Descargar la aplicación
12.5% Akala Ko Siya Na / Chapter 2: Akala Ko Siya Na #1

Capítulo 2: Akala Ko Siya Na #1

Itong kwentong ito ay para ito sa mga taong umasa o naging sawi sa pag ibig lalo na sa kaibigan kong ito.

Madalas niyang i-kwento sa akin, bakit kaya hindi siya makatagpo ng katulad ng mga jowa nang mga kaibigan o kaklase namin. Madalas kasi siyang sawi sa pag-ibig. Ayos naman siyang tao pero hindi ko alam kung bakit sa pagpili nang partner dun siya palpak. Ayos naman siya sa pag aaral pati nga rin sa mga assignments na pinapagawa nang nga professors namin alam niya kung 'legit' o mapagkakatiwalaan ang kukuhanan niya nang impormasyon para sa kanyang sagot.

Ang hindi ko nga alam sa kanya bakit pagdating sa pag-ibig o sa magiging ka-relasyon niya eh palpak siya mamili. Alam niyo yung feeling na ang sarap ihampas ang ulo niya sa pader para matauhan. Ganon ang gusto kong gawin sa kanya.

Heto na nga ang kanyang kwento, mahilig kasi siyang makipagchat o kaya makipag usap sa estranghero para kasi sa kanya mas magaan sa pakiramdam ang mag open sa mga ganong tao. Pakiramdam niya walang judgement kung mag o-open siya. Saka madalas niyang gawin iyon kapag bored siya.

Kaya kayo, mas piliin niyong ibang bagay ang gawin niyo kapag na bo-bored kayo lalo na kung alam niyong mabilis kayong maattach o marupok kayo. Mabilis kasing magpakain ang kaibigan ko sa anay eh.

Ito na nga ang bagay na ginawa niya, nag near group siya 'ulit'. Palagi naman siyang nag n-near group. Hindi na bago iyon sa pandinig ko sa kwento niya kahit nakakaumay. Rekomenda kasi yun ng kapatid niya mag near group na lamang daw siya kapag na bo-bored madalas niya kasing kulitin yung kapatid niya.

Nung nag near group ang ate niyo, nakailang end din siya bago makatagpo nang matino-tinong kausap. Parang may koneksyon agad sila sa isa't-isa. O hindi ba't landing-landi ang ate niyo? Koneksyon agad. Hay nako.

Napailing na lamang ako.

Matagal na oras din sila nagkachat bago siya mismo chinat nung nakachat niya sa near group sa kanyang account. Sana naiintindihan niyo kahit nakakalito itong i-kwento.

Hindi ko alam kung siya nga ba ang nag add dun sa lalaki o siya mismo ang in-add. Pagtapos nun, tuloy-tuloy na silang magkausap kaso madalas abala ang lalaki kasi may trabaho yun kahit bakasyon.

Napagdesisyunan nilang magkita. Nagulat nga iyong kaibigan ko kasi hindi niya inakalang mukhang paminta ang lalaki. Nagdadalawang-isip din siya kung uuwi na lamang siya kasi na b-boringan daw siya kasi hindi masyadong naimik sa kanya. Ang tahimik daw. Alam kong ayaw nang kaibigan ko sa tahimik masyado, gusto non sa madaldal. Eh ayun tinamaan yata ni Kupido pagtapos ng tagpong yun.

Wala naman sa kanya kung angat ng kaunti sa buhay yung lalaki. Thankful pa ko kasi sa ilang beses siyang pinagpalit may natagpuan siyang magmamahal sa kanya. Siya kasi iyong tipo nang babae na madalas manlibre sa lalaki. Wala sa kanya ang gastos. Tinitipid niya ang pera niya para sa taong gusto niya pero nung natagpuan niya itong si Kuya bumaligtad ang mundo. Siya na iyong palaging nililibre. Hindi rin siya sinisigawan nito kapag nag-aaway sila  hindi katulad nung nakaraan niya.

Nanligaw sa kanya yung lalaki nung pangatlo nilang pagkikita. Sobrang bilis ng pangyayari. Sa pagkakaalala ko tinanong pa siya kung handa na ba siya ulit magmahal pero itong kaibigan ko um-oo. Smooth pa iyong unang buwan nila, nag aaway pero nabibigyan din agad ng solusyon. Kaso lang, hindi masyadong matibay ang pundasyon ng relasyon nila.

Palaging abala ang lalaki sa pag aaral at trabaho nito pero hindi na siya nagbibigyan ng oras. Ang gusto pa naman ng kaibigan ko yung palagi siyang inu-update. Hindi ba't yun naman ang gusto nang babae?

Hindi naman niya ibig sabihin na oras-oras siya i-chat o i-text gusto niya lamang na magtext manlang kahit tuldok o magchat para malaman niyang may pupuntahan ang lalaki. Napag usapan nila iyan sa personal pero hindi yata naging maliwanag pati ang trust issue niya napag usapan din. Pero sadyang may mga taong akala natin kapag kinuwento na natin sa kanila yung nangyari eh maiintindihan nila tayo. Yun pala hindi.

Sinabing niya ibigay muna sa kanya ang tatlong buwan para mag adjust sa relasyon. Hindi ba't ganon naman talaga sa unang mga buwan ng relasyon niyo? Yung nagkakapaan pa kayo nang ugali.

Sumobra yata ang kaibigan ko. Masyado siyang naging praning sa mga nangyari. Hindi ko naman siya masisisi dahil sa nangyari sa kanya noon. Ang takot na lang niyang ipagpalit ulit siya sa kunong 'bestfriend' o kaibigan ng ka-relasyon niya.

Nagbreak din sila nang lalaki nung malapit na sila sa ikalawang buwan ng relasyon nila.  Hindi na siya napagbigyan na baguhin ang sarili niya kahit manlang itama siya sa kanyang ginagawa. Nakakalungkot sa parteng iyon, ang dali siyang nabitawan ng lalaki. Ganon kasi din siya kadaling nakuha kaya siguro ganon. Nakakalungkot na nakahawak pa rin ang kaibigan ko pero nakabitaw na pala ang lalaki. Nakakalungkot din iyong kinuwento niya na nagtatanong siya kung anong mali niya nung sila pa, kung may mali man sa kanya sabihin agad para mabago niya. Mahirap kasi hindi transparent ang lalaki. Hindi nasabi sa kanya agad. Saka na lang sa kanya sinabi nung wala na. Nung tapos na. Nung mas pinili na nung isa na hindi ayusin ang pwede pang maayos.

Nakakapanghinayang din na hindi manlang nakipagbreak sa personal ang lalaki kundi sa text pa. Sana manlang nagpakalalaki siya at sa personal mismo sinabi ang lahat. Mapapatanong ka na lang, " Duwag ka ba? May bayag ka ba? Bakit hindi mo sabihin sa kanya sa personal? Bakit sa text o sa chat mo lang dinaan?"

Pero ang sabi ko sa kaibigan ko. Hindi man sa kanya niliwanag ang lahat. Kahit walang closure sa personal. Kailangan niya pa rin mag move on. Dahil ang mahalaga naman natuto siya. Natuto siya na unahin muna ang sarili niya. Dapat ayusin niya muna yung sarili niya bago siya makipagrelasyon ulit. Dahil tulad nga nitong naranasan niya. Nakipagbreak sa kanya ang lalaki dahil hindi siguro willing ang lalaki na samahan at tulungan siyang mag grow. Masyadong mababaw ang naging pagmamahal sa kanya nito. Yun ang nakikita ko.

Isa rin sa mga kaklase namin ang nagsabing, "Napagdaanan mo na yan noon. Mas makakaya mo na yan ngayon". Ngumiti siya napagtantong tama ang winika nito sa kanya.

Naging maayos naman yung pakiramdam niya matapos ng isang linggo kasi ang nasa isip niya kung napagdesisyunan ng lalaki sa loob lamang ng dalawang araw kung hihiwalayan siya nito o hindi. Bakit pa niya papatalagin ang pag mo-move on niya? Bakit pa niya pipiliin na maghirap sa mahabang panahon? Samantalang yung isa, ayun masaya na at nakapagdesisyon agad na mas maiging tapusin ang relasyon.

Kaya, kayo,ako, ikaw, sila o siya siguraduhin natin na bago tayo sumabak sa relasyon alam dapat natin na handa na talaga tayo. Hindi tayo dapat tayo nakikipagrelasyon kasi naiinggit tayo sa mga taong nasa paligid natin na meron ng mga jowa.

Dapat din matibay ang pundasyon ng relasyon. Para mas subok ang pagmamahal. Para hindi ka susukuan ng ganon na lang. Mas kilalanin muna dapat ang isa't-isa. Hindi yung nakaramdam ka lang ng kilig eh para kang globe na go lang ng go.

Hirap kasi sa ibang lalaki, ang daling magkagusto sa babae tapos madali rin bumitaw. Mabuti pa ang tore sa mobile legends hangga't kaya nilang ipaglaban, ipaglalaban pa rin nila. Ganon talaga ang ibang lalaki, mindset nila madami pang babae dyan. Kaya ganoon lang sa kanila kadali ang bumitaw.

#AkalaKoSiyaNa1


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C2
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión