SAY IT 17 : ST.CELESTINE SCHOOL FESTIVAL
(2nd part)
"One day.."
RAY
Kahit saan ka tumingin, may makikita 'kang student na busy sa paghahanda para sa festival. As of now, inaayos ng mga classmate ko ang room para sa gagawin nga naming Maid & Butler café. Inutusan kaming dalawa ni Klein ni Justin na bumili ng iba pang kakailanganing materials sa school store.
"I didn't expect them to order us buy all of this using our own money. Mabuti na lang talaga nagdala ako ng pera ngayong araw," iritableng wika ni Klein sa tabi ko. Papunta kami ngayon sa school store na malapit pa sa gate, inshort, malayo pa samin.
"Wala naman kasing funds ang sarili nating klase kaya naman kailangang pera talaga natin ang gamitin, mabuti nga rin na binigyan ako ni Kuya Ryle ng allowance." wika ko to brighten up his mood. Na hindi naman nangyari.
"In the first place, why is our class doesn't have any funds? minamaliit ba nila tayo?"
"I don't think so, baka ayaw lang talaga ni Loraine na gawin 'yon. Siya ang president kaya siya ang tanungin mo." I patted his back, umagang-umaga mainit na naman ang ulo niya.
"No, sa tingin ko ay sinadya talaga ni Bieber na tayo ang utusan dahil alam niyang may pera tayo. Gusto niyang maubos ang pera natin para sa walang kwentang stand na 'yon na hindi naman ako nag-agreed in the first place!"
My sweat literally dropped dahil sa pag-uugali niya, para siyang bata na hindi nabigyan ng candy.
"Hey, calm down. Di mo ba naalala? nag-walk out ka noong time na nag-botohan kami para sa stand na gagawin kaya wala kang karapatan na mag-inarte ngayon. What done is done,okay?" he glanced at me kaya mahinang nginitian ko lang siya.
Sus, talk about him being so childish para lang sa bagay na 'to.
"Cheer up, hindi lang naman si Justin ang makikinabang sa mga bibilhin natin. Everyone in our class will use for our stand, kaya naman wag ka na magalit. Hindi mo pa pala nalalaman kung anong prize kapag nanalo ang stand natin 'no?"
"There's a prize?" lumaki ang tenga niya nang marinig ang salitang prize.
"Of course there is.." pagpuputol ko. Ngayon nawala na ang sour mood na nakapaligid sa kaniya.
"What is it?"
"Dunno, ang headmaster slash principal tsaka ang SC president ang magde-decide patungkol 'don. Don't worry, hindi nakaka-disappoint ang prize na ibinibigay nila. Last year, nang manalo ang stand namin, binigyan nila kami ng 100,000 cash na pinaghati-hatian naming lahat." I saw how his eyes lightened up nang marinig ang sinabi ko, I'm sure thrilled na ang lalaking 'to.
Keikakudoori (just as planned)
"That's why I'm gonna give all of my best para manalo ulit ang class 1 this year!" cheerful na wika ko at nag-fist bump pa sa ere.
"Then, if that's what it is. I'll make sure that our class will definitely won the game they're giving us." wika niya with full of confidence.
And that's how you can make a Nash Klein Martinez loose his sour mood. By making him super pumped up!
Nang makarating kami sa school store ay mahaba ang pila ng mga students kaya naman kailangan pa naming maghintay, hindi lang mahabang pila ang nandoon kundi pati siksikan na 'rin. Ilang minuto din kaming nakapila 'don ni Klein, mabuti na lang hindi nag-init ang ulo niya dahil sa tagal naming nakatayo.
When it's finally our turn to buy, someome bumped into me causing me to loose my balance at matumba. Good thing malapit lang sa'kin si Klein kaya naman napakapit ako sa kaniya on time.
"Be careful.." he whispered bago ako itayo muli.
I dusted myself off saka tinignan kung nandoon pa ba ang buwiset na bumangga sa'kin only to find nothing except for a bunch of students with diferrent years lined up beside us.
Nabili naming lahat ang nasa listahang ibinigay ni Justin sa amin. Nang makabalik kami sa room ay busy parin ang lahat, kinuha nila ang pinamili namin saka sinabihang pwede na muna kaming magpahinga kaya naman dumiretso kaming dalawa sa cafeteria para kumain. Nang makarating naman kami 'don ay kakaunti lang ang mga students na naroon, I sat in out usual seat habang si Klein ang pumunta sa counter para bumili ng makakain.
"It really does feels nice kapag kasama ang Kuya ko right?" a familiar voice asked beside me. Non-other than Glenn the sunshine boy.
"A, mushroom." pang-aasar ko sa kaniya, he pouted saka ikinurus ang braso.
"Akala ko si Lili lang ang tatawag sa'kin niyan, I hate mushrooms Ray.. don't say that dahil hindi kita kayang asarin." wika niya, mahina akong natawa sa sinabi nito.
"I also hate mushrooms Glenn kaya naman wag ka sumulpot kung saan-saan ng biglaan. Kaya ka natatawag na mushroom e," wika ko sa kaniya, he giggled saka ipinahinga ang ulo sa may lamesa.
"Ray, can I ask you something?" panimula niya habang nakatingin lang sa'kin. I hummed in response for him to continue what he wanted to ask.
"Is there someone.. you like, right now?"
Kung may iniinom lang ako sa oras na 'to ay baka naibuga ko na 'yon sa pagmumukha niya. What kind of question is that?! ramdam ko ang pag-init ng mukha ko kaya naman nag-iwas ako ng tingin mula sa kaniya. Ayokong makita niya ang namumula 'kong mukha.
"Ah.. so there is someone," I heard him mumbled.
"Here's our food, sorry kung natagalan. May amateur kasing nagbabantay— Nile? what are you doing here?" rinig ko naman ang kakarating lang na si Klein.
"Hi Kuya Nash, don't worry dahil napadaan lang ako." wika niya sa kapatid.
Nang tignan ko ang dalawa ay parang may kakaibang awra ang namamagitan sa kanila. Hindi ko masabi kung ano pero sigurado ako na hindi maganda 'yon. The way Glenn looks at his brother is very unsettling, hindi na ito kagaya ng dati na sa tuwing tinitignan niya si Klein ay nakikita agad ang paghanga niya sa kapatid but right now? all I see is hatred between them. Nag-away ba sila? or just an misunderstanding?
Meanwhile, Klein only looked at his brother with a frown.
Nawalan ako bigla ng gana na kumain habang tinitignan silang dalawa. Ito kasi ang unang beses na nakita ko silang hindi magkasundo. It's very unusual for these two to fight dahil lagi naman silang magkasundo sa lahat yata ng bagay.
Kalaunan ay umalis din si Glenn na hindi man lang nagpapaalam, leaving me and Klein alone, ni hindi man lang siya ipinaalam ng kapatid. Kung ano man ang namamagitan sa dalawa na 'to, I think it's better if they will made up already. Hindi kasi ako sanay na makita silang dalawa na hindi magkasundo.
Habang pabalik kaming dalawa ni Klein sa room para tumulong, hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong.
"Hey, may pinag awayan ba kayong dalawa ni Glenn?" I stopped my tracks para diretso siyang tignan. I stand infront of him para mapigilan siya sa paglalakad.
He looks at me straightly.
"What is it to you?"
"I just wanted to know kung nag-away ba kayong dalawa, nothing more nothing less. Gusto ko lang malaman," pagpupumilit ko. Ngayong nakapagtanong na ako, all I want right now is answers.
"Can I lie about it?"
"Huh?"
"We did not fight,"
"You're lying."
"Yes I am, so alam mo na. What now?"
Napatigil ako, why is he acting so cold right now? ayaw niya ba pag-usapan namin ang pag-aaway nilang magkapatid?
"A-ano namang pinag awayan niyong dalawa?" I mentally cursed myself for stuttering.
"I thought you only wanted to know if we're fighting? nothing more nothing less?" aniya, o, that's right. But I can't help myself to ask more.
I lowered my head at the thought. Bakit ko nga ba gusto malaman? well I cared for the both of them so natural lang naman na magtanong ako ng magtanong. Is that already called trespassing? wala namang mali sa ginagawa ko diba?
I felt something warm touched my head, Klein's warm hand is touching my head. I looked up only to see an hurted expression of his habang nakangiti sa'kin.
"Don't worry, we'll made things up soon, pinapalamig ko lang ang ulo ni Nile so don't you worry about it. Hindi naman malaki ang pinag awayan namin kaya magbabati 'rin kami in no time. Don't stick your nose further in our fight," aniya. I understand him kahit papaano, sana nga lang talaga ay magbati na silang dalawa. We continue making our way to our building.
"To tell you the truth, I hate it when me and Nile fights. Para kasing may isang malaking parte sa buhay ko ang nawawala kapag nag-aaway kaming dalawa. I hate seeing him looking at me with that hatred expression, it feels like I am being looked down by my dad." wika niya habang diretso lang ang tingin.
"Bihira lang kami mag-away ni Nile at tuwing nag-aaway naman kami, nagbabati rin naman kami in no time."
"I.. I want to know kung bakit kayo nag-away." wika ko, feeling ko ay hindi ako matatahimik kapag hindi ko nalaman ang dahilan ng pag-aaway nilang dalawa.
"I can't really lie huh? okay I'll tell you, but in one condition."
"What condition?"
"Don't tell anyone about our fight, mas magagalit pa si Nile kung malalaman niyang alam ng iba na nag-aaway kami."
"O-okay, you can count on me."
"Nice, then naalala mo pa ba noong nakita si Nile sa may pool?" so it's about the pool incident. I nodded my head saka hinintay siyang magsalita pa.
"Walang sinabi si Lloyd patungkol sa mga galos na natamo niya right? it's because Nile told him na wag sabihin sa'yo. What Nile did is he let Ashton beat him up dahil sa sama ng loob na nararamdaman niya that time dahil nga nag-away kayo. Of course hindi naman ganoon kasamang tao si Ashton para saktan si Nile pero pinilit niya talaga 'to kaya no choice si Ashton kundi sundin na lang ang pinapagawa sa kaniya ng baliw ko na kapatid. He let his self fell on the pool at sinabihan si Ashton na huwag siyang tulungan kahit na hindi siya marunong lumangoy, he instead told him to call me kaya naman nang pumunta ako 'don ay gulat na gulat akong makita ang kapatid ko. Ashton is nowhere to be found, mabuti na nga lang ay hindi ako nahuli ng dating dahil baka anytime on that day. Baka.. nawalan na ako ng kakambal." pagku-kwento niya.
My eyes widened nang marinig ang kwento niya. Nile.. did that? but why? yes nag-away nga kami that day pero bakit naman niya gagawin ang bagay na 'yon?
"Don't tell him na sinabi ko sa'yo or else he'll get more mad than he already is."
"O-okay.."
"Mas naunang nagising sa'kin si Glenn nang nasa ospital kaming dalawa. More like.. 2 days after siyang dalhin. Nagkukunwari lang siyang tulog kapag bumibisita ka, I know this because Lloyd told me everything nang ako naman ang magising. Lloyd will witness Nile crying every night, sabi niya pa ay puro 'sorry' ang sinasabi nito everytime na maririnig niya ang pag-iyak ng kapatid ko. Then one day, lumabas siya ng walang paalam at 'don hinanap ka niya at nagkita naman nga kayo sa park. Lahat ng sinasabi ko ngayon ay nakuha ko lang sa observation ni Lloyd dahil siya ang nagbabantay samin noon." dagdag niya pa.
Glenn used to cry every night and say 'sorry' ?
"Kailan lang naman 'to sinabi sa'kin ni Lloyd kaya kailan ko lang 'din nalaman ang tungkol sa mga ginagawa ng kapatid ko. Yesterday, I asked him kung bakit niya nagawa 'yon. He only answered by saying 'Why do you care?'
Hindi naman ako galit habang tinatanong siya but he suddenly get mad nang tanungin ko siya. After that nagsimula na siyang kumilos ng ganyan, no other reason." Nang matapos siya mag-kwento. Silence filled the air surrounding us two.
Ayaw sabihin ni Glenn sa kaniya ang dahilan kumg bakit niya nagawa 'yon? ako na naman ang nasa likod ng pag-aaway nila. Nag-away din kaming dalawa noong araw na 'yon dahil nga sa panghihimasok niya sa buhay ko but I already forgive him.
"I wanted to ask.." panimula niya.
"Anong dahilan ng pag-aaway niyo ni Nile noong araw na 'yon? did he do something to you?"
• • •
"Ray, pakidala nga nito sa table 5."
"O, okay."
Nang mag alas-10 na ay binuksan na ang gates ng St.Celestine and as usual ay maraming tao agad ang nagsipasukan, may iba pang galing sa ibang school. It also means na magsisimula na ang competition ng bawat klase sa kani-kanilang stand. Marami nang costumers ang pumunta sa café namin at patuloy lang sila sa pagdami kaya naman sure win na 'to para sa amin.
Ang lahat ng classmates ko ay nakikipag-cooperate para maging isang succesful ang stand namin at para maging mas memorable ang year namin na 'to.
So far, maganda ang nagawa nila para maid outfits na susuotin namin, walang ni isa sa girls ang nag-reklamo. Para naman sa mga lalaki, halos lahat ay nagga-gwapuhan sa kani-kanilang butler outfit. Mas outstanding si Klein at Justin kaya naman dumarami ang mga babaeng customers namin. Wala rin namang nagre-reklamo sa pagkain dahil anak ng isang professional chef ang cook namin na si Derek, so far isang succesful na stand ang nagawa ng Class 1 which is us.
Nang maubos na ang mga customer, nagdeclare muna ng 20 minute break si Justin. Lahat kami ay sagad sa paggalaw simula pa kanina kaya naman halos bumagsak na kami sa sahig dahil sa pagod. Ang mga naiipong pera ay iipunin namin saka pagdedesisyunan kung anong gagawin kapag malapit nang matapos ang year namin. Last year, ibinigay namin sa orphanage ang perang naipon namin kaya masayang nakatulong ang klase namin.
I wonder kung anong gagawin namin sa pera namin this year..
"Ray, may naghahanap sa'yo." tawag ng isang classmate ko.
Nag-excuse muna ako sa kanila bago tuluyang lumabas ng room. There's Moon na prentang nakasandal sa may labas ng room, still wearing his uniform from Sullivan National High.
"Yo." bati niya, he looks so good as ever.
"Bakit hindi ka man lang nagsabi na ngayon ka pupunta?" I shushed, I know na sabi niyang pupunta siya pero hindi ko alam na ngayong araw.
"I wanted to surprise you and by the way, you look good." he said scratching the back of his neck. Kitang-kita kung paano mamula ang tenga niya.
So cute of him.
"Thank you, Moon. Uhh.. gusto mo ba pumasok? on break pa kasi kami e pero okay lang naman yata na pumasok ka." wika ko, he raised his hand signing me to stop.
"No, thank you. Pumunta lang talaga ako dito para makita ka. It's been so long.. a, maayos na ba ang kambal?" he asked. I remember na pumunta din pala siya noon sa ospital noong may nangyari sa kambal.
"They're good,"
"I see, gusto ko pa sana magtagal but the clock is ticking so.. I'll be taking my leave now, let me see kung makakapunta pa ako bukas."
"O, ihatid na kita."
"No need, kaya ko na. Mag-stay ka na lang dito sa stall niyo baka kailanganin ka nila. Well then, bye Ray." he walks away waving a hand. That's fast.. gusto ko pa naman siya igala sa campus.
"O-okay, take care."
"Who's that?"
"Eeek! wag ka ngang bigla-bigla na lang sumusulpot, may lahing Glenn ka ba?" tanong ko 'kay Justin. O, hindi niya na naalala si Moon?
"He looks familiar.." aniya habang tinatanaw ang pigura ni Moon.
"That's Moon, remember? my late boyfriend noong middle school." wika ko, he looked at me in amusement. Don't tell me hindi niya naaalala si Moon?
"Wait– your late boyfriend?" I nodded.
"Bakit hindi ko maalala?" I shrugged, at bakit naman niya ako tatanungin kung bakit hindi niya maalala si Moon.
"It's your problem Justin not mine." wika ko and he pouted, cute as ever.
"E? not fair ikuwento mo sa'kin kung paano kayo nagsimula at nagtapos. I need to know! bestie tayo diba?" he whined like a kid. I brushed him off at hinayaan ang pag-iingay niya.
"Guys! 3 minutes na lang start na ulit tayo!" Maybel announced kaya naman bumalik na kaming lahat sa room para maghanda.
This is going to be a long day, not only for me but also for everyone.
• • •
Magfo-four p.m na kami nang matapos. After naming iligpit saka linisin ang lahat sa room ay nag-dismiss na rin kami. Pwede nang umuwi ang iba pero nag-decide ako na mag-libot libot na muna.
"Ray, hindi ka pa uuwi?" tanong ni Maybel, nasa girls' locker room kaming dalawa nagpapalit ng uniform namin.
"Hindi pa, ikaw?"
"May part-time job pa kasi ako, kaya naman kailangan ko umuwi agad. See you tomorrow.." she walked away waving a hand.
"Yeah, see you.."
Nang matapos akong magpalit ng uniform ay dumiretso ako agad sa katabing classroom namin. Ang Class 2, sabi ni Wendy ay milktea stand ang gagawin nila kaya naman gusto kong makita kung okay lang ba ang lahat sa stand na ginawa nila.
"O, Ray! welcome welcome!" paunang bati ni Glenn nang makarating ako 'don. I know he's faking that smile of his.
Iginaya niya ako sa isang solo table saka ibinigay sa'kin ang menu. So far, mukhang masasarap naman tignan ang mga nandito.
"A, anong maire-recommend mo Glenn?" tanong ko sa kaniya saka ibinalik ang menu.
"Hmm.. maraming may gusto sa choco-strawberry milktea namin kaya naman sa tingin ko magugustuhan mo rin ang isang 'yon."
"Okay, I'll have that one."
"Coming right up!" aniya bago umalis, naiwan naman ako 'don habang malalim na nag-iisip.
Ayaw ni Glenn sabihin 'kay Klein ang dahilan ng pag-aaway naming dalawa noong araw na 'yon. Dahil siguro ay dawit ang pangalan ni Sofia, he told me na ako kailangang ako ang magsabi 'kay Klein ng tungkol sa pagkatao ni Sofia. Those two are her late friends and Klein also used to like her noon. Things are getting more and more confusing.
Kung kakilala ni Sofia ang kambal noon pa lang.. then there's a great possibility na noon pa lang ay kakilala ko na 'rin ang kambal o isa man sa kanila. But the question is who?
Noong araw na nagdala ng kaibigan si Sofia sa bahay at initusan niya akong ikulong ang sarili sa may kwarto. May isang batang lalaki akong nakausap. Isa kaya siya sa kambal? kung isa man siya.. sino naman kaya 'yon?
I remember him telling me his name pero hindi ko na maalala kung anong pangalan niya ngayon.
It's between Nile Glenn and Nash Klein. Noong bata din ako, mayroon akong kalarong batang lalaki sa may park. Hindi ko na rin maalala ang pangalan niya. Just who is he?
"Here 'ya go, our special choco-strawberry milktea. Enjoy!" masiglang wika ng isang student na hindi ko kilala, saglit na tinignan ko ang inumin.
It looks really delicious kung titignan, siguro ay may magaling 'rin sa kanilang gumawa ng desserts.
I was about to take a sip nang biglang may tumawag sa pangalan ko. It was Glenn.
"Ray!"
Nagmamadali itong lumapit sa'kin habang may hawak hawak pang dessert sa kamay niya that looks exactly like this one na kaninang ibinigay sa'kin.
Taka ko siyang tinignan kasama ng dala niyang dessert.
"Who gave you that?" seryosong tanong niya.
"Uhh.. hindi ko kilala pero nakasuot 'din siya ng uniform na suot niyo. He gave me this kanina lang." sagot ko, hindi nawala ang pagiging seryoso niya.
"Ininuman mo na ba 'yan?" sunod niyang tanong. I shaked my head as a sigh of relief escaped from his lips.
"N-no hindi pa, why?" kinuha niya ang naunang dessert na ibinigay saka inilapag sa lamesa ko ang kanina niya pang hawak.
Hindi niya ako sinagot bagkus itinapon niya sa pinakamalapit na halaman ang lahat ng laman ng baso saka itinapon sa trash bin ang baso't kutsarita.
I saw how the plant easily get dried bago ito nalanta't namatay. With widened eyes tinignan ko siya.
Kung ininom ko 'yon.. siguro ay..
"You're being reckless, hindi ka dapat tumatanggap ng kahit anong pagkain galing sa hindi mo kakilala. Look what happened, kung hindi kita tinawag para pigilan ay baka malamig na bangkay ka na ngayon." aniya, he's right. So nagsimula na naman sila.
"T-the guy!" ang nagbigay sa'kin kanina ng inumin! maybe he's still inside!
"No, kahit na habulin natin ang taong 'yon. Sigurado ako na hindi 'rin natin siya makikita dahil sa dami ng tao sa paligid. Be careful next time,Ray." aniya saka umalis para ipagpatuloy ang ginagawa. Pero bago pa man siya makalayo ay tinawag ko muna ang pangalan niya.
"Glenn."
"Hmm?"
"P-pwede bang.. wag ka munang umalis?"
"Malapit na matapos ang shift ko kaya naman hintayin mo na lang ako. Kalimutan mo na lang muna ang nangyari saka inumin ang special namin. Ja." aniya saka tuluyang umalis.
They're on a move again. Kailangan ko nang mag-ingat ngayong kumilos na sila.
• • •
"Sorry for the wait, nandito na ako. Let's go,"
Hinintay ko na matapos ang shift ni Glenn para may makakasama ako sa paglibot-libot sa campus. I don't feel like being alone in the moment lalo na't kanina lang ay muntikan na akong malason.
"Let's not talk about what happened kanina para naman hindi ka mawala sa mood. Let's have fun ngayong first day ng festival, so saan mo gustong pumunta?" nagbalik ang pagiging sunshine energy niya habang sinasabi ang mga salitang 'yan.
"I don't feel like going anywhere right now, Glenn. Maybe they're still around.. we need to be alert." wika ko habang nakatungo, I can't believe I let my guard down kanina.
What a shame..
"Ray, don't be like that. Wala namang mangyayaring masama sa amin. See? tsaka kasama mo ako ngayon. Hindi ko sila hahayaang may gawing masama sa'yo." he assured, he's right pero kahit pa.
"A, nasaan na nga pala si Kuya Nash? hindi ba kayo nagkita kanina nang matapos kayo?"
"No, he went somewhere." kanina nang matapos kami, nagpaalam si Klein na maaga siyang uuwi.
"Too bad, ako tuloy ang kasama mo. Okay lang ba sa'yo na makasama ako ngayong araw?" he asked, nang tumingin ako sa kaniya ay nag-iwas siya ng tingin kaya naman hindi ko makita ang mukhang ginagawa niya.
"Of course, after all minsan na lang tayo nagkakasama. To tell you the truth, mas comfortable kang kasama kaysa 'kay Klein. Ang kuya mo kasi minsan... laging tinotoyo ng walang dahilan." he laughed after hearing my words.
"Pagkatapos kapag may nasabi 'kang hindi niya nagustuhan bigla-biglang mag-iinit ang ulo. Ewan ko ba 'dun..dati yata siyang babae sa past life niya e." pagrereklamo ko pa lalo. Marami pa akong gustong sabihin tungkol 'kay Klein 'no! marami akong reklamo!
"You sure talk alot about my brother, how about me? may mga reklamo ka 'rin ba patungkol sa'kin?" he said, looking at me.
I shaked my head, "Nope. Kahit na nag-away tayo noon patungkol 'kay Sofia at sa panghihimasok mo sa buhay ko. Nawala ang galit ko noong nakita kitang walang malay at pilit na inire-revive ni Sir.Dino," pag-amin ko.
He stayed quiet after 'kong sabihin 'yon. Parehas kaming nanahimik, walang sinoman sa iisa sa amin ang nagsalita.
I'm still missing him after all this time.
We found ourselves in the garden, kakaunti lang ang mga taong nandito.
"Hey,Ray.. I wanted to ask you something for so long now." panimula niya. Nanahimik lang ako para naman maituloy niya ang balak na sabihin.
Hinarap niya ako pero hindi naman siya makatingin ng maayos sa'kin.
"D-Do you mind.. going somewhere together with me? only the two of us alone together?"
His question didn't faze me at all. Kung 'yan ang gusto niya.. why not?
"Okay, I'll go with you."
♡