Pauwi si Jed mula sa call center agency na pinagtatrabahoan nya. 3:30AM na sa mga oras na yun at di na ganun kadami ang mga tao sa daan. Nakasabay niya sa jeep ang isang binata at isang matandang babae na naka belo ng itim. Kapansinpansin ang matanda na pasulyap-sulyap sa kanya at sa binata. Tinitigan lang ni Jed ang matanda at sinulyapan din nang tingin ang binata.
May itsura ang binata at nababakas sa mukha nito na may lahing dayuhan. Maputi ang balat nito at makikitang may balbas ito na maayos na na i-shave. Mapupula ang labi nito at paminsan-minsan ay binabasa niya ito nang laway sa pamamagitan nang pag dila nito. Nagulantang si Jed nang bigla itong tumingin sa kanya, agad na ibinaba ni Jed ang kanyang paningin at bahagyang natawa sa sarili. Nakanganga na pala siya habang nakatingin sa lalake.
Nilipat niJed ang tingin sa matandang babae na sa mga oras na iyon ay nasa likuran na nang tsuper. Panay pa rin ang pagtitig nito sa kanilang dalawa.
"Werdong matanda!" sa isip ni Jed.
Muling inilapat ni Jed ang tingin sa lalake at nagulat ito nang makitang nakatingin ito sa kanya. Napangiti nalang si Jed at pasimpleng nagpacute sa lalake.
"Good morning" si Jed sabay pakawala nang pinakamatamis na ngiti.
Ngumiti din ang lalake at tumango sabay sabing. "Magandang umaga naman sayo PARE".
Naging hilaw ang ngiti ni Jed.
"Pare?!! Sa ganda kong to tinawag akong PARE?!!" Sa isip ni Jed.
"By the way, araw2x ka bang umuuwi at this time? I mean madaling araw?" Tanong nang binata.
"Hhmmm... yes, except on thursdays kasi day off ko". Sagot naman ni Jed.
"So you choose to stay on graveyard shift?"
"Yes... mas malaki ang sweldo ko pag graveyard, and sanay na ako kaya keri lang" Si Jed tinititigan ang kulay asul na mata nang binata.
"Kaya kitang buhayin baby boy" sa isip nya.
Binabagtas ng jeep nila ang kahabaan na walang street lamps, napakadilim nang paligid at tanging ang headlight lang ng jeep ang nagsisilbing liwanag.
Napansin ni Jed na lumipat nang upuan ang binata, nasa tabi na nya ito.
"Is he making a move?! OMG! hindi ko to napaghandaan!! Wait.... relax lang Jed! calm down, control yourself kung ayaw mong magmukhang tanga sa harap ng papang to." Kinikilig-kilig si Jed sa pangyayari.
"Uhm.. would you mind if i sit right next to you?" Paalam nang binata.
"No i don't, I don't mind it at all" Sagot ni Jed na medyo nanginginig pa ang boses.
"Landi with integrity" Naalala ni Jed ang sinabi ng pinsa nya.
Nagkwentohan ang dalawa nang kahit na anong bagay na maisipan nila. Hanggang sa umabot ang usapan nila tungkol sa relationship status nila.
"I'm 3 years single since my last break up with my ex-boyfriend. I guessed, we were never meant for each other." Maluhaluhang sambit ni Jed.
"I am single too, I choose to remain single until I find the person whom i think might be destined for me." Sagot ng binata na halos lumalapat na ang mga labi sa tenga ni Jed habang bumubulong.
Walang paglagyan ang kilig na nararamdaman ni Jed sa mga oras na iyon. Nakatuon lang ang kanyang atensyon sa binata na hindi nya napansin ang matandang babae na unti-unting lumalapit sa kanila.
Huli na ang lahat nang mapansin ni Jed ang matandang babae na hinablot ang kanyang braso at pilit siyang hinihila.
Sa takot nya'y napasigaw si Jed.
"Aaahhhh!! Tulong!! Help!! This creepy old witch is trying to hurt me!!"
Mula sa kamay nang matanda ay isang boteng may lana. Pinisik nang matanda ang lana sa mukha nang binata na sa mga oras na iyon ay nakalabas na ang mga pangil nito at nakalawit pa ang dila.
Isang bampira pala ang binata at bibiktimahin na sana nya si Jed kung hindi lang sa tulong nang matanda.
Napaso ang mukha nang binata at mabilis na nakatalon palabas nang jeep. Hindi lumapat ang mga paa nang binata sa kalsada, bagkus nag anyong paniki ito at lumipad palayo.
Hindi makapaniwala si Jed sa nasaksihan. Napagtanto nya na sa gabing iyon ay muntik na siyang mabiktima nang isang bampira.
"Nasaktan ka ba hijo? Hindi ka naman siguro nakagat ano?" Tanong nang matanda.
Nanginginig pa sa Jed at putlang-putla ang mukha.
"O..oh.. Opo.. O..okay lang po ako... Ano po ang nangyari? Anong klaseng nilalang po yun?"
"Isa yung bampira hijo, pagkasakay pa lang nang lalakeng yun eh kumulo ang lana na dala ko. Natakot ako nung una pero nang makita kong kakagatin ka na nya sa leeg naalala ko ang apo kong nabikta ng bampira kaya nagkalakas loob ako na tulungan ka."
Maluha-luha ang mata ni Jed, kung sino pa ang tinawag nyang weirdo ay yun pa pala ang kanyang tagapagligtas.
Sa panahon natin ngayon hindi na natutulog ang mga pangunahing lungsod. May mga kapatid tayong ginagawang araw ang gabi dahil sa kanilang trabaho. Malayo sa pamumuhay sa probinsya na maagang nagsasara ang mga establesimyento.
Marami na rin ang nagsasabing "Computer Age" na tayo ngayon at wala nang naniniwala sa mga aswang. Ngunit ang hindi nila alam eh, nandyan parin sila nakikihalubilo sa atin, nagpapanggap na mga tao, nagtatrabaho gaya nang mga tao. Naghihintay lang sila ng kanilang mabibiktima. Nalalaman nila ang kahinaan mo, alam nila kung ano ang hinahanap ng iyong puso, kung ano ang mga pagnanasa mo. At iyon ang gagamitin nila para mahulog ka sa kanilang patibong
Naunang bumaba sa jeep si Jed, naglakad siya papasok sa eskinita papunta sa apartment na inuupahan nya. Hindi siya makapaniwala sa nangyari, hindi pa rin nawawala ang takot at panginginig nang kanyang katawan. Ilang hakbang nalang sana sa pinto ay biglang lumitaw sa harap nya ang binata kanina. Maayos na uli ang mukha nito, wala na ang sugat at paso na gawa ng lana kanina.
"Bwesit na matanda yun, inistorbo pa tayo. San na nga ba tayo kanina? Hhmm... Alam ko na, dito na tayo sa parteng kakagatin na kita." At nagsilabasan ang mga pangil nang binata at ibinaon ito sa leeg ni Jed.
Hindi nakagalaw si Jed, masakit ang pagkakabaon nang pangil sa kanyang leeg, pero may hindi maipaliwanag na saya ang naidudulot nito sa kanya. Umaapaw ang nararamdaman niyang pagnanasang makaranas ng ganun ka intimate na experience mula sa isang lalake.
Ilang gabi ang nakaraan....
"Psst!!! Pogi!! Wampipti!!" si Jed habang winawagyway ang 150 pesos na pera sa nagdaraang mga binata.
"Gawin mong tres yan, game ako". Sagot nang binata.
"Game! tara sa lugar ko, matutuwa ka dun." Nakangiti si Jed habang hila-hila ang kawawang binata na magiging una sa mahabang listahan nang kanyang magiging biktima.
WAKAS..