Descargar la aplicación

Capítulo 22: 22

            SA isang coffee shop malapit sa opisina humantong si Eunice at Arriane pagkatapos siya nitong ayain upang mag-usap. She still does not have any idea why she was suddenly talking to a very popular woman. Pero kung ano man ang dahilan niyon ay hindi niya tiyak kung maganda. Dahil kung ganoon nga ay bakit kanina pang nagpoprotesta ang tibok ng puso niya.

"Sa tingin ko naman kilala mo ako." Simula nito. "If not, I'll introduce myself. I'm Arriane de Guzman."

"Hi, Miss de Guzman." Sabi niya rito at tinanggap ang pakikipagkamay nito. "I'm Eunice Abueva."

"I know. Ikinuwento ka ni Ethan sa akin."

Ethan.

Ang marinig ang pangalang iyon mula sa magandang babaeng kaharap ay nagpasikdo pang lalo sa dibdib niya. She was not sure where this conversation would be leading but she was sure she was not feeling good about it.

"Y-you know, Ethan?"

"Of course. He's my fiancé."

Para siyang sinampal sa huling sinabi nito. Fiance? Hindi siya kaagad nakapag-react. Parang tumigil ang mundo niya sa narinig. Pinipilit na i-digest ng utak niya ang huling salitang sinabi nito ngunit hindi naman iyon tinatanggap ng sistema niya.

"You look surprised? Mukhang hindi nga niya nasabi sa'yo bago siya umalis ng Alcala Enteprise." Her expression changed from being a nice, sophisticated lady to a mocking witch. Kung ganoon ay umaarte lamang itong mabait kanina.

...bago siya umalis ng Alcala Enterprise.

Ang sabi ni Ethan ay may aasikasuhin lamang ito kaya ito mawawala sa opisina ngunit hindi nito sinabing aalis na ito ng tuluyan. He was even smiling the last time they talked. But how would this witch even know he left work if she was not telling the truth?

"Kaya ako na ang nagkusang makipag-usap sa iyo. You see, my Ethan is really nice. Ayaw niyang makasakit ng damdamin ng iba. Kaya hindi niya magawang sabihin sa'yo na lahat ng namagitan sa inyo, those were all for fun. He was bored when I was away kaya naman nang magpakita ka ng motibo ay pinatulan niya. He was nice, yes, but he was still a man. But now that I'm back, he wants to set things right, starting with you, I'm sure."

"Y-you're bluffing. I never even saw you with him." Kulang sa lakas na sabi niya. Ayaw man niyang maniwala ay parang libo-libong karayom naman ang katumbas ng bawat salitang binibitiwan nito.

"That's because I was out of the country for a while. Kaya nga siya naghanap ng mag-aaliw sa kanya eh. Dahil wala ako sa tabi niya." Confident na sabi nito.

Mag-aaliw? Is that what she really was to him? Taga-aliw?

"Okay, I'll try to understand you because you must be hurting. My fiancé is really a good catch kaya hindi na ako magtatakang na-in love ka na sa kanya." Patuloy nito. Hindi niya sigurado kung tama bang patuloy niyang pakinggan ang sinasabi nito ngunit parang wala siyang lakas na tumayo. Nanghihina siya sa mga naririnig. "Pero kailangan mo ring intindihin na ang mga tulad ni Ethan, he's not the type to get serious with just anybody."

"J-just anybody?" ano ba ang ibig nitong sabihin?

"Oh right! Hindi rin siguro niya sinabi sa'yo kung sino talaga siya. He is, by the way, the CEO of EM Technologies Inc. His deceased father was a business tycoon and her mother came from a rich family as well. Natural lang sa mga katulad niya ang magpakasal sa babaeng ka-level niya. In that case, that would be me."

Ano raw iyon? Ayaw ni Ethan na makasakit ng damdamin ng iba? Kaya ba isinugo nito ang fiancé nito para magpaliwanag sa kanya? And what was he expecting? Na hindi na siya masasaktan kung ang fiancé nito ang magpapaliwanag sa kanya?

Bumalik sa alaala niya ang mga kabaitang ipinakita ni Ethan sa kanya. Noong araw na pinasukob siya nito sa payong nito at ipinahiram ang panyo nito sa kanya. Noong ito mismo ang maglagay ng jacket nito sa balikat niya dahil akala nito ay giniginaw siya. And that kiss under the rain. Lahat ba iyon ay palabas lang?

Hindi na niya alam kung kaya pa ng utak niya na i-process ang lahat ng mga narinig niya. Parang nakikidamay pa sa pagpapagulo ng utak niya ang mga alaala niya. She had enough from this woman and she can't take anymore of her words. Tumayo na siya.

"Thanks for the information." Iyon lamang at umalis na siya sa lugar na iyon. She felt like crumbling down but she needs to stay strong. Kailangan niyang malaman ang totoo mula sa taong mapagkakatiwalaan niya. She has to be sure before she let the hurt eat her whole.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C22
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión