Descargar la aplicación
57.14% Wrong Bride / Chapter 12: Kabanata 10

Capítulo 12: Kabanata 10

TULAD ng ginagawa ng mga modelo sa magazine. Bahagyang itinulak ng dila ang likod ng ngipin sa unahan. Lahat ng modelo at photographers ay alam iyon.

Pumalakpak ang bakla, hindi naitago ang katuwaan kay Kiona. "Perfect! I like your style. Keep that. I want that smile after your number. Now, we'll work on the number. Let me see.."

Ang bakla ang naglakad-lakad sa guhit, nag-iisip ng magandang choreography para kay Kiona.

--

"CAN I stay for a while? Hinihintay ko pa kasi ang sundo ko." Ani Kiona sa kanyang Manay Dolly, pagkatapos ng training. Alas-otso ng gabi.

"Sure. Boyfriend mo?"

"Asa.. No! He's my brother. I mean... Oo nga kapatid ko. Big brother." Nagkautal-utal pa siya sa pagsisinungaling.

"Akala ko ba'y only daughter ka?"

"Oo. Akala din ni Mom ko. Kasi my second family pala si Daddy. Pero okay na kami ngayon, especially kami ng kapatid ko. We get along so well and he's so protective of me. Kaya nga nagpipilit siyang sunduin na lang ako. Ayaw niyang pumayag na mag-taxi ako pauwi. Medyo gagabihin nga, lang, kasi may date sila ng girlfriend niya." Hindi matanggap ni Kiona ang huling sinabi.

Ang totoo'y kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan niya. At lalong sumidhi ang inis niya kay Dra. Katerin Chavez. Anong karapatan nito kay Cassius? Hindi niya matanggap na kung paano hinahagkan ni Cassius, ganon din nito hinagkan ang gynecologist.

Hindi na siya papayag! Gagawa siya ng paraan para mawala sa landas si Katerin! Tumunog ang intercom. Nasa ibaba na raw si Cassius. Alas onse'y media ng gabi.

"Kumusta ang first day mo?"

Mukhang bagong ligo ang Cassius, amoy sabon pa. Lalong nagsalubong ang kilay ni Kiona.

"Huwag mo akong kausapin, kadiri ka!" Singhal nito.

"Ano na naman ang kasalanan ko?" Hindi umimik si Kiona. Hanggang makauwi ay tahimik ito. Tulog na ang buong bahay kaya diretso sa kanilang silid ang mag-asawa. Walang pakundangang naghubad si Cassius sa harap ni Kiona. Pagkatapos ay nagsoot ng boxer shorts. Nahiga.

Sa banyo nagbihis si Kiona. At kahit cotton ang nightshirt nito ay kaakit-akit pa rin, dahil bumabakat din sa katawan, lalo na sa dibdib niya. Bahagya lamang umumbok iyon ngunit proud naman ang mga nipples.

Nagtalukbong ng kumot si Cassius. Nang mahiga sa tabi niya si Kiona ay pumihit ito patalikod sa asawa. Ganoon din ang ginawa ni Kiona, katwiran ay si Cassius ang lalaki, dapat ay ito ang gumawa ng first move.

Pero nakakatatlong panaginip na si Kiona ay hindi siya kinakalabit ng asawa. Gising ang diwa ni Kiona kaya't bawat galaw ay nagpapadilat sa mata nito. Inis na inis kay Cassius.

Naiimagine niya kung paano ito nagpakaligaya sa kandungan ni Katerin.

Nang biglang pumihit na naman ng higa si Cassius. Hindi lang nakayakap sa kanya ang isang kamay, nakadagan din sa kanya ang hita nito. Okay na sana, kaso'y tulog na tulog pa rin.

--

"MODELLING?! That's nice, pero hindi ba't masyadong demanding ang pinili mong trabaho iha? Paano kung magbuntis ka na?"

Buong akala ng Mommy ni Cassius ay sa bahay na lamang si Kiona, kaya naman laking gulat nito nang malamang may trabaho ang manugang.

"I'm sure, hindi po iyon magiging problema kung saka-sakali. Maiintindihan naman ako ng agency." Hindi makatingin ng diretso si Kiona sa biyenan.

Labag sa kalooban niya ang pagsisinungaling, subalit wala siyang magawa, lalo naman sigurong magdaramdam ito kung sasabihin niya ang totoo na wala silang balak magka-anak ni Cassius. Dahil one of these days ay maghihiwalay sila.

"Ayaw mo ba no'n, Ma, sisikat ang manugang mo?" Pagtatanggol naman ni Cassius sa kabiyak.

--

"HINDI ako pwedeng sumabay sa iyo, Cassius, iba ang way ko eh. May pictorial kami."

"Idadaan nalang kita."

"Ma-traffic. Kawawa naman ang tindahan mo. Huwag mo akong alalahanin, nasanay na ako dito sa Maynila. I know my way around."

"Ikaw ang bahala."

Ang totoo'y wala namang pictorial si Kiona. May halaga siyang lalakarin. Hindi na narinig ni Cassius nang ibinigay ni Kiona sa taxi driver ang pangalan ng lugar na pupuntahan.

"St. Luke's po." Aniya sa driver.

Alam niyang masesermunan siya ng Manay Dolly niya dahil male-late siya, ngunit mas importante ang sadya niya sa ospital. Nakapag-desisyon na siya.

Hindi titigil si Cassius sa pakikipagkita kay Katerin kung hindi niya maipagkakaloob ang kailangan nito. Isa pa'y interesado siyang makita ang babae ni Cassius.

--

"YOU'RE a model? I see. I

understand." Nanunuri ang titig ni Katerin kay Kiona. Wala itong kaalam-alam na ang kaharap ay ang misis ni Cassius. Ang babaing kinaiinisan nito ng husto. Nang sa kalagitnaan ng pagtatalik nila ni Cassius ay sambitin nito ang pangalan ni Kiona.

Maganda si Katerin. Sophisticated.

Mukhang maraming nalalaman sa mundo. Mukhang hindi basta-basta maloloko. Nasa late twenties na niya ang gynecologist. Sa katunayan ay mas mataas pa ito kay Kiona.

Ang higit na nakatawag pansin kay Kiona ay ang mayayamang dibdib nito. Na buong pagmamalaki namang ipinamukha sa bawat kaharap. Kamison lang yata ang suot nito sa loob ng puting blazer.

--

SERYOSO si Cassius pagdating ng tindahan, hindi kaparis ng dati na mahilig itong magbiro sa mga empleyada niya. Pawang mga babae ang mga iyon, pati na ang mga ahente niya ay babae rin.

Mas mahusay kasing bumenta ng sasakyan ang mga babae at magandang tingnan kung sa paligid niya ay pawang sinasakyan ang nakikita niya, kotse at babae.

Ngunit malayo sa pagiging babaero ang anyo ni Cassius. Diretso ito sa office niya. Iniisip niya ang tawagan si Katerin upang humingi ng dispensa. Galit na galit ito sa kanya kagabi.

Kung bakit ba naman si Kiona ang nasa isip niya. Labag naman sa bed manners iyon. At masama pa ay binanggit pa niya ang pangalan ng kabiyak ng ubod lakas. Dahilan para maitulak siya ni Katerin.

Nauunawaan niya ang damdamin ng gynecologist. Ang hindi niya maunawaan ay ang sariling damdamin. Bakit ba masyado siyang nagpapa-apekto kay Kiona?

Wala na siyang balak na makipagkita pang muli kay Katerin. Ang nais niya ay humingi ng paumanhin, ngunit hindi niya magawa. Natatakot siya sa maaaring sabihin ni Katerin. Natatakot din siyang marinig ang hinanakit nito.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C12
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión