Descargar la aplicación
83.09% Broken Trust | Completed / Chapter 59: Chapter 57

Capítulo 59: Chapter 57

Chapter 57: Am I not Invited?

These past few weeks, preoccupied na ang isipan ko sa nangyayari. Prince' starting to ignore me everytime he saw me on campus or even on our subdivision. Itinututok ko na lang ang atensiyon ko sa mga projects, quiz at exam na dumaraan. Dati, stress na stress ako pagdating rito pero ngayon ay gusto ko lagi magkaroon nito, kahit sandali lang ay nakakalimutan ko si Prince.

Masyado kasi akong soft hearted pagdating sa mga taong itinutiring kong kaibigan na iniiwan din ako sa dulo, iniiyakan ko sila at minsa'y hindi ako makatiis para lapitan sila. But in this case, binibigyan ko ng respeto si Prince. I have to distance to him, as his wished.

Hindi ko sinasabi sa mga kaibigan ko ang nangyari sa amin ni Prince, even to Oliver. Ayaw kong mag-alala pa sila at ayaw ko rin magkaroon ng tensyon si Oliver kay Prince.

"Jamilla, have you heard already the news spreading inside the school?" Tanong ni Claire.

Kumunot bigla ang noo ko. "Alin?"

Nandito kaming dalawa ni Jess sa kuwarto ni Claire dahil gumagawa sila pareho ng mga project nila, samantalang ako ay nakikisama lang at nakikitulong.

"'Yong pag-uwi ni Daenice rito sa Pinas."

"T-talaga?" Gulat subalit matamlay kong tanong. Naalala ko 'yong letter niyang iniwan sa akin noon bago pa siya pumuntang London. I don't feel good about this. Pangalan niya pa lang, nangangamba na agad ako.

"Ba't ganiyan reaction mo? Akala ko kapag ipinaalam ko iyon sa iyo, ayos lang? Kasi noong binasa mo 'yong last letter niya sa iyo ay tinawanan mo lang 'yon."

"Iba na kasi ang sitwasyon," Tipid kong sabi. "Change topic, I am not comfortable with this one," Pansin nila ang pag-iba ng mood ko kaya mas pinili na lang nilang manahimik. Nagpatuloy ako sa pagtulong sa kanila kahit ang isipan ko ay binabagabag na ng iba.

-

Gabi na at kasalukuyan kong kausap si Oliver, over the phone. Nabalitaan na rin niya ang pag-uwi rito sa Pinas ni Daenice. Actually, I stalked Daenice social media accounts yesterday to confirm if it's true, at hindi nga nagkakamali ang tsismis na kumakalat. Iniisip ko pa lang kung anong maaaring gawin niya sa relasyon naming dalawa ni Oliver, natatakot na agad ako. Even though, there's a little voice in my mind saying, huwag mag-aalala at magtiwala kay Oliver.

Before, nang malaman kong umalis si Daenice at sa London pag-aaralin, aminado ako sa sarili ko na hindi ako nakakaramdam ng takot o kinabahan manlang sa iniwan niyang letter. Ngayon kasi ay iba na ang sitwasyon, kami na ni Oliver at siguradong hindi niya papalagpasin ang pagkakataon na ito para gantihan ako. Mas lalo iyon maiinggit at pilit sisiraan kami. Gosh, I hope this thought would never happen.

"Natatakot ako."

"You don't have to. Hindi ko hahayaang guguluhin niya ng relasyon natin. Magtiwala ka sa akin."

"Kilala ko si Daenice. Paano kapag i-binilock mail ka niya? Paano kapag inagaw ka niya mula sa akin? Paano kung sak-" He cut me off.

"Umiiral na naman ang pagiging over thinker mo," Naramdaman kong huminga siyang malalim bago ulit magsalita. "Relax, magtiwala ka nga lang. Kung anong man ang kalokohan ang gagawin niya sa atin, hindi ito hahadlang sa relasyon natin. Kapag sinaktan ka man niya, hinding-hindi ako magdadalawang-isip para ipagtanggol ka at saktan din siya. Mahal kita at ayaw kong nasasaktan ang Prinsesa ko. Magtiwala ka lang. Walang puwedeng sumira ng pagmamahal ko sa iyo, walang sisira sa atin," My tears slowly falling to my cheeks.

His statement sonds like a promise kahit hindi niya sabihin ito, puno ito ng pangako. This time, kailangan kong magtiwala sa kanya. Isasang-tabi ko muna ang bitterness pagdating sa mga promises para sa kanya.

"Are you crying? Don't be, ayaw kong umiiyak ka," Halata sa boses niya ang pag-aalala.

"Sorry, ikaw kasi."

"Basta, tandaan mo ang sinabi ko. I love you."

"I love you, too."

-

Pagkapasok namin sa school, pansin ko ang mga hawak ng bawat estudyante. They holding an invitation but I don't know where it came from. Nang pagkapasok namin sa room, ang bawat desk ay may mga invitation din. Ngunit nagtaka ako nang bukod tanging desk ko lang ang wala.

Kinuha ni Oliver 'yong nasa lamesa niya at agad niya itong sinuri. "From whom?" I instantly asked.

"Daenice," Tipid niyang sagot at agad inihagis sa may likuran 'yong invitation. Kaya pala table ko lang ang wala dahil galing pala sa kanya iyon. Ramdam ko pa rin ang galit niya sa akin sa simpleng bagay na ito.

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa naiisip ko. Kung hindi ako imbitado, walang gulong magaganap sa amin dalawa.

"Bakit daw?"

"Pool party raw dahil birthday niya."

"Kailan?"

"This coming saturday."

"Hindi ka naman pupunta, 'di ba?" Lumapad ang ngiti nito at umiling.

"Sa tingin mo ba itatapon ko 'yong invitation niya kung pupunta ako? Siyempre, hindi. Ayaw kong aksayahin ang oras ko sa party na iyon," Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito nang mahigpit.

-

Mas umayos na ang pakiramdam ko kaysa kagabi. Nalaman kong kaya pala umuwi si Daenice rito sa Pinas ay para i-celebrate lang ang birthday niya at one week lang naman daw siya rito. Hindi na ako nag-iisip ng kung ano-ano dahil sa isang linggo lang naman siya rito, hindi na siguro iyon mag-aaksaya pa ng panahon para guluhin pa kami ni Oliver.

Halos lahat ng estudyante ay excited na at naghahanda na ng susuotin nila para sa araw na iyon. Bihira lang daw mag-invite si Daenice ng lahat ng estudyante sa school kaya overwhelmed ang mga ito.

"I also got an invitation but I'm not willing to attend on her party," Sabi ni Jess. Kasalukuyang kumakain ng onion rings. May mga meeting kasi ang mga teacher kaya dalawang oras kaming vacant, sama-sama kaming lahat ng kaibigan ko rito sa cafeteria at pinag-uusapan ang darating na birthday ni Daenice.

"Aminado akong paborito ko ang mga party pero 'yong kay Daenice? Never akong aattend doon," Sambit naman ni Claire.

"Anong bang issue niyo sa babaeng iyon at ang sama ng loob niyo sa kanya?" Curious na tanong ni Rico. Halatang wala itong alam sa nangyari sa aming dalawa ni Daenice dahil hindi pa siya nag-aaral rito noon.

"Basta, huwag ka na ring pumunta," Sabat ni Jess.

"Bakit nga?"

"Basta nga!"

"Sige na nga. Pero maganda ba iyon?"

"Oo, alam mo 'yong puwet ng manok? That's exactly what she looks like," Nagtawanan kami dahil sa sinagot ni Claire.

"Talaga? Stalk ko FB account niya mamaya."

Itigil na namin ang pag-uusap tungkol kay Daenice. Lahat kami ay walang balak um-attend sa party niya para sa akin. Katulad ko, masama rin ang loob nila sa kanya. Ito raw kasi ang dahilan kung bakit kamuntikan na akong ma-kick out dito sa school.

"It was Prince, right?" Sinundan namin ang tinuturo ni Claire sa may counter, may lalaking nakatalikod habang nagbabayad. "Prince!" She called Prince' name, agad itong humarap sa amin.

Saglit siyang natigilan nang makita ako, blanko lang na tingin ang ibinigay niya sa akin, samantalang sa mga kaibigan ko ay ang lawak ng ngiti niya. Naiintindihan kong gusto niya lang umiwas sa akin ngunit hindi ko pa rin maiwasang madismaya. Kahit isang ngiti lang ay wala.

Agad din itong lumabas sa loob ng cafeteria at hindi na talaga ako pinansin pa. Kapag nakikita ko siya, kusa ko lang naalala 'yong pag-amin niya sa akin at 'yong masayang road trip namin. Yes, miss ko na siya.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C59
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión