Descargar la aplicación
18.3% Broken Trust | Completed / Chapter 13: Chapter 11

Capítulo 13: Chapter 11

Chapter 11: What are you Doing here?

"Saan ko ba 'yon nailagay?"

Napaupo ako sa kama ko at pinipilit na inaalala kung saan ko ba nailagay 'yong libro ni Oliver. Actually, inabot na ako halos ng 30 minutes pero hindi ko pa rin iyon mahanap. Nakakainis naman, kung kailan ako sinipag magbasa, saka naman nawala.

Lumabas ako ng kuwarto ko at pumunta sa Garden para itanong kay Mama kung nakita ba niya 'yong book ko, baka kasi ay naglinis siya ng bahay ngayon kaya baka nailagay lang niya sa kung saan.

"Ma, have you seen my book?" tanong ko habang kinakamot ang aking ulo, habang si mama naman ay nagdidilig ng mga halaman niya. She really loves flowers ever since, because if she had a problems, she feels sadness and alone, she always pouring out her feelings here in our garden kaya sobrang ganda, makukulay at mabubuhay tingnan ang nga bulaklak. Minsan, naririnig ko pa nga si Mama na kinakausap niya pa ang mga ito, maybe tama nga ang sinasabi nila na kapag kinausap ang mga halaman ay magbibigay ito ng magandang kulay at mabangong amoy.

"Anong libro? 'Yong pinapirma mo no'n last week?" tanong niya sa akin.

"Opo, Mama. Hindi ko po kasi makita, eh."

"I thought you brought it to your school?" Lumawak ang ngiti ko dahil sa pag-alala no'n.

Minsan talaga mapapatanong na lang ako kung may isip ba talaga ako. Dinala ko nga pala iyon kanina but why I did not rembemder it? Hays! Makakalimutin na ako.

"Oo nga pala, Sige, ma! Salamat po!" Agad akong tumakbo pabalik sa kuwarto ko at kinuha ang bag para hanapin doon, at hindi naman ako nadismaya dahil nakita ko nga 'yon doon.

"Kinabahan ako, akala ko nawala ka na."

-

While I was reading my book, I felt my phone suddenly vibrated twice, napasinghap ako dahil sa inis. Kung kailan busy na ako sa pagbabasa, saka may mang-iistorbo.

Unknown:

Hey, Tigre. I'll pick you up tomorrow morning. Exact 8 AM.

-Oliver

Time: 5:56 Pm

Unknown:

Don't ask me how do I got your number and don't ask me where we go, okay? Save my number, by the way.

Time: 5:56 Pm

I frozed.

I blinked my eyes for 5 times pero pagkamulat ko there's nothing happen. So, totoo ngang nag-text siya sa akin pero saan niya nakuha number ko? I think this is the perfect time para mag-react.

"Paano niya nalaman 'yong number ko?!"

Ite-text ko na sana siya kung pa'no niya nakuha 'yong number ko kaso hindi ko na itinuloy kasi nabasa ko muli 'yong huli niyang text.

Bigla akong napangisi nang may nabuong kalokohan sa isip ko, I will act that this is just a wrong number. Gusto ko siyang i-prank.

Jamilla:

Who you? Who's Oliver? Sorry I think you got a wrong number.

Time: 5:58 Pm

Hindi na ako makapaghintay malaman kung ano ang magiging reply niya sa sinabi ko, siguradong magso-sorry 'to or 'di kaya hindi na siya magreply kasi alam niyang napahiya siya.

Ipinagpatuloy ko ulit ang aking pagbabasa habang naghihintay ng reply ni Oliver but I cannot able to focus on what I'm doing dahil sa excitement ko. Lumipas ang limang minuto at naramdaman kong bigla nag-vibrate ulit ang phone ko. Mabilis akong lumapit dito.

Oliver:

You can't fool me, I know that's you. Babatukan kita kapag nakita kita, Jamilla.

Time: 6:01

Jamilla:

Sorry but hindi po ako si Jamilla, wrong number po talaga ito.

Time: 6:01 Pm

Oliver:

'Wag nang makulit. I don't want to waste my load just because of this, sayang din kasi naka-4 pesos na rin ako.

Time: 6:01 Pm

Jamilla:

Kuya, sabi ko naman po sa inyong wrong number po ito. Sayang din po 'yong load ko po sa inyo.

Time: 6:02

Oliver:

Hindi ako naniniwala sa 'yo. Tatawag ako, sagutin mo, ha?

Time: 6:02

Mag-rereply na sana ako sa kanya at umaasang mapipigilan ko pa siya ngunit hindi ko na nagawa dahil biglang nag-ring ang phone ko kaya naihagis ko ito bigla sa kama dulot ng gulat. Anong gagawin kong palusot?

Answer it or ignore it?

What shall I do? I have two different choices. 'Pag sinagot ko, baka malaman niya na ako 'to, kapag hindi ko naman sinagot ay alam kong hindi siya titigil sa kakatawag. Nakakarindi rin kaya. But I ended up with answer his call. Bahala na.

"Tagal mong sagutin. Kanina pa ako tumatawag, ah." Ayan agad ang bungad niya sa akin. Sabagay hindi ko siya masisi, eh almost 4 minutes bago ko pa sagutin 'yong tawag niya, siguradong maiinip talaga siya.

"Serry kese wreng nember leng pe eto eh." I said with a Pabebe tone. Hindi ko alam kung bakit 'yan ang pinili kong tono ng pananalita, basta 'yan na lang ginawa ko. Narinig ko siyang parang nagpipigil ng tawa.

"Sabi ko naman sa 'yo hindi mo 'ko maloloko, ikaw nga 'yan."

"Oo na ako na 'to! Hindi ako pwede bukas!" Inis kong tugon.

"Why?" Mabilis agad nagbago ang tono ng pagsagot niya, hindi na ito natatawa. He doesn't aware na ayaw ko siyang makasama bukas?

"Kasi, That's my free time. Sa bahay lang muna ako no'n," pagkakadahilan ko.

"Then? Wala akong pake. Punta ka sa malapit na park sa inyo."

"Nand'yan ka?!" Lumaki ang mga mata ko.

"Papapuntahin ba kita dito kung wala ako? Punta ka na, pangit," pilosopo niyang sabi. Hanggang sa telepono ba naman, napakayabang niya pa rin.

"P'wede ba? Tigilan mo na kakatawag sa akin ng pangit, nakakagigil ka na, ah!"

"Why? Kahit pa anong gawin mo, you will never stop me."

"Whatever."

"Oh, asa'n ka na? Pinapapunta kita dito, ah?" reklamo niya. Ang lamok-lamok ngayon sa park, gan'tong oras kasi nagpi-piyesta ang mga lamok doon.

"Ayoko nga! Padilim na oh, umuwi ka na!"

"Sige, pupunta na lang ako sa inyo. I'm walking." Napabalikwas ako ng higa. Just calm yourself, Jamilla, don't be too paranoid. Niloloko ka lang niyan.

Bahagya akong ngumisi. "Hindi mo nga alam bahay namin, eh."

"Who told you about that? Actually nandito na ako. I'm standing here alone in front of the balcony of your room." Agad akong tumakbo papunta sa balkonahe ko. Halos iluwa ko na ang aking mga mata while l see him standing there. Ang balkonahe ko kasi ay nadudungaw 'yong kalsada."Baka matunaw na ako niyan, lumalaki pa naman mata mo."

"Gosh. What are you doing there? Ikaw ba talaga iyan?" Sana nagha-hallucinate lang ako.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa and I noticed him that he's wearing a white plain T-shirt and bastketball short. Simpleng-simple lang 'yong suot niya ngayon.

"Of course, totoo ako, totoong nandirito ako so technically you're not dreaming." Hanggang ngayon ay hawak pa rin namin ang aming mga telepono, ayoko naman siyang sigawan kasi I'm sure maririnig ni mama 'yon, e di makikita niya pa itong Mokong na 'to.

"Umalis ka na! Makita ka pa ni mama."

"Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo 'ko pupuntahan."

"Who do you think you are? Manigas ka d'yan."

"Puro ka na lang reklamo, hindi mo na nga sinusunod 'yung rule no. 1, actually ang rami mo ng utang sa 'kin, gusto mo singilin pa kita?" Kahit labag sa kalooban ko ay lumabas na ako ng bahay at pinatay ko na rin 'yong tawag namin.

-

"Ano bang kailangan mo?!" I said with an irritating voice. Imbes na nagbabasa ako ngayon, nandito ako sa labas ng bahay at kaharap 'tong Mokong na 'to. "May sasabihin ako, kaso sa park na lang."

"Gaano ba kahalaga 'yan sasabihin mo at kailangan sa park mo pa sabihin?"

"Basta, tara na. Baka makita tayo ng mama mo rito." Napapitlag ako nang hilahin niya ang kamay ko. Banat na itong mga buto ko dahil sa mga hila niya.

Hindi na ako nag-inarte pa at nagpatangay na lang sa hila. Sandali pa'y nakarating na rin kami agad sa park. Malapit lang naman kasi ito mula sa bahay namin. Binitawan niya na 'yong kamay ko.

"Ano 'yong sasabihin mo?" Hindi niya ako sinagot, instead ay naramdaman kong binatukan niya ako, mahina lang 'yung batok niya pero wala siyang karapatan para gawin 'yon sa akin. "Aray! Ano ba? Problema mo?!" Hinihimas ko 'yong parte ng ulo ko kung saan niya ko binatukan. Wala talaga itong awa, kahit babae ay sasaktan niya pa rin. Itinaas ko ang palad ko para gantihan rin siya pero napigilan niya 'ko.

"'Di ba, kasasabi ko pa lang sa 'yo kanina, 'pag nakita kita babatukan kita? So that's why I did," sabi niya. Para sa isang ordinaryong taong katulad ko na akala ay biro lamang na hindi niya gagawin ay napangiti sa loob-loob ng katawan ko, sa isang sulok ng isipan ko ay siya 'yong taong marunong tumupad ng mga pangako, he didn't mention that promise word but it still seemed like a promise. "Why are you smiling?" tanong niya.

"Nothing." Binawi ko ang suot-suot kong ngiti at tinaasan siya ng isang kilay. "Babae ako kaya you should respect me. Paganti, pabatok rin!"

"Childish," Sabat niya na mas lalong ikinakulo ng dugo ko.

"Punyeta. Sabihin mo na nga kung ano sasabihin mo para makauwi na 'ko at ipahinga 'yong inis ng utak ko sa 'yo!" pagmamaktol ko.

"Nasabi ko na naman 'yong gusto kong sasabihin sa 'yo kanina sa text. So, that's it!"

"Ano ba ulit 'yon?"

"Tsk, kakaunin kita bukas at exact 8 AM." Muli ko nang naalala 'yong sinabi niya. Nandito na naman kami kaya I'm sure pwede ko siyang tanungin kung saan kami pupunta. Hindi ako interesado sa lakad namin bukas, sadyang gusto ko lang i-klaro.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Secret." Napabagsak ako ng balikat. "Bye! Uwi ka na." Nagsimula na siyang maglakad papalayo sa akin.

Napakunot ako ng noo, 'yon lang 'yong sasabihin niya sa akin pero pinapunta niya pa ako rito. Bwiset.

"Wala ka nang sasabihin?!" Pahabol kong tanong sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin dahil tuloy lang siya sa paglalakad. Inirapan ko na lang siya kahit hindi niya iyon nakita bago magsimulang maglakad pabalik ng bahay.

Nakabisangot ang aking mukha habang naglalakad pauwi, pero napakunot ako ng noo nang may madaanan akong isang track na ang laman nito ay mga gamit para sa loob ng bahay, I guess may bagong lilipat dito sa subdivison namin pero hindi ko na lang ito binigyang pansin pa at ipinagpatuloy na lang ulit ang aking paglalakad. Actually, kapit-bahay lang namin iyon.

---


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C13
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión