Descargar la aplicación
78.35% Love Connection [Tagalog] / Chapter 76: CHAPTER 59 - Bad Dream

Capítulo 76: CHAPTER 59 - Bad Dream

V3. CHAPTER 25 - Bad Dream

NO ONE'S POV

"Hey Bro! When did Aldred sign up for that?!" manghang tanong ni Charles. Pag-iling naman agad ang naisagot ni Jerome sa kaniya.

"I don't know... Wala naman siyang nasasabi sa akin," tugon ni Jerome. Ilang butil naman ng pawis ang nabuo sa kaniyang noo dahil sa nangyayari.

Parehas na hindi maipaliwanag ng dalawang kaibigan ni Aldred ang ire-react sa kanilang nasasaksihan.

"I am the Black Prince, the son of the Wicked Witch you've just killed."

Prince Phillip: Is—Is this for real? When did the Wicked Witch have a son?

Hindi man halata pero ang tanong ni Prince Phillip ay tanong niya padirekta sa mga staffs at crew ng play nila. Hindi kasi siya na-inform ukol sa scene na ito.

Tinignan ni Natalie ang mga gumaganap na fairy ngunit hindi makasagot ang mga ito. Lahat kasi ng mga sinasabi nila ngayon ay pawang mga adlibs na lamang kaya walang tunay na nakakaalam sa mangyayari sa kwento. Nagkaroon ng katahimikan sa buong theater hanggang sa isang fairy ang nag-step forward.

Fairy 2: We—We're sorry your highness. We too have no such idea about him. Many years have passed but no one talks, even the dark forces such a single thing about his existence. The Wicked Witch lives in a secluded and magically protected area that's why we do not have any idea about her actions.

Pinulot ni Aldred ang isang espada na nakakalat sa stage at palarong iwinasiwas ito.

Black Prince: What a weak sword. I, the only son of the powerful witch will grant this metallic material the ability to cut even the hardest element in the whole world. This sword will become the nightmare of all the people who hurt my mother. I will make sure that every stroke, cut, and slash they receive from this cursed sword will be their first taste of hell.

"Shit, Je, mga lines iyan sa mga RPG games na nilalaro niya," saad ni Charles.

Prince Philip: I see...

Unsure na binunot ni Natalie ang espada niya.

Hindi alam ni Natalie kung ano ang balak ni Aldred pero sa takbo ng mga pangyayari ay may pag-asa pa naman para ma-conclude ang palabas ng maayos. Liningon niya ang kama kung saan nakahiga si Arianne. Nakapikit pa rin ito. Nakaramdam si Natalie ng relief at the same time ay frustration.

Black Prince: The fairy is right. No one knows who I am for I was born from sorrow that everyone despised. I am the fruit of human negativity. The ugly truth that everyone is hard to accept. My mother is the only one who understands me but now she's gone because you killed her!

Kinilabutan ang mga manunuod sa ginawang pagsigaw ni Aldred. Actually, hindi lang sa pagsigaw niya kundi pati sa pagbitaw niya ng mga linya. Kahit si Natalie ay namangha kaya ginanahan siya. Halos mapanganga naman sina Jerome at Charles dahil ngayon lang nila nalaman na may hidden talent pala sa pag-arte ang kaibigan nila.

Prince Phillip: It's not that I killed her for no reason! A lot of living beings have suffered because of her. Killing is the last thing I wanted to do to make everything right.

Pagkatapos magsalita ni Prince Phillip ay nagsimula ng mag-charged ang Black Prince. Maingat silang dalawa na naglakad habang nakatingin sa isa't-isa. Tila nagko-contemplate kung sino ang dapat mauna.

Black Prince: To take my mother away from me is more than enough. I will not let you be pleased anymore by taking away her gift to me.

Prince Phillip: What do you mean?

Black Prince: My princess, her eternal beauty, will sleep beside me, forever.

Pagkarinig ni Prince Philip ng mga huling salita na binanggit ng Black Prince ay nakaramdam siya ng totoong pagkirot sa kaniyang dibdib. Hindi niya ma-control ang paggigil ng kaniyang mga kamay at nakita na lamang niya ang sarili na tumalon pa-atake kay Aldred.

Halos mapanganga ang mga audience sa kanilang pinapanuod. Ilang maaksyong pag-swing at paghampas ng dalawang espada ang makikita at maririnig sa buong theater. Nakakamangha ang stunts at form ng dalawang aktor na animo'y mga professional na sa kanilang kilos. Natural kay Natalie na matutunan ang mga iyon dahil matagal niya itong pinagensayuhan pero si Aldred ay nakuha lang ang mga nalalaman niya sa paglalaro ng videogames.

"Aldred anong ginagawa mo dito?" tanong ni Natalie nang magkaroon ng pagkakataon na magkalapit sila. Pasimple niyang pinatay ang kaniyang mic habang magka-clash ang espada niya at ni Aldred.

Ngumiti si Aldred at pasimple ring pinatay ang mic niya.

"Hindi ko alam."

"H-Huh?!"

Hindi makapaniwalang reaksyon ni Natalie. Itinulak niya ang kaniyang espada dahilan para mapaatras si Aldred ng isang hakbang.

"Okay, hahalikan mo kasi si Arianne kaya nagselos ako!" paliwanag ni Aldred. Itinulak niya rin ang kaniyang espada na nagpaatras naman kay Natalie ng tatlong hakbang.

Masyadong malakas si Aldred kaya napilitan ng tumalon si Natalie pa-atras.

Natalie clenched her teeth. Nilingon niya ang kama kung saan nakahiga si Arianne saka nanlilisik na binalik kay Aldred ang kaniyang tingin. Tumalon siya at sinugod muli ang Black Prince.

"Part lang iyon ng play."

"Alam ko. Pero kasi, basta, I can't take it! Hindi ko kayang makita na may ibang hahalik kay Arianne sa harapan ko," saad ni Aldred kasabay ang kaniyang emosyon na hindi niya na-control. Sobrang lakas ng naging paghampas niya ng espada.

"Shit!" nabulalas ni Charles noong makita niya kung paano napunit ng hangin ang kapa ni Natalie. Napatahimik lahat ng manunuod at halos tumigil sa pagtibok ang kanilang mga puso. Nabato naman si Natalie sa kaniyang kinatatayuan. Mabuti na lamang ay nakaiwas siya kung hindi ay sa ospital ang bagsak niya.

"So-Sorry Nat," nag-aalalang nasambit ni Aldred saka siya lumayo.

Pagkatapos ng katahimikan ay napalitan ng mahihinang bulungan ang paligid. Marami ang napapatanong kung part ba talaga iyon ng play. Nakakasigurado kasi sila na mamamatay ka talaga kapag hindi mo nagawang iwasan ang ganoong atake.

"What are they doing? Papatayin niya ba si Natalie?" naguguluhang tanong ni Noreen.

"Huh? What do you mean?" balik na tanong naman ni Eunice.

"This is not part of the play anymore. Their lips are moving but we can't hear any single thing they say."

Parehong tinignan ni Noreen at Eunice ng maigi ang kanilang kaibigan na ngayon ay nakayuko. Nakababa ang espada na tila pagod na.

"Okay lang kaya siya?" Nagaalalang saad ni Eunice.

Totoong pagod na si Natalie. Halos magdadalawang oras na siyang umaarte kaya natural lang iyon. Natural na mapagod siya physically pero hindi iyon ang dahilan kung bakit siya nakatigil.

"Why?" tanong ni Natalie na tanging siya lamang ang nakarinig. Hindi niya maintindihan kung ano pero may nasabi si Aldred na nagpaupos sa kaniyang damdamin. Inilapat niya ang kaniyang freehand sa kaniyang dibdib. Ang lugar kung saan nanggagaling ang sakit na sa tingin niya ay higit pa sa kahit anong pisikal na parusa niyang mararamdaman.

PRINCE PHILLIP: Why? Do you even love her?

Napahinto si Aldred at napatingin ng maigi kay Natalie. Sa itsura kasi nito ay nakakasigurado siya na may iba pang kahulugan ang tanong na iyon.

BLACK PRINCE: Yes.

May paninindigang sumagot ang Black Prince.

Natawa si Natalie.

PRINCE PHILLIP: How? You don't even know her. Besides, can someone like you be able to love? You are a being born in the dark.

Ibinaba ng Black Prince ang sandatang hawak niya at malungkot na tinignan ang kaniyang kalaban.

BLACK PRINCE: I know her. She is the princess who lived in this castle. She is beautiful, has good skin, and is well-loved by everyone, which means she is a good person.

PRINCE PHILLIP: And?

BLACK PRINCE: And what? Oh?

Malungkot na ngumisi ang Black Prince.

BLACK PRINCE: Humans are really a fool… especially those who lived in light for all of their lives. I pity your kind. You always thought that you understand everything but it is us, we who experience pain are the beings who truly understand how this world works.

PRINCE PHILLIP: All humans are inevitable to agony. It's not anyone's fault if someone chose to walk in the path of darkness. Everyone has a choice and choosing the malicious path is the equivalent of being evil.

BLACK PRINCE: But being on the dark path does not mean we don't have feelings! It is you, humans, you are the ones who imposed what people should think of us. My mother only want to be accepted. She just want to be loved but humans never even gave her a chance. She was always judged and loathed even though she just wanted to reach out. To reach out to the small light. The small hope that she continued to hold on.

Napaatras si Prince Phillip dahil naramdaman niya ang nais iparating ng katunggali. Nakaramdam siya ng kalungkutan para sa dinaranas nito.

Tunay na hindi pareho lahat ng mga tao. Bawat isa ay may kaniya-kaniyang damdamin, pag-iisip at pinaniniwalaan. Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang hinaharap na pagsubok at iyon ang nagdadala sa atin kung nasaan man tayo ngayon. Pero minsan dahil sa may kaniya-kaniya tayong buhay ay nakakalimutan ng mga tao na maging mapangunawa. Kung sabagay ay mas madali ang manghusga kaysa sa umintindi. Natural na piliin ng tao kung saan mas madali kahit na hindi iyon ang tama.

Inilaglag ni Prince Phillip ang kaniyang hawak na sandata. Mapait siyang napakagat sa kaniyang labi.

PRINCE PHILLIP: I understand your sentiment. You are right, I am sorry. No humans are perfect but it is not an excuse to not understand someone's feelings… to judge someone. I am ashamed of myself right now. We are blinded by the light that surrounds us, not enabling us to share it with those who are in the shadows of pain.

Pumagitna ang katahimikan sa dalawang prinsipe at tanging ang nagtititigan lang nilang mga mata ang nag-usap.

BLACK PRINCE: Do you really love her?

Nagulat si Natalie sa biglaang tanong ng Black Prince.

PRINCE PHILLIP: I—I do! I love Princess Aurora.

Tinalikuran ng Black Prince ang kaniyang kalaban.

BLACK PRINCE: Then take her.

Nagulat si Natalie. Hindi kasi ito ang reaksyon na inaasahan niya mula kay Aldred. Saglit siyang na-stun bago siya nakapag-react. Hindi ito ang ending na kinon-clude niya sa kaniyang isipan. Paalis na sana ang Black Prince pero pinigilan niya ito.

PRINCE PHILLIP: How about you? You just said you love her too.

Napatigil ang Black Prince. Nakayuko at nakatalikod niyang sinagot ang pumigil sa kaniya.

BLACK PRINCE: Yes, I do, but the Princess is as pure as light. I love her but I don't want to stain her beauty. She might not even like me when she woke up. As I said, I'm not evil to force myself on her.

Nilingon ni Prince Phillip ang mga fairies na nasa kaniyang likuran. May nais siyang ipahiwatig sa mga ito ngunit isa lang sa kanila ang nakaintindi sa kaniyang nais sabihin.

PRINCE PHILLIP: The more reason why you should have her.

Nakangiti pero hindi maikakaila ang lungkot sa mukha ni Prince Phillip. Gulat naman na napapihit palingon sa kaniya ang Itim na Prinsipe. Nagtataka sa kung anong dahilan at bakit ngayon ay pinagtutulakan siya nito para sa natutulog na Prinsesa.

PRINCE PHILLIP: You already mentioned it. Princess Aurora is a pure person. She has a pure heart. A heart that understands and does not judge. She is the kindest person I have ever met. I indeed love her, but it is not just me who loves her. Many can love one but only one can possess the greatest of all feelings… and I believe it is you. After all, only true love can wake her up.

Nag-ingay ang manunuod noong marinig ang proposisyon ni Prince Phillip. Kahit ang mga crews at staff ng play ay nabigla dahil sa tila malaking pagbabago na nagaganap sa kanilang palabas. Lumingon muli si Prince Phillip sa mga fairies at nag-step forward ang isa sa kanila.

FAIRY 2: Prince Phillip is right, no matter who he is. Only a being who possesses the greatest love can have the ability to wake up the Sleeping Princess.

BLACK PRINCE: But how about you? You've already come this far.

PRINCE PHILLIP: I've come this far not just for the Princess but also for the people that are waiting to be saved. I may not have her in my life but the most important thing is the happiness of everyone.

Napatigil saglit ang Itim na Prinsipe bago ito napahalakhak ng matindi at halos mangiyak-ngiyak.

BLACK PRINCE: What a selfless Prince. Too heroic, you're hurting my eyes. Are you sure about this? Once I have her, I won't let her go. Will you not really stop me?

Saglit na hindi nag-react si Prince Phillip bago siya marahang ngumiti.

PRINCE PHILLIP: I won't but… I just have this one request.

Napasingkit ng mata ang Black Prince.

BLACK PRINCE: What?

Marahang naglakad si Prince Phillip palapit sa Itim na Prinsipe. Habang naglalakad ito ay nagmamadali naman ang utak ni Aldred sa mga posibilidad kung ano ang mga sasabihin ni Natalie at kung ano ang isasagot niya na aayon sa magandang konklusyon ng play. So far, kahit kagulat-gulat at di niya expected ang sudden turn of events ay na-visualize naman na ni Aldred na ito ang pinaka-safest twist at path para maging kakaiba ang play. Ito rin ang path kung saan parang mananalo siya sa lotto.

"Shit, it's like Natalie is saying that I can kiss my Arianne in front of all these people," excited na saad ni Aldred sa isip-isip niya.

Nag-alburoto ang puso ni Aldred ng ma-realize niya ang kaniyang gagawin. Gusto niyang lingunin ang kamang kinahihigaan ni Arianne pero dahil papalapit sa kaniya si Natalie ay pinipigilan niya ang kaniyang sarili.

"Okay lang kaya kay Arianne na halikan ko siya? Sa tingin ko okay lang kasi part naman 'yon ng play hehe. Tama-tama, hindi siya magagalit sa akin kasi idadahilan ko na part 'yon ng play."

Lumunok ng matindi si Aldred para mapigilan ang ngisi na namumuo sa kaniyang labi. Nanatili siyang naka-tight look para hindi sumabog ang kasayahang nadarama niya.

"Wait, kapag hinalikan ko si Arianne pupunta ako sa may kama tapos yuyuko ako? Teka ang hirap humalik ng nakayuko! So luluhod ako para lumiit yung distance ng mukha namin, tapos upper lip niya ba or lower lip yung uunahin ko? Diyos ko! Pwede bang what do you call that?... Smack! Smack ko na lang both! Pero baka hindi ko ma-control sarili ko in front of this crowd. Shit! I love you, Arianne."

Aldred was in train of his thoughts kaya't huli na noong mapansin niyang nasa harapan na niya si Natalie. Nagulat na lamang siya noong biglang hawakan ni Prince Phillip ang pisngi niya saka nagsalita

"Aldred, I love you,"

Napatulala si Aldred. Bumalik lamang siya sa kaniyang sarili ng biglang magsigawan ang mga manunuod at dumagundong ang paligid dahil sa live confession.

"Natalie, what are you up to?" huling nasaad ni Aldred bago lumapat sa labi niya ang labi ni Natalie.

ARIANNE'S POV

Ilang minuto na rin ang lumipas simula ng manggulo si Aldred sa play. Nakahiga lang ako sa pwesto ko at nananatiling nakapikit. Nakikinig sa mga linyahang binibitawan ng ngayong magkalaban na sina Prince Phillip at Black Prince.

Sa totoo lang ay nagulat talaga ako kay Aldred. Hindi ko akalain na may talent siya sa pag-arte. Nadagdagan nanaman tuloy ang mga bagay na kinahahangaan ko sa kaniya. Gusto ko man mapanuod ang performance niya at ni Natalie ay pinipigilan ko ang sarili ko kahit na kanina ay na-curious ako noong biglang parang nag-react ng matindi ang mga audience.

Sa takbo ng sagutan nila Aldred at Natalie ay malapit ng matapos ang pagtatanghal. Nang ma-realize ko kung saan patungo ang istorya ay biglang tumibok ng matindi ang puso ko. Sa pagkakaintindi ko kasi ay si Aldred na ang hahalik sa akin which is hindi ko pwedeng kontrahin dahil magiging part iyon ng play.

Nakaramdam ako ng kaba kaya lumunok ako ng matindi and kinda unconciously wet my lips. Doon ko lang din napansin na dry pala yung mga labi ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapa-isip… Dahil sa biglaang pag-casting sa akin ay hindi na ako nakapaglagay ng kahit man lang lip balm. I wonder what Aldred will think once he feels my dry lips?

My god, Arianne, what are you thinking?!

Anyways, nakaka-frustrate na nakakakaba sa pwesto ko. Mga tanong like ano kaya yung iisipin ng ibang tao kapag nag-kiss kami ni Aldred? Ano kayang magiging reaksyon ni Natalie? Kailan kaya lalapit si Aldred dito? At paano niya ako hahalikan? Iyon ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko.

Nakakainis, plinano niya ba 'to?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng bigla kong marinig na magsalita si Natalie.

"Aldred, I love you,"

Nawala lahat ng bagay na kanina'y nasa isipan ko. Tumahimik ang paligid. Inisip ko na baka guni-guni ko lamang ang narinig ko. We are in the middle of the play. This is the last show, the VIPs are here watching… Why would Natalie say that? Is she confessing in front of the crowd?

Saglit lang ay napuno naman bigla ang kaninang na-blangko ko na pag-iisip. Umingay ang mga audience at dumagundong ang paligid. Maingay pero mas maingay ang naging pagtibok ng puso ko.

I tried to ignore everything but the commotion went on so long that it popped my previously growing curiosity. I opened my eyes and to my surprise, what I saw also opened an unknown hole inside my chest.

"Can you please send my kiss to the Princess," that is what Prince Phillip said after he parted his lips from the Black Prince.

Nagsigawan lalo ang mga manunuod to the point na kailangan na silang patahimikin.

Prince Phillip kissed the Black Prince...

"Anong—" hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil napupuno ng laway ang bibig ko at kailangan kong lunukin ito ng paulit-ulit.

Is it really Prince Phillip or Natalie?

I don't know what is happening or bakit nauwi sa ganoon ang nangyayari. One thing I know is I was so shocked by what I saw. Huli na noong mapansin kong nakabalikwas na ako at blangkong nakatitig lang sa kanila.

Nakatitig ako sa kanila noong mapalingon sa akin si Natalie.

"Ar— Princess Aurora," Natalie spouted, shock and worried are written all over her face. Aldred was also saying something too but my head began ringing and the audience went into an uproar.

The sight of Natalie and Aldred standing in front of the crowd. They look so compatible with each other. Natalie is beautiful, elegant, and confident, and Aldred looks handsome, cool, and also confident. The audience are cheering for them and for sure kapag naging sila ay maraming matutuwa.

I don't know why I began to feel so numb and pained at the same time. The ringing in my head continues and it feels like something's gonna burst. It continued until I felt that familiar feeling. The feeling that I thought I forgot but now is haunting me again.

"Arianne!"

My name is the only thing I heard between those rings and uproars while Aldred was running toward me. Like Natalie, his face shouts worry and is also combined with fear.

"No," I said as I turned my watery eyes at my now trembling hands. I am trying to fight it. I'm trying hard because I don't want to lose myself again no matter how it hurts…

No matter how frightening it is to look at Aldred and Natalie together.

Aldred spread his hands as if he was trying to reach me. I tried to move, I tried to reach him but every part of me became heavy. I felt fear again after a long time. The fear of losing someone. His tears… Aldred teared up and it was the last thing I saw before everything went black.

ALDRED'S POV

"We're sorry Miss Pristine. It is us who forced Miss Arianne to become Princess Aurora. Sinabi niya na sa amin na may stage fright siya pero nag-insist pa rin kami. Kami yung may kasalanan kung bakit siya nahimatay," saad ng isa sa tatlong estudyante na babae na nasa harapan ni Pristine.

Kasalukuyan akong nasa labas ng clinic ng SNGS at nakaupo sa mahabang bench. Nandito rin ang adviser ni Arianne, tapos sina Pristine, Bianca, Charles, Jerome at pati na rin sina Enrico at Felicity. Mahigit isang oras na ang nakakalipas noong magkagulo sa theater ng SNGS nang biglang mawalan ng malay si Arianne. Dahil dito ay hindi natapos ang play kaya't hindi rin namin alam kung ano ang naging impression ng mga VIPs.

"Don't blame yourselves. It's not your fault. Wala namang nakakaalam na mangyayari ito. Alam kong ayan din yung sasabihin ni Arianne paggising niya, so cheer up!"

Mapait na ngumiti ang tatlong babae.

"Bro, are you fine?" naagaw ni Carlo ang atensyon ko.

Umiling ako sa kaniya.

I can't be fine not until Arianne wakes up. Kanina habang nagmamadali akong lumapit sa kaniya ay nakita ko sa mga mata niya ang sobrang paghihirap. Something na sa tingin ko'y hindi basta-basta dahil lang sa stage fright. Her eyes showed fear but there's something more to it, something deep like she was about to lose something.

"Carl, kanina habang tumatakbo ako palapit sa kaniya nararamdaman ko na hirap na hirap siya. Na takot na takot siya, pero I doubt na dahil 'yon sa stage fright or dahil nasa harap siya ng maraming tao. May iba pang dahilan… nakakainis, bakit hindi ko nahawakan ka agad yung kamay niya para mapagaan ko man lang yung nararamdaman niya."

Napapunas ako sa aking mga mata dahil hindi ko maiwasang mapaluha sa inis sa aking sarili.

"Hey, ano ka ba Bro? 'Wag ka umiyak uy! Don't think too much. Gigising naman si Arianne and pagkagising niya doon mo siya kausapin," saad ni Carlo.

"Oo nga Al, 'wag mo rin sisihin yung sarili mo," saad naman ni Jerome. Napatingin ako sa aking tabi nang tumabi ng upo si Bianca sa akin.

"Don't fret yourself. Kung nakilala mo lang 'to si Aya dati normal na 'to. Sa recitation, reporting o individual activities, lagi siyang nauubusan ng hininga dahil sa kaba. Ayaw niya kasi na tinitignan siya ng mga tao which is impossible kasi agaw pansinin talaga siya. For sure kinabahan lang talaga siya lalo na na iki-kiss mo dapat siya sa harap ng maraming audience," sabi ni Bianca na kahit papaano'y nakapagpabawas ng alalahanin ko.

"Hey, okay na ba si Arianne?" Agad na tanong ni Natalie noong dumating siya kasama sina Eunice at Noreen.

Pareho kami ay nakasuot pa rin ng aming mga costume. Kanina pagkatapos ng insidente at unexpected na pagtigil ng play ay agad siyang pinatawag sa Director's Office.

"Hindi pa siya nagigisi—" Tumayo si Bianca para sagutin si Natalie pero hindi niya na natapos ang sasabihin nang dugtungan ni Pristine ng sampal ang sagot niya.

"Ouch,"

Napalingon ako kay Noreen dahil sa reaksyon niya.

Nagulat ako, actually hindi lang ako kundi lahat kaming nakasaksi. Pumagitna ang katahimikan sa amin at lahat kami'y tila nakiramdam. Tinignan ko si Pristine at nakita ko sa mata niya ang galit. Binaling ko ang aking mata kay Natalie at naabutan ko ang walang reaksyon niyang mukha. Malakas ang naging pagsampal ni Pristine sa kaniya pero tila hindi siya nasaktan base sa ekspresyon niya.

"Alam mo naman siguro kung bakit kita sinampal?" malamig na tanong ni Pristine. Sa sobrang lamig ay nagawa nitong panginigin ang mga buto ko. Nakakatakot talaga siya.

Hinintay kong sumagot si Natalie pero hindi siya umimik. Ni hindi siya tumingin sa mga mata ni Pristine. Yumuko siya at nakita ko sa mga mata niya ang kalungkutan. Nagbago lang iyon ng biglang magbukas ang pinto ng clinic.

"Gising na siya," seryosong saad ng school nurse.

Napatayo ako at nagbalak sanang sumugod sa loob pero parehas sa iba na gusto agad na makita si Arianne ay pinigilan kami.

"Bakit Miss?" tanong ni Bianca ng harangan siya.

Isa-isa kaming tinignan ng babae bago siya nagsalita, "Hindi ko pwedeng papasukin lahat."

"Eh? Bakit naman? Kahit ilan naman pwedeng pumasok sa clinic natin Miss ah?" reklamo ni Noreen hawak-hawak ang kaniyang camera.

Bumuntong hininga ang nurse saka tumingin ito kay Pristine bago sa kanilang adviser.

"Maam, I'm afraid we have a problem. Kapag pinapasok ko silang lahat baka magulo lang si Arianne," paliwanag ng nurse.

Nagtaka naman ako sa kaniyang pinarating.

Saglit na tinignan ng adviser nina Arianne ang nurse bago ito tumugon, "I see. Well, kung saan ang makabubuti, ikaw ang nakakaalam Nurse Maggie," saad ng adviser pero hindi na nakapaghintay pa si Pristine. Agad siyang pumasok sa loob, at ganoon din si Bianca at Natalie. Mabilis din akong sumunod sa kanila.

Pagkapasok namin ay naroon sa isang kama si Arianne at nakaupo. Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil mukhang maayos naman siya. May mga sinag ng araw galing sa bintana ang tumatama sa kaniya kaya kitang-kita ko ang maaliwalas niyang mukha. Nagulat nga ata siya sa amin dahil nanlaki ang kaniyang mga mata ng makita niya kami.

Sinundan kami ni Arianne ng tingin at nang biglang tumalon si Bianca paakap sa kaniya ay doon ko naramdaman ang tuluyang pagkawala ng aking pag-aalala.

Lumuwag ang aking paghinga.

"Aya, bwiset ka! Pinag-alala mo kami! Masyado mong dinama 'yang pagiging sleeping beauty at parang ayaw mo ng magising!"

Nagtawanan kami.

"Arianne kamusta? Okay ka na ba?" tanong naman ni Pristine.

Hindi ka-agad sumagot si Arianne, sa halip ay inisa-isa niya kaming tinignan. Para siyang bata dahil namimilog pa ang mga mata niya. Tila ba matagal na panahon niya kaming hindi nakita.

Pumasok sina Charles at Jerome kaya napalingon ako sa kanila. Pagbalik ko ng tingin kay Arianne ay nakatitig na siya sa akin. Gusto ko sana siyang ngitian ngunit habang tumatagal ang mga mata niyang nakatitig sa akin ay unti-unti itong nagbabago. Iniwas ni Arianne ang kaniyang biglaang naglungkot na paningin bago ibalik sa amin ang tuluyan niya ng malungkot na ekspresyon.

Tinanggal ni Arianne ang pagkakaakap sa kaniya ni Bianca bago siya nagsalita.

"Ano, I'm sorry but... may I know who are you guys?"

END OF VOLUME III

♦♦♦


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C76
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión