Chapter 37. Whys
JASEL decided to tell Vince about everything. Alam niyang hindi siya mahihirapan lalo pa nga at nalaman niyang nagtatrabaho na ito sa agency ng pinsan nito. Alam niya ang lahat ng mga pangyayari tungkol sa lalaki, iyon ang hiningi niyang kapalit sa pagpayag niyang magpanggap na patay—to be updated with her beloved's life.
"It was Stone's idea to fake my death. Para raw maniwala ang mga taong nasa likod ng insidenteng iyon na wala talagang nabuhay noon."
Tahimik lamang ito sa pakikinig sa kanya, kaya tumuwid siya ng upo para matitigan itong maigi, nakasandal ito sa sofa nang nagpatuloy siya.
"Sinabi ni Kieffer na hindi basta-bastang engkuwentro lang iyon tungkol sa ipinagbabawal na gamot gaya ng ipinakita sa balita." Nabalita kasi iyon noon, at ang balita'y namatay sila ng driver ng cab mula sa sunog, at mga nakatakas na drug addicts ang suspects. Ibinalita na lulong at tumira ng droga ng mga ito noon at napag-trip-an sila. But she knew what really happened. Talagang pinatay ng mga ito ng driver ng cat at nasisiguro niyang kung hindi siya nakatakas, ay siya talaga ang nasunog sa loob ng kotse noon.
Nagtangis ang bagang nito. "I already knew, but hearing these things from you makes me want to fucking kill them!"
She immediately cupped his face using her left hand, he calmed down a bit. "I'm sorry if I let you suffered... But Stone knew better. Kaya napilit nila akong magpanggap na patay, ay para sa kaligtasan ko. Na agad namang sinang-ayunan ni Kuya "
"Why didn't they tell me? Why did you not tell me?" malungkot na tanong nito.
"Your cousin told me that some of their people were following you, after that night, but didn't exactly know who they were. At isa pa, kung nalaman mo raw na peke ang pagkamatay ko noon ay hindi ka naman talagang magluluksa, at baka makahalata ang mga taong nagmamanman sa iyo. Your life would be in danger if I stayed alive. "
"Fuck, I don't care!" angil nito ngunit mas nangibabaw ang lungkot sa tinig.
"But I do. I'm very much worried about you." She sighed. "Hindi pa naman alam noon kung sinu-sino ang mga tao sa likod ng sindikatong iyon."
Tumahimik si Vince. Mukhang nakuha nito ang pinupunto niya.
"But you aren't even an agent—"
Tumahimik ulit ito nang may mapagtanto.
"Yes, you're right. I am not an agent, but a witness. At alam kong alam mo na ang dahilan kung bakit pineke ang pagkamatay ko..."
"Witness Protection Program," he stated, almost whispering. Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya't bahagya siyang tumango. Even if the agency sometimes affiliated with the government's works, Phoenix still made sure to have their own protection program, too.
"Gaya nang kung paanong inililigtas mo ang mga saksi at sinisigurong mamumuhay sila ng tahimik, ganoon din ang ginawa sa akin ng pinsan mo."
"Pero hindi pa namin natutugis ang lahat ng maysala, paano kung mapahamak ka na naman ngayon?"
Sumimangot siya. "Ayaw mo bang nandito ako?"
"No—it isn't like that. I'm just worried you might be in danger. Hindi pa namin nahuhuli ang lahat."
"I know. But I really wanted to see you again," maliit ang tinig na siwalat siya. "So... I'm using a different identity."
When she learnt about his last job, wherein he... She honestly did not want to think of that anymore. But she knew everything he did. Hindi na niya kinayanan na unti-unting nawawalan na ng emosyon si Vince kaya nagpasya siyang pumayag nang palitan ang pangalan niya, para sawakas ay makalapit na siya rio.
Marahas itong napamura. "Let's get married now."
"Marseille..."
"Yes, I'm coming with you. Pero pakakasalan muna kita ngayon."
"S-Sa Marseille nga," ulit niya. "Handa na ang lahat," namumulang untag niya.
"What are you talking about...?" Halata na kinabahan ito sa sasabihin niya at unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nito.
"I insisted seeing you again so we can finally get married," siwalat niya. "I can't wait anymore..."
"You prepared everything?"
Tumango siya.
"Damn... Ako dapat ang kumilos niyan."
She shook her head. "You've been very busy collecting your shattered pieces. And I doubt if you can still think or prepare about marriage knowing that I d-died." Tumigil siya saglit at nagpatuloy, "You even bedded some of your clients," nakasimangot na aniya. Kahit isa lang naman iyon, may iba pa rin naman.
Suminghap ito at puno ng pagsisisi ang bumakas sa gwapong mukha nito.
"We never broke up, I felt you cheated on me," amin niya. Pero agad din nagpatuloy sa sasabihin, "But I don't mind it now. That's your way of coping up, right? You didn't really forget about me?"
"No, baby... No," parang natatakot na depensa nito. "Fuck! What did I do?"
She chuckled awkwardly then she bit her lower lips. Dapat ay hindi na niya sinabi iyon, eh. Pero okay lang naman, at least alam nito ang saloobin niya. At totoong naiintindihan niya gawa nga ng sitwasyong iniwan niya rito. "Hayaan na natin iyon. P-Past is past 'ika nga."
Paulit-ulit itong humingi ng tawad but she didn't really mind now. Before, she minded a little, but everything was alright now.
Isang linggo ang nakalipas nang sorpresahin siya ng pamilya niya't umuwi ang mga ito para salubungin nila ang Bagong Taon ng sama-sama.
They spent the New Year's Eve with her family, and she could not wait to meet Vince's family again soon. Napag-usapan na rin kasi nila na ipaalam sa pamilya nito ang nalalapit nilang kasal.
Tatlong linggo pa ang lumipas nang lumipad na sila papuntang France. Dahil na rin sa mga koneksyon at sa private plane sila sumakay kaya hindi siya nagkaproblema sa mga dokumento. Kailan pa lang kasi siya pumayag na gumamit siya ng ibang pangalan at hindi niya agad naasikaso ang paglakad doon kaya hindi pa tapos ang proseso sa mga iyon. At isa pa, na kay Vince ang lahat ng atensyon niya mula noong magkasama sila. Ni hindi nga sila lumalabas dahil gusto niyang solohin lang ito sa loob ng bahay.
Kaya ngayong nasa Marseille na sila ay sinulit nila ang pamamasyal sa mga lugar.