Descargar la aplicación
3.77% The Cursed Dreamers (CR82R) / Chapter 2: Chapter 2

Capítulo 2: Chapter 2

...

Chapter 2: Meeting the biggest jerk in this story

....

Chloe's P.O.V

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Chummy habang tinuturo yung pagpitik ko ng kamay kanina pa, feeling ko kasi ay tuluyan nang nawala ang kapangyarihan ko.

"Wala, nag e-exercise lang." awkward kong sagot. Hindi ko naman pwedeng sabihin na may powers ako, tas nun ay baka ma-weweirdohan siya sa akin.

"Ay, tapos na ako nag-exercise, tapos ka na?" Tanong niya.

Napatango nalang ako, at natapatayo sa hinihigaan na kama. Bigka-bigla nalang naman hinugot ang aking damit,

"Alam mo ba, Chloe. Ngayon bibisita ang aking pinsan, galing siya sa syudad ng Animalia—Pendilor." Masigla niyang saad.

I then just nodded as a response. I just want to get out of this house. Gusto kong magsaya, boring eh. Wala talaga akong magawa, ako kasi yung tipong babae na sabik na sabik talagang gumala.

Pumunta ako sa sala, na kaagad ring sinundan ni Chummy, kumuha ako ng isang pirasong mansanas at kinagatan ito.

"Gala tayo?" Yaya ko kay Chummy.

"Saan naman?" Balik niyang tanong.

"Kahit saan, gusto kong galain ang buong espasya."

"Eh, ang pinsan ko. Baka mamaya-maya na ata siya pupunta dito, baka hindi niya tayo maabutan." alala niyang saad.

"Wag ka masyadong mag-alala, maabutan nga natin siya. So payag kang gagala tayo?"

Napa isip naman siya't biglang tumayo at dumiretso sa kwarto ni lola Dahlia.

Bumalik rin naman siya kasama ng isang masiglang ngiti.

"Pwede raw kitang igala," sabi nito sabay lumabas sa kubo.

Lumabas rin naman ako habang kagat-kagat ko pa ang mansanas kong kanina pa kinikitkit.

Pag labas namin ay bumungad sa akin ay ang napaka preskong hangin at sobrang raming puno, na tila bang napapaligiran ang kubo nila Chummy neto.

Naglakad kami papunta sa Center ng town,

Doon ko nakikita ang napaka-makalumang mga parang pagbebenta, at meron ring gumaganang mga Kalesa, ang iba rin ay nagbebenta ng mga tinda tulad ng Prutas ang Gulay.

Maganda kung tignan ito, napaka saya nila lahat. Makukulay ang kanilang suot, napaka lawak ng mga ngiti ng bawat isa. Meron rin akong nakitang mga bata na naglalaro na kasing edad ko lang ata.

"Ito ang center of the town," turo ni Chummy. Napatingin rin ako sa isang board na may nakalagay na welcome.

"Ito ang parang sentro, maraming nagtitinda dito. Hindi naman kung saan ay sobrang luma nitong tignan ay parang nakaluma rin ang mga tao, siyempre at updated rin kami. Di kami katulad ng ancient Greece noh!" Sabi ni Chummy na tila bang na pro-proud sa pagmamalaki ng hometown.

Napangiti rin naman ako, alam niyo ba na bibong-bibo talaga 'to si Chummy.

Mahilig siya magkipagbiro sa akin pero hindi naman lahat ng biro niya ay nakakatawa, pero infairness ang talino niya.

Naglakad kami patungo sa tulay.

"At ito naman ang Cambridge, ito ang tulay na nagbibigay daan patungo sa bayan at sa iba pang lugar, bale parang probinsiya dito at ito ang daan patungong siyudad."

Napatingin naman ako sa tulay, para tong tulay na parang yung dini-discribe sa Les miserables.

Hinawakan ko naman ang kamay ni Chummy nung nagsawa na ako sa kaka-obserba sa tulay.

"Doon naman tayo sa ibang lugar, yung parang....meron kayong park dito?" Tanong ko habang naglalakad kung saan mang daan na hindi ko rin naman alam.

"Oo, pero hindi yung pwede pasukan. Ang nagmamayari lang ang pwedeng pumasok dito, ang prinsepe ng Animalia. Dito kasi niya pinagawa ang summer house niya kabilang ang espasyo niya na nagsisilbi bilang park sa amin, ang pwede lang pumasok ay yung parang mga high-ranked officials at mga mayayaman na maimpluwensya, doon kasi minsan nagaganap ang mga party mg prinsipe. Sabi rin kasi nila ay ang mga leon ay sobrang makasarili sa kanilang teritoryo at ayaw nilang may lumabag sa kanilang batas," Paliwanag ni Chummy na para bang nakakain ng buto ng lansones.

Napangisi naman ako sa sinabi niya. Sa pagkaka-alam ko ay kaming mga mayayaman na taga ibang planeta ay may malaking impluwensya sa Kaharian ng Animalia. Kami ang nag-pundo ng mga Armies, kami rin ang nagpapagawa ng mga armas nito.

"So sinasabi mong wala pang nakatapak diyan na hindi naman gaanong maimpluwensya na nakakatapak sa park na yang sinasabi mo?" Curious kong tanong.

Umiling siya bilang pagsagot sa tanong ko. Sa sagot niya ay bigla naman mas lumawak ang aking ngiti.

"Paano kaya kung tayong dalawa ang pinaka unang tumapak sa park ng prinsipe?" I asked.

Si Chummy naman bigla-bigla namang namutla nung pagsabi ko iyon, bigla ko na rin hinila ang kanyang kamay patungo sa park kasi mga siyang na metro nalang ang layo.

"Chloe, naman eh! Wag ka namang ganyan! Alam mo naman na ang prinsipe ang pinaka makapangyarihan at parang second in command matapos ng hari! Huwag naman tayo pumasok sa teritoryo niya! Ayoko pang mamatay promise!" Sabi nito habang nag c-cross ng heart.

"Ano ba naman yan? Sino bang nagsabi na hindi ako maimpluwensya?" Naiinis kong tanong sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin na tila bang ini-iscan naman ang buong katawan ko.

Balik balik nalang ang kanyang tingin, binigyan ko nalang siya ng isang matamis na ngiti at yung tuloy at tila bang mas nataranta siya.

"Ehhhh! Chloe! Balik na tayo! Hindi ko pa napapakita sa'yo ang pool ng bayan ehhh." kinakabahang sabi ni Chummy habang hinihila niya ang isang kamay niya na hawak-hawak kong mahigpit gamit ang isa niyang kamay na hindi ko rin namang hawak-hawak na mahigpit.

Nung nasa paanan ko naman ang damo ng park, napangiti ako. Tinignan ko naman si Chummy sa likod ko na tila bang nauubusan ng kulay.

"Ehhh! Chloe! Kung nahuli tayo ay sa'yo ko na talaga isisisi na ikaw ang humila sa akin dito" nag-papanic niyang saad.

"Sige, ikaw bahala. Wala naman ring nangyayaring masama since na nakatapak na tayo dito sa park. Ano bang kinakatakutan mo?" Tanong ko sa kanya. Siya naman ay tila bang in-loss of word at para pinapahalagahan ang sandali na nandito siya sa park. Weirdo, akala ko naman ay nagpapanic. Aysuuus.

"Ba't ka parang tahimik?"

Napatingin naman siya sa gawi ko na parang mas lumiwanag yung mukha niya.

Hindi yung literal, ha?

Yung parang mas nagi siyang masaya kumbaga.

"Wala lang. Ang Prinsipe raw kasi ay sinasabing guwapo, inosenteng tignan. Ang color orange at ang damo at ang isang korona ang nagsisilbing isang simbolo ng isang Prinsipeng Alpha."

Sabi nito habang para bang may-inaalala. Gusto ko talaga ang areang ito. Sobra kasing tahimik.

Napangiti naman ako, ngunit bumawi ang ngiti ko nung may naghati sa katahimikan.

"Ehem, mind getting of my teritory?" May narinig akong nagsalita sa likod ko.

Napasinghap naman si Chummy nung nakita niya kung sino man ang nasa likod ko, napakunot-noo naman ako at tumalikod. Tas doon ko nakita ang isang leon na may korona.

Nakikita kong kagkasalubong ang kanyang kilay, nanliit naman ang mata ko.

Napatingin naman ako kay Chummy na tila bang nag bo-bow.

Pagtingin ako ulit sa lalaki ay napataas ang kilay ko.

Ito ang prinsipe?

Siya ba ang tinutukoy ni Chummy na Guwapo at inosenteng tignan?

Oo--inosente nga siyang tignan at guwapo pero ang akala ko lang ay mga nasa 7 pa ang edad niya.

E kung hindi, eh...

Siya ba talaga to?

Ba't.... ba't parang point 5 lang ang lamang ng height niya sa akin??

Hoi! Hindi naman sa pagiinsulto pero, anbayan ganito naba ang type ng kabataan ngayon?

Yung tipong maknae ang dating?

Yung tipo ring kalahi ng mga duwende?

At sobrang kinis ng balat?

Yung parang itlog ang kulay ng balat?

Migad! Mas gwapo pa nga ata si Carter kaysa sa kanya eh!--Aishh! Ba't ba napunta ang pangalan ni Carter! Erase! Erase!

Napataas narin naman ang kilay ng lalaki.

"Wouldn't you want to explain what's going on and why are you stepping in my territory, peasant?" He said emphasizing the word PEASANT. Grabe lang ang peg? Eh kung maka peasant naman ay wagas! Pasalamat siya na binigyan naman siya ng napakaramaning tagabantay at Army at kung hindi edi matagal na siyang tigok as in patay! As in D E A D!

Napataas nalang ang kilay ko nung sinabi niya yung mga words na yon.

"Oh, right. You PEASANTS don't understand english! Fine! Then I'll translate it to you.

Hindi mo ba I-eexplain kung---"

"Hepps! Grabe  ka namang makasabi ng Peasant! Pasalamat ka't mahaba ang pasensya ko! Kasi kung hindi ay dati pa namin hindi pinagbigyan ng Armas At mga Tao-Taohan sa kaharian mo-t matagal kanang Dead! Pasalamat ka rin at tinapakan lang namin ang park mong damo lang ang meron! Pasalamat ka na hindi kami nag- litter o di naman kaya't tumae! Ano?! Mas gusto mong tumae kami?!  O di kaya i-oopen ko ta sa public?! Ikaw ha?! Kung makasabi ng PEASANT ay WAGAS!" Sigaw ko habang dinuro-duro ko siya.

"Ikaw? A Mad Person like you have a huge influence in our kingdom? Yea right! How are so sure--" may sasabihin pa siya habang tinitignan ako.

"Huwag ka! Nangigigil si Ako! Makakatikin ka talaga sa akin ng goodbye tommorow!" Sabi ko.

"Chloe, tama na--" pigil ni Chummy na kanina pang natataranta.

"What--" si Prince Alpha.

"Isa pang salita! At hinding-hindi ka na magkaka-anak pa!" Pananakot ko. Huwag lang! Nangigigil si ako! Peasant niyang mukha niya!

Tumikhim rin naman siya. At maya-maya ay itinaas niya ang isa niyang kamay.

"Yes. You may now speak," I ordered. Almost nawawala na ang inis ko.

"Diba dapat ako magagalit?! Kayo yung tumapak sa territoryo ko at kayo ang nagagalit na pinapagalitan ko kayo!" Ani niya sabay tingin kay Chummy.

Napaiwas naman ng tingin si Chummy sa mata ni Alpha.

"By the way, sino ba kayo? Anong kailangan niyo? Kung pera gusto niyo ay dapat nandoon nalang kayo pumunta sa harapan ni Dad."

"Kapal mo rin, ano? Paano kung bawiin ko ang mga sundalo niyo?!" Galit kong sigaw.

"Ako si Chloe, anak ng isang Mare! Nandoon ako nakatira sa labas! As in sa ibang planeta! As in planet 14818!" Simple kong pakilala sa aking sarili.

(*Ang Mare ay family name yan ng mga mayayaman na maimpluwensyang pamilya ng mga kuneho(Animalia) sa gobyerno't sa kaharian*)

"Ahh kaya ang lakas ng loob mong pumasok sa park ko" napapaisip niyang saad.

Matapos nun ay bumaling ang tingin niya kay Chummy.

"Eh siya? Sino siya para pumasok sa Territoryo ko?" Naka-ngisi niyang tanong.

Napahawak naman si Chummy sa damit ko na tila bang takot na takot.

"Aba't Chloe, sabi ko sa'yo kanina na ikaw ang sisisihin ko if ever na mahuli tayo, parang hindi ko na kaya eh! Malaki kasi ang impluwensya mo!" Pabulong na sigaw ni Chummy sa akin. Ewan ko kung bulong paba ang tawag dun.

"Oh ano? Ba't di ka makasagot bata?" Baling na tanong ni Alpha kay Chummy.

Bago paman siya makasagot at baka naman ay mautal pa siya ay may humila sa braso niya.

Isang lalaking naka suot ng isang coat ma pang-lamig. Ang buhok ay asul. Not the darkest shade of blue but a perfect light blue. The eyes are absolutely beautiful blue at ang mukha niya ay sobrang kalma! Parang hindi siya masyadong nagsasalita at parang hindi niya rin masyadong ma-express ang sarili niya ngunit ang posture, Perfect! Hindi siya kuba. Basta there's one word to describe him right now----HANDSOME.

"Bakit? pinsan ko siya" saad niya with his beautiful captivating voice na parang matagal tagal na siya hindi nagsasalita.

"Bluve!" Parang nakahinga ng maluwag si Chummy nung nakita niya ang pinsan niyang tinawag na Bluve.

"Long time no see, cousin" bati nung lalaki kay Chummy.

Nakita ko rin sa pag taas kilay ni Alpha at para ring na bo-bored.

"Bluve? The son of the popular business man?" Manghang tanong niya.

"That's right your highness," Sabi niya sabay Bow.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C2
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión