Descargar la aplicación
14.28% Forgotten Memories (tagalog) / Chapter 8: Ang sabi ko, "Mahal Kita!"

Capítulo 8: Ang sabi ko, "Mahal Kita!"

Sa sumunod na araw, laging bumabalik sa kanyang alaala ang mga payo ni Wonhi. At napagtanto ni Jei na tama ito.

Kailangan niyang harapin ang anumang pagsubok na kanyang nararanasan sa mga panahong iyon--- kailangan niyang malaman ang totoo kahit pa masakit, kundi habang buhay niyang pagsisisihan.

"Don't do it for him or for anyone. Do it for yourself--- for your peace of mind. Better go through the pain of knowing the truth than linger in the pain of subjective, self- inflicted agony."

"Easy for you to say. I bet you've never felt this way coz you have everything. The love that you want and the attention that you deserve," saad ng dalaga.

"A lot of people claim to know every bit of me, but only a few got a glimpse of my real world and they would immediately disagree with you," sagot ng binata.

"Ei~ still... women chase you, so you don't have any problems like this!" litanya ni Jei habang walang pigil ang pagtulo ng kanyang luha.

"I thought you're my number one fan. Turns out, you are not!"

"Yaaaaaaaa!" biglang sigaw ng dalaga. Natawa si Wonhi sa reaksiyon nito saka niya ginulo ang buhok ng dalaga.

"Eish! I'm not a kid, kuya!" inis niyang sabi habang tinatapik ang kamay ni Wonhi sa kanyang ulo.

"Says who? Look at you now. Haysh.... cry baby~" nakangising sagot ni Wonhi saka tumayo bitbit ang lata ng beer. Naglakad ito palayo ngunit biglang lumingon.

"Jei... for the record, I understand your situation coz I've been through those rejections... many times!" seryoso nitong sabi na ikinagulat ni Jei.

.......................x.x.x.............................

Napabuntong- hininga si Jei ng maalala ang usapan nila ni Wonhi noong nakaraang gabi.

"Problemang puso lang yan, ang mga hamon ng kurso ko nga nakakaya kong lagpasan. Eto pa kaya?" paalala niya sa sarili habang tahimik siyang naglalakad pauwi galing sa malapit na grocery store.

Nang biglang may umakbay sa kanya. Napasigaw siya sa gulat saka lumingon. Gwapong mukha ni Archie ang sumalubong sa kanyang mga mata. Nakangisi pa ito sa kanya. Bigla nanamang nagrigodon ang kanyang puso.

"Anong bang iniisip mo?" tanong nito sa kanya habang kinukuha ang bitbit niyang groceries.

"Wala..." tugon ng dalaga saka pasimpleng tinanggal ang kamay ng kaibigan sa kanyang balikat.

"Wala?! E sigaw kaya ako ng sigaw kanina," tukso ni Archie. Nagulat man si Jei ay hindi ito umimik.

"Nandun pa rin ba sa bahay niyo ang modelong Koreano?" tanong nito na may bahid ng panunukso.

"O," tugon ni Jei. Halatang wala sa mood makipagbiruan sa binata. Pero walang pakialam si Archie. Sige pa rin ito sa panunukso sa kanya.

"Ano... nasilipan mo na ba siya? Sabi mo noon, kung mabibigyan ka ng pagkakataon... sisilipan mo siya," sabi ni Archie sa kanya. Kung di lang mabigat ang pakiramdam niya, baka natawa na siya sa biro nito ngunit hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay ay hindi umimik si Jei kaya nagtataka man ay tumahimik na rin si Archie.

"O Archie, napadalaw ka," saad ni mang Liam sa binata ng pumasok sila sa bahay at agad nagmano sa matanda.

"Hello po, tito! Nakita ko lang po si Jei sa daan," sagot nito saka napangiti ng maluwang. "Mukhang wala po sa sariling naglalakad kaya sinamahan ko na po. Baka po kasi kung saan pa siya mapadpad."

Marahas na bumaling si Jei kay Archie. "Over!" nakangusong saad nito sa binata.

Napailing na lamang si mang Liam saka nagpaalam. "Ala sige... maiwan ko na kayong dalawa jan at ako ay pupunta sa kaibigan kong si Pedro at nagkatay raw sila ng baka ngayon."

"Sila kuya po?" tanong ni Jei habang inaayos ang mga pinamiling groceries.

"Umalis sila kanina kasama si Khassandra. Pupunta raw sila sa birthday party ni Bhral. Baka gabihin sila kaya kahit mauna kayong maghapunan at baka ako din ay gagabihin sa pag- uwi," ani ng matanda sa dalawa saka ito umalis.

Hindi nagkibuan sina Jei and Archie habang naghaganda sila ng iluluto nilang adobo. Nagdidikdik si Jei ng mga bawang at luya habang nagbabalat si Archie ng patatas.

"Pausog nga iyang paminta, Jei," saad ni Archie habang tinitimplahan ang iginisa muna niyang karne. Iniabot naman ng dalaga. Isa sa mga gusto niya sa kaibigan ay ang galing nitong magluto. Minsan ng magkasakit siya, lagi itong nasa bahay nila para ipagluto siya ng lugaw.

"Bakit ba kasi ang gwapo mo? Ayan tuloy nahulog ako sa yo," piping saad ng dalaga habang minamasdan ang culinary skills ng binata.

"Ta- da! Sana naman... di ka na galit sa akin!" masayang saad ni Archie saka inilapag sa mesa ang nakakatakam na adobo.

"Di naman ako galit sa yo. Mahal kaya kita~" nakangusong bulong ng dalaga sa sarili.

"Anong binubulong mo diyan uy?! Sino nanaman ang pinapatay mo sa isipan mo?! Wag ako... gusto ko pang mabuhay," biro nito kay Jei.

"Che! Ewan ko sa yo. Kung bakit kasi ang nakikita mo lang ay yung mga mali ko!" nakangusong sagot ng dalaga.

"Hindi naman! Sadyang wala lang tama sa yo," tumatawang biro nito.

"E di wow!" pabalang na sagot ni Jei sa nagulat na binata saka padabog na lumabas patungo sa may hardin. Nasaktan siya. Natamaan siya sa biro ng kaibigan at di niya napigilang mapaluha.

"Jei!" sigaw ni Archie habang sinusundan ang dalaga. Nagtaka ito ng maabutang nakasubsob ang mukha nito sa kanyang mga palad habang tahimik na umiiyak.

"Ehem..." tikhim ni Archie. Biglang nagpunas ng luha si Jei nang umupo si Archie sa harap niya.

"Jei..." masuyong saad ni Archie habang pinupunasan ang mga luha ng dalaga gamit ang kanyang panyo. "Tahan na, Jei. Sorry na... kung anumang nagawa ko na nakasakit sa yo."

Lalong napaiyak si Jei sa masuyong boses ng binata. Kinagat niya ang kanyang pang- ibabang labi para pigilan ang bugso ng kanyang damdamin.

"Bakit ikaw pa kasi?" tanong niya sa kanyang sarili.

"Jei... please... kung ayaw mo akong makita, sabihin mo lang," malungkot na saad ni Archie saka huminga ng malalim. "Di bale nandiyan naman si Wonhi mo," bulong nito bago ito tumayo.

Akmang aalis si Archie ng magulantang siya sa sinabi ni Jei at marahas na humarap dito. "A- anong sabi mo?" gulat na tanong niya sa dalaga.

"M- mahal kita~" mahinang ulit ni Jei habang nakatitig sa mga mata ni Archie.

Nakakabaliw ang katahimikang bumalot sa kanilang dalawa. Maya- maya, ng mahimasmasan si Archie ay tumingala ito saka napabuga ng hangin.

"Bakit ako?" tanong niya.

Huminga ng malalim ang dalaga bago sinagot ang tanong nito, "Bakit hindi?"

Balisang sinuklay ni Archie ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri.

"Hindi ko naman sinasabing mahalin mo rin ako. Gusto ko lang sabihin sa yo para malaman mong di lang kaibigan ang tingin ko sa yo," matapang na saad ni Jei.

Natameme si Archie sa sinabi ni Jei. At litong- lito siya sa mga sandaling iyon. Kaya umalis siya na hindi man lang sinagot o nagkomento sa rebelasyon ng kaibigan.


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
Ruche_Spencer Ruche_Spencer

Hi there! Hope you're all safe and sound while reading this novel. Sorry if I can't update daily. Medyo nahihirapan po akong magsulat in Filipino. But, I am trying my best to make it worth your time. Thank you po sa suporta.

P.S. Wonhi is based on a real person, a dear friend of mine. (The man on cover photo) So, if you'd like to chat him. Just let me know.

@ Celestial_Voyager for Kakaotalk

Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C8
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión