Gaya ng lahat ng relationship may mga problema rin silang pinagdadaanan. Sometimes they end up fighting dahil sa pagiging possessive ni Norbert sakanya. They end up arguing dahil sa mga lalaking lumalapit at minsan pa nga kahit na nakikipag-usap lang ang lalaki kay Margareth ay ginagawan na ng issue ni Norbert but at the end of the day, sila at sila pa rin ang magkasama. Hindi nila kayang mawala sa isa't-isa they both forget what happened and they both forgive. Ganun naman siguro ang essence ng love diba? Even in the hardest time of your relationship there's still a time na you can forgive him/her because you're not complete without his/her love. Palagi mo pa ring hahanapin ang yakap nya, ang kakulitan nya, ang lahat-lahat sakanya kasi mahal mo sya.
And now they're sitting again under the light the night and the cold breeze of the wind. They both dreaming about the future of their relationship na sana kahit na laging nag-aawayan ay hindi mauuwi ang relasyon nila sa hiwalayan. Norbert took the hand of Margareth at masuyo nya iyon hinalikan saka dumako ang labi nya sa labi ng dalaga.
If you can see it, it's more like one of the scene sa isang romantic movie. Nakayakap ang lalaki sa babae at masuyo nya itong hinahalikan sa mga labi nya. Lahat na siguro ng mga bagay na hindi pa nararanasan ni Margareth noon ay nagawa nya because of Norbert. Minsan pa nga noong nag-away sila at nagwalk out si Margareth ay agad na pinosasan ni Norbert ang kamay nya. Buong araw silang magkasama pero hindi pinapansin ni Margareth si Norbert dahil sa away nila but that day was hilarious at isa iyon sa pinamasayang nangyari sa buhay ni Margareth.
Norbert forget where did he put the key kaya wala silang choice kundi manatili munang magkasama at magkatabi sa gitna ng isang posas. Biglang sumama ang timpla ng tyan ni Margareth that's way she decided to poop at isinama nya sa banyo si Norbert. Yes, that was so disguisting pero iyon ang pinakapilyang nagawa nya sa buhay nya. Norbert was so irritated that day dahil sa ginawa ni Margareth pero wala na syang nagawa. He just close his nose dahil sa amoy ng banyo. And then for a revenges, Norbert took a bath and Margareth have no choice kaya sumabay na lang din sya.
And they bothe end up making love kahit na nakaposas. The intimacy was so high na para bang iyon ang pinakamainit na araw sakanilang dalawa. At sa mismong araw ding iyon ay nagkaayos din sila. Margareth really feels the love of Norbert dahil sa mga maliliit o malalaki nitong effort na ginagawa para sakanya. She's so happy with the thought being with Norbert.
At ngayon, ang kumpanya ni Norbert ay magdadaos ng victory party para sa pagkuha ng isang malaking deal mula sa foreign investors. Masaya ang lahat dahil doon because they give all their best para makuha iyon.
"Susunduin na lang kita mamaya." Isang matamis na sambit ni Norbert saka bumaba sya sa kotse pero bago umalis si Margareth ay isang halik ang ibagay nya.
"Yes, of course, baby." Si Margareth.
Pumasok na sya sa mansion nila at pagpasok nya ay tumambad ang kanyang daddy na nakangiti sakanya. She hug his dad.
"I have something for you." Sambit ng dad nya saka ito naglakad papunta sa sofa saka kinuha ang isang kulay itim na gown. Sa sobrang pagkaexcite nya ay napayakap syang muli sa daddy nya.
"Your sister bought that for you. Alam mo namang adik yun sa party." She laughed. Kinuha nya ang gown saka nya iyon sinuri kung bagay ba sakanya. It's color black na lantad ang likod.
Naghanda na sya para sa party at ginawa na ang mga ritwal ng isang babae. Sigiguro nyang maganda sya sa paningin ng lahat. She put light make-up dahil iyon ang bagay sa maputi nyang mukha pero gumamit sya ng dark red lipstick kaya mas lalaong tumingkad ang kulay ng balat nya at mas nagmukha syang sopistikada at nagmatured ng kaonti. Bumaba na sya. Paglabas pa lang nya sa pintuan ng kwarto nya ay rinig na nya ang seryosong pag-uusap ang nasa ibaba. At sa isang popular na boses sakanya ang narinig nya at parang bigla syang nanghina dahil doon. She think na baka hindi gusto ni Norbert ang suot nya o baka naman hindi sya maganda dahil sa make-up nya but she remembered what Norbert told about her before na 'hindi mo kailangang maging maganda sa panlabas na anyo bagkus mas maganda ang maging maganda sa panloob dahil iyon ang mahalaga at iyon ang pinapahalagahan ng mga taong nakapaligid sayo.' She smiled happily. She never forget that day dahil sa mga salitang iyon ay pakiramdam ni Margareth na isa sya sa pinakamaganda at mapalad sa mundo.
"There she is." Ang daddy nya.
Tinignan nya si Norbert at kita sa mukha nito ang pagkagulat. She smile at napangisi dahil doon. Halos hindi na nya maramdaman ang kanyang mukha dahil sa matinding kabang nararamdaman nya. Pakiramdam nya ay matutunaw sya sa tinging ipinupukol sakanya ni Norbert.
Lumapit si Margareth sa daddy nya at hinalikan nya ito sa pisngi saka sya lumapit ka Norbert na hanggang ngayon ay tulala pa rin. Nagbalik lang ito sa realidad ng hinawakan ni Margareth ang braso ni Norbert para magbritiete saka nya ito hinalikan sa pisngi.
"You're so gorgeous." Malawak na ngiti ang nasa labi ni Norbert.
They both quite inside of the car tanging ingay lang ng makina ang maririnig. But their heart beats louder na parang rinig na rinig ng isa't-isa. Hawak ni Norbert ang kamay ni Margareth at bahagya niya iyon pinisil-pisil. Napatingin si Margareth at isang matamis na ngiti ang ibinigay sakanya ni Norbert and his eyes are full of desire and love na may kasamang nglalagablab na apoy. She's definitely into this man na parang kahit gaano pa kainit ang tingin sakanya o matunaw man sya dahil sa mga matang iyon ay hindi sya bibitiw sa pagkakatitig dahil ang lalaking ito ay itinadhan para sakanya.
"You look so tense?" sambit ni Margareth.
"No, I'm not." He answered.
"Yes you are, Baby." She laughed but that's a wrong idea dahil halos hindi na nya makayanang huminga dahil sa biglaang paghinto ng sasakyan sa gilid ng daan at ang biglaang paghalik sakanya ni Norbert. She also felt his warm hand that caressing her breast na nagbibigay sakanya ng kakaibang pakiramdam. Bahagya nyang naitulak si Norbert ng maalalang dadalo pala sila sa party ng kumpanya ng lalaki and she's sure na hinahanap na sya doon.
Ngumiwi si Norbert sa ginawa ni Margareth pero wala na itong nagawa dahil alam nya ang ibig sabihin ng dalaga.
"Mas gugustuhin ko pang magstay na lang sa mansion kasama ka kaysa titigan ka ng mga empleyado at ng mga tao doon." Ramdam ni Margareth ang pagkainis sa tono ng pananalita ni Norbert.
"Ano bang pinagsasabi mo? Party 'yun ng kumpanya mo kaya dapat andun ka. And besides, dapat nga andun kana kanina pa at hindi mo n asana ako sinundo." Natatawang sambit ni Margareth. Umandar na ulit ang makina at pinatakbo na ni Norbert ang sasakyan.
"I know pero hindi ko pa rin gugustuhin na tignan ka ng mga lalaki na puno ng pagnanasa. And you know what can I do." Si Norbert. Pinalo ni Margareth ng bahagya ang braso ni Norbert dahil sa pagiging possessive nito sakanya.
"Kung gusto mo huwag na lang akong pumunta para wala ka ng aalalahanin pa."
"No. Hindi pwede yang ideya mo. You'll be attending that party with me at huwag na huwag kang ngingiti sa mga lalaking makakasalubong natin."
"Magmumukha akong bastos sa harap nila at baka sabihin nilang suplada ako." She laughed again dahil sa ideyang sinasabi ni Norbert. Alam nyang pinoprotektahan lang sya ni Norbert kaya nya sinasabi ang mga salitang yun. Hinalikan na lang nya ang pisngi ni Norbert ng makitang malapit na sila sa building ng SCFC pero bago yun ay bumulong muna sya.
"I'm your's, Mr. Santiago at wala ng makakaagaw pa sa akin."
Pinagbuksan ni Norbert ng kotse si Margareth at paglabas nila ay naroon na ang mga nagkikislapang flash ng mga camera. Handa na si Margareth sa mundong pinasok nya kasama si Norbert because tonight will be the night that she'll be announcing na girlfriend sya ng isa sa pinakakilalang bachelor ng bansa at pinakamayang negosyante na walang iba kundi si Norbert Santiago.
Nag-abritsiete sya kay Norbert at kahit nanginginig ang kanyang mga kamay dahil sa mga taong nakatingin sakanila ay nagagawa pa rin nyang kontrolin iyon. Taas noo syang naglakad kasama si Norbert. May matamis na ngiti sa labi at ipinakitang 'Kaya ko 'to at walang makakapigil sa akin.'
Diretso lang sila ng lakad kahit na madaming mga matang nakatingin sakanila and mostly duon ay mga babaeng pumapangarap sa lalaking kasama nya ngayon pero ang mga pangarap nilang iyon ay hanggang doon na lamang.
Mahigpit ang pagkakahawak nya sa braso ni Norbert dahilan kung bakit humalakhak ito. Napasimangot na lang sya dahil doon pero nagulat sya dahil sa biglang paghalik sakanya ni Norbert sa pisngi at hindi iyon nakaiwas sa mata ng lahat at lalo na sa ilaw ng mga camera.
"Gusto ko, sa akin ka lang kabahan all the time, Baby." Halakhak nito pero simangot lang ang ibinigay ni Margareth.
"Hey! Don't give me that look! Mas gugustuhin tuloy kitang halikan sa labi dahil sa pagsimangot mo." Mas lalo itong humalakhak. At ang kaninang simangot na mukha ni Margareth ay napalitan ng ngiti. Hindi talaga nya magawang maging malungkot kapag kasama nya ang lalaking ito. Parang palaging masaya at walang kalungkutan.
They entered into the way in papunta sa engrandeng venue ng party. Pagpasok pa lang nila, all of the eyes ng mga guest and even ang mga employees ng kumpanya ay nakatingin sakanila na parang mga celebrity.
Hinanap ng mata ni Margareth ang kaibigan nyang si Claire pero iba ang nahagip ng mata nya, ang babaeng humalik kay Norbert noong magkasama silang dalawa sa condominium ay andito at nakatingin ng masama sakanya. Umiwas sya ng tingin, hindi nya maipaliwanag bigla ang naramdaman nya, parang takot at kaba pero binalewa nya lang iyon saka inilibot muli ang tingin at sa pangalawang pagkakataon, takot at kaba ang muling bumalot sa buong kalamnan nya.
She saw those almond brown eyes mula sa mommy nya. Isang matang nakakatakot titigan at may bahid ng pagbabanta. Napalunok na lang sya at ngumiti ng matamis pero inirapan sya ng Mommy nya. Kasama nito ang daddy nya na nakangiti namang nakatingin sakanya. Andito na din pala sila.
Nagulat sya ng biglang may kumurot sa tagiliran nya at halos sumigaw na sya pero napigilan nya yun ng makitang si Claire lang pala ang dahilan. Bumitaw sya sa pagkakahawak sa braso ni Norbert na nakatingin sakanilang dalawa. Niyakap nya ang bestfriend nya.
"I miss you. Akala ko hindi na tayo magkikita dahil sa lalaking yan." May galit sa tono ng pananalita ni Claire. Humalakhak na lang si Margareth saka humiwalay ng yakap.
"Napaka possessive!" mahinang bulyaw ni Claire sa pinsang si Norbert. Ngisi lang ang ibinigay nito sakanya.
"Bad influence ka kay Margareth kaya ayaw kong kasama mo sya." Si Norbert.
"Kung hindi lang kita pinsan baka inireto ko na sa mga friends kong boys si Margareth. You know?" pagbibiro ni Claire pero tila wala sa panahon magbiro ang pinsan nya. Inis sya nitong tinignan pero pinigilan iyon ni Margareth.
"Hep! Yang tingin mo sakanya! I know what you are thinking." She said saka humawak muli sa braso ni Norbert.
"Claire, upo muna kami doon. Mamaya na lang tayo mag-usap." Sambit muli Margareth.
"Bestfriend mo ba talaga yun?" naiinis na sambit ni Norbert at nagsimula na silang maglakad papunta sa table na nakareserved para sakanila.
Humalakhak na lang sya at umupo na. Tinawag na ng emcee si Norbert sa stage. Wala syang maintindihan sa mga sinasabi nila basta ang buong atensyon nya ay sa babaeng nakaupo sa kabilang table kasama ang Mommy nya. May hindi magandang nararamdaman si Margareth pero pinilit nyang pinakalma ang sarili at inabala na lang ang sarili sa pagkaing nasa harap nya habang nakatingin sa lalaking nasa harap na nakatingin rin sakanya ng may ngiti.