Descargar la aplicación
31.91% My Paparazzi (Tagalog) / Chapter 15: Hidden Agenda

Capítulo 15: Hidden Agenda

"Ang gwapo mo yata ngayon, Gian. Parang pinaghandaan mo yata talaga itong dinner natin." Nakangiting sabi ni Yna na pinagmasdan ang lalake. Kay kisig nito sa suot na asul na polo shirt.

Malawak na ngumiti ang lalake saka inilabas ang bunton ng rosas na itinatago nito sa likod.

"For you my loves. You know naman how special you are to me. I'm just very happy that after almost four years, pumayag ka ng makipag-date sakin." Nagpapa-cute pa nitong sabi saka siya inalalayan sa pag-upo.

"Hindi ka man lang ba nagtaka bakit kita pinagbigyan?" Nagpapapungay ang matang sabi niya dito.

Napakunot naman ang noo ni Gian na tumitig sa kanya.

"Why?" Napapantiskuhang tanong nito na matiim na tumitig sa kanya. Napangiti si Yna. Hindi niya alam kung bakit kahit na napakagwapo ng lalake at napakalakas ng dating ay di niya makuhang magkagusto din dito. Natatandaan nga niya kung gaano karaming koheleyala ang nagkakagusto dito noong nag-aaral pa sila. Ito rin ang humawak sa titulo ng Mr. St. Matthew U noon.

"What do you think?" Nagpapa-cute din niyang sabi. Lumawak ang ngiti ng lalake.

"Siguro mag-order muna tayo, honey?" Pag-iiba nito ng usapan saka sinenyasan ang waiter. Matapos silang mag-order ay muli silang nag-usap.

"Kumusta kayo ni Shine sa ABM? Balita ko boss ka na agad." Ani nito sabay subo sa inorder na pasta.

"I'm enjoying my job right now." Sagot niya naman dito habang lumalagok ng juice sa baso.

"Good. But I heard of Daniel Dhanes. Ang station niyo yata ang in-charge sa story sa kanya?" Balik na tanong nito.

"Yeah. But I don't know kung sino ang writer sa latest controversy niya." Sagot naman niya. Napatango naman ang lalake.

"He's now working with my team kasi. Mags-start na taping niya bukas. My team will be with him hanggang matapos ang pelikula niya." Paliwanag nito. Lihim namang napangiti si Yna sa sinabi nito. Tama nga ang kaibigang si Lora ng tinawagan niya ito at nabanggit nito ang project ni Gian.

"Talaga? Can I visit you to the set?" Agad niyang tanong dito. Nabilaukan tuloy si Gian dahil sa sinabi niya. Natatawang inabutan niya ito ng isang baso ng tubig.

"Are you OK na, Gian? Kung hindi kita pwedeng puntahan dun, ok lang naman sa akin.." Tila malungkot niyang sabi. Agad na hinawakan ni Giana ng kamay niya. Napatitig siya dito. Kitang-kita niya ang paglamlam ng mga mata nito at pagtiim ng titig sa kanya.

"Are you serious, Yna?" Muling tanong nito na bahangyang inilapit ang upan sa tabi niya.

"Yes. Bakit ba you're always asking me if I'm serious or not?" Tila naiirita niyang sabi.

"I mean..hindi lang kasi ako sanay. Dati kasi you kept on resisting me. But now…" Ani nito saka hinawi ang kanyang buhok upang mas mapagmasdan nito ang maganda niyang mukha at mapupulang mga labi.

Piningot niya ang ilong nito.

"Bakit, my problem ka Gian?" Nangingiti niyang sabi dito. Imbis na sumagot ay niyakap siya ng lalake na ikinagulat niya. Napangiti na lamang siya.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C15
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión