Descargar la aplicación
40% The Adventure in Past (BOOK 1) / Chapter 4: ADVENTURE #4: "Ang Hiwaga ng Libro"

Capítulo 4: ADVENTURE #4: "Ang Hiwaga ng Libro"

Chiyeon's Pov

Nakaupo ito sa swivel chair, lumingon naman ito sa direksyon namin

"Maupo kayo" Sabi ng lolo ni Shelton

"Ano ang sadya niyo?" Tanong naman nito

"Ahhmm, pwede po bang tulungan niyo kami about dito" At nilabas ko ang libro "Siguro naman po may nalalaman kayo rito" Dugtong ko pa

Napamangha naman ang matanda sa makalumang libro "Saan niyo nakuha yan?" Tanong nito, nilahad niya ang kamay niya. Ibinigay ko ang libro kay Miko para iabot sa matanda

"Sa Library po lo, nalaglag pa nga po yan sa ulo ko eh" Paliwanag ni Shelton. Binuksan ng matanda ang libro kaya muli ay nagliwanag ito. 20 seconds lang ang itinagal bago ito mawala

"Ito ang libro ng nakaraan, hindi inaasahan ang muling paglitaw nito sa kasalukuyan" Sabi nito "Isang mahiwaga ang laman nito" Sabi pa niya habang nililipat ang bawat pahina. Lumapit kami upang tingnan

Teka...

"Parang ganyan po yung nasa panaginip ko, parang lang" Sabi ko kaya napatingin silang lahat sakin

"Kung hindi ako nagkakamali, pinapakita nito ang lagusan sa nakaraan ngunit hindi mo naiintindihan, tama ba?" Tanong ng matanda

"Opo, siguro tama po" Sabi ko

"Naglalaman ang librong ito tungkol sa magkakapatid, dito nakasulat ang buong kwento nila" Sabi pa nito habang nililipat ang pahina, nagtinginan naman kaming lima

Nakakatakot mang pakinggan, pero mahiwaga. Unbelievable!

Daphne's Pov

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko, napaka-imposible naman kasi na sa kasalukuyan pa lilitaw ang mga ganito! Tutok na tutok namang nakikinig ang apat sa sinasabi ng lolo ni Shelton

"I can't believe that! Totoo ba yun?" Tanong ko, nabaling naman ang atensyon nila sakin

"Sa tingin mo nagbibiro ako?" Sarkastikong tanong ng matanda kaya napatahimik nalang ako "Kayo ang nais ng nakaraan" Dugtong pa nito

"A-anong ibig po ninyong sabihin?" Tanong ni Chiyeon pero imbis na sagutin ng matanda ay sinara at nilayo niya ang libro

"Yan lang ang alam ko" Sabi ng lolo ni Shelton saka tumayo at umalis, marami mang katanungang gusto naming itanong pero ayaw niya na daw magsasalita

Dahil sa nangyari, napagpasiyahan namin ni Chiyeon na umuwi sa kani-kanyang naming bahay, makiki-angkas nalang ako sa bike niya kaysa maglakad pa'ko ng pagkalayo-layo, magpapaiwan pa sina Cris at Miko sa bahay ni Shelton

Binaba muna ako ni Chiyeon sa bahay saka siya tuluyang umalis. Pagkapasok ko, nilapag ko ang bag sa mesa sa kwarto ko, sakin daw muna ang libro sabi ni Chiyeon, basta daw huwag ko munang papakialaman. Pagkatapos ay pumunta ako sa baba at kumain dahil hindi pa'ko nakakapagtanghalian

Miko's Pov

Nasa kwarto kami ni Cris at nagse-cellphone habang pinag-uusapan ang nangyari kanina, huwag daw muna kaming lalabas sabi ni Shelton, kung gutom man kami ay may refrigerator naman dito sa kwarto. Astig!

"At least kahit papaano may nalaman tayo " Sabi ko habang nagpe-facebook

"Hay! Nakakatakot naman pala yung libro, may magic!" Sabi naman ni Cris

"Pero hindi parin ako kuntento eh, kailangang alamin pa natin ang tungkol sa libro" Sabi naman ni Shelton kaya nagtinginan kami ni Cris

Daphne's Pov

Alas siete na nang gabi nang makaramdam ako ng antok, natulog agad ako sa kwarto. Hay! Sarap matulog!...

"Sugod!!" Nagising akong bigla sa narinig ko

O_O?! Nagulat ako sa nakikita ko. Anong ginagawa ko sa lumang parang building na to?

Nakikita ko ang daming naglalabang tao, kaso malabo! Di ko sila masyadong makita. Nasaan ba'ko?!

Bumangon ako sa pagkakahiga, pero imbis na kama ko ang nakita ko ay sa isang malaking bato ako nakahiga

"Yaahhh!!" Sabi ng mga tao

May naaaninag ako sa di kalayuan, kahit hindi ko makita, pinilit ko parin na maaninagan iyon

Teka?...

Hindi ako nagkakamali! What the?!


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C4
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión