"DIEGO, you're being too honest," sita niya sa sarili. "Eh mahirap kasi mag-fabricate ng kasinungalingan. Mas mabuti na iyong pagiging paminta lang ang ginawa kong kasinungalingan."
Naipilig ni Diego ang ulo. Heto siya at kinakausap ang sarili habang nakikita ang reflection sa screen ng nakapatay na laptop.
Kinakain na siya ngayon ng kanyang konsensya. Pero mas nananaig din ang takot na baka mahuli siya sa kanyang pagkukunwari.
Sandali lang naman kanina sa bahay si Kristine dahil umalis din ang mga ito nang makabihis na si Michelle. Pakiramdam niya ay nanunubok ang mga tanong nito. May kutob siyang sinabi ni Michie sa kaibigan ang pagiging paminta niya kaya kinikilatis siya ng husto.
Hindi naman masisi ni Diego ang dalawang babae dahil nagsinungaling naman talaga siya. Mayroon kayang librong "How to be Gay for Dummies?"
Ibukas na lang nga niya ang internet at laptop nang makapag research. Kaya ba niya gawin lahat ng nababasa niya sa internet para magmukha siyang bading?
Naaliw si Diego sa pagbabasa sa pagitan ng kanyang trabaho. Nahihirapan lang nga siya maghanap nang sakto lang para sa isang paminta. Karamihan ng articles ay tungkol sa talagang bakla.
At napanganga siya nang malaman na may bekimon pa pala. Hindi naman niya siguro kailangan kabisaduhin iyon para makumbinsi si Michelle na paminta siya. Maidadahilan niya na matagal siyang nanirahan sa abroad at wala talaga siyang kaibigang bakla.
Kahit apat na buwan lang, sapat na siguro ang panahong iyon para maka ipon siya at makahanap ng apartment na matutuluyan. Ayaw kasi niya galawin ang emergency fund at savings niya.
Kung hindi siya mag iingat sa paggastos ay madaling mauubos iyon. Kung sisipain kasi siya roon ni Michie, back to square one na naman siya, at panibagong pakikisama na naman sa ibang titirhan niya. Gusto na niya ang ugali ng dalaga.
He's not a morning person kaya tulog na ang babae pagbangon niya ng alas nuebe. Kadalasan ay 10pm to 6am si Michelle sa trabaho at sampung minutong lakad lang ang layo ng pinapasukan nito.
Ikinangingiti niya tuwing umaga ang iniiwan nitong breakfast sa ilalim ng food cover na nasa lamesa. Kadalasan ay may nakadikit pang sticky note na ipainit na lang niya sa microwave, o kaya mga inspirational quotes, o kaya ay mga bilin.
Ultimo kape ay tinitimpla na ni Michie at masasabi niyang masarap ito magtimpla. Kasama na lang iyon sa pinapainit niya. Kahit na itinuturo nito sa kanya ang timpla, hindi niya magaya.
At the end of the day, laging hinihintay ni Diego ang paggising ng babae para sabay sila mag-merienda o kaya ay kumain ng hapunan. Kung may pupuntahan ito o may kailangan asikasuhin, humihingi pa ito ng paumanhin na mag-isa muna siyang kumain.
Kagaya ngayon, dahil may kasamang kaibigan ay gagabihin na ito ng balik kaya binilinan na siyang huwag na itong hintayin.
Dahil sa pagbabasa at pagtatrabaho, mabilis na lumipas ang oras. Dinala pa ni Diego ang laptop sa lamesa upang maipagpatuloy ang ginagawa habang kumakain. Nang makarinig siya ng kaluskos sa may pintuan ay agad niyang isinara ang mga ni-research tungkol sa mga bakla.
Siguradong ilang segundo na lang ay papasok na si Michelle. Kailangan niyang maalala na iwasang tignan ang maseselang bahagi ng dalaga, at iwasan ang makipag flirt. Minsan kasi kapag kasama niya ang dalaga ay nakakalimutan niyang paminta siya dapat.
Inihanda ni Diego ang isang ngiti pagpasok ni Michelle. Pero bakit parang sumusuray ang dalaga? Napatayo siya upang lapitan ito. Then the scent assaulted him. Amoy chiko ang babae, nakainom nga ito.
"Hay Jhayme! Khamusta angh mhaghapon moh?" slurred na bati ni Michie. Isinara nito ang pintuan na ini-lock naman niya pagkatapos.
Sinapo ni Diego sa may baywang ang dalaga nang para itong mabubuwal. Gusto niyang mapaungol nang dumikit ang malambot nitong katawan sa kanya.
She's so soft, and the curves of her body are turning him on. Ipinilig niya ang ulo at dapat ilagay niya ang isip sa tamang lugar.
"Uminom ka? Wala akong idea na umiinom ka pala ng alak." Hindi naman siguro masamang isipin na demure at fragile si Michie, iyon kasi ang tingin niya sa babae.
Tumawa si Michie. "Nghayongh langh. Hardh bah nhamang phinatikhim ni Krish sha `kingh. Shangh bhashow langh, lhakash chama." Isinubsob ng dalaga ang ulo sa kanyang dibdib, baka nahihilo na ito.
Lekat! Gustong magmura ni Diego dahil dumikit sa kanya ang malambot na dibdib ni Michelle. Nararamdaman din niya ang pagkapit nito sa bandang tiyan niya.
Shit! May kiliti siya roon at nahihirapan na siyang pigilan ang pagtigas ng kanyang pagkalalaki. Hindi ito ang panahon para makaramdam ng ganito.
Halos buhatin ni Diego si Michelle papuntang sofa. Inihiga muna niya ang dalaga roon. "Hindeh akhoh lashingh hah. `Lham koh nyanghyahyahreh."
"Magpapainit lang ako ng water para mapainom kita ng coffee. Kailangan mailabas mo `yan. Baka sumobra ang sakit ng ulo mo bukas. Sige ka," aniya.
Tumindig si Diego at nagpunta sa kusina. Nagsalang siya ng electric pot na may tubig bago nagpunta sa banyo. Kumuha siya ng palangganita na nilagyan ng halong hot at cold water. Kinuha din niya ang bimpo ni Michie.
Habang nagpapainit pa ng tubig na pang-kape ay nilapitan niya ang dalaga dala ang mga gamit. Umungol si Michelle nang sinimulan niya itong punasan sa mukha ng basang bimpo. Makakatulong iyon upang gumaan ang pakiramdam nito.
Hinawakan pa ng babae ang kamay niya pero wala naman itong lakas para pigilan siya. Malamang ay nahihiya ito dahil parang baby-sitter pa ang labas niya.
"Pambihira naman si Kris, hindi ka naman pala umiinom eh pinainom ka. Mabuti na lang at nakauwi ka. Ni hindi ka pa yata ihinatid. Paano kung may nangyari sa`yo? Sana tinawagan mo na lang ako para nasundo kita," pabulong subalit may inis na sabi ni Diego habang pinupunasan na sa bandang leeg ang dalaga.
Dumilat si Michie at parang naduduling na tinignan siya. "Chengkyu, hah. Okhay lhang. Hinhatidh akhoh nhi hateh chonah hanghangh lhabeh, shishteh nhi Khrish. Ghi kho nhya phinakhyat. Khakahya nha." (Thank you, ha. Okay lang. Hinatid ako ni ate Chona hanggang lobby, sister ni Kris. Hindi ko na pinaakyat. Kakahiya na.)
Pinisil ng dalaga ang kamay ni Diego na nagpupunas sa leeg nito. Nanlaki ang mga mata niya nang hilahin nito ang kamay niya pababa.
Saglit na nanigas si Diego nang dumampi ang likod ng kanyang kamay sa dibdib ng babae. Tila ay ginising niyon ang bawat hibla ng muscle sa kanyang katawan.
Bago pa siya mawala sa katinuan ay binawi niya ang kamay at saka muling inilublob iyon sa palangganita. Napaklaro ng tubig ang nag red alert niyang utak.
Pagbaling ni Diego kay Michelle ay mahinang humihilik na ito. Napailing siya. Paano pa ba niya ito mapapainom ng kape? Sigurado siyang sasakit ang ulo nito bukas.
Sinimulan ni Diego punasan ang braso ng dalaga. Alam niya noong umpisa pa lang ay maganda at makinis ang balat ng dalaga. Pero ngayong pinapadaan niya ang kamay na may hawak na bimpo sa braso nito ay saka niya iyon natignan ng mabuti.
Maputi at makinis si Michelle, at naaaliw si Diego sa mumunting balahibo nito sa braso na kung hindi mo tititigan ng husto ay hindi mo mapapansin. Nagulo ang mga balahibo na kinatuwaan niyang haplusin pabalik sa tamang ayos.
Nakikita niya ang sarili na katabi sa sofa si Michelle habang nanonood ng tv at ginagawa niya ang paglalaro sa munting balahibo nito sa braso.
Wait, what? He's imagining being intimate with this woman... He wants to be close to her.
Hindi. Kailangan pigilan ni Diego ang sarili sa pag-iisip ng ganoong bagay. Kung hindi niya kailangan magpanggap na paminta, baka puwede pa niyang lapitan si Michelle nang ganoon.
Sigurado siya na kapag nalaman nito na nagpapanggap lang siya, magagalit ito ng husto. Hindi lang naman ang pagiging paminta ang itinago niya, ultimo ang totoo niyang pangalan. Kung hindi naman niya iyon gagawin, baka matunton siya ng kanyang pinagtataguan.
At kapag natagpuan siya ni Einar, mababalewala ang lahat ng pinagdaanan niya sa pagtatago at pagpapalipat-lipat ng mga lugar at bansa.
Napalunok si Diego nang lumipat ang tingin niya sa maputi, makinis, at long legs ni Michie. Tapos na kasi niyang punasan ang mga braso nito, kailangan pa ba sa legs?
Kita pa naman ang mga iyon dahil naka dress ang dalaga. Hanggang tuhod ang suot nitong sleeveless dress. Pero ngayong nakahiga ito ay umangat iyon sa kalagitnaan ng hita. Lantad sa kanya ang parteng gustong-gusto pa man din niya sa mga babae.
Ano ba itong pinagdadaanan niya? Torture?
Nanginginig ang mga kamay ni Diego habang ipinapahid ang bimpo sa legs ni Michie nang biglang pumito ang electric pot. Nakahinga siya ng maluwang bago ibinalik ang bimpo sa palangganita.
Pakiramdam niya ay umakyat ang dugo sa kanyang ulo nang makita si Michie na half open ang mga mata at nakatingin sa kanya. Kanina pa kaya siya nito pinagmamasdan?
Hindi niya alam kung mapapahiya siya, o dapat ba siya humingi ng paumanhin? Dedma na lang kaya?
"Mabuti at gising ka na. Ipagtitimpla kita ng kape," he tried to speak casually.
Tinanguan lang siya ng dalaga at muli itong pumikit. Nakahinga siya ng maluwang bago tumindig at pumunta na sa kusina.
Please let me know what you think. ^^ More chapters to come. <3 <3 <3