Descargar la aplicación
89.47% The Island Between Us / Chapter 17: Chapter 17

Capítulo 17: Chapter 17

(( Cristoff ))

"Tropa kamusta naman si Vanellope?"tanong ni Kenneth ng makarating ako ng barko.Nagbibihis ito ng coverall kasi malapit na mag alas dos.

Umupo ako sa kama nya.

"Ayun okay naman na sya tropa,duty mo pala ngayon akala ko mamayang gabi ka pa?"

Bumaling ito sa akin.

"May sasabihin nga pala ako sayo"seryusong sabi nito.

"uhmm ano kasi tropa...."hindi na natapos ang sinabi nya kasi pumasok si Gab ng kwarto.

"Mukhang seryoso yata ang pinag uusapan nyo"lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko.

"Anong sasabihin mo tropa?"tanong ko kay kenneth na nagdadalawang isip kong itutuloy nya ba ang sasabihin nya kasi parang naiilang sya na nandito si Gab.

"Ano kasi... gusto ko sanang humiram ng pera?"nahihiyang sagot nito.

"Loko ka! Kinabahan ako dun,akala ko kung ano na.Magkano ba tropa?"

Kinabahan ako sa akala kong sasabihin nya.Bigla nalang kasi lumakas ang kabog ng dibdib ko.

(( Kenneth ))

Lumabas na ang dalawa at naiwan akong mag isa sa kwarto.Nakaharap ako sa salamin."Hindi pa siguro ito yung tamang panahon para sabihin ko sa kanya ang tungkol sa babaeng nasa panaginip ko"sabi ko sa sarili ko.

Napabuntong hininga ako at lumabas na ng kwarto.

(( Vanellope ))

"Mukhang masaya kang kasama sya"ani ni Kring ng makasakay kami ng sasakyan.Nginitian ko sya bilang tugon.

"Kilalanin mo muna bes para sigurado ka,okay? 1 year lang ang pagiging apprentice nya dito,pagkatapos nun uuwi din sya sa kanila"dugtong nito.

Napaisip naman ako sa sinabi nya.Pano na lang pag umuwi na ito sa kanila? Napabuntong hininga na lang ako.

Tinapik tapik ako ni Kring ng maramdaman nyang malalim ang iniisip ko.

"Matagal pa naman siguro yun bes"sabi ko dito.

Nang makarating kami ng store,may bulaklak na malapit sa cashier.Dahil chismosa kami ni Kring binasa namin ang card na nakalagay dun.

" "I miss you" "basa ni Kring dun sa card.Tiningnan naman ako ni Kring na parang nagtataka.

"Bes para sayo yata 'to"dagdag nito.

Magsasalita na dapat ako kaso naunahan ako ni Sir.

"Mga bakla kayo, bat ngayon lang kayo? Ang daming customers"sabi nito habang papalapit sa amin.Kakabreak lang siguro nito.

"Sir naman,closing po kami"natatawang sabi naman ni Kring.Dumaan ito sa tabi namin at pumuwesto sa bakanteng cashier.Nagsimula na itong tumanggap ng mga nakapilang customer sa kabilang cashier kasi mahaba na ang pila.

"Sir para kanino to?"tanong ni Kring sa kanya.Bumaling agad ito sa amin.

"Ay para nga pala yan kay Van,dumaan dito kanina si Mr.pogi sabi nya para sayo daw yan"bumaling ulit ito sa computer na kaharap nya.

Ha ? Mr.pogi? at sino naman yun?

"Sir sino si Mr.pogi?"nagtatakang tanong ko dito.

"Secret hahaha baka mamaya nandito din yun"sagot nito.

Pumunta na kami ni Kring sa loob sg stock room kasi dun nakalagay ang locker namin lahat.Pinagmasdan ko munang mabuti ang bulaklak bago ko ito ipinasok sa locker.

"May secret admirer ka pala bes"tukso ni Kring.Nagreretouch ito ng make up nya sa tabi ko.

Hindi ko na ito pinansin at nauna na akong lumabas ng stock room.Sa totoo lang,wala naman talaga akong balak kilalanin kung sino man sya pero curious lang ako sa hand writing nya kasi sobrang familiar.Siguro nagkataon lang na parehas sila?Pero hindi eh,yun talaga ang hand writing nya.

Dumiretso na ako sa ladies section at nagsimulang mag ayos ng mga jeans na dapat naka hanger pero dahil nga maraming customers,ayun nagmukhang ukay ukay.

Ilang sandali pa,may nagsalita sa likuran ko.

"Hi"sabi nito.Hindi ko ito pinansin kasi baka si Allen lang din ito at ako na naman ang trip nya since absent nga ako kahapon.Ilang minuto ang lumipas pero ramdam ko pa rin na may tao sa likod ko.At muli nga itong nagsalita.

"Natanggap mo ba yung bulaklak na iniwan ko sa manager nyo?"


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
JMP_beauty JMP_beauty

Finally! After 2years nakapag update din hahaha isang chapter nga lang pero dont worry, matatapos din to guys:') :')

Patience is Virtue :')

Tinapos ko pa yung chapter 18:')

- Mua

Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C17
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión