Tamara POV
Pag gising ko kumain na ako at pumunta sa garden
" buti pa dito maganda ang tanawin nakakawala ng stress"
Sabi ko sa sarili ko
"bakit na stress ka?"
Nagulat ako sakanya ang inang reyna lang pala
"ah wala po medyo naninibago papo kasi ako!"
Sorry po nag sinungalin ako ayokong lumala pa ang gulo
"ah ganun ba ? Mag painting nalang tayo at para mas maganda isama na natin ang apo ko !"
Ano?!!!!
Biglang nanlaki yung mata ako at hindi ko tinignan ang inang reyna
"bakit ayaw mo ba sayang naman -"
"sige po ok po maganda nga po yun eh mas marami mas masaya!"
Ugh nakakainis no choice ayoko namang ma disappoint sya at baka mapansin nya na di kame close
Mga ilang minuto dumating na sya pero naka poker face lang sya at mukang galit parin sya sakin
" ok ganto ako kasama ko sa pag painting si joshua at kayong dalawa mag sasama pagandahan ah !"
Sabi ng nang inang reyna
Ano kame pa mag sasama?!!!
Ugh kainis naman
May nilagay ilang malaking canvas ang laki as in parang pader na ang laki nya kaya nasa sahig sya para di kumalat so mag painting kame sa baba
"ok so ang ipapainting daw nating sabi ni madam ay yung taong una palang nating nakita parang napamahal na agad tayo sakanya at hindi sya mawala sa isip mo at gusto mo sya laging makasama!"
Sabi ni joshua
Ah ok pero sino ipapainting ko?
Ay alam kona kung sino ipapainting ko kaso nalimutan kona muka nya ang gulo ang bilis kasi ng pang yayari
Biglang Ginuhitan ni ervin ang canvas sa gitna
"dito ako dyan ka mag papainting para hindi magulo"
Sabi nya sakin naka poker face parin
Nag simula na kame
Nag start ako sa back ground
Isang garden puro bulaklak

At pag katapos nun yung katawan na nya kaso medyo nalilimutan kona
Wait nga iisipin kong mabuti
medyo naalala kona kaya binukas ko na yung mata ko pag bukas ko bigla akong napatingi kay ervin
Seryosong seryoso sya sa ginagawa nya nung tinignan ko
Wow ang ganda mukang babae pero hindi pa na ipapainting yung muka siguro mas maganda to pag nakita na yung itsura
Naka white gown at parang wave yung style ng buhok nya
Ah bahala na sigurado ako yan yung tanya na sinasabi nya
Naubusan na ako ng green na paint kaya tumayo ako habang nag lalakad ako bigla kong nasanggi yung isang basong punong puno ng red color na paint at natapon sa canvas namin
"ay sorry sorry hindi o sinasadya!"
Sabi ko at tinayo ko yung basong natumba
Kumuha ako ng pamunas at pinunsan yung painting nya
"ano bayan wala kanangan binanbat lumpo kapa tanga monaman!!!"
Inis na inis nyang sabi
"sorry na nga eh hindi ko sinasadya!"
Sabi ko bahang pinupunasan yung painting nya
"sorry ka ng sorry may magagawa pa bayan yan mahirap sainyo hanggang salita lang kayo!"
Sabi nya at binato nya yung hawak nyang paint brush
Mukang may pinag huhugutan sya sa sinabi nya at mukang importante talaga ang pinipainting nya
"kamusta na kayo dyan?!"
Nagulat kame sa pag dating nya sabay kame ni ervin napa tingin sakanya
"ay sayang maganda na sana kaso mukang natapunan at mukang pareho kayo ng painting ah"
Ano tumayo ako
Oo nga parehas kame babae yung kanya akin lalaki at yung back ground parehas din baka nag kataon lang siguro
Tumayo rin si ervin at mukang nagulat din sya
"bakit mo ginaya painting ko?"
Tanong nya
"ano!!? Ako nang gaya hindi ko ginaya yan nag kataon lang siguro"
Sabi ko
Aba ako pa nang gaya baka sya nag muka lang akong mabait kase may tao eh
"nag kataon sus"
Bulong ni ervin
Nakakainis ang sarap batukan nakakaurat
"sayang muka pa naman maganda ang painting nyo kaso natapunan!"
Sabi ni joshua
"pano may isang epal na lumpong nasangi yung baso"
Sabi ni ervin
Ano ako ba tinutukoy nya
" di naman sinasadya nung sinasabi nyang lumpo saka nag sorry naman sya"
Parinig ko sakanya
Umalis na si joshua
Nag lakad si ervin at aksidente nyang nasanggi yung baso na may lamang paint
"ay sorry di sinasadya!"
Sabi nya
At ngumiti pasya ng masya na parang nag hihiganti
"hala!"
Sabi ko at tinayo ko aga yung baso namay lamang paint
Paalis na sana sya kaso
"nanana dya kaba?!"
Sigaw ko sakanya
"ikaw na una patas na tayo!"
Sabi sakin ni ervin
" hindi ko naman sinasadya eh-"
"hindi korin sinasadya eh!"
Pasungit nyang sabi
Nainis tlaga ako kaya nahagis ko yung baso sa sahig pero natalsikan sya
Napahawak ako sa bibig ko
Humarap sya
"sorry di ko sinasadya"
Sabi ko sakanya
"ganun pala ah"
Sabi ni ervin
Kumuha sya ng basong may lamang paint at binuhos sakin
Napuno ako ng puro pAint
"ah ganun pala ah"
Sabi ko
Kinuha ko yung isang basong may lamang paint at binuhos ko sakanya
Gumanti din sya
Joshua
"siguro po mag kakasundo na sila sa lagay na yun madam!"
Sabi ko sabi ko sa inang reyna
"sana "
Sabi ng inang reyna
"tapos na ako ikaw!?"
Tanong ng inang reyna
Nako nakaka hagard painting ko nakakahiya ang pangit
" ganun padin po madam abstract parin po !"
Natawa nalang ang inang reyna
"mabuti pa tignan na natin sila!"
Sabi sakin ng inang reyna
Kaya inalalayan kosya sa pag tayo at nag lakad na kame habang nag lalakad nagulat kame dahil puro pinTura ang nasa sahig sinundan namin at nakita namin ang prinsepe at ang prinsesa ng hahagisan ng paint kaya mukang naligo na sila ng paint
"mukang masaya sila wag na nating istorbohin!"
Sabi ng inang reyna
Oo nga masaya sila nag tatawanan panga eh para nga silang mga batang nag lalaro sana lagi ganyan kasaya ang prinsepe , di na sya laging naka simangot at masungit
Iniwanan na namin sila
Tamara POV
Nag hahagisan kame ng paint sa isat isa di ko napansin nag eenjoy na pala ako at sya mukang ganun din ngayon kolang sya nakita ganyan ngumiti na para bang ibang tao ang nakikita ko
Tumigil nalang kame dahil ubos na lahat ng paint
Akala ko tapos na bigla nya akong binasa ng tubig gamit hos
"hahhha"
Tawa nya
Happy ka? Ah ganun pala tubig naman ngayon
Habang nag babasaan kame natatanggal narin yung mga paint Na nasa katawan namin
"kala mo mananalo ka sakin!?"
Tanong ko at binasa korin sya
Mag gagabi na sobrang lamig pano ba naman mag damag kameng basa mag kakasakit ata ako nito eh
Ganda sana ng basaan namin kaso biglang dumating si benedict
"ah sorry kung nasira ko momment nyo pero baka lang kasi mag kasakit na kayo dahil matagal na kayong nakababad sa tubig"
Sabi nya
Oo nga pala lalo na si ervin mahina daw resistensya nya
"ah oo nga pala di ko napansin na mag gabi na magdamag na pala kaming nag babasaan at mag gagabi narin"
Sabi ko
Tinanggal ko yung salamin ko
"hahahah"
Tawa ni ervin
Baliw ba to bigla biglang natawa
Kahit si benedict natawa halatang pinipigilan nya lang
"bakit!?"
Tanong ko
Patuloy parin sila sa pag tawa nila , ba ang hin hin ng tawa ni ervin di yung tawang kala mo mamantay na katatawa
"bakit ba kasi ?"
Tanong ko
Bigla akong binasa ni ervin sa muka ng tubig gamit hos
"mukang kailangan mong mag hilamos "
Sabi nya bakit ba anong meron?
Umalis na si ervin si benedict naman lumapit sakin at pinakita sakin itsura ko sa cellphone nya
Muka nga talaga akong timang balot na balot ng paint yung muka ko tapos dahil sa salamin hindi lang nanalagyan ng paint yung sa may bandang mata ko
Agad kong tinanggal yung paint sa muka ko
Pumunta nalang ako sa kwarto namin ni ervin
Pag pasok ko wala sya nasa CR pala kaya nag hintay hintay muna ako
Ugh nagugutom na ako nakakahiya naman kung sa ibang CR ako maligo
Sawakas natapos narin sya pag labas nya pinupunasan nya pa buhok nya pag katapos deretso higa sa kama
"hindi kaba kakain?"
Tanong ko sakanya pero hindi nya ako sinagot
Ok nice talking
Bahala kanga dyan
Naligo na ako kahit ako natagalan sa pag ligo dahil sa paint
Pag labas ko sa CR tulog na sya
Mukang napagod sya pero dapat hindi muna sya humiga dahil basa pa buhok nya hmm bahala nga sya kakain na ako gutom na ako
Pag dating ko sa room na kinakainan namin nag taka sila
"nasaan ang prinsepe?!"
Tanong ng reyna
"naka tulog na po kasi sya eh hindi konalang po ginising mukang pagod"
Sabi ko sakanila
Sa totoo kung pede lang kumain ng hindi sila kasama hindi sa maarte ako ano kase na out of place ako at di ako komportable kasama sila kumain
Tapos na kame kumain kaya bumalik na ako sa kwarto ko kaso bigla kong nakita ang inang reyna kaya napa hinto ako kasi mukang tinatawag ako ni joshua
"bakit po may maitutulong poba ako?"
Tanong ko
" si ervin gusto ko sanang pilitin mosyang kumain lalo na nag gulay alam kong mahirap syang pakainin ng gulay pero sana mapilit mosya kasi nag aalala ako sa kalusugan nya lalo na mabilis syang mag ka sakit !"
Sabi sakin ng inang reyna
"po bakit po ako hindi poba mas close po kayo sakanya baka kumain sya ng gulay dahil sainyo kasi po kung ako po baka hindi nya po kainin yan"
Sabi ko
" ginawa ko nayun pero pinatapon nya lang ang pagkain kaya sana mapakain mo sya"
Sabi nya sakin
"ah sige po susubukan ko po!"
Sabi ko
"salamat mauna na kame"
Sabi nya at unalis na sila
Nako patay pag gising pangalang eh natatakot na ako yan pa kayang papakainin ko sya hayt kainis na buhay to
Binuksan ko yung pinto ng kwarto namin tulog parin sya nilapitan ko sya balot na balot sya ng kumot at nakatakip pa yung ulo nya ng kumot at unan ang kapal pa naman ng kumot yung tinanggal ko yung kumot
Sobrang pawis na pawis sya
"hala anong gagawin ko!?"
Tanong ko sa sarili ko nung hinawakan ko leeg nya ang taas pa ng lagnat nya