Bawat indibidual sa atin ay may kanya-kanyang kinakaharap na problema maliit man o malaki, maliit man sa iba malaki man sa iyo, malaki man sa iba maliit sa iyo.
Ngunit lahat ng ito ay ating malalampasan kung nagkakaisa tayo sa pananalig sa Poong Maykapal at kung mayroon tayong pagkakaisa sa pamamagitan ng pagtutulungan.
Di ako naniniwala na ang mga gumagawa ng krimen o krimenalidad ay tunay na masama, sapagkat kung titingnan natin ang mga dokyumentaryo nina Kara David, Hawi Severino, at ng mga lokal at international na documentary tungkol sa Pilipinas di ba maaawa at mahahabag tayo sa mga kababayan nating naghihirap para lang kumita ng kakarampot o kakaunti upang may ipanglaman lang ang tiyan. Maihahalimbawa natin ang palabas na "Pag-pag" di ba nakakaawa? Matagal na itong naipalabas sa bansang ito o maging sa ibang bansa, pero ganun pa rin ang sitwasyon nila. Di ba masakit isipin na ganyan pa rin ang sitwasyon kung makikita mong ang iyong mga dinokyument ay walang pagbabago o baka may nagbago nga pero alin man sa dalwang to: ang may nagaabot ng tulong o lumala.
Kung ating babalikan ang sinulat ko sa isinulat ko sa "mama-mayan" mayroong mga factor kung bakit ang mga mahihirap ay naghihirap ang pinakamalaking impact ay ang pride, sakit, at ipinanganak na mahirap.
Ngunit hindi porke mahirap ka ay di ka na aangat sa buhay. To ang mga sikretong sangkap sa pagunlad.
- pananalig sa Panginoon
- pagtitiwala sa kanya ng buong puso, pagiisip at lakas
- pagsisikap
- tiyaga: sa lahat ng bagay
- pagtitiis: para makamit ang inaasam
- pagkakaisa.
- pagkakaunawaan/ pagkakaintindihan
- pag-ibig sa lahat ng bagay, sa kapwa, sa pangarap, sa bayan at higit sa lahat sa Panginoon.