PAST
Bago pa makasagot si Dale ay tumikhim na si Trish.
"Ehem! Ehem! Baka gusto nyong sa loob na lang mag-usap?"
Tumingin ang dalawa sa kanya.
"Okay lang ba sa'yo?" alangan na tanong ni Dale.
"May magagawa pa ba ako?" sabay bukas ng tuluyan sa pinto.
Sumunod na si Dale kay Trish sa loob habang si Edward ay nasa labas ng pinto.
Bumaling sa kanya si Dale.
"Pasok ka na Edward!"
Tumingin ng seryoso sa kanya ang asawa.
"Are you really letting me in Dale?And I'm not just talking about this door. I mean, in your life too!"
PRESENT
They saw their parents and approached them.
But Dale's eyes are still searching the crowd.
And when she saw them, her eyes immediately got teary-eyed.
Her babies are here!
The twins ran towards them.
Bumitaw sa kanya ang asawa para salubungin ang dalawa.
PAST
Natigilan si Dale sa tanong ni Edward sa kanya.
Handa na ba syang tanggapin ulit si Edward sa buhay nya?
Are the flowers, the letters & her dream house enough for her to forgive him already?
Does she want more?
Does she need more?
Isn't his presence here enough?
Umiling si Dale.
Nanlumo si Edward sa sagot ng asawa.
Huli na nga yata ang lahat para sa kanila.
"I'm...sorry...I...should... go..." nauutal na sabi ni Edward.
Dali-dali na syang tumalikod kay Dale bago pa nito makita ang mga luha sa mga mata nya.
PRESENT
"Careful, baka madapa kayo!"
Agad na kinarga ng asawa ang anak na babae habang hawak sa isang kamay ang anak na lalaki.
The girl kissed her dad's cheek.
Daddy's girl talaga ito.
Their son tugged at his hand, impatient to reach his mom.
Mama's boy definitely.
PAST
Nagulat at nadismaya naman si Dale sa pagtalikod ni Edward.
Pipigilan nya ba ito?
Pero hindi pa man sya nakakapag-isip ay humarap na muli sa kanya si Edward.
Nanlaki ang mga mata nya sa sumunod na ginawa nito.
Lumuhod ito sa harapan nya at niyakap sya.
PRESENT
Sinalubong na sila ni Dale.
Their son let go of his hand and immediately launched himself to his mother.
"Mommy!"
Bumaba si Dale para yakapin ang anak.
"You missed me?"
Tumango naman ito.
"I missed you too sweetheart!" sabay halik dito.
Tumayo sya at hinawakan ang kamay ng anak na lalaki.
Lumapit sya sa anak na babae at hinalikan din ito sa pisngi.
"How about you sweetheart? Did you miss me too?"
And their daughter nodded her head.
"Did you enjoy your vacation with Wowo and Mommyla?"
PAST
"Please...Dale...please...just let me love you...hindi ko na kakayanin pa ang malayo sa'yo..." pagmamakaawa sa kanya ni Edward habang walang tigil ito sa pag-iyak.
"I'll do anything for you to forgive me just please wag mo na akong palayuin sa'yo!"