Descargar la aplicación
12.12% When He Falls (Tagalog) / Chapter 4: Chapter 4

Capítulo 4: Chapter 4

Dumeretso ng uwi si Margareth sa bahay nila at hindi bumalik pa sa cafeteria siguradong dudumugin sya doon at papaulanin ng mga tanong lalo na si Claire. Napagod sya sa lahat ng nangyari kahit na wala syang masyadong ginawa.

Ang nagmamay-ari ng pangalang Norbert Santiago ay ang pangalang nagpaluha na sa maraming babae. Winasak ang puso ng bawat babaeng napupusuan at nagugustuhan. At ayaw nyang matulad sa mga babaeng yun. Ayaw nyang mapabilang sa mga babaeng nagkakandarapa para lang mabigyan ng kahit kaonting pansin o pagmamahal mula sa lalaki. Nagkamali ata sya sa desisyong nagawa nya pero wala na syang magagawa dahil tapos na.

Pumasok na sya sa kwarto nya at agad na nahiga sa kama. Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone nya pero hindi nya iyon sinasagot dahil alam nyang si Claire lang yun na magtatanong ng mga sandamakmak na tanong tungkol sa nangyari kanina.

Kinuha na lang nya ang laptop nya na nakapatong sa table katabi ng mga paborito nyang mga libro. Binuksan nya yun at naghintay na magbukas ang screen. Nang nagbukas ang screen at nagloading ay pinindot nya ang browser saka nagtype para magopen ng account sa facebook.

Pag-open ng facebook ay agad na nagpop-up ang message box na agad na pinanlakihan sya ng mata. It's Luke, her long time boyfriend dati. Gusto nyang sagutin ang message nito pero tama bang gawin nya iyon? Naguguluhan na sya nangyayari. Kanina lang ay dahil kay Norbert at he'to na naman ang lalaking dahilan ng lahat kung bakit ayaw nyang mainvolve sa isang relasyon. Ang lalaking una nyang minahal at ang lalaking una syang sinaktan ng husto.

Luke Francis Gregory : Hello.

Napakagat ng labi si Margareth. Makita lang ang pangalan ng lalaking unang nanakit sakanya ay parang hindi na nya kayang tignan pa. Pero ano pang magagawa nya? Tapos na sila at wala ng dahilan para masaktan pa sya ulit. Nagtype nalang sya ng isasagot.

Margareth Singson Ty : Hi.

Luke Francis Gregory :Typing...

Naghintay ng ilang minute Si Margareth sa sabihin ni Luke. Mukhang madami itong sasabihin dahil kanina pa 'Typing...' ang nakalagay sa screen sa pangalan nya. Napangiti si Margareth dahil doon. Baka ito na ang oras at pagkakataon para sa closure ng relationship nilang dalawa. Closure na matagal na hinintay ni Margareth kahit na wala ng kasagutan sa mga katanungan nya kung bakit sya iniwan at niloko ni Luke kung kailan nahulog at mahal na nya ito ng husto.

Luke Francis Gregory :Kamusta na?

Napakunot ang noo ni Margareth. Sa haba ng oras na hinintay nya para lang sa sagot ni Luke pero 'Kamusta na?'lang pala ang sasabihin nito sakanya. Napailing nalang ng ulo si Margareth at kasabay ang isa pang message galing kay Luke at sa lalaking ginugulo sya ngayon, si Norbert Santiago.

Luke Francis Gregory : Mahal pa rin kita.

Norbert Santiago : Hi Baby.

Muntik na nyang maitapon ang laptop na nakapatong sa dalawang hita nya dahil sa nakita nya. Si Luke na nagmessage na mahal pa sya at si Norbert naman na heto't patuloy syang ginugulo. Napapikit sya ng mariin. Sasagutin nya ba si Luke o hindi? Si Norbert kaya?

Norbert Santiago : Typing...

Naglog-out na lang sya saka pinatay ang laptop nya saka sya humiga sa kama. Mariin syang pumikit at pilit na alalahanin ang lahat ng nangyari sa araw na ito. Si Norbert na niyaya syang maging sex buddy nya na ngayon ay ginugulo sya maging sa social network at si Luke, ang Ex-biyfriend nya, na muling nagbabalik at sinasabing mahal pa sya kahit na niloko sya nito at iniwan. Dapat ba syang maniwala? Magbalik kay Luke? Paano si Norbert? Teka bakit nasali sa usapan ang lalaking yun? Anong kinalaman ni Norbert dito?

Padabog na bumangon si Margareth sa kama dahil sa inis ng sumagi sa isipan nya ang mukha ni Norbert na nakangising nakangiti. Naiinis sya kapag naalala nya ang gusto nitong mangyari sakanilang dalawa. Naiinis sya dahil ito ang nasa isip nya at hindi mawala-wala.

Ano ba ang meron sa Norbert Santiago na yan at bakit hindi nya magawang alisin sa utak nya? Isa lang naman itong lalaking nakakaakit at nakakalaglag panty pero kahit na hindi sapat yun para guluhin nito ang utak ni Margareth. Norbert Santiago, paano kaya kita maiwawala sa isip ko? Sa isip ni Margareth.

Bumababa sya para kumuha ng tubig pero laking gulat nya ng makita nyang prenteng nakaupo sa sofa ang kani-kanina lang ay ginugulo ang isip nya. Aakyat na sana sya ulit ng tawagin sya ng Daddy nya.

"Akala ko tulog kana. Andito nga pala si Mr. Santiago para sa proposal nya para sa company." Sambit ng Daddy nya. Tuluyan na syang bumaba ng hagdan at padabog na umupo sa sofa na kaharap ng lalaking nakangisi na ngayon.

"Mr. Santiago this is my daughter, Margareth." Sambit ng Daddy nya. Nagkatitigan sila ni Norbert na para bang nagkakasukatan kung sino ang unang bibitaw sakanilang dalawa. Inilahad ni Norbert ang kamay nya na pinagtaasan naman ni Margareth ng kilay ito. Balak nya sanang huwag itong kunin kaso nasa harap nilang dalawa ang Daddy nya kaya no choice sya kundi makipagkamayan sa lalaking ito.

Napangiwi si Margareth dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Norbert sa kamay nya habang nakangisi pa rin ito. Napakagat sya ng labi saka nito binitawan ang kamay nya.

"I'm Norbert Santiago." Maikli nitong pagpapakilala pero naroon pa rin ang presko nitong pag-uugali.

"Dad. Can I go now?" Sambit nya sabay tingin sa nakangiting Ama. Alam nyang plano ito ng ama nya.

"Yes you can." Ang daddy nya.

Dali-dali syang tumayo at patakbong pumunta sa garden malawak na garden ng bahay nila. Malalim na buntong-hininga at ginawa nya at agad na umupo sa damuhan sabay higa at tingin sa maaliwalas na langit. Madaming mga bituin at malawanag na buwan. Isang takas na luha ang kumawala sa mata nya.

Kahit pala anong gawin nya ay parang isang laruan lang sya para sa ama nya na handa syang ipamigay kapalit ng pera. Para syang isang bayarang babae na ibinubugaw sa mga lalaki para lang magkapera. Ganun ang sitwasyong kinahaharap nya ngayon.

Isa pang luha ang kumawala sa mata nya bago nya naramdamang may tumabi sakanya. Napatingin sya roon at nakita nyang inilahad ni Norbert ang isang kulay puting panyo sakanya. Nag-iwas sya ng tingin dahil sa kahihiyan.

"I'm sorry. Hindi ko naman alam na..." si Norbert. Bumangon at umupo na lang si Margareth at muling tumingin sa langit.

"I don't need your symphaty. You can leave now." Malamig nyang sambit na kasing lamig ng pag-ihip ng hangin na dumadampi sa balat nya. Napayakap sya sa sarili nya pero naramdaman nyang inilagay ni Norbert ang kulay itim nitong jacket sakanya at kasabay nun ang hakbang paalis ni Norbert. Naiwan sya doon na nakaupo habang nakatingala pa rin sa langit.

Maagang nagising si Margareth dahil ngayon sasabihin kung saan sila idedesignate para sakanilang Internship pero paglabas pa lang nya sa pintuan ay sumalubong na sakanya ang mukha ng kanyang Mommy.

"Marga, your Dad wants to see you in his office now. May ipapakilala sya sayo." Malamig na sabi ng kanyang Ina. Palagi nalang ganito ang nagyayari sa bahay nila. Para syang nasa isang kumbento na bawal mag-ingay at gumawa ng masama. Lahat ng gagawin nya ay may nakabantay, may nakamasid na alagad ng kanyang magulang. Swerte nalang nya nung gabing iyon dahil walang nakasunod sakanya sa pagtakas nya sa masion para magbar kasama ang mga ibang kaibigan nya.

She's like a living dead in this house. Nobody won't talk to her, nobody care for here, just herself. Ang mga magulang nya ay palaging business ang inaatupag, ang pagpapayaman pa ng husto. Ang kapatid naman nya ay naglayas na at tumira mag-isa pero. Wala na syang balita sa Ate Merideth nya simula ng umalis ito sa puder nila at heto naman sya, naging isang sunud-sunuran. Nasasakal na sya, para syang isang puppet na sunud-sunuran nalang sa lahat ng gusto nila.

Umakyat na sya sa kwarto nya para magpalit. Pagkatapos nyang magpalit ay pumunta na sya sa office ng kanyang Dad na nasa malaking library ng bahay nila. Huminga muna sya ng malalim bago kumatok sa pinto.

"Come in." Narinig nyang sambit ng dad nya. Pinihit nya ang door knob ng unti-unti hanggang sa mabuksan na nya iyon ng tuluyan.

"Dad."mahinang sambit nya.

"Oh. Here she is, Margareth, this is Axel Ricardo. Axel, this is my daughter." Tumayo ang lalaking nakaupo sa sofa at inilahad ang kamay. Pinagtaasan nya ito ng kilay. Ngumiti lang ang lalaki sa ginawa nya at binawi nalang ang kamay nya.

"Nice meeting you." Malambing nitong saad.

"Nice meeting you too." Walang gana nyang sabi ni Margareth. Pagkasabi yun ni Margareth ay pinihit na nya ang ulo sakanyang ama na ngiting-ngiti." Dad, what is this all about?" Tanong nya.

"I want him to be your escort at the Santiago's party. Anyway, he's the son of Mr. Ricardo, Ang CEO ng Equity Construction Firm. Architect sya doon at hawak nya ngayon ang isang deal mula sa ibang bansa para sa pagpapagawa ng malaking casino sa Isabela." Mahabang litanya ng Daddy nya. Kilalang-kilala na nya ang Daddy nya sa mga ganitong uri ng pag-uusap. Ipinakikilala nyang mabuti ang mga lalaki gamit ang mga achievements ng mga ito para mapaimpress sya. Napailing nalang si Margareth dahil doon.

"Maiwan ko muna kayo." Dagdag pa ng kanyang ama. His dad is definitely a powerful person. He can control everyone by using of his money and authority. Hindi ka malakaligtas kung sakaling may nagawa kang mali dahil sisiguraguhin nyang mahahanap ka nya.

"Sorry for that." Mahina nyang sabi. Humalakhak lang ang lalaki sa sinabi nya.

"It's okay sanay na rin ako sa bagay na ganito. I know you, too." Tumango nalang sya bilang sagot. Pinasadahan sya ng tingin nito mula ulo hanggang paa habang sya ay nakaupo sa kabilang sofa.

"Magkaiba nga talaga kayo ni Merideth." Nanlaki ang dalawang mata nya dahil sa sinabi nito. Paanong nalaman nito ang pangalan ng kapatid nya? Tatanungin na sana nya ito pero humalakhak ito.

"You did'nt remember me, Margareth?" Nakangiti nitong saad. Umiling lang sya bilang sagot. Wala syang kilalang Axel Ricardo na ganito kagwapo at nakakalaglag panty rin gaya ni Norbert. Bakit ba biglang sumulpot ang lalaking yun sakanyang isip? Napakagat labi nalang sya dahil doon.

"I'm your sister's ex-boyfriend." Sabi nito.

"Axel? Axel the nerd? Ikaw na ba yan?' Sinimangutan sya ng lalaking nasa harap nya. Tumawa lang sya at lumapit para yakapin ito. Naging kaibigan nya si Axel noon dahil sya ang boyfriend ng ate nya...boyfriend in contract. Nerd at may malaking salamin pa si Axel noon, may braces rin ito sa ngipin. Patpatin pa ito at palaging binubully ng lahat hanggang sa ipinagkasundo silang dalawa ng mga magulang nila.

Walang silang nagawa kaya nagpasya ang ate nyang si Merideth at Axel na magpanggap na magkarelasyon para magawa ni Meridith ang lumabas-labas at gumala kung saan nya gustong pumunta at ang rason nya ay magdadate silang dalawa. Nahuli silang dalawa na nagpapanggap kaya nahinto yon at lumayas ang ate nya kaya ngayon si Margareth ang pumapasan sa iniwan ng ate nya ang maging sunod-sunuran.

"Yeah. Ako nga. Did you miss me?" Nakangiti nitong sabi habang magkayakap sila. Ibang-iba na si Axel ngayon, matikas at matipuno na ito. Malaki rin ang biceps nito na bumabagay sa perpektong hugis ng panga nya. Tumangkad na rin ito at wala na rin ang makapal at malaking salamin na suot nito pati na rin ang braces sa ngipin. Ngayon, kung hindi lang nya ito kaibigan ay siguradong kabilang sya sa mga babaeng magkakandarapa sakanya.

"You've changes a lot. Ang gwapo mo na at ang macho pa. Yan ba ang nagagawa ng ilang taong pagkabroken hearted at umasang mag-isa?" Humagalpak ng tawa si Margareth sa sinabi nya. Nakisabay nalang rin si Axel sa nakakahawang tawa niya.

"Nope. I want changes. Gusto ko ako naman ang magustuhan ng mga babae. Gusto ko ako naman ang iyakan at habulin nila." Seryoso nitong sabi. Alam ni Margareth na may pagtingin si Axel sa ate nya noon pa. Naging sunud-sunuran ito sa lahat ng utos at gusto ni Merideth dahil sa pagmamahal nya. Nagpakatanga sya sa isang babaeng hindi kayang tanggapin ang pagmamahal nya. Umasa sya sa wala at nagmahal sya pero binalewala.

"So, magiging bad boy kana rin gaya ng iba? Miss good girl meets bad boy ang tema, ganun ba?" Humagalpak na naman ng tawa si Margareth. Noon pa man ay magaan na ang loob nya kay Axel kaya nasasabi nya ang lahat ng ito sakanya. Hindi rin ito pikunin pagdating sa asaran.

"Tatawanan mo nalang ba ako buong araw? Lumabas kaya muna tayo? Malling o kumain sa labas? Treat ko." Agad na pumayag si Margareth sa gusto niya kaya tumayo na sila pero saktong pagtayo nya ay nawalan sya ng balanse at matutumba na buti nalang at nasalo sya ni Axel pero bigla namang bumukas ang pinto at lumitaw ang galit na mata ni Merideth.

"A-Ate?" Umayos sya ng tayo at humakbang palapit sa kapatid pero bago pa man nya ito nalapitan ay tinalikuran na sya nito at umalis sa harap nilang dalawa na parehong gulat sa biglang pagsulpot ni Merideth na matagal ng hindi nagpapakita pero lubos na nagulat si Axel dahil nagkita silang muli, nakita nya muli ang babaeng una nyang minahal pero dahilan rin ng unang pagkabigo mula sa pag-ibig.

"Puntahan mo na sya baka makawala pa." nakangiting sambit ni Margareth sabay tulak kay Axel papunta sa pintuan. "Basta mamaya yung treat mo huwag na huwag mong kalimutan, sayang ang blessing." Tumawa lang si Axel saka tumango bago lumabas ng tuluyan sa pinto.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C4
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión