Descargar la aplicación
58.26% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 67: Chapter 65

Capítulo 67: Chapter 65

Crissa Harris' POV

Ilang minuto kaming natahimik ni Tyron. Pero parehas naman kaming natigilan at nagkatitigan nang biglang may marinig kaming sunod-sunod na katok. At alam naming galing yun sa pintuan sa ibaba.

"T-ty, may tao.. Baka naman, sila Christian yun? At nahanap na nila tayo?.." bulong ko sa kanya. Pero bigla nya namang tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay nya.

"Ssshh. Wag kang maingay. Kung sila Christian yan, hindi na sila mag-aabala pang kumatok dahil paniguradong magba-barge in na sila agad. Lalo pa at nandun at nakabandera yung damit mo." binitawan nya yung bibig ko at sumang-ayon nalang ako sa sinabi nya.

Naalala ko lang. Nung isang gabi, sinabi ko sa kanya na sa susunod, sa kanya ko na ipapaubaya ang pagdedesisyon kung sakaling may makasalamuha kaming estranghero. Kaya ngayon, tototohanin ko. I don't break promises. Hahayaan ko na sya na talaga ang magdecide kung anong gagawin namin na move.

Mga ilang sandali pa, nawala na yung mga katok. Pero agad din namang napalitan, ng bulungan. Nasa taas kami kaya hindi masyadong malinaw yung mga naririnig namin. Sinenyasan naman ako ni Tyron na idikit daw namin yung tenga namin sa sahig, dun mismo sa pwesto na katapat nung pinto sa ibaba.

At ayun nga, naging malinaw na yung boses nila.

"Pero baby, may narinig talaga akong boses na nanggaling sa loob. Babae pa nga e.." sabi ng isang boses ng lalaki.

"Babae? Lakas talaga ng pandinig mo pagdating sa babae, no!? Hay nako! Dyan ka na nga! Makain ka sana nung mga naglalakad na bangkay! Tsk!" sabi naman ng boses ng isang babae.

Nag-usap pa sila pero pahina na nang pahina kaya I supposed, naglalakad na sila palayo.

Isang lalaki at isang babae. Sa tingin ko, dalawa lang talaga sila at wala nang iba pang kasama. Pero yung boses nila, hindi pamilyar sa tenga ko. Ngayon ko lang narinig yun kaya sa tingin ko rin, hindi rin namin talaga sila kilala.

Sabay kaming umalis ni Tyron mula sa pagkakahiga sa sahig pero sya naman, maingat na tumayo at naglakad papunta sa bintana. Pinagmasdan ko lang sya habang maingat na pumwesto sa gilid noon at saka sumilip sa labas.

Huminga sya ng malalim at sinenyasan ako. "Nakalayo na sila.."

Umupo si Tyron pabalik doon sa couch kaya sinundan ko naman sya agad.

"Ilan sila? Saka, kilala ba natin sila? E yung itsura nila, natandaan mo ba? Anung kulay ng damit nila? Yung lalaki ba, naka-leather jacket na brown? Nako, baka sya yun? At masama silang dalawa nung kasama nila.. Ty, delikado tayo. Baka bumalik sila. Iisa nalang ang armas natin.." nag-aalalang sabi ko. Pero eto namang si Tyron, nakuha pa akong pagtawanan.

"Crissa, kalma okay? Sunod-sunod yung tanong mo e. Pwede ka nang bumuo ng talkshow mo. Pffftt.."

Sinamaan ko sya ng tingin kaya tumigil na rin sya sa pagtawa-tawang ginagawa nya. Hindi nya ako madadaan sa pagpapacute nya dahil seryoso ang atmosphere namin ngayon. Although nakakadistract talaga yung candid nyang itsura habang tumatawa.

"Okay, sorry. Seryoso na. Hahaha. Dalawa lang sila pero hindi ko naman namukhaan dahil nakatalikod sila. Pero I'm sure, hindi natin sila kakilala. Ang natandaan ko lang sa itsura nila ay, kakulay mo ng buhok yung lalaki. Matangkad din sya. At wag ka ring mag-alala, hindi sya nakasuot ng brown leather jacket. Parehas silang naka-long sleeves nung kasama nyang babae."

Napatikhim ako sa sinabi nya. Kung sabagay, hindi ko nga rin naman nakitang blonde ang buhok nung naka brown leather jacket na lalaki sa school nila Zinnia. Kaya imposible rin namang sya rin tong lalaki na kumatok. Pwera nalang talaga kung nakuha nya pang magpa-salon after that day at nagpa-dye pa sya ng buhok.

"Pero Ty, ano naman kaya sa tingin mo ang pakay nilang dalawa?.."

"Pakay? Baka nagpapagala-gala lang din sila katulad ng grupo natin? Naghahanap ng safe na lugar? Kasi kung desperado na sila na may makuhang pagkain o armas, o kaya naman ay desperadong makahanap agad ng pagtataguan dahil hinahabol sila ng isang horde ng undead, tingin ko naman hindi na rin sila mag-aabala pang kumatok. Basta na rin silang papasok dito. Saka tignan mo, ang bilis din nilang gumawa ng desisyon na umalis. Kaya I'm sure, wala talaga silang urgent o desperate need." pagpapaliwanag nya. Hindi ko nanaman tuloy maiwasang mamangha. Napakatalino nitong lalaking kaharap ko ngayon.

"Eh sa tingin mo, masama ba silang tao?" tanong ko uli. Bahagya pa syang napangisi pansin ko.

"Looks can be really deceiving, Crissa. We cannot judge them based on their looks. Maraming disenteng tao na madungis lang ang suot. Pero in contrary, marami ring disente nga ang suot, sobrang dungis naman ng pagkatao. In other words, hindi ko talaga masasabi kung maitim ba ang kaluluwa nila. But anyway, there's two things I just noticed and I can also say that is accurately true." ngumisi uli si Tyron pero agad din namang nagsalita uli.

"The two of them, hindi sila nalalayo sa edad natin. And they are also a couple. Bukod kasi sa tinawag nung lalaki na baby yung babae, halatang-halata pa rin naman na couple sila dahil as soon as sabihin nung lalaki na boses ng babae ang narinig nyang nanggaling dito, andun agad yung agarang pagkainis at pagkairita nung girlfriend nya. In short, nagselos yung babae. Kaya andun na rin yung agarang pagwalk out nya without hesitation." pagpapaliwanag nya uli na mas lalo ko pang ikinamangha.

Strike 2. Isa nalang, sasambahin ko na talaga to si Tyron sa sobrang lalim ng katalinuhan na taglay nya. Ang dami nyang alam e. Ang galing nya ring makiramdam at magmasid. Ang husay-husay nyang mag-isip. Saglit nya lang na nakita yung dalawang tao na yun pero ang dami na nya agad nabuong conclusions? Para syang SOCO. And I admit, wala rin talaga akong mahanap na butas dun sa mga sinabi nya. Tugma rin yun sa mga naiisip ko.

Napangiti tuloy ako bigla.

"So, ano nang balak natin ngayon?.." tanong ko. Napaayos tuloy sya ng upo.

"I don't know. Ikaw pa rin ang magde-decide."

"Nope. Simula ngayon, ikaw na ang bahalang magsabi ng gagawin nating moves. I trust your decisions. Tutal naman, tugmang-tugma rin lahat ng naiisip natin." nginitian ko uli sya habang tinataas-baba ko yung kilay ko.

"Tss. Yeah, whatever. Sa ngayon, magstay muna tayo dito. As much as possible, wag tayong gagawa ng moves kung saan pwede nating makuha ang atensyon nila. Mamaya, nasa tabi-tabi pa yun e. We always have to make sure that our guards are always up. Para kung sakali mang atakihin nila tayo dito, masusurpresa rin sila kasi lalaban tayo."

"Eh, pano yan?.. Wala naman na tayong ibang armas bukod sa nag-iisang baril natin tapos dalawang kutsilyo? Makakalaban ba tayo kung, armado talaga sila?" tanong ko.

Di ko maiwasang mapaisip e. Puro furniture nalang ang nandito sa paligid namin. Alangan namang magbuhat pa kami ng couch para ipamalo sa kanila kung sakaling maubusan na kami ng bala diba? Saka ano namang laban ng kutsilyo sa baril?

"Kung ayaw mo talagang masaktan yung pinoprotektahan mo, magagawa mo pa ring lumaban kahit na kamay at paa nalang ang armas mo.. Lalo pa kung mahal na mahal mo yung pinoprotektahan mo diba? Edi kahit makipagpatayan na, gagawin mo pa rin?" bulong nya at tumango-tango nalang din uli ako.

Strike 3. Tama naman talaga yun. Syempre, pinoprotektahan ni Tyron yung sarili nya. E idagdag pa yung fact na mahal na mahal nya talaga yung sarili nya, edi syempre rin, makikipagpatayan na talaga sya para mabuhay lang sya. Kahit na ba suntok at sipa nalang ang opensa nya.

Ironic right? So dapat ako rin. Mahal na mahal ko rin ang sarili ko kaya makikipagpatayan na din ako para lang mabuhay ako. Sabay na kami ni Tyron na ipaglalaban yung mga buhay namin.

Wow. Pang bestfriend goals..

I snapped back in reality.

"Ahmm, pero what if, mabubuting tao naman sila? Hindi ba nakakakonsesnya na hindi natin sila tinanggap dito?.."

"Nakakakonsensya? Wag mong isipin yon, Crissa. Tama lang ginawa natin. Sa panahon ngayon, hindi na uubra yung dapat mas mabait ka sa kapwa mo kesa sa sarili mo. Paniguradong yung kabaitan mo pa ang ikamamatay mo. And don't worry, kung saka-sakaling, mabubuting tao talaga sila, at nangyaring makatagpo uli natin sila, edi good. Onse tayo sa grupo natin, baka maging trese na." ngumiti sya ng makahulugan sakin. At nung mag-sink in naman sa utak ko yung sinabi nya, napangiti na rin ako.

Strike 4. I just love that thought. May madadagdag sa grupo namin? That's exciting..

*** Kinabukasan..

Day 21 of zombie apocalypse..

Dun nalang kami sa kwarto ni Tyron parehas na nagpalipas ng magdamag. But still, hindi rin naman talaga kami actually nakapagpahinga. Halos pagkurap nalang ang nagsilbing tulog namin dahil magdamag din kaming gising.

Ayaw naman namin kasing magpakasiguro. May possibility na mabuting tao yung dalawa na yon pero hindi rin naman maaalis dun yung possibility na masasama rin sila. Counterpart ng mabuti ang masama.

Kaya ayun, magdamag lang kaming nakaupo ni Tyron sa couch at nakikiramdam sa paligid. Pinapatulog nya nga ako at sya na raw ang bahalang magbantay e. But I insist. Unfair yon para sa kanya.

"Oh Ty, aalis ka ba?.." agad na tanong ko. Paglabas nya kasi ng banyo, bihis na bihis na rin sya. "T-teka! Wag mo kong iiwanan mag-isa dito ha? Sasama ako." tumayo ako at tumakbo na pupunta doon sa kabilang kwarto.

"Sasama ka talaga dahil wala rin naman talaga akong balak na iwan ka mag-isa dito." pahabol nyang sigaw bago ko isarado yung pinto.

Gusto ko sanang mapangiti dahil doon. Kaso naisip ko, wala naman akong karapatan na matuwa. Yung mga ganon naman kasing sinasabi nya, hindi naman dapat para sakin. Hindi naman kasi ako yung mahal nya, diba? Kaya ayoko ring masanay na makakarinig ako palagi ng mga ganon sa kanya. Mahirap na kasi, ako rin kawawa sa huli.

Kumuha ako ng mga damit at personal na gamit dun sa mga cabinet. Nung matapos akong maligo, bumalik na uli ako dun sa kwarto ni Tyron.

"Ty, tara n---" natigilan agad ako sa pagsasalita dahil as soon as mapatingin sakin si Tyron, mabilis din sya agad na umiwas.

"B-bakit? May problema ba?.." pagpapatuloy ko.

"Magpalit ka ng damit."

"H-ha? Bakit naman?.."

"Basta wag ganyan ang isuot mo. Magpalit ka na."

Napilitan naman agad akong bumalik dun sa kabilang kwarto. Ano bang problema nito ni Tyron sa suot kong sando at maong shorts? May fashion guru ba kaming makakasalubong sa labas kaya dapat, pumorma ako na parang modelo? Tsk.

"Hmp. Eto na nga lang." kinuha ko yung naka hanger na knitted long sleeves.

Bumalik naman agad ako dun pagkapatong ko nung sweater sa suot kong sando. Tutal naman wala na rin akong nakita na jeans dun, di ko na pinalitan yung suot kong shorts. Sneakers nalang din ang sinuot ko na sapatos.

"Game, tara na Ty."

Humarap sya sakin tapos umiwas din agad.

"Bakit di ka nagpalit ng pambaba?" sabi nya nang hindi nakaharap sakin.

"E, wala nang iba dun e. Ito nalang."

"Tss.. Tara na nga." sabay umalis na sya kaya sumunod naman ako.

Tsk. Ano ba talagang problema nito sa suot ko?

Pagkababa namin at pagkalabas, inilock ni Tyron yung pinto. Nakita nya raw yung susi na yun sa bedside table na nasa kwarto nya.

Buti nalang at may spare na susi para sigurado kaming walang makakapasok dito habang wala kami. Although pwede naman actually na magbarge in anytime yung mga gusto talagang pumasok dito. Madali lang basagin ang bintana e, bakit pa kailangan ng susi, diba?

"Ah Ty, san ba tayo pupunta?" tanong ko. Nag-uumpisa na kaming maglakad pero hindi ko pa nga alam kung san ba kami pupunta at ano bang gagawin namin.

Inabot nya naman sakin yung kutsilyo ko.

"Maghahanap tayo saglit ng makakain. And if it's possible, yung aabot na hanggang bukas." sabi nya na pasulyap-sulyap lang sakin.

"Ah. Oo nga pala. Kahapon pa nga pala ng tanghali nung huli tayong kumain.." sagot ko. Ngayon ko lang din naaalala yun pano, hindi naman ako nakakaramdam ng gutom.

Binalik ko uli ang tingin ko sa daan pero ang gulat ko naman nang lumapit sakin si Tyron at akbayan ako ng mahigpit.

"Wag kang lalayo sakin. Kutsilyo lang ang meron ka. Wala kang baril."

Sinubukan ko pang pumalag kaso, wala. Mas lalo nya pang hinigpitan ang akbay nya sakin. Damang-dama ko tuloy yung malakas na pagkabog ng dibdib ko.

Wag ka namang ganyan umasta sakin Tyron. Ayokong dumating sa punto na masasanay nako kahit wala naman akong karapatan.

Ayokong masaktan..


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C67
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión