Descargar la aplicación
100% Ang Huling Pahina / Chapter 4: Kabanata II

Capítulo 4: Kabanata II

PUMASOK ang isang Binibini na nakabestidang puti sa tindahan ng mga laruan at agad itong pumunta sa istante kung saan nakatayo ang isang Ginoong may hawak na kuwaderno at bolpen. Sinusuri niya ang bawat laruang oso na nakapatong sa istante. Kahit nagtagumpay siyang tumakas sa mansyon ay hanggang ngayon, nanginginig parin siya sa takot dahil baka mahuli siya.

Si Romeo naman ay kahit sa sobrang abala nito sa trabaho ay napansin parin nito ang Binibining nasa tabi niyang hindi mapakali. Nakita niya itong nanginginig ang mga kamay habang hawak-hawak ang kapa. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa at napansin niyang kakaiba ang kasuotan ng Binibini. Tinitigan niya ang kasuotan nito at napansin ang makapal na tela na nakakabukadkad na parang bulaklak. Sa isang tingin lamang ay malalaman mo na agad na mamahaling bestida ang sinuot nito. Namamangha si Romeo sa ganda ng Filipiniana na isinuot ng Binibini.

Napansin naman ng Binibini ang titig ni Romeo sa kaniya at parang itong naiilang. Napalingon siya sa ginoong para tignan ang mukha nito pero hindi niya ito namumukhaan. Hindi niya ito kilala. Ibinalik ng binibini ang kaniyang tingin sa mga laruan at huwag nalang pansinin ang titig nito ngunit ilang minutos na ang nakalipas ay nararamdaman niyang nakaktitig parin sa kaniya ito. "Anong tinitingin mo diyan?" tanong ng babae at umatras ng isang hakbang.

Nadinig naman ni Romeo ang sinabi nito pero hindi niya pinansin at nakatitig parin sa babae na parang sinusuri niya ang hitsura. Biglang kinabahan ang babae sa titig na iyon. Bigla siyang nakakaramdam ng inis, "Hoy" sambit niya.

Napakunot ang noo ni Romeo at itnuro ang babae gamit ang bolpen, "D-Diba ikaw ang anak ni Kandidatong Nyll?" tanong ni Romeo sa babae. Nanlaki ang mata nito sa gulat.

Kumalbog ang kaniyang dibdib nang narinig niya ang tanong ng lalaki. Hindi niya inasahang may nakakilala sa kaniya sapagkat hindi naman siya masyadong lumabas sa mansyon.

"B-Bakit-" hindi natapos ang sasabihin nang may nararamdaman siyang kakaiba. Parang mas bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso at hindi niya alam kung bakit. Parang nakaramdam siya ng takot, o ano. Napansin niya rin na ang titig ng lalaki sa kaniya ay nabaling sa nakita nito sa likuran kaya napalingon siya.

Agad nanlaki ang mata ng babae nang nakita nito ang dalawang taong nakatayo sa labas ng tindahan ng mga laruan na parang may kausap. Nakasuot ito ng pamilyar na uniporme. Ang dalawa ay nakasuot ng kulay-langit na uniporme, nakasuot ng sumbrero na gawa sa dayami, at may nakaipit na espada sa tagiliran.

Natatatanta ang babae kasabay ng panginginig ng kaniyang buong katawan. Hindi niya ang alam kung ano ang kaniyang gagawin. Hindi siya pwedeng lumabas kasi alam niyang mahuli kaagad siya.

Lumingon siya ni Romeo na makatingin parin sa labas at nakakunot parin ang noo. Wala siyang maisip na paraan kaya ang ginawa niya ay hinawakan niya ang braso ni Romeo na ikinagulat ng lalaki.

Nanlaki ang mata ni Romeo at ibinaling ang kaniyang tingin sa braso kung saan nakahawak ang babae. "A-Ano ang ginawa mo? B-Bawal ang ginawa mo, Binibini" sabi ni Romeo na parang naiilang sapagkat wala nang pakialam ang babae sa sinasabi nito. Ang importante ay makatakas siya sa kaniyang mga gwardiyang personal.

"Pakiusap! Itago mo'ko!" pagmamakaawa nito. Napanganga naman si Romeo nang nadinig niya ang hiling ng babae. "A-Ano?" nauutal na tanong ni Romeo. Pilit niyang hinila pabalik ang kaniyang braso pero hinigpitan lang ng babae ang hawak nito. "Pakiusap! Itago mo'ko! Dalian mo!" pakiusap ulit ng babae at tinaasan na siya ng boses.

Biglang nanlambot ang puso ni Romeo nang nakita nito ang namumuong luha sa gilid ng mata ng babae. Nakita niya ang takot at hinanakit sa mga mata nito at desperada sa hinihiling nito. Walang magawa si Romeo kundi tuparin ang kahilingan.

Tumango si Romeo at itinanggal ang hawak ng babae sa kaniyang braso. Ngayon ay siya na ang nakahawak sa braso ng babae. Wala na siyang pake at ang importante ay matupad ang kahilingan nito. Nagulat ang babae sa paghawak ni Romeo sa kaniya pero panatag na ang kaniyang loob na manghingi ng tulong nito. "Magtiwala ka sa akin, Binibini" sabi ni Romeo at hinila niya ito papunta sa harap ng isang pinto.

"T-Teka, dito mo ako itatago?" tanong ng babae at itinuro ang pinto ng bodega. Tumango naman si Romeo, "Mas mabuti dito para walang makakita sa iyo. Hindi kita pwedeng itago sa likod ng tindahan baka may makakita at makakilala sa iyo. Baka isumbong ka at mas lumala ang sitwasyon" sagot ni Romeo.

Tumango si Julia kaya binuksan agad ni Romeo ang pinto at mahinang itinulak ang Binibini papasok bago niya ito isinarado. Sakto naman na bumukas ang pinto ng tindahan at bumungad ang dalawang gwardiyang personal na nakasalubong ang mga kilay. Nilibot ang kanilang paningin sa buong tindahan tila ba'y may hinahanap.

"Dito tayo, Rey!" sambit ng isang gwardiyang personal.

Inayos ni Romeo ang kaniyang sarili para hindi mahahalataan. Sa isang tingin ay alam na niya ang mga layunin nito. Kinuha niya ang kaniyang bolpen at kuwaderno na nakapatong sa istante kung saan niya iniwan kanina bago niya hinila ang babae. Tinatapik pa niya ang bolpen sa kwaderno at nagpanggap na abalang-abala sa trabaho pero minamasdan niya ang dalawang gwardiyang personal sa gilid ng kaniyang mata.

Nagkasalubong parin ang kilay ng dalawa habang inilibot ang kanilang paningin pero hindi parin nila makikita ang kanilang hinahanap. Ang isang gwardiyang sibil na naka army cut na may kataasan iyong 5'10ft ay agad nilapitan ni Romeo. Agad naman sumunod ang kasama nito. "Pagpaumanhin na nakaistorbo kami sa iyong inaabala ngunit gusto naming itanong kung nakakita ka ba ng magandang babaeng nakasuot ng mamahaling Filipiniana?" tanong nito kay Romeo.

Tama nga ang kutob ni Romeo. Ang babaeng iyon ay anak nga ni Don Nyll Floyd Wayne. Hindi siya pwedeng magkamali sa mukhang 'yon sapagkat ang babaeng iyon ang ang pinakamagandang babae na nakita niya. Ang mahabang kulay itim buhok nito na may kumbinasyon na kayumanggi ay kailanman hindi niya ito makalimutan. Kahit nakatago ang buhok nito sa kapa ay nakita parin niya ang kulay nito. Ang mga malaking mata na kulay asul na parang nakatitig lang siya sa karagatan. Pati narin ang namumulang pisngi at labi, at ang maliit nitong mukha. Hindi niya man alam ang pangalan nito dahil higpit na ipinagbawal ni Don Nyll na ipagkalat ang pangalan ng kaniyang anak pero hindi niya makalimutan ang hitsura nito.

Ngumiti lamang si Romeo sa dalawang gwardiyang personal at umiling, "Pasensya na po pero wala dito ang hinahanap niyo" sagot niya.

Napaisa naman ang kilay ng isang gwardiyang personal na nangangalang Rey, "Nagsasabi ka ba ng totoo, ginoo?" tanong nito.

Napalunok si Romeo sa tanong nito lalo na't napatitig siya sa espada sa gilid nito. Nakakatitig ang dalawang gwardiyang personal sa kaniya na parang sinusuri ang ekspresyon nito para malaman kung nagsisinungaling ba siya o hindi. Matagal bago umiling muli si Romeo at ngumiti, "Nagsasabi ako ng totoo. Hindi nahagilap ng aking mata ang binibini na inyong hinahanap" sagot niya.

Tumango na lamang ang dalawa. Ang isa ay dumukot ng papel galing sa kaniyang bulsa at ibinuklat ito bago ibinigay kay Romeo. "Iyan ang numero sa bahay ni Kandidatong Nyll. Pag nakita mo ang Binibining hinahanap namin ay pakitawagan nalang. Kailangan namin siyang mai-uwi agad bago lumubog ang araw" sabi nito.

Napakagat naman ng ibabang labi si Romeo bago ito tumango. Tinapik ng gwardiyang sibil ang kaniyang balikat bago ito nagpaalam at umalis sa tindahan. Sinisilip muna ni Romeo ang dalawa kung nakakalayo na ba. Nang nakasigurado na siya ay agad niyang kinulumos ang papel na binigay ng dalawa at itinapon sa basurahan. Pagkatapos ay pumunta siya sa bodega kung saan niya itinago ang Binibini.


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
xxhavannahxx xxhavannahxx

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Un nuevo capítulo llegará pronto Escribe una reseña

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C4
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión