Descargar la aplicación
100% CRAYONS and MONOCHROME / Chapter 2: Visiting the rainbow

Capítulo 2: Visiting the rainbow

8:22 A.M.

"Tol! Bakit ka late? Anong nangyari? Ayos ka lang ba? Kumain ka na? May masama bang pakiramdam sa'yo? Nakabuntis ka no? Hoy, ninong ako a! Teka, kilala ko ba 'yan? May di-ne-date kang 'di ko alam? "sunod-sunod na tanong ni Paulo.

"Yes Pau, good morning din. O siya, pasok na ako sa klase ko." sagot kong maikli na may tapik sa kaliwang balikat niya.

"Sige, see you mamaya sa break, Ren. May i-chi-chika ako sa'yo. Hahaha!"

Habang naglalakad ako sa hallway patungo sa advisory class ko, bigla na lang pumasok sa isip ko 'yung life quote na nabunot ko kanina. Nakakatawa lang kasi. Paano ako magiging isang 'rainbow' sa 'cloud' ng iba, e ako mismo, 'di alam ang hitsura ng rainbow. Tapos, kung tinutukoy naman nito e, ang maging inspirasyon sa iba, malayo rin akong maging 'rainbow' dahil negative thinker ako. Dulot siguro 'to ng black and white kong paningin. Bitter na kung bitter, pero kalokohan talaga. Imposible. Baka nga ako pa may need ng rainbow e.

"Good morning Teacher Ren!" sabay sabay na bati ng mga studyante ko.

"Good morning din section Patience! "sagot ko.

"So get your notebooks and let's start today's lessons."

Maliban na lang sa mga makukulit kong students, napapawi sa kanila ang pagiging nega ko at para akong nagtra-transform sa ibang tao. Iba kasi dulot na kaligayahan ng mga 'to sa akin. Masaya siguro maging kuya. Pero minsan hindi rin pala. Sabagay part ng job description ko maging role model or maging mabait at the very least.

Dalawampu't minuto bago mag-break ay pinabayaan ko na lang muna sila. Para narin may oras ang mga pag-iisip nila na mag-cooldown. Binigyan ko sila ng libreng oras para gawin ang gusto nila, habang may nag-lilista ng noisy sa board sa harap, kasi trip ko.

Nakakatawa kasi na may mga batang boss na talaga kumilos tulad ni Jessie Mae, na siyang pinaka masunurin sa klase kaya't ang lalim ng tingin sa mga maiingay ngayon. Wala man sa mga kaklase niya ang lumalampas na masulat pag siya ang taga sulat. Wala naman akong sinabing punishment pag nasulat sila, sadyang alam lang nila siguro na nakakatakot masulat sa board.

Kawawa naman yung tatlong pangalan na nakalista. Carlo, Alex, at Maykel. Maykel?

"Hahahahaha." isang tawa na pilit tinatago mula sa bandang dulong row.

"HOY! Daniel! Huli ka! Nag-ingay ka! Kala mo a!" Sigaw ni Jessie Mae na may kasamang turo ng daliri na kinagulat ko.

"Maingay tong batang to, at matapang, lagot ka kay Jessie Mae." pabulong kong puna na may halong sarcasm dahil bored ako.

Tumungo si Jessie Mae sa listahan niya sa board, sa ilalim ng pangalan ni Maykel at doon ililista na ang pangalan ni Daniel. Ngumiti na lang ako. Mga bata talaga.

D – A –N –Y –E – L

"HAHAHAHAHAHA!" Tawang malakas ng batang nagpipipigil kanina, kasabay non ay napalingon ako sa kaniya.

"HAHAHAHA! 'Di naman ako yan e! Sino kaya yan?! WAAAALLLAAA! HAHAHA! 'Di marunong!" pang-aalaska ni Daniel, isa sa mga studyante ko. Apparently, isa rin sa mga noisy.

"Huh? What do you mean? ikaw yan, takot ka lang kasi mapapagalitan ka ni teacher! 'Di ba teacher?" sagot ni Jessie Mae na taas noo.

"Uhh yeah, but Jessie Mae, I think you just mispel…" pagsasalita ko ng may sumingit.

"HUH ka diyan! That's not me on the noisy kaya! 'Di ka kasi marunong mag-spell! Nag-iinvent ka lang ng names e! Wala! Alis ka na dyan! Wrong spelling HAHAHA!" sunod sunod na pang-aasar nito.

"Oo nga! Di naman ganyan spelling name ko rin e. It's M-I-C-H-A-E-L!" sabat naman ni Michael.

"Pano kami ni Alex? Tama yung samin? Unfair!" dagdag namang sentimento ni Carlo.

"Kids stop it! You shouldn't be acting like that! That's just a mista…" muli na naman akong naputulan ng sasabihin.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!" iyak , mali, hagulgul ni Jessie Mae.

Nag – lupasay na sa lapag si Jessie Mae na agad ko namang tinakbo at binuhat patayo. Nagpupumiglas siya at ayaw niyang paamo.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!" tili niyang mas malakas.

"Jessie Mae, stop it darling. Jessie Mae." mahinahon kong pang-a-amo.

"NO! I don't like all of you so much! WAAAAAAAAAAA! I hate you all! I hate you Daniel! Susumbong kita sa daddy ko! WAAAAAAA!" sigaw niyang malakas. Maldita pala tong batang to.

"Jessie Mae, stop it na darling, we'll talk about it once mag-ayos ka na." pag-aasikaso ko sa bata na kasing lakas ni Hercules kung pumiglas. May pilay na ata ako, pero nagwawala pa rin siya.

"NO! I hate you! I'm not stupid! You're all stupid! Don't touch me! DDAAADDDDYYYY!! WAAAAAAAAAAAAA!" tili niya pang isang beses.

Nasulyapan ko si Daniel at para bang may takot nang nakikita sa mukha niya.

"Sir! Ang red po ng face ni Daniel!"

Namumula daw siya, whatever that is. Pero yung mukha niya ay para bang nakakita siya ng multo ng kahapon, habang nakatingin sa pagwawala ni Jessie Mae. Nanginginig na ang mga labi.

"Jessie Mae, tahan na. Nothing will happen if you continue doing this." pang aamo ko ulit. Medyo nakakapagod na. Batang 'to.

"NO! NO! NO! Don't touch me! WAAAAA! I'm not stupid! How dare you! NO! WAAAA!" tili niya ulit.

Lagi niya na lang sinasambit na she's not stupid, pero wala naman akong matandaan na may ganoong sinabi ang mga bata. Ano bang problema nitong si Jessie Mae. 'Di ko na alam gagawin ko.

Sooner or later, may darating ng faculty o kaya principal, lalo pang lalaki tong gulo.

"I'm sorry, Jessie Mae. I didn't mean that." sambit ni Daniel na medyo mamasa-masa na ang mga mata at mukhang nagsisisi sa pang-aalaskang ginawa. Hays.

"NO! You'll pay for this! I'll tell my daddy about it!" sabay takbo palabas ni Jessie Mae.

"Hala ka… Jessie Mae! Come back here please." agad kong pagsigaw sa batang lumabas para gumawa ng mas malaking eksena. Batang 'to.

"Kids, just stay here muna okay? Wala muna lalabas okay? Wait for the bell to ring." dagdag ko.

"Ikaw kasi e.."

"Huh? Ba't ako lang?"

"Buti na lang tama spelling nung name ko."

"Teacher, ang baho po ni Amanda."

Rinig kong usapan ng mga bata habang palabas ako ng room para habulin si Jessie Mae. Ilang hakbang mula sa home room ko rinig na rinig ko na ang mga malalalim na paghihikbi at lungkot nung bata malapit sa may stage ng school.

"Jessie Mae? Where are you darling? Tara let's talk. You know they didn't mean that right?

Come on I'll treat you ice cream sa canteen." sunod sunod kong salita dahil alam kong naririnig niya ako. Sakto namang lumabas ang bata sa tinataguan niyang kurtina.

"I'm not stupid teacher 'di'ba?" malungkot niyang tanong.

"Hay, no Jessie. Of course not. No one is. They were just teasing you, who knows maybe Daniel likes you kaya he's doing that. Uyyyy." pang-aasar ko para gumaan ang nararamdaman niya. Well, sa paraan na feel ko gagaan.

"YUCK teacher no. He looks madusing all the time. A little bit na lang po mukha na siyang…what's that called again…the brown thing my mom always uses?" sagot ng batang kanina lamang ay nagdaramdam.

"Ugh…what do you mean darling?" tanong ko pabalik.

"It's color brown teacher, sometimes it's wet and sometimes it smells really baho." dagdag niyang deskripsyon sa gusto niyan ipunto na may actions pa na pinapaypayan ang ilong niya at nakanguso ang labi. Siyempre naman alam ko tinutukoy niya kasi alam ko ang color brown.

"I don't understand what you are trying to say Jessie." sagot ko habang inaayos ang buhok nitong amoy araw na nagulo matapos maglupasay kani-kanina lang.

"Teacher, what I'm trying to say is, I will never like Daniel because he always looks dirty like that ano…the ano…uhmm..you know, my mom uses it when she's gardening before, to make plants grow daw better…"

"Ahh Jessie Mae, you're comparing Daniel to a fertilizer. That seems very unkind for you to say tha…" pagpapaliwanag ko ng pinutol niya ulit ang sinasabi ko.

"Shit! That's it teacher! Daniel looks like shit!" sigaw niya na may ligalig. Naligalig din mundo ko sa sinabi niya. BATANG 'TO.

"Jessie Mae! Watch your mouth! Where did you learn tha…"

"My mom used to call my dad that all the time teacher. hihi."

"Come on teacher treat me ice cream na." sabay hila sakin papunta sa canteen at na pinta pa rin sa mukha ang gulantang sa mga naririnig.

Habang naglalakad patungo sa canteen at iniisip ang mga estudyante kong naiwan kung may nangyayari na naman sa classroom ay napadaan kami sa second gate ng school.

"Psst!"

"Huh?" lingon ko kung saan nagmula ang sitsit.

"Psst! Kuya mister sir!" narinig ko ulit pero ngayon ay narealize kong nagmula sa gate ang boses.

"Teka Jessie. Ay, ano po yun?" pagtatanong ko sa babaeng nakasulyap sa railings ng gate.

"Ay kuya sir, applicant po ako. May vacancy po ata sa arts department ninyo?" tanong niya.

"Ay, talaga po? Saan niyo po nakita?" tanong ko sa tanong niya.

"Opo, tinawagan po ako ng head niyo. Interview ko po kasi today hehe." dagdag niya.

Kaya pala ilang araw ng wala si Teacher Eula. Napano kaya 'yun.

"Ah sige, pasok po kayo. Jessie Mae, mauna ka na sa canteen. Susunod ako."

"Sure teacher, I'll buy lots of ice creams okay? I'll buy strawberry because I like pink also orange also violet also chocolate" ngiti niyang pagsasalita habang tumatakbo papunta sa canteen. Etong batang to. 'Di ko alam mga sinabi mo. Cookies and cream lang nakikita ko.

"Ugh..Sure…" kamot sa ulo at pagaalinlangan ko na lang na sagot. Nang nakapasok na sa school si ateng aplikante, inabot ko agad ang kamay ko para magpakilala…kasi yun yung normal na gawain 'di'ba?

Ata. Ewan.

"Hello po, I'm Ren, Rennald for long." pagpapakilala ko sabay abot ng kamay.

"Huh? Iba template ng greeting mo ah? Hahaha" patawa niyang tanong.

"Long story haha." sagot kong maikli.

"Ganun? Haha, I'm Ava by the way nice to meet you rin!" sagot niya sabay hawak sa kamay ko.

Then suddenly...

Ang cookies and cream kong panlasa…ang black and white kong paningin biglang... nagkakulay. Biglang nakakita na ng kulay. Sa unang pagkakataon nakakita na ako ng kulay maliban sa itim at puti lang. Nakita kong hindi pala itim ang kulay ng gate ngunit kakulay ng mga dahon ng puno sa labas. Nakita kong kakulay ng dingding ng school ang pants ko. Nakita kong kakulay ng bracelet niya ang kanyang mga labi.

'Di ko alam. 'Di ko alam mga tawag sa mga kulay na mga to. Mga kulay na ngayon ko lang nakikita, at para sakin magandang bagay to. Nakakalito. Hindi na ako limitado sa black and white. Pa'no nangyari 'to? Totoo ba 'to?

Ano ang nangyayari?

"Huy, I'm Ava kako…" sambit niya bigla.

"Ay! Ah. Uhm. Nice to meet you Ava." sagot ko nung bumalik na ako sa ulirat. Nakakapanibago. Andyan pa rin yung mga kulay. Yung ibang mga kulay. Naghahallucinate ba ako?

Gago ano 'to?

"So tell me, saan po ako didiretso?" sabay bitaw niya sa mga kamay ko, senyales na tapos na ang awkward stage ng introduction namin sa isa't isa.

Kasabay din ng biglaang pagbalik ng mga paningin ko sa dati, itim at puti. Nakakalito. Ilusyon ba 'yun? Ano ang nangyayari?

"Kuya okay ka lang? Kanina ka pa ata nawawala sa sarili mo." sabay himas niya sa balikat ko.

"What the, bumalik sila…." pabulong kong sambit na parang wala sa sarili habang nanlalaki ang mata.

Tama ba itong nakikita ko? Kulay ba itong mga 'to? May nagtakal ba ng bawal na gamot sa ininom kong black coffee kanina? Uminom ba ako ng kape?

"Ehm. Kuya? Sir? Mister? Chong? Okay ka lang?" halatang nalilito at nawiwirduhan na siya sa mga nakikita niya. Well, ako naman din, nalilito at nawiwirduhan sa mga nakikita ko. What the fu…

"Sige po Ren, kaya ko na po mag-isa.." sabay bitaw muli sa balikat ko. And there it goes, balik na ulit sa dati paningin ko. Nagsimula na siyang maglakad paalis sa kintatayuan namin.

"Ay teka Ava, haha, sensya na medyo stressed lang sa work, samahan na kita." pagpapaliwanag ko na lang. Pero sa totoo. Nalilito din ako. Nawiwirduhan din ako.

"Ay, sige sige. Paano yung batang bumili ng ice cream?" pagtataka niya.

"Hayaan mo 'yun. Wala naman ako pambayad sa mga binili nun panigurado haha." sagot kong pabiro.

"Luh sama mo chong. Haha" at nagpatuloy na kami maglakad papunta sa office ng school.

At bigla kong naalala…

"Be a rainbow in someone else's cloud."

*kkkKKKRRRrrriinnnggg*


Load failed, please RETRY

Un nuevo capítulo llegará pronto Escribe una reseña

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C2
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión