Descargar la aplicación
75% Akala Ko Siya Na / Chapter 12: Akala Ko Siya Na #6

Capítulo 12: Akala Ko Siya Na #6

Itong pang anim na nagshare sa akin. Nakilala ko sa kabilang mundo ng Facebook. Isa siya sa naging pamilya ko don. Siya ang pinaka ate namin.

Ito na nga yung kwento niya. Nagkakilala sila nung kanyang ex sa Facebook. Meron silang same interest tulad ng Kpop kaya nagclick agad sila.

Syempre as a Kpop fan naman. Basta kahit sino pa yan magiging kaibigan or close natin 'di ba? Kasi ganon naman ang karamihan ng fan girls pati fan boys. Malaman nilang parehas kayong interesado sa Kpop kakausapin ka nila. Yung iba nga feeling close pa katulad ko.

Hindi lang naman Kpop Fans ang ganon. Halos lahat naman siguro ng fandoms sa mundo. Kunwari, isa kang Swifty syempre matik na yun. Fan din ni T.S ang hanap mo. Kahit nga sa pagkain ganon din. Basta same kayo ng hilig sa pagkain sasamahan mo yun o kakausapin.

Balik na sa kanyang kwento. Sa pagkakatanda ko. Tatlong taon yata naging sila. Hindi ako sure. Basta hindi yun baba ng dalawang taon. Sa loob ng mga taon na yun. Hindi pa sila nagkikita. Yes! Long distance relationship nila.

Akalain mo yun? Mapapasana all ka na lang sa relasyon nila. Bibihira lang ang ganong relastionship. Nakaya nila ang di magkita. Nasa ibang bansa kasi yung lalaki tapos siya nandito sa Pilipinas.

Sabi sa akin ni Ate, meron talagang punto sa relasyon na sobrang saya niyo. Mag pl-plano kayo lalo na tungkol sa pagkakaroon ng masayang pamilya. Lahat naman siguro ng relasyon may ganitong plano lalo na kung seryoso ka talaga sa partner mo at wala kang fear about marriage. Meron kasing tao na mahal nila yung partner nila pero hindi nila kayang pag usapan ang kanilang future or having a family. Bakit nga ba?

Kasi takot sila sa maaaring kahitnan ng relasyon. Ang expectation nila hindi makakamit. Bukod sa madidismaya sila masasaktan pa sila. Double kill kumbaga.

Sabi sa akin niya rin sa akin, akala niya sila na talaga nasa top priority niya iyong ex niya nung sila pa. Nakikita niya ang sarili niyang pakasalan ang taong mahal niya, maging asawa nito at magkaroon ng anak. Lahat planado na. Kung saan sila kakasal pati na rin kung saan sila titira.

Aminado naman tayo sa parteng ito ladies. Hindi ba? Halos lahat tayo nangangarap na maikasal at makasama habang buhay ang taong mahal natin. Bakit kasi ang hilig natin bumuo ng plano o expectation sa ating sarili kung masasaktan din naman tayo?

Siguro, ganon naman talaga sa sobrang saya natin hindi na natin naiisip na maaari tayong masaktan bandang huli. Pati na rin sa sobrang kampante natin sa partner na akala natin eh siya na yung makakatuluyan natin.

Yun nga. Naging inspirasyon nila ang isa't-isa para makamit ang pangarap na iyon. Pero masaklap ang tadhana. Nagkaroon ng iba't-ibang priority sa buhay si Ate. Hanggang sa nawala na yung spark.

Ito yung part sa relasyon na kapag wala na yung spark maaaring pareho kayo mawalan ng gana. Yung the best na payo na nabasa ko. Hindi ko alam kung legit galing yun sa Kathniel. Hindi naman gantong-ganto ang sinabi ng isa sa kanila. Pero ayon sa pagkakaintindi ko. Balikan niyo kung paano kayo nagsimula kung paano niyo nalampasan yung mga problema niyo. Sa akin, in-apply ko yun. Pero hindi pala effective yung ganong payo kapag ikaw lang ang nag iisip ng ganon. Lalo na kung yung partner mo nakabitaw na pala.

