ISANG linggo na ang dumaan simula nang makabalik sila sa Sauros. Magmula nang nakarating sila ay hindi pa ulit nakakausap ni Lily si Juda. Ang sabi ni Gavin ay busy daw ang kapatid sa trabaho. Mukhang plano ng Sauros na rumesbak sa pag-ambush ng mga Anguis sa kanila.
Kahit habang tumatagal ay mas lalong gusto niyang makasama ulit ito ay inintindi na lang niya. Kung sana may cellphone lang doon para kahit malayo sila ay p'wedeng magtext or call.
'Akala ko ba, high tech.' himutok ni Lily habang naglalakad sa lawn. Hindi masyadong mainit ang planeta ng Sauros kagaya ng Pilipinas. Nasa kalagitnaan na sila ng araw pero parang alas siyete lang ng umaga ang dating, may lamig parin ang ihip ng hangin.
"Frida, ngayon na dumating na ang mapapangasawa mo, siguradong matutuloy na ang kasal ninyo." rinig ni Lily nang mapagawi siya sa taniman ng nga bulaklak. Naalala niya si Frida, ito iyong nakita niyang kasama ni Juda noon.
'Ikakasal na si pala si Frida.'
Bumalik siya sa pinanggalingan dahil ayaw niyang magmukhang nakikinig ng usapan ng iba.
"Pag-uusapan pa namin nang maigi ang bagay na iyan." mahina na dahil nakalayo na si Lily sa kinaroonan ng mga ito pero iyon ang huling narinig niyang sagot ni Frida
Ayaw pa niyang bumalik sa kwarto dahil siguradong manlalata na naman siya. Hindi din available ang pinsan dahil sumama ito sa jowa sa trabaho. Buti pa ito, masyadong close kay Gavin, hindi nagdadalawang-isip ang lalaki na isama sa lakad. Kung sana ganoon din siya kay Juda.
Maliban sa kachikahan si Ara, kain tulog ang ginagawa niya sa buong araw, so saan pa nga ba ang susunod niyang destinasyon? Edi ang kusina.
"My lady, ano pong maipaglilingkod namin sainyo?" tanong ng tagatulong
"Tsaa lang po sa ngayon, salamat." sagot niya na humila ng upuan at sumalampak doon.
Wala naman kasing masyadong activity ang katawan niya kaya hindi din siya laging nagugutom.
Nakapangalumbabang inunti-unti niyang ininom ang tsaa habang binabalikan ang paglalakbay nila ni Juda. Napapangiti siya sa tuwing naaalala kung paano ito laging nagbi-beast mode noon. Halos itattoo na sa noo nito ang salitang "I HATE HUMAN!" Wala itong pakialam kung anong nangyayari sa kanya sa likod habang busy ito sa kalalakad. Masyadong harsh and violent, pero naisip niya, siguro ganun lang talaga sa una. Kahit mga tao nga hindi mo rin naman agad magiging close sa simula. Pero habang tumatagal, Juda became softer, hindi man ito ganoon ka-showy pero nakikita niya iyon sa mga maliliit na bagay na ginagawa nito.
Napangisi si Lily nang maalala ang pagkahulog niya sa butas.
'Ang lalaking iyon! Humanda talaga siya, hindi ko pa siya nasisingil sa pangdedeadma niya sa akin. Hinayaan ba naman ako doon mag-isa. Paano kung nabalian pala ako, o may ahas sa loob? Kung makita ko lang 'yun, pata-tumbling-in ko talaga siya!'
Napatigil siya sa naisip, kung magkikita sila, kailan na naman kaya mangyayari iyon? Bakit grabe ang nararamdaman niyang pagkamiss sa lalaki? It's as if nalayo siya sa taong pinakamahalaga sa kanya. Is she falling inlove? Ganun ang nafeel niya noong nainlove siya ex niya noon eh. Iyong tipong hindi mo madescribe ng maayos pero mabigat sa loob.
'Oh no. No no no.' Mariin niyang pinikit ang mga mata at umiling-iling. Nagtataka ang mga kasambahay na nasa gilid. 'Infatuation lang ito, deep feeling na kaakibat ng lust. Mawawala din ito, lalo na 'pag nakauwi ako sa Earth at hindi na nakikita si Juda.'
Lumamig na ang iniinom kaya nawalan na siya ng gana. Tumayo siya at nilapitan ang lababo para hugasan ang tasa.
"My lady, kami na po ang bahala diyan."
"Ay, hindi na po. Konti lang naman 'to." may katandaan na ang Saurong nasa harap niya. Mukhang ito ang namamahala ng buong kusina.
"Kung iyon po ang kagustuhan ninyo." anitong yumuko sa harao niya bago hinarap ang trabaho.
Lumabas si Lily ng kusina. Saan na naman ang next stop niya? Naalala niya na malaki ang bahay. Tanging ang harap at right wing lang ang napupuntahan niya kung saan ang kwarto nila ni Ara, wala naman siyang sadya sa ibang parte, pero ngayon, since she has all the day para magliwaliw, lilibutin niya ang loob.
'Left wing, bakit ang laki ng bahay? Ilang pamilya ba ang nakatira dito? Magkamag-anak ba si Frida at Juda? Baka extended family.'
Tinalunton niya ang malaking hallway, gaya ng kabila, tahimik din doon. May ilang malalaking haligi sa magkabilang gilid at natatanya niya na may mga kwarto din sa unahan niyon. Nang mapadako siya malapit sa dulo ay may narinig siyang yabag ng sapatos. Curious, tumuloy siya sa paglalakad at tiningnan kung sino iyon. Sa pagliko ni Lily sa isang alley ay nabunggo siya sa dibdib ng isang Sauro.
"Ay!" matigas ang metal na lumapat sa mukha niya kaya parang laruan lamang siyang nagbounce pabalik. Nawala ang balanse niya pero mabilis siya nitong nahawakan sa baywang.
"Lily?" Sorpresang saad ni Juda. Halatang hindi din nito inakalang makikita siya doon.
"Juda!" lumiwanag ang mukha niya sa saya na nakita ang lalaki. Agad siyang yumakap ng mahigpit sa baywang nito, dahil iyon lang din ang abot niya. Nawala ang kaninay mabigat niyang naramdaman nang makita ang mukha nito. Naiiyak siya sa labis na pagkamiss na makasama ang lalaki. Sinamyo niya ito, she always feels safe whenever she smells those familiar natural scent.
"Kumusta ka na? Bakit hindi mo man lang ako pinuntahan? Araw-araw kitang hinintay, miss na miss na kita." aniyang mas hinigpitan ang yakap.
Nakita ni Lily ang tahimik na ngiti sa mga mata ni Juda, masaya din ito sa pagkikita nila pero bakit parang may humalo doon na, pagod? Lungkot? Hindi niya mapangalanan. Ah, siguradong pagod, dahil masyado na itong busy sa trabaho simula nang nakabalik sila.
"Pagpasensiyahan mo na, sadyang abala lang ang lahat, lalo na ako."
"Alam ko, nabanggit na sa akin ni Ara. Plano niyong maghiganti sa Anguis. Nag-aalala ako sa iyo."
"Oo, tama iyan pero wala kang dapat ipag-alala, ito na ang trabaho ko noon pa." Hindi na nagsalita pa si Lily. Oo nga naman, kahit noong wala pa siya ay siguradong nakikipaglaban na ito ng patayan sa iba, kagaya nalang ng nasaksihan niya sa Rattus.
"Magkakasama na ba tayo ulit?" tanong ni Lily. Nangangati na ang kamay niyang mahawakan ito, mahalikan at madama ang banayad na haplos ng lalaki sa katawan niya. Marinig ang boses nitong tila musika sa kanyang tainga.
Bumuntong-hininga si Juda. "Ikinalulungkot ko pero hindi pwede, marami pa akong kailangang gawin. Sa katunayan, papunta na ako ngayon sa head quarters. Sana maintindihan mo." hinawakan siya nito sa balikat.
"Aah, ganoon ba." napatungo si Lily at nalungkot sa narinig. Akala niya ay magagamot na ang pagkamiss niya sa lalaki.
"Bran, ihatid mo siya sa kwarto niya." saad ni Juda. Hindi niya alam na may kasama pala sila, lumabas mula sa likod nito ang isang kawal na Sauro.
"Yes, My Lord." Iginiya na siya nito pabalik ng right wing. Huminto si Lily at nilingon ulit si Juda na hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan, nakatanaw lang sa kanila.
"Juda, kailan tayo ulit magkikita?" habol niyang tanong.
"Sa maikling panahon." iyon lang ang sagot nito. Malabo diba?
Kung hindi lang inutusan ng lalaki ang kawal na ihatid siya ay ayaw niyang humiwalay sa tabi nito. Kahit na nga ba bitbitin siya ng lalaki at gawing key chain para makasama siya kahit saan. Pero dahil nahihiya din siya, ayaw niyang makadistorbo sa trabaho, plus ayaw din niyang isipin ni Bran na matigas ang ulo niya, ay sumunod na lamang siya. Malungkot na tumalikod si Lily at nagpatuloy sa paglakad. Sana nga ay magkaoras na si Juda para makasama siya. Pilit tinatanggi ng isip niya na inlove siya, pero iba ang reaksyon ng puso niya.