Napasinghap naman ako, at nagsimula na rin tumulo ang mga luha ko. Out of all people, I did not expect him to do this.
The one who kept me alive for years is killing me. Napapatawa nalang ako sa sarili ko, kahit kailan nagiging mahina ako pagdating sa kaniya.
Tumango nalang ako at lumapit pa lalo sa kaniya. May maliit na ngiti parin na nakaplasta sa kaniyang mukha, and my vision is getting blurry with my tears.
Nang tumama ang kamay niya sa parte kung nasaan ang puso ko, napaluhod ako. "Do it, Thanatos."
I don't mind giving my life to Death. Tama nga siguro sila, kahinaan ko ang kamatayan. Takot ako sa kaniya, dahil alam kong mahina ako pagdating sa kaniya.
Napaluhod ako nang makaramdam pa ng sakit sa puso. I closed my eyes, and smiled too.
"Mahal din kita, Thanatos."