"WHAT truth? Na maghihiwalay rin tayo? Bakit hindi ikaw ang magsabi sa kanya, tutal ikaw naman ang may dahilan ng lahat ng ito."
"I can't. I like your mother a lot. Ayokong ma-dissapoint siya. Nahihiya ako sa kanya. She's been good to me. I even like her best than my own mother." Pag-amin ni Kiona.
"The bad news is, hindi ko rin kaya." Ani Cassius. "Matagal nang pangarap ni Mama na magka-asawa ako. Ngayon ko lang ulit siya nakitang masigla. She can't wait to have a grandchild. And the fact na hindi natin siya mabibigayan ng apo is already killing me."
Hindi alam ni Kiona kung ano ang itutugon sa asawa. Ipinagpatuloy niya ang pag-iimpake. Tama si Cassius, siya ang may kagagawan ng gulong pinasok niya. Gulong hindi niya kayang labasan. Akala niya ay ganoon kadali ang lahat. Bakit ngayon ay walang tumutugma sa pinlano niya?
Nang hindi na tumugon si Kiona ay bumalik ng higaan si Cassius. Pinilit alisin sa isip ang problema. Bakit ba pumayag siya sa kagustuhan ni Kiona? At bakit siya pumayag na magpakasal sila?
--
NATULOY pa rin ang pictorial ni Kiona. Siya ang nagpaliwanag sa biyenan. Naguguluhan man ay pumayag na rin ang Mama ni Cassius. May magagawa ba siya kung pumapayag naman si Cassius na magtrabaho ang kabiyak.
Tinanggap na lamang nito na iba-iba talaga ang panahon ngayon. Hindi na dependent sa asawa ang mga babae, kaya nilang kumita ng sariling pera. At moderna si Kiona, gayon din si Cassius. Ano ang magagawa ng kaparis niyang naniniwala pa rin sa tradisyonal na kalakaran ng mag-asawa.
Sa gitna ng lahat ang pictorial para sa isang fashion magazine. At ang mga bagong designs ni Dolly ang isusuot niya. Matamlay si Kiona noon pa mang dumating ito sa agency, habang nagbibiyahe at ngayong magsisimula na ang pictorials.
Wala sa mood. Hindi siya excited, kaparis ng inaasahan niya noong nangangarap pa lamang siya na maging model.
"You have to make love to the camera, Kiona. Ano bang nangyayari sayo?" Sermon ni Dolly.
Nakita nitong nahihirapan ang photographer na kuhanan siya ng pictures. "Kulang ang projection mo. Wala kang ipinag-iba sa mga mannequins ko sa shop. Bigyan mo ng emosyon ang bawat shot, alalahanin mong may istorya ang bawat pose. Hindi ito simpleng picture taking."
Tumango si Kiona. Pinilit gawin ang sinasabi ng bakla. Ngunit napapa-iling pa rin ang photographer. Lalapit sana ulit ang bakla nang pigilan ito ng photographer.
"I'll explain to her myself." Anito, at lumapit kay Kiona.
"Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng make love to the camera? You have to pretend na ito ang taong minamahal mo. Pretend that you are hopelessly and passionately in love with someone. And that someone is this camera. This lens is his eyes. Titigan mo ito kung paano mo titigan ang taog minamahal mo. Naiintindihan mo ba? It's not enough na maganda ang kuha mo. You are photogenic, wala akong masamang anggulo sa iyo, but you lack
emotions."
"I'll try again." Ani Kiona.
Bumalik sa puwesto niya ang photographer. "Okay, ready?" Sigaw nito.
Nag-pose si Kiona sa lahat. Wala siyang sapin sa paa. At maong lamang ang suot at sangkaterbang accessories na gawa sa mga native products gaya ng seashells at bao ng niyog. Tumingin si Kiona sa camera, nasa isip ang sinabi ng photographer.
"Imagine you're about to be kissed. You're waiting for his lips... your dying to meet his lips." Paalala ng photographer.
Isa lang ang pumasok sa isip ni Kiona nang marinig iyon. Si Cassius. Sa isang iglap, kaharap niya ang lalaki, unti-unting lumalapit upang hagkan siya. Hindi na siya makapaghintay. She's dying to kiss his lips.
Bahagyang naibuka ni Kiona ang mga labi, habang unti-unting pumipikit. She's oblivious of the things around her, ni hindi niya naririnig ang clicks ng camera. Sa isip niya ay isinisigaw ang pangalan ni Cassius.
"Perfect! Very good, Kiona!"
Nagulat na lang siya nang marinig ng sigaw na iyon. Lumapit sa kanya si Dolly at niyakap siya. "I knew it! You are my treasure, Kiona, don't leave me." Anito.
Sa ilang saglit pa ay lumapit pa ay lumapit na ang ibang tauhan ni Dolly. Magpapalit na siya ng suot. This time, asul na satin gown ang isinuot niya.
V-necked at ubod ng haba ang slit. Mayroon itong asul din na belo.
"Now, this is what I want." Wika ng photographer. You are in deep trouble, and you are longing for some peace. You are desperately seeking for it in his place. I want the face of someone searching for happiness. I want longing in your eyes." Anito.
Inihanda ni Kiona ang sarili. Hindi naman mahirap iyon, malaki talaga ang problema niya. Plinano na niya ang buhay niya, ngunit kahit isa sa mga planong iyon ay wala siyang tinupad.
Ano ba ang dapat niyang gawin? Ano ba ang nararamdaman niya kay Cassius? Bakit ayaw niyang mawalay dito? Si Cassius naman ang dahilan kung bakit wala siya sa mood. Naiinis siya dahil hindi man lang ito nagprisintang sunduin siya pagbalik niya.
Ngayon ay nangangamba siya na kay Katerin ito pupunta. Dalawang araw silang libre! Nag-iinit ang dalawang tenga ni Kiona nang maisip iyon. Pinagtataksilan siya ni Cassius! Gustong-gusto niyang sabunutan ang gynecologist, pati si Cassius. Kung pwede nga lang na ngayon din ay bumalik sa Maynila.
"Great! Magpahinga ka muna, Kiona." Sigaw ng photographer. Excited itong makita ang resulta ng mga kuha niya.
Hindi ito makapaniwala kay Kiona. Lahat ng nais niya ay nagagawa nito. To think, na napakabata pa ni Kiona. Anong mga problema ang maaring dalhin nito para mai-project ang mga emotions na iyon?
"She's phenomenal!" Bulalas nito nang makasalubong ang baklang si Dolly.
"Yes, she is." Tugon nito.
--
HATINGGABI. Ginising si Kiona ng malakas na pag-ulan. Ang unang reaction niya ay ang isiksik ang sarili sa katabi. Ngunit nag-iisa siya sa higaan. Buong akala niya ay naka-uwi na siya at katabi niya si Cassius.
Pinilit na lamang niyang ituloy ang tulog, ngunit nahirapan siya. Nababahala siya ng malakas na ulan. Maya-maya pa ay dinig niya ang mga sirena sa labas. Hindi niya matiyak kung ambulansiya o mga patrol ng pulis.
Ang tanging alam lang niya ay may nagaganap sa labas ng hotel na tinutuluyan niya. Maingay na maingay sa labas. Sunod-sunod ang sirena. Imposible namang may sunog, aniya sa saril, pagka't malakas na malakas ang ulan.
Hindi lamang pala sila ang nagising. Narinig na niya na kumakatok sa pinto ni Dolly. Agad niya itong binuksan.
"May bagyo. Hindi tayo makakauwi bukas, sarado ang mga kalsada. Malakas daw ang daloy ng lahar, at ini-vacuate ang mga tao ngayon." Salaysay ng bakla. Nasa mukha ang panic.
Ngunit higit ang dating ng balitang iyon kay Kiona. Paano siya makakauwi kay Cassius? Nagmamadali niyang hinagilap ang cellphone. Pilit na ma-contact si Cassius, ngunit walang signal.
"Anong gagawin mo? Saan ka pupunta?" Tanong ng bakla nang makitang nagbibihis si Kiona.
"I need a phone. Bababa ako."Aniya. At tuloy-tuloy na lumabas ng silid. Sa hotel operator siya nagtuloy.