Descargar la aplicación
56.55% PHOENIX SERIES / Chapter 207: Sige

Capítulo 207: Sige

Chapter 25. Sige

    

    

MATAPOS nang pag-uusap ni Timo at ni Nikolaj ay naging mas mapagmatyag si Timo. Naging mas alerto siya lalo na sa pagkalap sa mga impormasyon. Napagtagpi-tagpi niya ang lahat, at ngayo'y ang kanilang target ay ang sindikatong kinabibilangan ng mga Devila, ang Phantom Syndicate na siya ring sindikatong nahuli noon sa operasyon sa Davao. Kung inakala nilang nahuli na ang lahat ay nagkamali sila. Dahil simula pa lamang iyon ng maiitim na mga balak ng mga tinutugis nila.

He's currently at Montreal Agency, having a meeting with Rexton and the lawyer that's an agent at Phoenix, too.

"What do you plan to do?" tanong ng laywer na si Sinned Hipolito. Mula nang hawakan nito ang kaso patungkol sa pagkamatay ni Governor ilang taon na ang nakalipas ay umingay ang pangalan nito. Naging maingay kasi ang kasong iyon kaya nama'y maraming media ang nag-cover sa progreso ng kaso. He knew because he was there during that first ever case Sinned handled. He was still working under TBS back then.

"Magla-lie low ako sa Phoenix, mukhang nakakatunog na si Arellano na napapadalas ang pagsasama natin sa mga misyon."

"Mas mainam nga iyan," komento naman ni Rexton.

Nasisiguro niyang pinasusundan siya kaya nga ba sa Montreal niya piniling pumunta, para idahilan niyang may gaganaping interview kaya palagi na siyang nandoon—and he's secretly hoping to see his favorite member of Sunshine, the lead guitarist.

Now, he couldn't decline being the host of Sunshine's variety show. The shoot would only take for two weeks or so.

Two weeks had passed and he met the members almost everyday. Gaya nang inaasahan ay naging mailap si Jinny sa kaniya at siya nama'y hindi alam kung paano ito kakausapin. Mabuti na lamang at propesyonal ito sa trabaho dahil nagagawa nitong sumagot nang maayos sa tuwing ito na ang tinatanong niya. Siya nama'y parating nauutal o nasasamid sa tuwing may pagkakataong solo interview na ni Jinny.

Good thing it wasn't aired live so they got the chance to edit those scenes out. Break time muna at nilapitan siya ni Rexton, habang ang iba ay abala sa pag-aayos ng kung ano-ano roon.

"Gago, para kang totoy sa tuwing kaharap mo si Jinny ko. Hindi ko alam na torpe ka pala. Unahan na kaya kita?"

Sa ilang taon ay alam na niyang hindi totoong may gusto si Rexton kay Jinny pero hindi niya mapigilan ang sarili na mainis dito sa tuwing sinasadya nitong asarin siya.

"Ano ba kasing nangyari noong inuwi mo siya sa bahay mo? Aba't magda-dalawang taon na ang nakalipas, hindi ka pa rin pumoporma. Mahina."

"Ikaw? Bakit hindi mo pa pinopormahan ang kababata mo? Mas mahina ka. Bata pa lang kayo, kilala mo na iyon," balik-asar niya rito.

"Sino'ng maysabing hindi ko siya pinopormahan?"

Naningkit ang mga mata niya.

"She's my girlfriend—"

"Why is she with that guy, then?" He look at Sunshine's vocalist' direction, she's with a guy who's her rumored boyfriend.

"—only when she's activated."

Saglit siyang natigilan at humalakhak. Napalingon ang lahat ng naroon dahil sa lakas ng halakhak niya. Putcha! Mas malala pala itong si dela Costa sa kaniya, pumoporma lang sa tuwing nasa misyon ang babae.

"'Tangina, paano niyang maaalalang may relasyon kayo? Ikaw lang pala ang nakakaalam," pangungutya niya rito. Because as a sleeper agent, once her job was done, she'd be brainwashed and when she woke up from her senses, she wouldn't remember any of those jobs she did, nor the people she was with.

"Don't mind our relationship. Ang isipin mo ay kung paano mo liligawan si Jinny ko. Mukhang mailap, ah," balik nito sa usapan. Mabuti na lang at tapos na ang break time kaya nagbalik na sila sa shoot.

Sa conference room lang naman ang venue nang araw na iyon kaya maaga silang nag-wrap up. Mag-a-alas tres pa lamang ng hapon. May oras pa siya bago dumiretso sa VBS para sa evening news.

Napalunok siya nang magtama ang mga mata nila ni Jinny bago lumabas ang mga ito. Naiwan siya roon at natulala dahil may kakaiba sa mga titig ng babae. And he's instincts was telling him to follow her, to woo her. He just felt he's at fault without knowing what he did. Then, he realized he sent her that note...

Was that the reason why she's avoiding him?

He got up and stormed outside the room. Naabutan niyang pasara na ang elevator at lulan na niyon ang mga babae.

"Jinny!" he called her attention and ran to get closer to the lift. Mabuti na lamang at hindi pa sumara iyon. Nang mapasulyap siya sa loob ay napansin niyang nakapindot sa open button si Bree, ito ang malapit sa mga button.

"Are you going to go in or what?" pagsusungit sa kaniya ni Bree. Based on what he knew about Timo's life, Bree and him had an ugly history. Kaya pala ganoon na lamang ang pagkadisgusto nito sa kaniya ngayon. Dahil siya si Timo na gago sa paningin nito.

Tumuwid siya ng tayo at pumasok sa loob. It was awkward because the members and their manager was there. Wala ni isang lalaki. Napatikhim tuloy siya nang namayani ang katahimikan. Pakiramdam niya rin ay nanlalamig ang namumuo niyang pawis.

"Jinny," he uttered  the guitarist's name again. Halata ang pagkalabitan ng mga nasa likod nila. 'Kita niya ang malabong repleksyon ng mga ito sa pinto ng elevator, at mukhang sinadya ring magsiksikan sa likuran nila ni Jinny.

"Ano?" she sounded really disappointed. Parang walang gana. Napalunok siya sa kaba.

"May gagawin ka ba? Yayayain sana kitang mag-kape."

"Hindi ako nagka-kape," the tone of her voice changed a bit.

"You don't?" gulat niyang tanong.

"'Uy, anong hindi? Umiinom ka kaya ng kape," bulalas ng isa sa likuran nila. He wasn't sure who spoke but he still glanced behind and smiled at the girls.

Tumikhim ulit siya at bago pa makapagsalita ay bumukas na ang pinto, tanda na nasa basement parking na sila. Pakiramdam talaga niya ay namamawis na siya sa sobrang kahihiyan at hindi niya alam kung paanong mapapapayag si Jinny na lumabas silang dalawa.

"I'm sorry," bigla na lamang niyang nasambit. He was sincere about asking for an apology even if he didn't really have a clue what's exactly his fault.

Gulat itong nag-angat ng tingin. Nagtatanong ang mga mata. Para naman siyang nahipnotismo at napatitig lamang sa magagandang pares ng mga mata nito.

Damn, Jinny, kahit ilan pa ang anak mo, tatanggapin ko.

But he already knew the truth. And even if he didn't, he would still pursue her now. Hindi na niya hahayaang masayang ang pagkakataon at panahon para makipaglapit dito.

"Excuse me," anang mga babae sa likod at lumabas na ng elevator. Akmang susunod na si Jinny sa mga ito nang pigilan niya sa pamamagitan nang paghawak sa palad nito. In just a few seconds, their hands intertwined and the elevator doors had closed again. He mustered all his courage to tell her what he wanted to say, straight to the point.

"I honestly don't know how to face you... how to talk with you."

Nanatili itong nakayuko, nakatitig sa magkahinang nilang mga kamay.

"You're making me crazy, Jinny. I always told myself that I don't want a relationship with single mothers like you, but, I don't care about that anymore. I like you and I want to have a relationship with you."

She stayed still and she felt her hand trembled a bit. Why was she trembling? Was she nervous like him, too? Was she feeling the same way he's feeling? Dahil aminado siyang bahagya ring gumaralgal ang tinig niya sa sobrang kaba. He never did courtship that way before. He was always confident about the girls he courted. But now, he only wanted to please Jinny. And... he's afraid of rejection, too.

Mukhang nagkamali siya na umamin kaagad dito. Dapat ay nakipaglapit muna siya at nakipagpalagayan ng loob.

"Look at me," sumamo niya.

She did and confusion filled her lovely eyes. Like she couldn't find the right words to say.

"Please, don't say no... Allow me to show you how I like you, to let you feel that I am sincere."

She gulped and without cutting their eye contact, and she said, "S-sige..."

He blinked twice and his jaw almost dropped. Did that 'sige' mean she's fine with what he just said? That she's agreeing about the courtship? Kahit naman hindi ito pumayag ay susubukan niya pa rin. Hindi niya ito susukuan.

His heart jumped out when a ghost of smile formed on her red lips as she looked away, blushing so hard. Kaagad nitong binawi ang kamay at pinindot muli ang button ng elevator pababa ng basement parking.

"...pag-iisipan ko."


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
jadeatienza jadeatienza

Fact (pwede ring hint): The original title of this story was “Hidden Identity”.

Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C207
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión