Kung ikaw ay nakakaranas ng kalungkutan, pangungulila, pagiisa, pagkabagot, nahopia ka ba ng crush mo, pinaasa ka ba, iniwan, binereak, namatayan, maysakit ka ba mild o malala man at iba pa, bago pa yan mapunta sa pagkadepress basahin mo na to.
Perfect to para sa iyo...
Ituon sa ibang bagay ang atensyon (siguraduhing kung itutuon mo ang atensyon mo sa ibang bagay ay wala kang masasaktan o masasagasaang ibang tao o di maaapektohan ang trabaho o pagaaral mo), huwag isiping mabuti ang di magandang nanyari o pangyayari sa buhay mo o damdamin. Tandaan mo kaibigan habang ika'y nabubuhay ay mayroon kang pagaasa.
"Ang pagkabigo ay parte lang buhay, tandaan mo di porke ikaw ay nabigo ngayon ay mabibigo ka rin bukas".
"Kung ika'y mayroong minamahal at nalaman mong may asawa na sya, pls wag mo nang patulan pa kundi magkakasala ka pa sa kasong pangangalunya ikaw lang ang mapapahiya".
Huwag mong isipin maige ang problema mo, bagkus ang solusyon rito; kung di mo alam ang solusyon mas mainam na ika'y humingi ng tulong sa ibang tao, sa taong alam mong mapagkakatiwalaan o maaasan. Huwag sa mga taong magpapadown sa iyo gaya ng taong magsasabi sa iyo
Ex: "magpakamatay ka na ng matapos agad yan". Inuulit ko po wag po sa mga ganoong uring tao bagkus sa mga makakapagencourage sa iyo.
Kung ika'y natalo sa isang patimpalak magsumikap ka para sa susunod ay ikaw naman ang panalo.
Kaibigan, kapatid, kapamilya, kapuso huwag naman po tayong makalimot sa Diyos.
Tandaan po natin na nariyan ang Diyos para sa atin,
Di lang sa akin, sa iyo at sa kanila, kundi para sa lahat no exceptions sa pag-ibig ni God.