Descargar la aplicación
60% Wonder and Wander / Chapter 3: Chapter 2

Capítulo 3: Chapter 2

Ken's POV

Pumunta na din ako sa room ko sa second floor at nakita ko magkatabi lang din room namin ni... saglit di ko pala alam name nya.

Humarap ako sa kanya para tanungin name nya kaso tyempong nakapasok na sya at napag saraduhan na ako ng pinto.

Another closed door. Great.

Pumasok na din ako sa room ko at nag bihis. Pumunta ako sa may terrace para makita yung view.

Connected din pala ang terrace ng rooms namin ni ate girl at nandun din sya.

"Ken, right?" tanong nya. Tumango naman ako.

"Olivia." pag papakilala nya.

Makikipag kwentuhan sana ako kaso bigla na syang pumasok sa loob ng kwarto nya pero bigla syang sumigaw, "Bababa na ako." kaya nag madali na din ako bumaba.

True to my word sa likod ng tricycle ako sumakay at sya sa loob. Nag simula na umandar si kuya.

Dinala nya kami sa mga tourists spots dito tulad ng Hanging Bridge, may mga dinaanan din kaming rock formations.

Unlike sa supladang demeanor nya kaninang umaga, mukhang friendly at masayahin si Olivia. Nakita ko sya nakikipag tawanan kay kuya at sa iba pang locals.

Nag aya si kuya na pumunta na kami sa Dicasalarin Cove pero para makapunta dun dapat namin sumakay ng habal habal. Nakita ko namutla si Olivia.

"I'll pass." sabi ni Olivia.

"Sayang naman mam. Maganda yung view dun, gandang mag picture tsaka panigurado di matao ngayon dun." hirit naman ni kuya.

Tinignan ko si Olivia at loko putlang putla na sya tsaka parang nangingig mga kamay nya?

"Okay lang naman kung di na tayo pumunta dun." sabi ko naman.

"Sure po kayo dyan?" tanong ni kuya.

Kung ako lang gusto ko pero parang di comfortable tong kasama ko alangan naman na iwan namin to dito tas kami pumunta ng Dicasalarin.

"Tara, punta tayo." aya ni Olivia at sumakay na sa tricycle. Sumunod na lang din ako at sumakay.

Pag punta namin sa sakayan ng habal habal nagulat ako kasi single na motor pala yun kala ko yung parang may sabit sabit pa pero di pala, yung common na motor lang. Maayos naman daw yung dadaanan sadyang pataas pababa lang daw kaya  mahihirapan ang tricycle.

Nakita ko si Olivia na nakatitig dun sa motor.

"First time mo ba mag angkas?" tanong ko.

"Hindi ah, madalas ko nga ginagawa to noon eh." sagot nya.

Sumakay na sya ng motor at ako din sumakay na sa isa pang motor pero kitang kita ko lalim ng pag hinga ni Olivia. Sanay naman sya, halata eh kasi ang dali nyang naka sakay di na kailangang alalayan pero bakit parang takot na takot sya?

Umandar na yung motor at nakapunta kami sa Dicasalarin Cove. Ang ganda ng buhangin, puting puti tsaka sobrang linis ng tubig.

Meron daw lighthouse na pwedeng akyatin. Inaya ko si Olivia pero sabi nya dun lang daw sya sa may lamesa tsaka upuan muna. Nag dadalawang isip ako kung iiwan ko sya dun pero mukhang pinapaalis nya na ako.

"Sige na punta ka na dun, dali na." pag pupumilit nya. Ngumiti lang sya sakin tsaka nag thumbs up.

Tinalikuran nya na ako at pumunta na sya sa lamesa pero bat parang naiiyak na sya?

Olivia's POV

Tumalikod na ako kay Ken at pumunta na sa lamesa at upuan pero bago pa ako makapunta dun tumulo na luha ko. Di ko na chineck kung nasan si Ken at kung tumuloy ba sya sa lighthouse, di ko na inintindi kasi nasa isip ko lang ngayon gusto ko mapag isa.

Pumunta ako sa Baler para mapagaan kalooban ko, di ko ineexpect na mati-trigger ako dito.

Di na ako sumasakay ng motor, di na ako sumasakay mula nung nag hiwalay kami ni... aaaa I can't even think of his name. Madalas kami sumakay sa motor nya kaya nung nag break kami isa yung mga motor sa nag papaalala sakin sa kanya and it's not the typical na "naalala ko sya pag may nakikita akong motor", it's more than that kasi di lang sya naalala ko - naaalala ko din lahat ng sinabi nya sakin, naaalala ko lahat ng sinabi nya against sakin, nakikita ko ulit in my head yung mukha ng mga tao kung pano nila ako pinag bulungan, hinusgahan, pinag tawanan dahil lang sa mga sinabi nya na walang katotohanan. Nararamdaman ko ulit yung sakit kahit na matagal na nangyare, naalala ko parin lahat at di ko alam kung makakalimutan ko pa ba.

Pina-kalma ko sarili ko by deep breathing. Inidentify ko din yung mga bagay na nakikita ko, naaamoy ko, at nahahawakan ko. Maya maya lang kalmado na ako.

Pumunta ako sa tubig at dun nag relax, yeees ito pinunta ko dito kaya di ko hahayaan na masira mood ko dahil sa mga nangyare.

Nakahiga ako sa may bandang puro bato at maya maya nakita ko si Ken na tumakbo papunta sakin in panic mode.

"Olivia!" sigaw nya at bigla naman ako napatayo.

Nagulat naman sya at napatigil nung bumangon ako bigla at naglakad na sya in a normal pace papunta sakin.

"Tinakot mo ko!" sabi nya sakin habang hawak nya dibdib nya na parang kinabahan nga sya o baka hinigal to kasi biglang tumakbo.

"Bat ako? Ikaw tong biglang sumigaw kala ko may nangyareng masama." depensa ko.

"Kala ko nalunod ka tas tinangay ka na dyan sa pwesto mo." sagot nya. "Olivia, loko natakot ako." dagdag nya.

"Liv." sabi ko at mukhang naguluhan sya. "Liv itawag mo sakin at wag Olivia, di ako sanay na may tumatawag sakin nun."

"Ah Liv pala nickname mo." sabi naman nya.

"Oo, tawag yun sakin ng family tsaka friends ko." napatingin naman sya sakin. "Di tayo close wag ka ngang ano dyan, ayoko lang talaga na tinatawag akong Olivia."

"Noted madam." sagot nya

Tumayo na ako kasi gusto kong bumili ng buko at sumunod naman sya sakin.

"Liv,  bat ka pala napadpad dito sa Baler?" tanong nya.

"May hinahanap ako." sagot ko.

"Ano naman yun??"

"Sarili ko. Eh ikaw ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya pabalik.

"May iiwanan lang ako dito." sagot nya habang ngumingiti ngiti sya na para bang pinapa-gaan lang nya kalooban nya.

"At yun ay??"

"Emotional baggage." sagot nya at tumakbo na sya papunta sa bilihan ng buko.

Pinanuod ko syang kumaripas ng takbo habang napatigil ako sa pwesto ko. Di ko alam pero for the first time in such a long time sigurado ako, may nakakaintindi sa nararamdaman ko ngayon.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C3
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión