto iyon dahil sa lakas ni Luke. Sinampal sya nito at dumugo ang gilid ng labi nya. Napaiyak sya ng husto.

Nawawalan na sya ng pag-asa. Nawawalan na sya ng lakas na lumaban. Nagsimulang tanggalin ni Luke ang sinturon nya at ng matanggal nya at muli sya nitong hinalikan pero bago pa nya iyon magawa ay nakapulot sya ng isang malaking bato saka niya iyon ipinukpok sa ulo ni Luke.

Agad syang bumangon at tumakbo. Nadapa sya hanggang sa makarinig sya ng yabag mula sa harapan at laking gulat nya ng si Norbert iyon. Agad sya nitong nilapitan at niyakap ng mahigpit. Nag-iiyak lang sya dahil sa matinding takot.

"Sino ang gumawa nito sayo?! Sino?!" sigaw ni Norbert. Iniwan sya nito ng makita ang nakabulagtang si Luke mula sa malayo.

"Hayop ka!" Isang malakas na suntok ang ginawa ni Norbert. Hanggang sa magdilim ang paningin ni Margareth at wala na syang maramdaman kundi ang kapayapaan.

Pagkagising ni Margareth ay agad syang napabangon mula sa pagkakahiga. Ramdam nya ang sakit sa kalamnan nya. Inilibot nya ang tingin nya sa apat na sulok ng kwarto at nakita nya si Norbert na nakatingin sakanya ng may awa. Umiwas sya ng tingin. Lumapit si Norbert sakanya at agad syang niyakap ng mahigpit.

"Akala ko mawawala kana sa akin." Bakas sa boses ni Norbert ang takot sa boses nya. Napaiyak si Margaret hang dahilan kung bakit muntik na syang nagahasa ni Luke. Naitulak nya si Norbert.

Bumalik muli ang sakit na naramdaman nya kagabi. Bumalik ang lahat ng alaalang nakita nya. Bumalik muli ang galit sa puso nya.

"Lumayo ka sa akin! Lumayo ka!" Sigaw nya. Hindi sya makatingin kay Norbert dahil baka isang tingin nya lang ay baka bumuhos muli ang luhang ayaw nyang pakawalan.

"Margareth. Paratawarin mo ako kung wala ako dun para iligtas ka kaagad." Sambit ni Norbert. Muli itong lumapit at hinawakan ang kamay nya pero agad nya iyon binawi at tinampal ang kamay ni Norbert.

"Lumayo ka sabi eh! Hindi kita kailangan! Lumayo ka!" Nanlilisik na mga mata nyang tinignan si Norbert. Galit at poot ang nararamdaman nya. Matapos sya nitong lokohin ay andito sya para sabihin ang mga salita yan.

"Hindi kita kailangan. Hinding-hindi na kita kailangan! Magpakasaya ka! Yun naman ang gusto mo diba? Ang magpakasaya gamit kaming mga babae? Dun ka magaling diba ang manloko?!" Sigaw ni Margareth. Hindi nakaimik si Norbert sa lahat ng sinabi ni Norbert. Hindi na muli ito lumapit pa sakanya.

"Sorry. Hindi ko sinasadya..." sambit ni Norbert pero pinigilan lang sya ni Margareth.

"Lumayas ka! Ayaw ko na makita pa ang pagmumukha mo! Lumayas ka!" lumandas na ang luhang kanina pang pinipigilang lumabas sa mata ni Margareth. Kitang-kita nya rin ang paglandas ng luha sa mata ni Norbert. Umiwas sya ng tingin dahil mas lalo syang nasasaktan na makitang umiiyak ito sa harap nya. Ayaw nyang makita itong umiiyak dahil naalala lang nya ang kataksilang ginawa nito.

"Lumayas kana." Malamig nyang sambit pero andun pa rin ang luhang lumalandas sa pisngi nya. Hindi na sya tumingin pang muli kay Norbert. Narinig na lang nya ang pagbukas at pagsara ng pintuan.

Mas bumuhos ang luha sa mata ni Margareth. Sa tindi ng sakit na nararamdaman nya ay tanging luha lang ang ginagawa nya. Gusto nyang magwala at itapon lahat ng bagay na mawakan nya pero hindi nya ginawa. Nakayuko lang syang umiiyak ng biglang tumunog ang pinto hudyat na may pumasok.

Tinignan nya ito at laking gulat nya ng makitang si Megan ang pumasok. Nakatingin ito sakanya.

Walang bahid ng awa parang masaya pa itong makitang nahihirapan sya at miserable.

"I'm here to inform you that me and Norbert we'll be having a baby. So, if I we're you. Leave him alone. Magpakalayo-layo ka at huwag ng magpapakita pa." Agad na napatakip ng bibig si Margareth. Hindi na nya alam kung ano ang mararamdaman nya dahil sa mga nangyayari.

Paano na ang anak nyang nasa sinapupunan pa? Napaluha na lang sya muli dahil sa awa sa sarili, hindi, awa sa kanyang magiging anak. Lalaki itong walang ama. Umalis na si Megan sa harap nya at lumabas na. Naitapon nya ang unan na nasa tabi nya at itinulak ang mga pagkaing nakapatong sa table. Wala na syang maramdaman kundi ang sakit.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C17
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión