♡ Carson's POV ♡
Pagkatapos kong ihatid si Syden sa kwarto niya, sinigurado ko munang walang nakamanman sa akin dahil baka kung ano pa ang planuhin laban sa akin, lalo na sa kanya. Subukan lang nila. Gabi na rin kasi kaya hinatid ko na rin siya dito at pagkasara niya ng pinto, hindi muna ako kaagad umalis. Mukhang okay naman ang paligid and I could see no threat. Nag-umpisa na akong maglakad para bumalik na rin sa kwarto ko at magpahinga.
Almost the whole Blood Rebel's group palagi na lang tinatanong kung bakit hindi na lang daw kami magsama sa iisang kwarto. Natatawa na lang ako sa tuwing tinatanong nila 'yon. I mean, there are rules na sinasabing dapat nakastay lang kami sa designated rooms na binigay sa amin. We can break that rule together pero ayaw ko. Kahit girlfriend ko siya, I still want to give her some privacy at ayaw kong maramdaman niya na kinkontrol ko siya just because I'm afraid to lose her. Well after all, I will let myself be controlled by her.
Habang naglalakad ako sa hallway, it's already 10:13 pm kaya wala ng katao-tao at ako na lang mag-isa ang naglalakad ng ganitong oras. Given na madilim, nakikita ko pa din naman ang dinadaanan ko. Student council officers? They rule this place they say kaya nga Highest supreme territory ang tawag sa building na 'to but in my case, I rule this place sa ayaw at sa gusto nila. I control everyone's life or they will die. Kaya nga mahal na mahal ko siya, just because she still accepted me despite of my flaws. And I can rule this whole academy just for her.
Habang naglalakad ako, biglang bumukas ang pintuan ng kwartong dinadaanan ko. Hindi ko nakita kung sino ang nasa loob pero bigla akong hinila nito sa loob ng isang napakadilim na kwarto kaya hindi ko siya mamukhaan. It was unexpected kaya hindi ako kaagad nakaiwas. Pagkahila niya sa akin sa loob ay mabilis nitong isinara ang pintuan at itinulak ako sa may pader. Hindi ko pa rin siya mamukhaan kahit na pinipilit ko siyang kilalanin but one thing is for sure. Babae siya.
I never felt this feeling before just because of what she did. I was frozen for a few seconds when she suddenly kissed me harder. The way she was kissing me, something inside me was stabbing me harder and harder. The beat of my heart was not normal that time, parang sasabog ako sa sobrang kaba. I never felt this afraid. Bigla kong itinulak ang babaeng 'yon papalayo sa akin at pinunasan ang labi ko at dahil sa pagkatulak ko ay naaninagan ko kung sino siya, "WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING, SAVANNAH?!" galit kong sabi dito.
"Don't you like it?" unti-unti siyang lumapit sa akin and I knew the fact that she was trying to seduce me, "You know, you don't need to resist. This will just be a secret, I promise" she slowly held my neck hanggang sa napunta ang mga kamay niya sa labi ko kaya't seryoso ko lang siyang tinignan. Kung si Syden lang ang nasa posisyon niya, there's no need for me to resist.
"I want to do something to you" seryoso kong sabi sa kanya habang tinitignan niya ang mga mata at labi ko kaya mas lalo pa siyang napangiti ng masama, "Fine, you can do all you want" saad nito at dahan-dahang lumapit sa akin. Aktong hahalikan niya ako, I tightly held her hair and locked her against the wall habang nakaharap siya sa akin kaya ngayon, nagkapalit kami ng posisyon.
"AWWWW!!" sigaw nito at nabigla siya sa ginawa ko.
Habang hawak ko ng mahigpit ang buhok niya ay ginamit ko naman ang kabilang kamay ko para hawakan ng mahigpit ang bibig niya, "I badly want to kill you at kaya kong gawin 'yon ngayon kung gugustuhin ko!" gustung-gusto ko na siyang tapusin pero pinipigilan ko dahil sa ngayon, ayaw ko munang gumawa ng gulo against the council hangga't hindi pa namin sila nakikilala knowing that they are under Mr. Wilford's commands.
"Hindi pa ba sapat lahat ng ipinakita ko?! I love you!! Just give me one chance!" saad nito kaya lalo ko pang hinigpitan ang pagkakapisil ko sa bibig niya. The hell I care kung nasasaktan siya?! Alam ko naman na inis na inis rin si Syden sa kanya.
"Ito ang tatandaan mo!" tinapatan ko siya at masamang tinignan kaya diretso kaming nagkatinginan.
"You can never be my Bliss Syden. I love her and no one can replace her!" saad ko dito.
"But I can break you apart. Ano sa tingin mo ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang hinalikan kita? Masasaktan siya and you can never lie dahil alam kong ginusto mo rin naman ang ginawa ko" saad nito na nginitian ako ng masama kaya't mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa buhok niya.
"Alam nating pareho kung gaano ka kadesperada! Huwag mo akong itulad sa ibang lalaki, I am different from them! Don't you dare try me, Savannah! Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin! I can go beyond the boundaries!"
"Kung hindi mo rin naman pala ako mamahalin, I will just kill your own happiness! Sabay tayong magdusa!" simula ng marinig ko 'yon mula sa kanya. Nag-umpisa ng magdilim ang paningin ko sa kanya so I can't blame myself for killing her in a few seconds.
"Don't you dare try to hurt my queen!" I said using a cold and threatening voice at bigla na lang lumipat ang mga kamay ko na nakahawak sa bibig niya papunta sa leeg niya. I could just feel my hand na unti-unti na siyang sinasakal habang masama pa rin akong nakatingin sa kanya.
"S-s-stoppp!" naririnig ko ang pagmamakaawa niya habang unti-unti siyang nawawalan ng hininga pero hindi ko napigilan ang sarili ko kaya't mas hinigpitan ko pa. Napahawak na rin siya sa kamay ko at pinipilit na tanggalin ang kamay ko na sinasakal na siya pero ano pa nga bang magagawa niya kung mas malakas ako.
"S-s-s-top- " dinig kong pakikiusap niya hanggang sa may tumulong luha mula sa mga mata niya. Umiiwas ako sa mga babaeng katulad niya knowing that she is a threat to our relationship. Pinapahalagahan ko ang relasyon namin at hindi ako papayag na basta-basta na lang sirain ng kung sino.
Narinig kong biglang bumukas ang pintuan at nakita ko rin kung sino ang pumasok. Nabigla siya ng makita niya kung ano ang ginagawa ko sa babaeng 'to kaya nagmadali siyang lumapit sa amin at inilayo ako sa babaeng nasa harapan ko na kanina ko pa gustong patayin, "WHAT ARE YOU DOING?! ARE YOU PLANNING TO KILL HER?!" galit na tanong nito.
"THE HELL YOU CARE KUNG GUSTO KO SIYANG PATAYIN?!" sagot ko sa kanya. Another threat. Tsk!
Napahawak si Savannah sa leeg niya habang hinahabol ang hininga niya. She should be thankul because this man came kaya hindi ko siya tuluyang napatay. She started to cry kaya nilapitan siya ng lalaking 'to at lumuhod sa harapan niya dahil napaupo siya, "Are you okay?!" nag-aalalang tanong nito sa kanya. Tumingin lang siya dito habang umiiyak siya. Nagmadali siyang tumayo at umalis kaya napailing na lang ako. That's what you get for doing this to me.
"Stop right there, Dean Carson" saad nito ng maisip kong umalis na kaya tumigil ako sa paglalakad. Ngumisi ako ng masama at humarap sa kanya, "What do you want, Phoenix Vernon?" someone stop me, dahil baka pati ang isang 'to, tapusin ko na rin. I know that he actually likes Syden.
"Why did you do that?" tanong nito kaya mas napangiti na lang ako ng masama at tinapatan ko siya.
"Not your business" saad ko dito na ikinainis niya.
"Shall I teach you the word, respect? Pati ba naman babae sinasaktan mo?" tanong nito kaya't mas tinapatan ko siya.
"Shall I teach you the word, makuntento? Hindi ka kasi marunong makuntento sa kung anong meron ka kaya pati girlfriend ko dinidikit-dikitan mo?" habang nakangiti ng masama, naging seryoso ang itsura ko just to inform him that I am aware sa bawat galaw niya.
"I pity Bliss Syden for having you. It must have been hard on her part na pakisamahan ang isang tulad mo" saad nito.
"I pity you for not having her by your side. Dahil sa ating dalawa, ang isang mahirap pakisamahan na tulad ko pa ang pinili niya. Am I not lucky?"
Wrong move, Phoenix Vernon.
"Lahat ng ginagawa mo, babalik din sa'yo. 'Yan ang tandaan mo, Dean Carson. Lahat ng meron ka ngayon, mawawala din sa'yo, including her. You can rule everything, but you can't rule forever" masamang sabi nito at diretso kaming nagkatinginan.
"Don't worry, I was born ready" sagot ko sa kanya.
Nag-umpisa na siyang maglakad at nilagpasan niya ako pero hinawakan ko siya sa braso kaya natigilian siya at napatingin sa akin, "The whole Blood Rebel's group is watching you. I am watching you" saad ko dito and this time, inunahan ko siya sa pag-alis at ako ang naunang lumabas sa kwartong 'yon.
Binilisan ko ang paglalakad pabalik sa kwarto ko just because nasira ang maganda kong mood dahil sa dalawang 'yon. Sa dinami-rami ng panahon, bakit ngayon ko pa sila nakaharap? All was well until they came. Kahit kailan talaga, panira sila.
Nang matanaw ko ang kwarto ko, mas binilisan ko pa ang paglalakad. Pabagsak kong binuksan ang pintuan at pabagsak rin itong isinara. Hinagis ko ang hawak kong susi sa may kama ko at dumiretso sa cr. Nagmadali akong hugasan ang mukha lalung-lalo na ang labi ko. Habang hinihilamusan ko ang mukha ko, napatingin ako sa salamin. Nakita ko ang sarili ko na galit na galit habang nakatingin sa repleksyon ko. Biglang kumuyom ang mga kamay ko. Why do I feel like sobrang laki na ng kasalanan ko sa kanya? Hindi niya pwedeng malaman 'to dahil alam kong masasaktan siya. Una sa lahat, I didn't expect that to happen.
I am 100 percent sure na kung ano yung naramdaman ko noong nakita kong magkahalikan sila ni Blake, ganon din ang mararamdaman ni Syden kapag nalaman niya ang ginawa ni Savannah. I don't want to hurt her pero ayaw ko rin namang magsinungaling sa kanya. Alam kong masasaktan siya, pero kailangan kong sabihin sa kanya dahil alam kong mas masasaktan siya kapag nalaman niya pa sa iba ang ginawa ng babaeng 'yon. Hindi ko ginusto ang nangyari.
Every pieces of me is just for her. Para sa kanya lang at wala ng iba.
"There's no need to resist kung ikaw ang nasa posisyon niya kanina, my Bliss Syden. I'm sorry" sabi ko sa sarili ko. Why am I becoming like this? Selfish again, Dean Carson?
I couldn't stop my self from punching the mirror infront of me kaya't dumugo ang kamay ko ganon na rin ang pagtulo ng dugo sa mismong basag na salamin. If I became more aware, this wouldn't have to happen. That Savannah girl has something to threaten me. Kailangan ko siyang maunahan bago niya pa man sabihin kay Syden ang nangyari. If she's not a member of the council, ngayun-ngayon din kaya ko na siyang tapusin. At isusunod ko na rin si Phoenix Vernon. Those two are really getting into my nerves.
"What's the commotion all about, Dean Carson?" napatingin ako sa may pintuan ng marinig ko ang boses ni Dave. Nakasandal siya sa may pintuan ng cr ng kwarto ko at nag-aalalang nakatingin sa akin pero hindi non nabago ang itsura ko.
"Showing that devilish face again? Ano bang nangyari?" tanong pa niya pero hindi ko siya sinagot at muling tinignan ang sarili ko sa may basag na salamin.
"Magsalita ka nga. Natatakot na ako sa'yo. Ngayon lang kita nakitang ganito ulit, after a long time" dagdag pa niya kaya muli ko siyang tinignan.
"Should I call her?"
"Don't" sagot ko sa kanya dahil nakuha ko naman agad kung sino ang gusto niyang tawagin.
Tinignan ko ulit ang repleksyon ko sa salamin, "Let her rest and I will do the rest" saad ko.
"So, pwede mo na bang sabihin kung anong nangyayari? I got worried dahil narinig kong may nabasag dito sa kwarto mo. Good to know na hindi mo nasara yung pintuan kaya nakapasok ako. One thing, ano sa tingin mo ang mararamdaman niya kapag nakita niyang ganyan ang sitwasyon mo?" pahayag niya kaya diretso akong napatingin sa kanya.
"A threat, Dave. We need to eliminate the threat" saad ko at ilang segundo rin kaming nagkatinginan kaya nakuha na niya ang ibig kong sabihin.
"What do you want me to do?" tanong nito and he turned serious just like me.
Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin at mas kumuyom pa ang kamay ko, "Call the whole Blood Rebel's group" I said.
To be continued...