Descargar la aplicación
40.71% PHOENIX SERIES / Chapter 149: Play

Capítulo 149: Play

Chapter 11. Play

        

     

NANG sumunod na linggo pa napagtuunan ng pansin ang nangyari kay Kanon sa gymnasium dahil noon pa lamang pumasok si Lovely. She looked much lively than before. Hindi mahahalata rito na nagkasakit nga ito gaya nang ipinaalam ng pamilya nito sa eskwelahan.

Nasa Office of The Principal sila at binuksan ang usapin tungkol doon.

"Iginigiit mo pa rin bang siya ang gumawa niyon sa iyo?" tanong ni Principal.

"Opo."

"I think this is just a children's fight. Bakit hindi na lang natin palipasin—"

"This isn't just a simple children's fight, at hinding-hindi maaaring palampasin ang bagay na ito. Hindi biro ang ginawa ng anak ninyo sa anak ko," her mom interrupt Mrs. Devila. Halata ang pagkadisgusto sa mukha ng ginang pero nanatili itong tahimik at maarteng pinaypayan ang sarili.

Nasa receiving area sila ng opisina, magkatabing nakaupo sila ng kanyang mama habang ang mag-inang Devila ay nasa dalawang pang-isahang sofa sa tapat nila. Ang Principal ay nasa bandang harapan, pati na rin ang ilan pang faculty staffs.

"How dare you accuse my Joan! Hindi namin pinalaki ng asawa ko na maging sinungaling ang anak namin."

Tumango-tango si Lovely at bahagyang lumabi na humarap sa mama nito. She almost rolled her eyes out of that sight. Tama ang mama niya, this wasn't just a simple fight but her classmate was acting like one.

"But, Misis," her mom. "We have an evidence."

Saglit na natigilan ang ginang, then she flipped her hair. "What is it? The CCTVs? Mind you, Mrs. del Rio, the CCTVs were under maintenance until last week."

Kinabahan siya. She didn't know that. Ang sinabi ng mama niya'y iyon ang huling alas nila.

"I see," walang ganang tugon ng mama niya.

"Kaya palipasin na lang natin ito, okay?"

Sumabad ang principal at pilit na ine-engganyo ang mama niya na palampasin na nga lang. But her mom was persistent. She idly opened her signature branded purse and got something inside. It was a flashy USB stick in fuchsia pink color.

"Ano iyan?"

"Kopya ng CCTV footage."

"W-what are you talking about?"

Katerina crossed her arms. "Hindi ako makakapayag na palampasin na lang ang panghahamak na ginawa ng anak mo sa anak ko. Kung hindi lang siya minor, sa korte ko na idiniretso ang kasong ito."

Napakurap-kurap siya. Iyon pala ang alas na sinabi ng mama niya noon. Bukod sa mga under maintenance na CCTVs sa loob ng gymnasium ay mayroon pa pala sa labas, sa likuran ng gym. Hindi pinanood sa kanila ni Lovely ang video pero sinabing kitang-kita roon kung paanong nakipagkita si Lovely sa lalaking kasabwat nito at kung paanong sinuot nito ang itim na mask, naghintay ng halos kalahating oras doon bago dumungaw sa bintana ng banyo.

Mabilis na kumalat ang balita at kaagad na binatikos si Lovely, pero dahil na rin sa apo ito ng kasalukuyang alkade ay kaagad ding namatay ang issue.

She didn't care anymore. What's important was she could live peacefully in her school life.

Isang araw bago pumasok sa eskwelahan ay pinuntahan niya ang mama niya sa kwarto nito para sana masabihan ito tungkol sa nalalapit na birthday ng kaklase niya. Ito kasi ang pumipili ng mga susuotin niyang damit, pero wala pala ito roon. pumasok siya ay napansing nakabukas ang purse nito. Paborito iyon ng kanyang mama at laging dala-dala kaya nagtaka siya kung bakit nasa itaas lang ng bedside table iyon.

She saw a familiar flash drive and she touched it. Pero dahil sa mga yabag ay nataranta siya at isinilid sa bulsa ang maliit na flash drive.

"O, apo, bakit ka narito? Umalis ang mama mo."

"Kayo po, 'Lo?"

"Ah, eh, hinahanap ko lang iyong charger ng cellphone ko. Baka 'kako nandito ang sa mama mo, hihiramin ko."

"Ayaw ni mama na ginagamit ang mga gamit niya."

"Oo nga pala. Sige, magpapabili na lang ako ng bago."

"Sige po." Mabilis na lumabas siya ng kwarto pagkatapos. She found it unusual that her lolo just casually stepped inside her parent's room. Maselan ang mama niya, at alam ng lahat iyon. Siya nga'y hindi nakakapasok sa kwarto nito minsan lalo na kapag wala ito sa mood.

Dahil oras na rin naman ay nagpahatid na siya sa eskwela. Hindi na rin siya nakapag-agahan.

At dahil nang recess time ay nakakain siya ng heavy meal, hindi na siya kumain ng lunch. She just went to the library so she could see the flash drive's content. Curious kasi siya sa video footage na hindi pinakita sa kanila. Balak sana niyang gamitin ang isa sa mga computers doon pero nang makitang marami ang mag-aaral na naroon ay nagpasya na lang siyang mag-stay sa isang bakanteng gazebo at magbasa na lang ng libro.

Napakislot siya nang may bag na ipinatong sa mesa at nang mag-angat ng tingin ay nakitang si Dice ang umupo sa katapat na silya. Hindi niya na lang pinansin ito dahil masayado siyang immersed sa binabasang crime novel.

Pero nang mapansing naglabas ito ng laptop ay nakuha nito ang atensyon niya.

"Can I borrow that for a while?"

Ngumisi ito. "Nakikita mo pala ako."

"Sorry, nagbabasa kasi ako't patapos na rin naman kaya hindi muna kita pinansin. Anyway, makikihiram muna sana ako niyan."

"Okay."

Ang daling kausap. He turned it on and when it's all done, he placed the screen in front of her, facing her. Ito nama'y nanatling nasa katapat na upuan at nangalumbaba.

"May earphones ka?"

"Headset," anito at kinuha sa bag ang naturang headset. Sinulpak niya iyon at isinuot.

"Ano bang titingnan mo?"

Hindi siya sumagot at p-in-lay ang video file. Napakurap-kurap siya nang mapansing tila hindi naman iyon CCTV footage. Parang hidden camera or something. Basta sigurado siyang hindi nakikita ng mga kinukuhanan ang device.

"Paano kung malaman niyang ako ang ama niya?"

"Hindi! Ayaw kong malaman ni Kanon ang bagay na iyan."

"Pero—"

She immediately exited the video player. Hindi siya maaaring magkamali, ang mama niya ang nasa video. Gusto niyang i-play pa iyon pero natakot siya sa mga maaaring malaman pa.

She was fine knowing that her dad died when she was in first grade, and she was left with only happy and good memories about her dad. She had a hunch that if she continued to play that video, her life would change and she didn't want it to.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C149
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión