Descargar la aplicación
90.14% Broken Trust | Completed / Chapter 64: Chapter 62

Capítulo 64: Chapter 62

Chapter 62: Hello, Angel

Kakauwi ko lang galing school, pagod na pagod ang katawan ko dahil sa mga activities na ginawa namin. I was about to enter our house pero napatigil ako sa pinto dahil sa naririnig kong pagtatawanan sa loob. Bigla akong nagtaka.

Huminga ako nang malalim bago magsimulang maglakad. Tumigil sila sa pag-uusap at ipinako ang mga tingin sa akin. Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang makita ko si Papa; kasama ang bagonv asawa at ang kanilang anak. Habang si Mama naman ay nakikipag-usap dito at si Kuya ay nakikipaglaro sa bata. Tila sila'y nagkakasunduan na, parang pinatawad na nina Mama at Kuya si Papa.

I frozed.

"A-Anak?" He slowly stood up and took a step closer to me. Naninigas ako sa kinatatayuan ko. Akala ko ayos na kapag nakaharap ko na siya pero bakit ganito pa rin ang inaakto ko? Sabi ko sarili na papatawarin ko na siya pero bakit ganito pa rin?

Kusa akong tumalikod at tumakbo papasok ng kuwarto ko. Pumunta ako sa balkonahe at doon inilabas ang luha sa mga mata ko. Gaano ba kahirap magpatawad? Some people already adviced me about this but why I'm still being afraid to forgive him? Why those bad memories we've enocontered because of him flash to my mind again?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iyak nang maramdaman kong may umakbay sa akin, tumingin ako sa taong iyon at nakita si Papa, deresto lang ang tingin nito sa labas. Hinayaan ko na lang siyang hawakan ang balikat ko at diniretso rin ang tingin sa labas.

"Ang tigas pala ng puso mo para magpatawad at alam kong ako ang rason no'n," sabi nito.

"Natatakot lang kasi ako na kapag nagpatawad ulit ako, magtitiwala na naman ako and eventually, matatalo na naman," humihikbi kong sabi.

"'Nak, ganoon umiikot ang buhay, magulo, unfair, mahirap at hindi mo alam kung anong problema ang ibabato sa iyo. Makikisama ka lang dapat. 'Yan tiwalang sinasabi mo, ibigay mo lang nang ibigay at huwag maging madamot, pero wala akong sinasabing ibigay mo lahat, magtira ka para sa mga taong deserving na mabigyan." Natigilan ako sa sinabi niya, tumingin ako sa kanya.

"P-po?"

Bahagya itong ngumiti. "Kung tumataya ka ng tiwala mo, okay lang iyan. Masira man sa dulo, part iyon ng buhay. But you know what? When your trust with someone break it down, it will make you stronger enough to give it again to those people you'll meet someday. Mapag-aaralan mo kung ilang porsiyento ang maibibigay mo para sa dulo, hindi na ganoon kasakit kapag nawala na 'yong tao na iyon o sirain man niya ito. Hindi nauubos ang tiwala, alam mo dapat iyon pero katulad nga ng sabi ko, may limitasiyon sa pagbibigay."

"Base sa nakikita ko sa iyo, nahihirapan ka. Don't overthink eveything, it will kill your trust with someone else. Sugal lang nang sugal, iyak lang nang iyak. Ganoon ang buhay."

"I understand if you'll never trust me again like before, I deserve it, nagkulang ako bilang ama sa iyo, alam ko iyon. I'm sorry for what I did. I'm sorry for those promises I didn't fullfil. I'm sorry for the trust that I've lost. I'm sorry if I am not here when you needed me. I'm sorry if I fail as your father. I'm sorry for all, Jamilla. I am sorry." Tuluyan na itong umiyak, agad umagos ang mga luha ko at agad din siyang niyakap. Niyakap niya rin ako nang mahigpit.

Sa loob ng pitong taon, sa wakas nayakap ko na rin 'yong taong gustong kong mayakap. Ang sarap sa pakiramdam.

"I love you, anak."

-

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa puntod ni Angel. May hawak akong white rose at dahan-dahan iyon inilapag sa puntod niya.

"Hello, Angel. Ako 'to, si Jamilla." Huminga ako nang malalim bago muling magsalita. "Akala ko no'ng una, I'm the most lucky girl in this universe, but I got wrong. It would be you, kasi hanggang ngayon ikaw pa rin ang gusto niya, nagawa niya akong panakip butas para sa iyo. Ano bang wala ako na meron ka? Ano bang sobra sa iyo na kulang sa akin? Ano bang ginawa mo sa kanya? Ang suwerte mo talaga. Naiinggit ako. Patay ka na pero bakit ikaw pa rin 'yong mahal niya?"

"Ako 'yong nandito, ako 'yong lagi niyang kasama pero ako rin pala 'yong natatalo at ikaw pa rin ang nananalo. Sobrang sakit, Angel, eh. Pero wala akong magagawa. Kailangan kong tanggapin. Ngayon na hindi na siya nagpaparamdam sa akin, this is the time to start a new life without him. Mga bata pa naman kami para sa ganitong mga bagay kaya siguro huwag munang magpadalod-dalos, marami pa kaming makikilala, marami pa kaming mga bagay na dapat pag-aralan."

"Ito na ang huli nating pagkikita, Angel. Hindi na kita bibisitahin pa. Kaya buong puso akong magpapasalamat sa iyo, kasi kung hindi dahil sa iyo, wala akong matutunan sa relasyon naming dalawa. Pakisabi na lang kay Oliver na huwag na niyang paglaruan pa ang puso ng iba pang mga babae." Natawa ako sa sarili kong nasabi. "Biro lang, pakisabi, kung babalik man siya muli sa akin, sana ako na ang panalo sa laban, magpatalo ka na, please?"

"Jamilla?"

Napatingin ako sa likuran ko. Nandito na pala siya, 'yong taong laging and'yan kapag nalulunod na ako sa sariling emosyon ko. Sinabi man niya na lalayo na siya, pero pinili niya pa rin samahan at tabihan ako kapag kailangan ko ng tulong ng isang tao. Dito pa lang, masuwerte na ako kasi may kaibigan akong katulad niya.

"Tara na?" tanong niya.

"Sige, Prince. Pero puwedeng payakap muna?" Tanong ko sa kanya.

He smiled widely. "Always free." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Thank you," I whispered.

"Always welcome kahit masakit." Inilayo ko ang mukha ko sa kanya at hinawakan ang magkabila nitong pisngi.

"Anong sinasabi mo? Iyan ka na naman, eh."

"Bakit hindi na lang kasi ako, Jamilla?"

"There's a perfect time para sa ganyan. Don't worry, there's always a chance. Hindi ka pa talo."

"Don't emphasize the word of 'pa'. Nawawalan ako ng pag-asa."

"Hay, naku! Tara na nga."

Hinawakan ko ang kamay niya hanggang makalabas kami ng sementeryo.

Bakit nga ba hindi na lang ikaw? May rason kung bakit hindi magawang tumibok ng puso ko sa iyo, pero anong rason iyon? Sana kapag hindi na dumating si Oliver, sana ikaw na nga talaga.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C64
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión