Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong kay Margareth paglabas niya sa veranda ng masion ng mga Montecarlo. Isang engagement party ang dilanuhan niya kasama ang daddy at mommy niya.
Hindi na bag okay Margareth ang mga eksena sa bawat party na pinupuntahan niya. Classy. Iyon ang tamang salita para sa party ng mga mayayaman. Quiet but full of tensions lalo na kapag nagsama-sama ang mga magkakalaban sa larangan ng pagnenegosyo.
Niyakap niya ang kanyang sarili at dinama ang lamig ng hangin. Septembr palang ngunit malamig na ang hangin hudyat ito ng papalapit na kapaskuhan.
She made a deep sighed dahil sa pagod sa pakikipag-usap sa kung sino-sinong nakikilala siya. They new her because of her father at handa ang mga ito na makuha ang atensyon in the name of business. It was always a business. Nothing but lies and pretentions.
Naalala na naman niya ang nangyari sa pagitan niya at ng kanyang kapatid. Takot ang bumalot sa puso niya sa oras na makilala nila kung sino mang lalaki ang nakasayaw niya at nakasama niya sa kama. Isa iyong kahangalan! Nagmumukha siyang puta dahil sa ginawa niya.
Hindi niya gustong maalala pa ang lahat ngunit tila hindi mapigilan ng utak niya sa pagbabalik tanaw sa nangyari. She didn't regret it but having a one night stand to a person like him...a monster is a huge mistake.
Litong-lito na si Margareth sa lahat ng naiisip niya. Paano kung malaman ng kanyang pamilya ang nagawa niya? Paano kung magkrus ang landas nilang muli? Paano? Puno ng paano ang bumabagabag sa isip niya na wala namang kasagutan.
Tumingin na lamang siya sa kalangitan at palahim na humingi ng signs kung anong pwedeng gawin niya. Malaki ang mundo, Margareth at hinding-hindi magtatagpo ang landas niyong dalawa dahil isa lang iyong desisyon dal ang galit. Usal niya sakanyang isip.
"You look stress." Nagulantang si Margareth. Halos mabuwal siya sa kinatatayuan ng marinig ang baritonong boses na iyon. Holy shit! Kanina pa ba siya dito? Letse! Bakit siya nandito? Bakit dito pa?! Galit siyang tumingin sa langit dahil ilang Segundo o minuto pa lamang ang nakalipas ay he'to sa tabi niya ang lalaking tinutukoy niya. Boses pa lang ng lalaki ay alam niyang siya talaga ito. Hindi siya nagkakamali.
Tandang-tanda niya ang baritonong boses nito. Ang lalaking-lalaki nitong boses.
Hindi na nagdalawang isip si Margareth ay agad na siyang tumalikod ngunit bago pa siya magmartsa palabas ay agad siyang hinila ng lalaki sa braso saka hinila siya nito sa gilid kung saan ikinulong siya sa matitigas nitong mga bisig.
Nakaawang ang bibig ni Margareth na tumingin sa lalaki dahil sa pagkabigla. Agad siya nagkabawi nang humalakhak ang lalaki ng mahina. Nag-iwas siya ng tingin dahil sa pagkapahiya.
Itinulak ni Margareth ang lalaki ngunit malakas ito. Nilakas niya ang pagtulak ngunit wala pa rin iyong nagawa. Matitigas ang dibdib nito na tila hindi nasasaktan sa malalakas na pagsuntok ni Margareth makawala lamang.
"Not this time young lady." Ngumiti ng malawak ang lalaki sakanya ngunit sinuklian niya lamang iyon ng galit na pag-irap.
"What do you want?" pagsuko niya.
Humalakahak muli ang lalaki dahil sa tanong niya. Inirapan niyang muli ito dahil wala naman siyang mahanap na nakakatawa sa sinabi niya.
"Kung wala kang kailangan leave me alone." Matabang na sambit ni Margareth.
"Santiago Construction Firm Company, 28th floor." Nakangising sambit ng lalaki.
Tinaasan niya ng kilay ang lalaki dahil hindi niya makuha ang ibig sabihin nito.
"Sasabihin ko sayo ang kailangan ko kapag pumunta ka. 10 am tomorrow."
"At bakit ko naman gagawin ang sinasabi mo? For your information, Mr. Santiago you don't me at I don't know you either." Tumaas ang boses ni Margareth dahil sa pagkairita. Bakit naman siya pupunta sa building nila? Anong gagawin niya doon? Everyone knew her as a daughter of a business tycoon at lalong-lalo na ang lalaking kaharap niya.
"Kakabangit mo lang ng pangalan ko. Mukhang hindi mo nga ako kilala." Napairap si Margareth. Tumawa naman ng mahina ang lalaki. Naiinis siya sa tawa ng lalaki dahil tila nang iinsulto iyon sakanya.
"Sabihin mo na ngayon kung anong kailangan mo. Wala akong oras para sa pakikipagbiruan." Nagpupuyos na ang galit niya ngunit pinipigilan niyang sumabog iyon.
"Chill. I'm just here to make a deal. But you need to go into my office so that we will discuss some matters regarding the things that I want." Seryoso ang pagkakasabi ng lalaki. Napalunok ng dalawang beses si Margareth. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa gustong mangyari ng lalaki.
Alam ni Margareth na magkatungali ang kumpanya nila sa Santiago Construction Firm. This man infornt of her owns that company. Isang multi-billionaire company na sakop ang halos kabuuan ng southeast asia. Ang kumpanya ring ito ang kaagaw ng daddy niya pagdating sa mga malalaking foreign investors.
"You don't know me, Mr. Santiago."
"Yes, I know you. Halos 50 percent ng tungkol sayo ay alam ko, Margareth. I have my ways." Galit niyang tinitigan ang lalaki. Hindi na maganda ang nangyayari.
Napasapo sa noo si Margareth. Sumakit bigla ang ulo niya dahil sa nangyayari. Biglaan ang lahat. Hindi sumasang ayon sakanya ang tadhana, ang oras at ang mga bituin sa langit. Lahat ng nangyayari ay palpak at hindi pabor sakanya.
"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari? Isang one night stand lang iyon at wala akong nakikitang dahilan para magkita pa tayong muli."
Mas sumersyoso ang tingin sakanya ng lalaki. Nag-iwas ng tingin si Margareth dahil hindi niya kayang salubungin iyon.
"10 am. Santiago Construction Firm Company, 28th floor." Iniwan siya ng lalaki pagkatapos sabihin iyon.
Norbert Santiago is the owner of that multi-billionaire company. He's a monster. Kayang pabagsakin ang lahat ng kumakalaban sakanya. Ayon rin sa mga naririnig niya at nababasa sa mga sikat na magazine ay isa rin siyang halimaw na kayang pagsaysabayin ang mga babae at saka nito iiwan na parang mga sirang laruan na pinagsawaan. But, everyone loves him especially those girls who's blinded by lust. Handa ang mga babae na maging isang tanga upang makuha lamang ang atensyon nito. At lahat ay nahuhumaling sakanya despite his dark sides.
Isang pagkakamali ang nagawa niya. Isang mali ang gabing iyon na dahil sa padalos dalos na pagdedesisyon ngunit wala siyang pagsisi. Hindi magawang manlumo ni Margareth kundi takot ang bumabagabag sakanya sa oras na malaman ng pamilya niya na may kaugnayan siya sa lalaki iyon na isang hadlang para sa kumpanya nila.
Nanlambot ang kanyang tunhod at muntikan ng mapaupo sa sahig buti na lamang ay nagawa niyang isandal ang kanyang kamay sa dingding. Habol-habol niya ang kanyang hininga dahil sa pagpipigil kanina.
Iisa na lamang ang hanging nilalanghap nilang dalawa. Nagkita silang muli ng lalaki. Isang panibagong sakit ng ulo ito kay Margareth.
"I should have known!" Nagpagulong-gulong si Margareth sa kama niya habang sinasabunutan ang buhok. Hindi niya lubos maisip kung bakit sila nagkita muli ng lalaki and worst kilala siya nito.
Norbert Santiago is a very dangerous man. Hindi ito nagpapadaig sa kahit na sino. She knows everything about that man pero dahil sa lintik na alak at dala ng galit ay hindi man lang niya magawang kilalanin ang lalaking nakasayawan at nakasama niya sa kama ng gabing iyon.
"Bakit ba ang tanga mo Margareth!" padarag siyang bumangon sa kama niya at agad na kinuha ang cellphone.
"Magkita tayo. I need to tell you something," she said. Tinawagan niya ang matalik niyang kaibigan na si Claire. Siguro ito na ang tamang panahon para magkwento siya at mabawasan ang iniisip niyang mga problema...kung problema ngang matatawag ang nangyari sakanya.
"I'm bust right now, Marga." Sambit naman ng kaibigan niyang nasa kabilang linya.
"This is a matter of life and death! I need to tell you this! Mababaliw na ako sa kakaisip!" halos maghisterikal na siya sa ibabaw ng kama. Pinapadyak ang mga paa na parang isang bata na umiiyak. Gusto niyang umiyak pero hindi niya magawa dahil sa pagkalito kung anong iisip at gagawin.
"Okay! Okay! Pupunta na ako dyan," sagot ni Claire.
"Bilisan mo!" ibinaba niya ang tawag at muling humiga sa kama.
"10 am. Santiago Construction Firm Company, 28th floor"
Napabangon siya ng muling rumehistro sa utak niya ang mga sinabi ni Norbert sakanya. She wants to curse and say what ever she wanted para mailabas ang galit at inis niya dahil hindi matangal ang mga salitang iyon sa isip niya.
Gusto niyang pumunta upang malaman ang gustong mangyari ni Norbert at kung anong kailangan nito sakanya pero nasa puso niya ang takot na baka kung anong mangyari sakanya.
Madami ang gumugulo sa isip niya lalo na ngayong nagkrus muli ang landas nila. Sigurado siyang pinaembestiga siya ng lalaki at nalaman nitong siya ang isa sa anak ng mga Ty. At isa lamang ang konklusyon niya ito ay ang gusto siyang pahirapan ng lalaki at pabagsakin ang kumpanya nila pero bakit? Norbert is one of the richest bachelor in the country at hindi na nito kailangan pa ng marami pang pero who know? He's monster!
Makalipas ang ilang minute ay may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Hindi na siya nagbaalang buksan ito dahil pumasok na si Claire at sumalampak na sa kama niya katabi niya.
"So, anong pag uusapan natin?" Claire eyed her with her bored eyes.
"Huwag kang magagalit kapag sinabi ko sa'yo ang 'to." Niyakap niya ang unan at parang bata na humihingi ng permiso sa kaibigan na huwag siyang paluin.
"Of course. Kilala mo ako pero kapag pinairal mo na naman ang kagagahan mo malilintikan ka talaga sa akin." Napalunok ng dalawang beses si Margareth dahil sa sinabi ni Claire.
Parang isang nanay na ang turing niya kay Claire. Napakabuti nito sakanya at alam nito ang sitwasyong meron siya. Sakatunayan nga ito ang nagsisilbing tagapayo niya sa tuwing may problema siya at tinatahan siya tuwing umiiyak sa tuwing sobra na siyang nasasaktan ng kanyang pamilya.
Claire was her second sister in different mother's womb. Mabuti si Claire pero gaya ng isang tunay na nanay ay palagi siya nitong pinagsasabihan sa tuwing nakakagawa siya ng maling desisyon.
"Okay! I get this!" medyo napataas na ang boses ni Claire dahil hindi pa rin nagsasalita si Margareth.
Pumikit muna ng mariin si Margareth. "Spill the beans now" mapanuri ang bawat tinging ibinibigay sakanya ni Claire at hindi iyon magawang salubungin ni Margareth.
"There this guy na nakasama ko sa bar and we had a one night stand." Umiwas ng tingin si Margareth.
Nanlaki ang dalawang mata niya ng agad na dinampot ng kaibigan niya ang unang nahulog sa sahig at malakas na ipinukpok sa ulo niya.
"Aray naman!" sigaw ni Margareth sabay himas sa ulo.
"Leche! Alam mo ba kung anong ginawa mo? Isang malaking kagagahan!" sapo-sapo ni Claire ang noo niya. Nagpabalik-balik ito sa paglalakad sa harapan ni Margareth.
"Alam kong mali yun pero nadala ako sa galit ko. Alam mo naman diba? Gusto kong gumawa ng desisyon ko yung walang nagdidikta sa akin." Bumuntong hininga si Margareth. Galit na galit siyang binalingan ni Claire.
"Leche! Hindi mo ba naisip na maari kang mabuntis? Margareth naman! Alam ko ang kalagayan mo pero hindi sapat na gumawa ka ng sariling desisyon dahil sa galit lamang sa pamilya mo! You losed your virginity in someone you didn't know." Padarag na umupo si Claire sa gilid ng kama niya.
Hindi magawang magsalita ni Margareth sa lahat ng sinabi ng kanyang kaibigan. Alam niyang may mali siya at alam niyang may tama ang kaibigan niya pero hindi na maibabalik pa ang nangyari na.
"I'm sorry." Sambit niya habang nakayuko.
"Huwag ka sa akin magsorry. You did it without thinking propely. Do you think maibabalik mo pa ang nawala sayo? Margareth, isa iyon sa pinakamahalagang regalo mo sa mapapangasawa mo but you just gave it to someone na nakilala mo lang sa bar? You're insane!" napapikit si Maragreth dahil sa pagsigaw ng kanyang kaibigan.
"Alam kong hindi ko na maibabalik pa. At least sa desisyon ko alam kong ako ang gumawa noon keysa ang ipakasal ako sa lalaking hindi ko kilala at hindi ko mahal." Naiiyak niyang sambit. Lumapit sakanya si Claire saka siya nito marahang sinabunutan.
Ngumiti sakanya ng mapaiit si Claire. Alam ng kaibigan niya ang lahat ng pinagdadaanan niya. She was controlled by her family like a machine na iuutos lamang ang lahat ng gagawin at dapat iyon ay sundin niya. Trapped on her own families hands na walang ginawa kundi ang saktan siya at iparamdam sakanya na hindi siya miyembro ng kanilang pamilya.
"But, that's not the only problem I have..." lumukot ang noo ni Claire sa sinabi niya.
"Kilala ko ang lalaking 'yon and He's a very dangerous man, Claire. Natatakot ako sa maaring maging dala niya sa pamilya ko." Napaluha si Margareth dahil sa mga naiisip. Mahal na mahal niya ang kanyang pamilya kahit na nasasaktan siya sa mga ginagawa nito sakanya. Kaya niyang protektahan ang pamilya niya sa mga ganitong problema kahit na siya ang madali ng problema. But, this is her problem and she doen't her family to get involve to this problem. She will face it kahit na wala siyang ediya sa pinasok na problema.
"Shit! You've got to be kidding me!" napatayo si Claire mula sa pagkakaupo.
"I'm not and he's a business tycoon." Halos mabuwal si Claire sa kinatatayuan niya dahil sa narinig.
"A business tycoon?"
"Yes and his name is Norbert Santiago."
Nanlaki ang dalawang maliliit na mata ni Claire dahil sa rebelasyong sinabi ng kanyang kaibigan.
"Very dangerous nga! Kailangan mong mag-ingat sa lalaking 'yan Margareth. Hindi mo alam kung ano ang pakay niya sayo."
"I know and he wants me to meet him in his office tomorrow." Wika ni Margareth.
"Then, what's your decision?" Nagdadalawang isip din si Claire na itanong iyon kay Margareth.
"Gusto kong pumunta roon upang malaman kung anong kailangan niya sa akin. Kung bakit niya ako pinapapunta roon at kung bakit niya ako nakilala." Huminga ng malalim si Margareth matapos sabihin ang lahat ng naging desisyon niya.
Napaupo na lamang si Claire na tila nanghihina dahil sa mga narinig. Nagdarasal si Margareth sakanyang isip na walang masamang mangyari sakanya sa pagpunta roon.