© WebNovel
TAHIMIK na nakamasid si Joelle sa mga taong dumaraan sa harap niya habang nakaupo at umiinom ng paborito niyang mocha frappuccino. Hindi niya kinaya ang panonood sa kaibigan niyang si Maddy sa ginagawa nitong pagsusukat ng mga damit kaya ipinasya niyang hintayin na lamang ito sa outdoor café na katabi lamang ng boutique na kinaroroonan nito.
Kahit kailan talaga hindi niya kinahiligan ang pamimili ng damit, pretty clothes in particular. Hindi sa wala siyang pambili ng mga iyon. Sadyang komportable lang siya sa usual get up niyang maluwang na T-shirt at maong pants. Kaya nga napagkakamalan siyang tomboy ng karamihan. Mukha daw kasi siyang lalaki kung manamit. Hindi siya nag-aayos at lalong hindi siya makikitang naka-dress o skirt man lang. Ang hilig din niya sa oversized shirt at sneakers. One of the boys din siya sa eskuwelahan nila. Madalas siyang makikitang nakikipaglaro sa mga lalaki sa kanila ng basketball at kung away din lang ay hindi niya inuurungan kahit mauwi sa pisikal na away iyon.
Masisisi ba siya? Lumaki siya sa piling ng Daddy niya at tatlong nakatatandang kapatid na pulos mga lalaki. Namatay kasi ang Mommy niya sa panganganak sa kanya kaya hindi na niya ito nakilala pa. Namulat siya sa gawi ng mga nakapaligid sa kanya. Their clothing, their ways of moving, their ways of talking, lahat ng iyon ay naabsorb niya.
Naalala pa nga niya noong unang beses niyang dalawin ng monthly period niya. Nataranta siya dahil hindi siya informed tungkol doon pero higit na nataranta ang mga kapatid niya. Wala kasi silang kasambahay dahil hindi sanay ang pamilya niya na may ibang tao sa bahay. Nagkataon pang wala ang ama nila. Hindi magkamayaw ang mga kuya niya sa pagpapatahan sa kanya at sa pagpapakalma na rin sa mga sarili. Mabuti na lang at kahit papano ay naisipan ng mga itong bilhan siya ng sanitary napkins. Mukhang natuto na ang mga ito pagkatapos niyon kaya naisipang kumuha ng babaeng kasambahay.
"Ang tagal naman. Binili na ba niya ang buong boutique?" bulong niya sa sarili habang nakatingin sa glass door ng boutique. Malapit na kasi siyang tubuan ng ugat kakahintay sa kaibigan niya.
Inabala na lang niya ang sarili sa pagmamasid sa mga taong naglalakad sa lugar na iyon. Just then a commotion caught her attention. It was like a part of a movie. Iyon nga lang baliktad ang eksena. Imbis na iyong lalaki ang humahabol sa babae, it was the other way around. Pero hindi na nakapagtataka iyon. Napakaguwapo naman kasi ng lalaki. Natural sa itsura nito ang hinahabol.
Isa pa, uso na ang gender equality.
"Ridge please, kausapin mo naman ako." sabi ng babae habang pigil nito ang lalaki sa braso.
Sa interpretation niya, mag-boyfriend ang mga ito na may lover's quarrel. Ang taray naman ng dalawang ito. Sa kalsada pa talaga naisipang i-display ang lover's quarrel ng mga ito. Pero sabagay, look at the bright side. Kung walang eksena ang mga ito, malamang nakatulog na siya roon dahil sa pagkainip.
"Ridge, let's work this out"
"Pwede ba, Rhea! I said it's over, can't you understand that? O gusto mong tagalugin ko pa para sa'yo? Wala nang tayo." Kasabay niyon ay ang pagtanggal ng lalaki sa kamay ng babae sa braso nito. "Stop this already! You're annoying!"
"Ridge---"
Infairness sa kakulitan ni ate ha, award!
Naudlot ang ngiti niya nang mapadako sa direksiyon niya ang tingin ng lalaki. Sigurado siyang sa kanya na ito nakatingin. Mali, hindi tingin. Nakatitig na ito sa kanya. He was matching her stares.
Nagsimula itong maglakad sa direksiyon niya habang nakatitig pa rin sa kanya.
I smell trouble. Napalunok siya.
Tuloy tuloy lang ang lakad nito papunta sa kinaroroonan niya. Hindi na niya hinintay pa na makarating ito sa puwesto niya. Wala na siyang balak alamin kung sa kanya ba talaga ito papunta o lalagpasan lang siya, tumayo na siya at naglakad papunta sa boutique na kinaroroonan ng kaibigan bitbit pa rin ang inumin niya. But just when she was about to open the glass door, she felt a hand grabbed her arm and turned her around. Mainit na labi ang sumalubong sa sarili niyang mga labing bahagyang nakaawang dahil sa pagkagulat. Naramdaman din niya ang malamig na likidong tumilamsik sa paa niya. Nabitawan niya ang frappuccino niya.
Maging nang lumayo ito sa kanya ay tulala pa rin siya. Did he just---
"You see, I have a new girlfriend" narinig niyang sabi nito kasunod ang malakas na tunog ng pagkakasampal dito ng babaeng humahabol dito kanina. Nakalagpas na lamang ang babae sa kanya ay tulala pa rin siya. Bumalik lamang ang huwisyo niya nang balingan siya ng lalaki. "I'm sorry for that miss. You see---" hindi na niya ito pinatapos at pinalipad ang kamao niya sa gilid ng mga labi nito. Tumumba ito sa lakas ng impact ng ginawa niya. Serves him right!
"Y-you..." bakit hindi niya masabi? Dahil ba hindi niya matanggap ang nangyari. Pero hindi siya papayag na hindi pagsalitaan ito. "Y-you..." kaya mo iyan, Joelle. Palaban ka diba? "Y-you spilled my frappuccino!"
Where the hell did that came from?
Sa sobrang kahihiyan at inis ay tumalikod na siya at tumakbo palayo. Naramdaman din niya ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha niya. Shit! I lost my frapp! Lalo siyang napaluha. Ang first kiss ko!