Kung alam ko lang
Na may hangganan
Ang ating pagmamahalan
Sana'y di ko na inamin
Na ako rin ay mayroong nararamdaman
Kung alam ko lang
Na may hangganan
Ang ating pagtitinginan
Sana'y di ko na inamin
Na ako rin ay may pagtingin.
Kung alam ko lang
Na wala rin palang kahahantungan
At sa bandang huli'y
Mauuwi lang sa wala ang lahat
Sana'y di na pinagpatuloy pa
Kung alam ko lang
Na may mahal ka nang iba
Pinalaya na sanang matagal na
Ang pusong nakatali
Kung nais nang kumawala
Kung alam ko lang
Na ako'y lolokohin mo lang
Sana'y di na inamin
Sinabi na ako'y may pagtingin rin
At di na nasaktan ang pusong
Nais lang namang magmahal
At mahalin rin
Ng tapat at tunay.