Balik na nga sa kwento ni Ate. Ang plano nila ay unti-unti ng nawala. Nawala na rin ang imahe ng taong mahal niya para sa future na inaasam niya. Saka niya na realize na hindi na pala talaga siya. Dahil sinampal siya ng katotohanan na kahit mahal niyo pa ang isa't-isa kailangan niyong mag grow as a person muna kaya nag let go siya. Hindi palaging sapat na yung mahal niyo ang isa't-isa.

Syempre, may mga tao naman kasi na hindi makapag grow as a person kasama yung partner nila. Iba't-iba naman kasi tayo eh. Magkaiba kami ng pananaw ni Ate. Pero nirerespeto ko siya. Ako, mas gusto ko yung kasama ko mag grow as a person yung taong mahal ko. Pero hindi yung nag work sa akin. Madalas sila iyong pinipili ko pero hindi nila ko pinili dahil sa mababaw lang na dahilan.

Nag start na rin si Ate na ipagpatuloy ang goals niya sa buhay nang hindi niya iniisip ang kanyang partner. Napagtanto niya na kailangan nilang gumalaw sa mas malaking mundo kaysa sa mundong ginagalawan nila noon. Naisip niya rin lahat ng bagay may rason. Siguro kaya kinailangan nilang mawala sa isa't-isa kasi hindi pa sila hindi.

Tama yan. Applicable talaga yung sinabi ng mga nakakatanda sa atin na saka na tayo maghanap ng jowa kapag tapos na tayo mag aral. Kapag nakahanap na tayo ng trabaho. Ang hirap kasi nung wala ka pang permanente o maayos na trabaho lalo na kung demanding yung partner mo.

Totoo yan di ba?

Lalo na kung yung love language mo eh magbigay madalas ng gift. Isa yan sa love language ko yan. Share ko lang. Ang hirap kaya magtipid tapos may gusto kang kainin kaso mas uunahin mo siyang bigyan ng ganito o ganyang bagay kahit na hindi niya naman hinihingi.

Ang hirap nung napagtanto mo na gusto pala yun ng partner mo tapos hindi mo kayang ibigay. Mas mahirap yan lalo na sa part ng lalaki.

Saka hindi lang yun. Kaya kailangan natin na magtapos muna ng pag aaral bago tayo magjowa kasi karamihan ngayon sa atin. Aminin man natin o hindi hirap makarecover sa break up. Napapabayaan natin yung mental health natin. Yung iba dyan napapabayaan ang pag aaral.

Unlike, kapag may trabaho na tayo. Maaaring sigurado na tayo sa kanila. Kasi makakapag ipon na tayo para sa plano na hindi na lang drawing. Depende na lang sa schedule ng trabaho niyo kung paano kayo magkikita.

Hindi ako eksperto sa ganyang bagay na may trabaho na tapos may love life kasi sa ngayon. Estudyante palang ako.

Ang kwentong to' ang nagpapakita kung paano katatag ang isang babae. Sabi nga nila dapat palagi mong sabihin na "I am a strong and independent woman". Hindi lahat ng bagay kailangan nating ipilit. Pinakita niya na kahit masakit man habang kinukwento niya sa akin ito. Kailangan niyang i-sakripisyo ang relasyon nila hindi para sa kanya lang. Kundi para sa future nilang dalawa.

Ganon pa man. Mahal niya pa rin ang lalaki hanggang ngayon. Kilala ko rin yung lalaki pero hindi siya nagbigay ng kwento niya tungkol sa 'Akala ko siya na'. Pinilit ko siya ng konti kasi baka magkatugma sila. Pero ayaw niya talaga. Ni respeto ko naman iyon.

Ikaw ba naranasan mo na rin bang magparaya para sa pangarap niyong dalawa, o pinipilit mo pa rin na mag work ang relasyon niyo para sabay niyong aabutin ang pangarap niyo ng magkasama?


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C12
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión