Chapter 3. P-Day
NAGTAKA si Nicolea nang parating lumalapit sa kanya si Jave. Nasanay siyang siya ang dumidikit dito, pero ilang araw na ang nagdaan ay ito ang laging nagyayaya sa kanya kahit saan. Kahit weekends ay niyaya rin siya nitong lumabas.
"Bakit bigla ka yatang naging clingy?" puna niya nang kumakain sila sa cafeteria. Tumigil ito sa pagsubo ng pagkain.
"Bakit lagi ka nang mag-isa?"
"Wala lang," kaila niya.
"Did something happen?"
Napakagat-labi siya.
"Did you have fights with your friends?"
"Don't call them my friends, Jave."
Natigilan ito. Bumuntong hininga siya at dismayadong nagkwento.
"Bahala silang magplastikan," komento pa niya.
Nanatili itong tahimik, naghihintay sa mga sasabihin niya.
"Alam mo bang kaya nila pinagpilitang maging representative si Merriam ay para bully-hin?"
Confusion was visible in his eyes.
"It's true! Hindi ako nagsisinungaling."
"I'm not saying you're lying."
"Maybe you didn't notice because they really looked so supportive that time. Pero napansin kong pinagkakatuwaan nila si Merr. Lalo na matapos ng event. 'Kita mo nga ngayon, lagi silang pinagsisilbihan ni Merriam."
"I had a hunch but I didn't want to be judgemental."
"Nawalan ako ng gana sa kanila. Mamaya, kung anu-ano pala ang sinasabi nilang kasiraan sa akin kapag nakatalikod ako. I also noticed how Merriam always look at me as if she's throwing darts to me."
"Baka naman iniisip mo lang."
"No. She accused me I was just being insecure because I am the class muse and I should've been the representative instead of her."
"What? That's not true." Kumunot ang noo nito. Halatang nairita sa narinig.
"Exactly. Kaya nga hinayaan ko na. At dahil lagi na siyang kasama sa grupo, ako na ang lumayo. But, honestly, thanks to her, dahil nakilala ko nang husto ang mga tinuturing kong kaibigan."
Jave sighed heavily. "I knew there was something going on. Parang may gumugulo sa iyo nitong nakaraan."
"Hayaan mo na. Hindi ako nawalan kasi nand'yan ka naman." Sumubo siya ng pasta matapos sabihin iyon.
Napainom ng tubig si Jave at nag-iwas ng tingin.
"Anyway, don't forget our prank, okay? Malapit na ang school break."
He grunted.
"Huwag mong sabihing umaatras ka?"
"You're still into that?"
Ngumisi siya at tumango.
"Sige..."
Impit siyang tumili. "I'll bring my makeup kit. Pagpa-practice-an kita. 'Tsaka para i-make up din kita sa P-Day." She named the day that she'd prank her best friend as 'P-Day', short for Prank Day.
Hanggang sa dumating na nga ang araw na inaabangan niya. Maaga siyang gumising para sunduin si Yvonne sa airport. Kasama niya ang kanilang driver.
Tumili siya nang makita ang kaibigan. Mabilis siya nitong nilapitan at niyakap. Pabiro niyang sinakmal ang pang-upo nito.
Tinapik naman ni Yvonne ang kamay niya. "Inggit ka na naman sa pwet ko!"
Pinasadahan niya ng dila ang kanyang ibabang labi. "Malaman na, ah!" Medyo maangas niyang komento.
Her friend blushed as she always did whenever she's being praised.
"Tara! Nagpa-reserve na ako sa spa."
Nakapagpaalam na siya sa kanyang mga magulang na baka gabihin sila ni Yvonne dahil mamamasyal muna sila. Dumiretso sila sa isang spa para kunwari'y yayain niyang magpamasahe si Yvonne doon. Pero ang totoo'y roon ang napag-usapan nila ni Jave.
Kanina, bago sunduin si Yvonne ay dumiretso siya sa bahay ng mga dela Costa at inayusan ang binata. Ang nakakatuwa ay tinulungan pa sila ng mama nito. Nagdahilan kasi sila na para sa social experiment ang gagawin nila. Ang usapan nila ay bandang alas tres itong pumunta sa Spa House And Longue dahil alas dos naman ang arrival ni Yvonne. Pagkatapos sa spa ay didiretso silang tatlo sa mall para kumain.
Napangisi siya nang maalala ang itsura ni Jave kanina. He was really beautiful and very doll-like. Matangkad pa kaya nagmistulang modelo rin ito. Mabuti na lang at may kapayatan kaya hindi nahalata sa suot nitong skinny jeans at oversized boyfriend tee ang mga muscles, kung mayroon man. Inayos din ng mama nito ang nabili nilang human hair na wig. Blonde iyon, may bangs at mahaba.
"'Uy, nakikinig ka ba?" pukaw ni Yvonne sa atensiyon niya.
Nakadapa na sila sa massage table at kasalukuyang minamasahe. "Ah, wala pa kasi iyong jowa ko. Ipakikilala sana kita."
Yvonne rolled her eyes.
Ngumisi siya. Pero sa loob-loob niya'y nag-aalala na baka hindi na siya siputin ni Jave. Lagpas kalahating minuto na silang minamasahe pero hindi pa rin ito nagte-text.
"Nasaan na iyong jowa mo? Pogi ba 'yon?" panghuhuli ni Yvonne.
"Hindi pogi. Maganda."
Again, her friend rolled her eyes. Halatang hindi naniniwala.
Nang matapos ay wala pa rin ang binata. Nagsisimula na siyang mairita at busangot na ang mukha.
"Wala ka naman yatang jowa, eh."
Tumabingi ang ngiti niya kay Yvonne. "Pa-nail art tayo?" anyaya niya. "Gusto ko ng gothic design."
Ngumuso ito pero pumayag din kalaunan.
Pero natapos na ang lahat-lahat ay hindi pa rin dumating si Jave. Mukhang in-indiyan na siya nito.
Tumunog ang kanyang cellphone, hudyat na may tumatawag. Nang makita ang Caller ID ay agad niya iyong sinagot.
"Nasaan ka na ba?! Lagpas alas sinco na! Ang usapan ay alas tres."
"I'm sorry, Nic. I can't go out. I'm really embarrassed."
Nangunot ang noo niya. "Hindi ka umalis sa inyo?"
"I mean, I'm inside the car. Ako na ang nagmaneho."
"Papunta ka pa lang?"
"No..."
"Nasa garahe ka pa?"
"Hindi, Nic."
"Eh, nasaan ka?" Nawawalan na siya ng pasensya.
"I'm at the car park. Near your van. Kanina pa akong mag-a-alas tres dito."
Nangunot ang noo niya. "Kumain ka na ba?" Lumambot ang tinig niya.
"Oo."
"Hindi ba maalinsangan diyan? Dapat pumasok ka na rito, eh." Nawala na ang pagkairita niya.
"Sinong kausap mo?" sansala ni Yvonne.
Bahagya niyang binaba ang cellphone at hinarap ito. "Iyong jowa ko." Ngumisi siya ng malapad.
Ngumisi rin si Yvonne. "I know you don't have a boyfriend, Nicolea."
"Wala nga."
She hissed. "Tara na nga."
"Tara na," tugon niya't nauna itong lumabas ng spa.
Binalikan niya ang tawag para siguraduhin nandoon pa si Jave.
"Bumaba ka na't salubungin mo kami. Nakalabas na si Yvonne."
"Nahihiya talaga ako."
She grunted. "Kami na lang ang pupunta sa iyo!"
She ended the call and followed Yvonne outside.
Agad niyang nahanap ang sasakyan ni Jave. Yvonne crossed her arms as if she's getting impatient. Hindi siya sa van dumiretso kaya alam niyang susundan siya ng kababata.
Nagpanggap siyang hindi ito napansin at dumiretso kung saan naka-park ang sasakyan ni Jave.
She immediately opened the shotgun door and Jave was apologetically looking at her.
"I'm really sorry. Bigla na alng akong nahiya sa istura ko. Baka hindi ko na matupad na sasama akong mamasyal sa inyo."
Napakurap-kurap siya habang nakatitig sa kumikibot nitong labi habang nagsasalita. He already removed his lipstick and his lips were now bare. They looked so luscious. Dinilaan niya ang kanyang labi at kinagatan iyon ng bahagya.
Jave was supposed to be a pretty girl but her mind was seeing him as his normal self— so beautifully handsome. Lalo niyang hindi maalis ang tingin sa labi nito.
"Nicolea, ano ba'ng—"
Hindi na niya pinansin si Yvonne at nahanap niya ang sariling lumulan sa sasakyan at bahagyang sumampa sa upuan ni Jave. Napamaang naman ito nang tumukod siya habang siya'y tila nahi-hipnotismong inangkin ang mapang-akit nitong labi.