Descargar la aplicación
20% Wedding in Trouble(Tagalog) / Chapter 6: Chapter 6

Capítulo 6: Chapter 6

"CRISTINE, anong ginagawa mo dito?" Lumakad ako palapit dito.

Hindi ko alam kung paano ko pakikiharapan si Cristine. Hindi naman kasi kami close. Ako lang ang nagmistulang messanger nilang dalawa ni Lorenzo. Kaya nagkakapagtaka kung bakit ito nandito.

"Pasensya na at nakaabala pa ako. I'm just so excited to talk to you."

Kuno't noo'ng tiningnan ko siya. "Talk to me? bakit ano bang sasabihin mo?"

Hindi maganda ang pakiramdam ko dito ah, may kutob ako na hindi ko magugustuhan ang ano mang sasabihin nito. Sana mali ang naiisip ko na tungkol kay Lorenzo ang sasabihin niya. Pero ano pa bang ibang sasabihin nito bukod kay Lorenzo. Naging konektado lang naman ako sa babae ng dahil kay Lorenzo.

"I want you to be the first one to know. Since you're one of the reason why i met Lorenzo." Hindi ko na gusto pang marinig ang mga sunod pa nitong sasabihin pero hindi ko naman mapatigil ito sa pagsasalita.

Ngumiti si Cristine sa kanya bago ito nagpatuloy. "I think I'm ready to give him a chance, I think I'm falling for him."

- - -

ILANG araw na ang nakalipas matapos ang pagbisita ni Cristine sa bahay. Nang gabi rin iyon ay nakailang tawag sakin si Lorenzo pero hinayaan ko lang na mauwi lahat ito sa missed calls. Gusto ko munang lumayo rito para hindi na lumalim pa ang feelings ko para sa kanya. Kailangan ko na talaga ibaon sa limot ang feelings ko para kay Lorenzo para next time na magkita kami nito ay magiging natural na lang ang lahat.

Sa mga nakalipas na araw, ang mas madalas kong kasama at kausap ay si Josh. May time na tatawagan ako nito at papupuntahin sa Restaurant nito para gawing Critic sa mga bagong putaheng maari nilang idagdag sa menu. O kaya naman minsan ay ako naman ang tatawag dito at magpapasamang mamili sa mall.

Papunta ako ngayon sa Restobar na pinagtatrabahuhan ni Maricar. Namimiss ko na kasi ang babaeng 'yun. Masyadong nagpapayaman.

Pagpasok niya sa loob ay as usual maraming tao, pero dahil hapon na mas maraming tao ang nasa loob ngayon. Mukang mahihirapan akong nakawin saglit si Maricar dahil busy ang Restobar.

Pumunta ako sa Counter at nakita doon si Maricar.

"Dami niyong customer ahh."

Napalingon naman sakin si Maricar kaya kinawayan ko ito.

Inasikaso muna nito ang order ng customer, pagkatapos ay humarap sa akin. "Oh, buhay ka pa pala!"

Napasimangot naman ako dito. "Syempre naman. Still alive and kicking."

"Kumusta ka naman. Walang paramdam. Akala ko nilibing ka na hindi ko man lang alam." Ngumisi naman ang bruha.

"Babaita ka! ano tingin mo sakin ngayon multo?"

"Tsk! nga pala pumunta rito si Lorenzo 'nung isang araw. Tinatanong niya kung kilala ko raw ba ang ka-blind date mo. Aba'y natural hindi, kaya nga blind date eh! hindi mo siya knows." Natawa naman ako sa reaksyon nito.

"Eh bakit highblood ka?"

"Wag kang tumawa. Tinanong niya rin kung iniiwasan mo raw ba siya."

Natigilan ako sa sinabi nito. Iniiwasan ko nga ba si Lorenzo? gusto ko lang naman na mawala muna ang feelings ko para dito.

"Seriously, am I your messanger to Lorenzo? bakit hindi na lang siya diretso magtanong sa'yo–" Natigilan ito saglit. "Wait! Nag-away ba kayo?"

Maricar then move her arms over her chest. Animo'y imbestigador na nag-iimbestiga at ako ang suspect.

Humihinga muna ako ng malalim. "Nagtampo lang naman ako sakanya. I'm not mad and.."

"And?.."

Napatingin ako kay Maricar na naghihintay sa sunod kong sasabihin. "And... I just need space para kalimutan yung feelings ko sa kanya."

Pinaningkitan ako nito. "Effective naman ba?"

Iniwas ko ang tingin kay Maricar. Sa totoo lang parang wala lang rin kwenta ang pag iwas ko dito. Hindi ko nga nakikita ang lalaki pero lagi ko naman ito naiisip.

"Alam mo Kara, naisip ko lang bakit hindi mo na lang sabihin kay Lorenzo na gusto mo siya? malay mo magustuhan ka rin niya." Suggest nito.

"Talaga bang pinapaasa mo ako. Di ba nililigawan niya si Cristine? kaya balewala rin kung magtatapat ako sa kanya."

Ayoko ng umasa.

Masakit umasa lalo na kung sa umpisa pa lang ay talo ka na.

"Well, malay mo madaan sa dasal." Malakas na tinawanan ako nito.

kling.. kling...

Pareho kaming napatingin sa pinto ng tumunog ang bell na nakasabit sa taas ng pinto. Senyales na may pumasok.

Agad na nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang pumasok.

"Speaking of.." Natatawang tumingin sa'kin si Maricar.

"Shet!.. Maricar itago mo ako dali!" Nagmamadaling pumunta ako sa loob ng counter at naghanap ng puwedeng mataguan.

"Bakit ka pa magtatago? Harapin mo na lang siya."

"No. Hindi pa ako ready."

Dumiretso ako sa ilalim ng table kung nasaan si Maricar, doon ako nagtago. Hindi naman siguro papasok sa loob si Lorenzo. Napatingin sa'kin ang ibang kasamahan ni Maricar pero dahil madalas akong tumambay dito ay sanay na sa'kin ang mga ito.

Nginitian ko ang mga ito at sinenyasan na wag titingin sa pwesto ko.

Rinig na rinig ko ang lakas ng kabog ng aking dibdib.

Ayan ka na naman heart kalma ka lang!

Then I heard his voice. How I miss him...

"Hi Maricar, napadaan ba dito si Kara?" Pasimple naman na tumingin sa'kin si Maricar.

Pinanlakihan ko ito ng mata at sinabihan itong wag lumingon sa'kin. Alam kong hindi ito maririnig ni Lorenzo dahil hindi naman niya isinaboses iyon para lamang siyang nag-lip sync.

"Bakit? TINATAGUAN ka ba niya?" Aba't balak pa 'ata ako ibuking ng babae ito. Kinurot ko ito sa binti para matigil ito sa paglaglag sa'kin.

"Aw-!"

"What happened?" Nagtatakang tinignan ni Lorenzo si Maricar.

"Ha? ah wala.. wala may lamok lang kinagat ako." Pagdadahilan nito at bahagyang yumuko para alisin ang kamay kong pumipisil sa binti niya.

"Ha?"

"May lamok.. malaking lamok."

Seriously, lamok pa ang idinahilan niya. Does she think he will buy that.

"Ah okay. Kung sakaling mapadaan siya, please tell her to call me."

"Okay noted." Tumango-tango si Maricar.

"Sige salamat." Tumalikod ito.

Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis na ito. Lumabas na ako sa aking pinagtataguan.

"O narinig mo naman lahat kaya hindi ko na uulitin pa."

"Oo." Napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya iiwasan.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpasya na akong umalis dahil parami na ng parami ang mga tao, kelangan ng tumulong ni Maricar. Matapos makapagpaalam ay lumabas na ako.

Pero napatigil ako ng pagharap ko ay nasa gilid ng pinto si Lorenzo at nakatingin sakin.

"L-Lorenzo.." Nakagat ko ang labi ko. Akala ko ay tuluyan na itong nakaalis.

"Iniiwasan mo ba ako Kara?"

Nag-iwas ako ng tingin dito at nag-umpisang maglakad.

Sinundan naman ako nito.

"Nagtatampo ka pa rin ba dahil iniwan kita?"

Kapantay ko na ito sa paglalakad. "Hindi 'no! Bakit naman ako magtatampo."

Tumingin ito sa akin pero diretso lang ang tingin ko.

"Nagtatampo ka nga. Sorry na emergency lang kasi, kailangan ako ni Cristine."

Nilingon ko ito bago inirapan. "Whatever."

Mas binilisan ko pa ang paglalakad baka sakaling hindi na ako nito maabutan pero imposible 'yon. Sa tangkad nito, di hamak na mas malalaki ang hakbang nito kumpara sa akin.

Pero nagulat ako ng yakapin ako nito mula sa likod.

"Sorry na.. Wag ka ng magtampo sa'kin, alam mo naman na hindi ko kayang hindi mo ako pinapansin." Ganito ito lagi sa tuwing nagagalit siya dito o kaya ay may pinag-awayan sila. Palagi siya nitong niyayakap mula sa likod. Dahil ayaw nitong nakikita siyang galit sa kanya. Kaya imbes na yakapin siya paharap ay sa likod siya nito niyayakap. Yayakapin lamang daw siya nito paharap kapag hindi na siya galit dito.

"Sorry na.. sorry na Kara." Hinawakan ko ang kamay nito nakayakap sa akin upang alisin, pero lalo lamang itong humigpit.

"Sorry na.."

Huminga ako ng malalim. Hindi ko naman kayang tiisin si Lorenzo. Kaya nga hindi ako nagpapakita dito dahil siguradong mapapatawad ko agad ito.

"Oo na. Hindi na ako nagtatampo." Umalis na ito sa likod ko at pumunta sa harap ko. Nakangiti na ito ngayon.

"Talaga?.. Ikaw talaga ang tampuhin mo." Pinisil nito ang magkabila kong pisngi.

"Aray! masakit ah!" Tumawa naman ito at niyakap siya.

"Na-miss kita eh."

"Halata nga!"

"KAASAR! ayaw nila mamatay! Lorenzo.. palapit na sila.."

Nandito kami ngayon sa arcade. Bumabawi ang loko. Nagpapalit kami ng maraming token. Napili namin maglaro ng isang game kung saan kailangan mong patayin ang mga monster na papalapit sayo. Kaya lang palagi akong nakakain ng monster dahil hindi ko matamaan ng maayos ang mga ito.

Natatawa naman ito. "Paano mo naman sila matatamaan ng maayos kung nakapikit ka dyan."

"Kasi naman! Nakakatakot yung itsura nila. Feeling ko malalapitan talaga nila ako-" napatigil ako ng biglang lumitaw ang isang payat na halimaw at lumapit sakin.

"Ahh! Shit! papatayin nila ako!" Halos napapatingin na ang ibang mga naglalaro sa'min.

Lumapit na sa'kin si Lorenzo. Tawang-tawa ito.

"Saya mo ah!" Asik ko dito.

"Tama na nga 'yan. Hindi mo mapapatay 'yan ng nakapikit." Tumawa ito bago kinuha ang Fake gun sa kamay ko. Ito na ang tatapos ng laro. Inasinta nito ang mga monsters na para bang na master niya na ang larong ito.

Napasimangot ako, "lugi ako ah... ikaw lang ata nag-eenjoy kasi sanay ka maglaro ng game."

Lumingon ito saglit sa'kin. "Ano bang gusto mo?"

Hindi naman ako mahilig sa arcade, madalas pumupunta lang ako dito para panoorin si Lorenzo.

"So ayos na tayo? hindi ka na galit?" Nag-aalangang tanong nito, napahawak pa ito sa batok.

Lumingon ako dito. "Alam mo naman na di ko naman kayang magtampo sa'yo ng matagal." Napangiti si Lorenzo sa narinig.

"Okay, nagugutom ka na ba?" Tanong nito.

"Ililibre mo ba ako?"

Naglalakad na sila palabas. "Oo, alam ko namang kuripot ka eh!" lumakas ang tawa nito.

"Edi, wow!"

"Tara na,"

Hinila naman siya nito palabas. "Saan tayo pupunta?"

"Magde-date."

Nak ka ng pating! Pafall talaga ang isang toh!

Author's Note: Hi guys! If you have time come and visit my Wattpad account. I have other stories there that you may like. Don't forget to Vote. It will be very much appreciated. Thank you.

Here's the link: https://www.wattpad.com/user/katrengracia


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C6
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión