Bumalik muna si Marble sa kwarto nila ni Vendrick, naligo sandali at nag-ayos ng sarili bago bumaba ng hagdanan at dumiretso sa labas ng bahay kung saan naroroon ang karamihan sa mga bisita nila.
Habang naglalakad siya sa dalampasigan papunta sa kinaroroonan ng asawang busy sa pakikipag-usap sa mga barkadang kasama ang mga partner nito pati na si Livy na nakikipaghabulan pa sa jowa nito sa mababaw na parte ng dagat ay saka naman patakbong lumapit sa kanya si Ynalyn, tumitili pa habang nakadipang ang mga braso at nang magkaharap sila'y yumakap nang mahigpit sa kanya.
"Congrats, besty. I'm really happy for you," tuwang bati nito.
"Salamat besty," sagot niya saka kumawala sa pagkakayakap nito.
"Kanina pa ba kayo rito? Nasaan si Cathy?" usisa niya.
"Ayun, kasama ang jowa niya. Sa susunod na linggo naman ang kasal nila ni Erland." Itinuro nito ang hinahanap niya, naliligo pala ang dalawa sa dagat kasama sina Livy at Ericka at ang mag-asawang Beth at Ziggy.
Napatanaw na rin si Ynalyn sa pinagmamasdan niya.
"Ang ganda pala ng jowa ni Livy, noh?" biglang lumabas sa bibig nito.
Napasulyap siya rito, napatingin din ito sa kanya ngunit biglang nag-blush at umiwas ng tingin.
"Crush mo 'yung playboy na 'yun noh?" tudyo niya.
"Oy, hindi ah! Pakialam ko ba sa giatay na 'yun. Mas gwapo pa si Aldrick du'n," pakli nito agad.
Siniko niya ito.
"Asus, kunwari ka pa eh bakla naman 'yung Aldrick mo," patuloy niya sa panunudyo saka hinila na ito palapit sa dalampasigan kung saan naroroon ang asawa at si Gab.
Sinenyasan na rin sila ni Vendrick na lumapit.
Sandaling nawala ang ngiti niya pagkakita sa kasama ni Gab. Akala niya kasi'y si Chelsea iyon pero nang ngumiti ito sa kanya't makita ang cute nitong dimples sa gilid ng mga labi'y saka niya nasegurong hindi ito si Chelsea.
"May fiancee," pakilala ni Gab sa kasama niya habang nakatingin sa kanya.
Tumayo ang babaeng naka-two piece bikini ngunit tinakpan lang ng loose at manipis na t-shirt ang suot, kitang kita pa rin ang bikini nito sa loob. Nakipagkamay ito sa kanya, gumanti naman siya ng ngiti saka kinuha ang palad nito at nakipag-shake hands.
"By the way, bestfriend ko," aniya pagkatapos nilang mag-shake hands at itinuro ang katabing si Ynalyn.
"Magkakilala na kami, besty. Kanina ko pa siya kausap bago ka dumating," anang kaibigan.
Tumango naman ang dalaga bilang tugon.
"Sensya na, ngayon ko lang nakita ang mga barkada ni Gab. Masaya pala kapag sama-sama sila sa isang lugar," nakangiting komento ng dalaga sabay sulyap sa nobyo.
Siya nama'y napaupo sa tabi ni Vendrick, pasimpleng umakbay dito ngunit lihim na bumulong.
"Himala yatang nagkajowa agad si Gab."
Sinimplehan din siya ng akbay ni Vendrick, pasimpleng inilapit ang bibig sa likod ng kanyang tenga.
"Actually, itinanan lang niya 'yung babae nang akmang tatakas. Pinsan siya ni Chelsea. Napagkamalan siya ni Gab na si Chelsea," kwento ng asawa, mahinang-mahina ang boses, ayaw na marinig ng katabing si Gab.
Napamulagat siya't napatitig sa asawa.
"You mean--"
Muling kinabig ni Vendrick ang kanyang ulo, muling bumulong sa kanya. "She's also pregnant."
Namula siya, kung bakit ay di niya alam.
"Marble! Marble!" tawag ni Cathy habang tuamatakbo palapit sa kanila, si Erland naman ay nakasunod dito.
"Careful Cathy, baka madapa ka!" saway ng lalaki.
"Don't worry, Lan. Buntis lang ako, di ako lumpo," natatawa nitong sagot.
Napatayo siya sa narinig.
"Buntis ka rin, Cath?!" bulalas niya sabay baling sa jowa ni Gab.
Tatlo pala silang buntis?
Tumawa nang malakas ang dalaga saka siya niyakap.
"Di ba sabi ko sa'yo pipikutin ko ang Erland mo," biro sa kanya.
Natawa na rin siya.
"Ilang weeks na?" usisa niya.
"Three weeks,"
Napanganga siya. "Ows?"di pa rin makapaniwala sa narinig.
"Yup! Remember that night in the club? Duon ko siya pinikot," pag-amin nito sabay tawa. Natawa na rin si Erland at lumapit sa kanya saka siya niyakap.
"How's my barbie doll?" bulong sa kanya.
"Ikaw ha, pasimple ka pa ha," aniya sa lalaki't kinurot na ito sa tagiliran.
Napalakas tuloy ang tawa nito.
"Ahem!" tumikhim si Vendrick.
"Lumayo ka sakin, may nagseselos," biro ni Erland sa kanya saka ito lumayo't kinabig sa Cathy sa beywang.
"Si Gab ang matindi. Isang titig lang sa babae, buntis agad," kantiyaw ni Paul na lumapit na pala sa kanila kasama ang jowa nitong si Shanna.
Tawanan ang lahat. Namula naman bigla ang pisngi ng dalagang tinutukoy ni Paul.
Natawa na rin si Gab sabay akbay sa babae.
"'Wag kang ma-offend sa kanila. Ganyan lang ang mga 'yan. Mga siraulo," saad nito sa jowang napangiti na rin.
Nagtawanan na uli ang lahat.
"Oy, ikaw Paul. Kailan mo bubuntisin si Shanna?" tudyo ni Dave na nakalapit na rin.
Ang lakas ng tawa ni Paul sabay akbay sa jowa.
Napansin niya si Ynalyn na napayuko nang makalapit sina Livy at Ericka habang ang kamay ng binata'y nakakapit nang mahigpit sa beywang ng jowa.
Tinamaan nga talaga ang matalik na kaibigan kay Livy.
"Ayan si Livy o. Itanong niyo kung kelan niya bubuntisin ang jowa niya," ganting kantyaw ni Paul nang mahagip ng tingin ang binata.
"Hey dude, kalalapit lang namin, kami agad ang pinagtsitsismisan niyo?" angal ni Livy saka napasulyap kay Ynalyn na kaaangat lang ng mukha nang mga sandaling iyon.
Nagtama ang paningin ng mga ito, umiwas bigla si Ynalyn at napayuko na uli saka paatras na lumayo sa kanila habang si Livy nama'y walang makikitang reaksyon sa mga mata ngunit nang makalayo ang dalaga'y pasimple nitong nilingon ang unang nakatalikod na't tumatakbo papunta sa dagat.
Napangiti siya. Pagkuwa'y lumungkot ang mukha para sa kaibigan. Sana hindi na lang muling nagtagpo ang landas ng dalawa kung masasaktan lang din ang kanyang kaibigan. Parang tinamaan talaga ito kay Livy.
**********
"Marble--" tawag ng kanyang byenan sa kanya nang makapasok siya sa loob ng bahay at iniwan ang mga kaibigan sa dalampasigan habang nag-iinuman ang mga ito at nagkakantyawan.
"Ma, bakit po?" usisa niya rito. Nang makalapit ay hinawakan agad siya sa kamay.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" usisa nito.
"Okay lang po ako," sagot niya ngunit dito naman napatitig nang mapansing namumugto ang mga mata nito.
"Ma--" aniya, puno ng pag-aalala sa boses.
Nagpakawala ito ng isang matamis na ngiti.
"Don't worry about me. I'm alright," anito.
"Ma!"
Kapwa sila napalingon sa tumawag sa byenan. Natuon agad ang pansin niya sa kasama ni Karl. Sumagi sa isip niyang ito ang jowa ng lalaki pero nang makita ang pagkakahawig nito at kay Vendrick ay saka niya nahulaang ito 'yung si Chloe, ang kapatid ng dalawa. Ngayon niya lang kasi nakita ang babae.
Lumapit agad ito sa ina saka yumakap sa huli, matagal bago ang mga ito naghiwalay.
"Si lolo?" usisa ng dalaga nang di makita sa palibot ang matanda pagkuwa'y napadako ang tingin sa kanya.
"Nasa labas ng bahay, may hinihintay daw siya," sagot ng ina.
"You must be Marble, right?" baling nito sa kanya.
Ngumiti siya sabay tango.
"Kumusta po?" bati niya.
Tipid itong ngumiti saka pinasadahan ng tingin ang kanyang tyan.
"You have really triplets in there?" tanong nito.
Tumango na uli siya.
Himawakan na ng ina ang kamay ng dalaga saka iginiya sa labas ng bahay papunta sa dalampasigan kung saan gaganapin ang selebrasyon para sa birthday party ng matanda.
Naiwan sila ni Karl sa loob ng bahay.
"Marble, pwede bang humingi ng pabor sa'yo?" simula ng binata.
"Hindi ko pwedeng ibigay sa'yo ang anak ko," mariin niyang sambit, inunahan na ito sa gustong sabihin.
Napayuko ito, bumuntunghininga.
"I know, I know. Matagal kong pinag-isipan 'yan kahapon. Hindi ko siya kukunin sa'yo," susog nito saka nag-angat ng mukha.
"But please. Palitan mo ang pangalan ng lapida ni Lorie. Gusto kong pangalan niya ang ilagay duon," pakiusap nito.
Natahimik siya. Nagpunta na pala ito sa puntod ng kanyang Ate Lorie. Alam na nitong duon nga nakalibing ang ina ni Kaelo.
Siya naman ang napabuntunghininga. Nag-isip nang matagal bago tumango.
"Magpapaalam muna tayo sa kanya bukas bago natin gawin iyon," aniya.
Nagliwanag agad ang mukha nito, di napigilang hawakan siya sa braso.
"Maraming salamat, Marble. Maraming salamat," wika sa kanya.
Tinapik naman niya ito sa balikat.
"Matagal na 'yun. Kalimutan mo na ang lahat," aniya.
Ilang beses naman itong tumango.
"Kuya, na-late ka yata ng punta," tawag ni Vendrick sa kanilang likuran.
Napalingon siya sa asawa at hinintay itong makalapit bago umabrasete sa braso nito pagkuwan.
"Kumain ka na ba?" tanong na uli ni Vendrick.
"Susunod na lang ako kina mama sa dalampasigan," sagot nito't nagmamadali nang lumayo diretso sa labas ng bahay.
Humarap ang asawa sa kanya.
"I have a surprise for you, hon," saad nito pagkatapos siyang titigan nang matagal.
"Asus! May pa-surprise ka pang nalalaman," kinikilig niyang sagot.
"Syempre!" saad nito't hinawakan siya sa beywang saka iginiya sa labas ng bahay papunta sa garage.
"Ano ba'ng merun dito---" natatawa niyang usisa ngunit natigilan din nang makita ang malaking karatulang "CONGRATULATIONS BOSS JOLS!!!!"
Napanganga siya, biglang pumatak ang sariwang luha sa mga mata lalo na nang ibaba ng mga kaibigan ang hawak na malaking karatulang 'yun.
"Boss Jols!!" tili ng lahat at nag-uunahang lumapit sa kanya.
Napaiyak siya sa sobrang tuwa pagkakita kina William at Merly na nagpakasuot ng desenteng mga damit para sa okasyon.
Wala siyang pagsidlan sa tuwa habang isa-isang niyayakap ang mga kaibigan. Hindi talaga niya akalaing luluwas ang mga ito mula sa Cebu para lang makita siya. Pero syempre walang imposible kay Vendrick 'pag nagplano ito.
"Bestfriend!!!!" umalingawngaw bigla ang matinis na boses ng ina mula sa kanilang likuran habang kumakaripas ng takbo palapit sa ina ni Ynalyn na tuwang-tuwa pagkarinig sa boses ng kanyang ina.
Natuon ang lahat ng atensyon sa dalawang nag-iiyakapan pa habang magkayakap, para bang ilang taon na 'di nagkita.
Maya-maya'y naghiwalay na.
"Woww mare, ang gaganda ng mga sasakyan niyo rito! Ang gagagara lalo na itong laco--?" bulalas ng ina ni Ynalyn at lumapit na sa isang nakapark na sasakyan.
"Kitroen Lakoste 'yan, mare. Sige basahin mo, Kit-ro-en La-kos-te," pagtatama ng ina.
Muntik nang mapahagalpak nang tawa si Vendrick sa narinig kung hindi nito natakpan ang sariling bibig saka napatitig sa kanyang pulang-pula sa pagkapahiya lalo na nang makita ang lolo ng asawang bumubungisngis. Pakiramdam niya, siya ang pinagtatawanan nito.
Hinampas niya sa braso ang asawa, pulang pula pa rin ang pisngi habang binabalikan sa isip ang kabobohan niya noon, manang-mana talaga siya sa ina.
"Ito mare, paano ito basahin? Hay--?" tanong na uli ng ina ni Ynalyn.
"Ang bobo mo naman, mare. Para Ha-yundai lang, 'di mo pa mabigkas nang tama. Ha-yun-da-i. Ganu'n 'yan bigkasin," ang angas pang sambit ng ina.
Hinawakan na niya sa braso ang asawa at nagmamadaling hinatak palayo, mahirap baka humagalpak ito ng tawa sa harapan ng kanyang nanay.
Sumunod naman ang mga kaibigan niya papasok ng bahay, iniwan nila ang magkumare sa may garahe.
Eksaktong nasa may sala si Ynalyn kaya nakita agad ang mga kaibigan nila. Tilian muna habang yakapan ang lahat bago igiya ng dalaga ang mga ito sa dalampasigan kung saan naroon ang madaming pagkain.
Ang kanyang byenan nama'y lumabas na rin ng bahay para salubungin ang iba pang mga bisitang nagsidatingan na mula pa sa ibang lugar para lang saksihan ang kaarawan ng akala ng mga ito'y pumayapa nang si Senyor Leo Sy Ortega.
Pero siya'y hinila ni Vendrick ang kamay paakyat sa hagdanan papunta sa veranda at duon siya nito niyakap sa likuran habang nakatanaw sa baba.
"Hon, ang saya ko ngayon," sambit niya habang tinitingnan sa malayo ang mga kaibigang nagsitakbuhan agad sa baybayin at naghabulan duon, nakisabay sa mga barkada ng asawa.
Hinalikan siya nito sa leeg saka tinanaw si Ynalyn na nakikipag-agawan na kay Livy ng surfing board.
"Hon, habang naririnig ko ang English ni nanang kanina, bigla kong naalala ang kabobohan mo noon," sambit nito sabay tawa.
Hinampas niya ito sa braso saka simimangot bigla.
Lalo lang lumakas ang tawa nito.
"Thinking of our past lalo na nang nakawin mo ang halik ko, para akong namatayan noon, galit na galit ako sa'yo kasi akala ko nabalewala ang first kiss ko, napunta sa bastos na lalaki." Sumeryoso na rin siya't hinawakan ang kamay nitong nakapulupot sa kanyang beywang.
"Hindi ko akalaing ikaw ang magiging true love ko," dugtong niya, nag-angat ng mukha saka ito hinalikan sa pisngi.
"Galit na galit din ako noon, hindi ko ini-expect na sa isang mukhang bampira pa mapupunta ang first kiss ko, idagdag pang nakapagwish ako noon. Sabi ko, sana ang first kiss ko ang maging true love ko. Nang maalala kong ikaw pala ang first kiss ko, gusto ko nang lunurin ang sarili ko sa pool," kwento din nito, pagkuwa'y natawa na naman sa naisip.
Pumihit siya paharap dito at tinitigan ito sa mga mata.
"Binbin, kelan mo pala na-realize na love mo ako?" seryoso niyang sambit.
Tumitig din ito sa kanya saka sinuklay ng kamay ang mahaba niyang buhok.
"Since the day that your lips touched mine, my heart already beat so fast," malamyos nitong usal saka dahan-dahang inilapit ang mukha sa kanya at hinawakan ang kanyang baba saka bahagya iyong iniangat, dinampian siya ng banayad na halik ngunit matagal pagkuwa'y sandali nitong inilayo ang mga labi sa kanya.
"When I saw you inside our house talking to Gab, I wanted to run into you, kiss you for the second time, pero nagpigil lang ako. Hindi ko matanggap na mahal na pala talaga kita," patuloy nito.
Naipulupot na rin niya ang mga kamay sa likod nito habang nakikinig sa kwento nito't humahagikhik.
"Binbin...Kaya ba lagi mo akong inaasar noon at binu-bully kasi hindi mo matanggap sa sarili mong love mo na ako?" tanong niya.
"Exactly. Pero di ko kinayang pigilan ang sarili ko. Mahal na mahal talaga kita kahit mukha ka pang kabayo noon," pag-amin nito saka siya niyakap habang malakas na tumatawa.
"Marble, I have loved you the moment we touched our lips and stole each other's first kiss," paanas nitong sambit.
"Binbin...I love you too. Ikaw ang first and true love ko," ganti niyang usal rito, kinikilig habang sinasambit ang mga katagang iyon sa asawa.
Bahagya nitong inilayo ang katawan sa kanya saka muli siyang tinitigan.
"I'll never let you walk away from me again, Marble. Ikukulong kita sa pagmamahal ko," usal nito't bigla siyang binuhat.
Napatili siya sa pagkagulat ngunit humagikhik na pagkuwan.
"Gawin nating quadruplets ang baby natin," usal sa kanya dahilan upang mapalakas ang kanyang tawa.
Ahh, wala na siyang mahihiling pa. Nasa kanya na ang lahat ng kanyang pinangarap noon.
— Un nuevo capítulo llegará pronto — Escribe una reseña